“Come to think of it, bigla nagbago si Bea after ko kayong makita sa coffee shop na sinasabi ninyo na bonding time ninyo” sabi ni Alex na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Tumingin siya dito at kita niya sa mga mata nito na may idea na ito na kinausap niya si Bea. Inaantay na lang nito na umamin siya dito.
“After that day nang makita ko kayo sa coffee shop where you both said na nagbobonding kayo may nabago kay Bea. She started making excuses not to join us, lalo na ng mapahiya siya when you did not include her in the food you prepared for us. Hindi ko na siya pinilit na sumabay maglunch with us dahil alam kong she was really upset by what you did” anito na naningkit ang mata. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin lang dito.
After ng paguusap nila ni Bea sa coffee shop ay napansin nga niya ang pagiwas nito na sumama sa kanila. Nagumpisa na rin siyang bumisita sa office ni Alex. Dahil nga sa fiance na siya nito at hindi na basta girlfriend lang ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na puntahan ito during lunch time para sabay silang kumain pero sa kasamaang palad ay kasalo pa rin nila si Bea sa tanghalian.
Madalas ay nag-oorder sila ng food o kaya naman ay may dalang baon si Bea na niluto nito para sa kanilang tatlo. Naiingit siya dahil nagagawa nitong ipagluto ang fiance kaya ang ginawa niya ay nagluto din siya pero para sa kanilang dalawa lang ni Alex. Hindi niya talaga inisip na isama si Bea dahil naiinis nga siya pero nagalit si Alex dahil napahiya at nasaktan ang bestfriend nito.
“What the hell, Kris?” Nang makita nito ang pagkain na hinain niya ay para sa kanilang dalawa lang. Kita niya na tila maiiyak si Bea nang makita ang pagkain sa lamesa alam nito na hindi niya ito isinama sa nilutong pagkain.
“It’s okey, B” kita pa niya ang namumulang mukha ni Bea at alam niyang napahiya ito sa ginawa niya. “Sa canteen na lang ako kakain.” Anito na lumakad na palayo sa lamesa.
“No, I will order food so you won’t have to go down there.” Pigil ni Alex sa kaibigan.
“It’s okey, B” Sabi ni Bea na ngumiti pa pero tumulo na ang luha na mabilis nitong pinahid at saka mabilis na lumabas sa office ni Alex.
“I can’t f*****g believe you, Kris!” Sigaw nito sa kanya. “Look at what you did you upset her. I’m warning you, don’t you dare pull this stunt again. The next time you make her upset, I will make sure that you will regret that day.” Galit na sabi nito sa kanya at saka umalis para sundan ang kaibigan.
Napaupo siya at napaiyak, hindi din niya malaman ang gagawin dahil nahiya siya sa nagawa. Maling-mali na hindi niya ito inisip ng magluto siya, para tuloy lumalabas na ayaw niyang pakainin ito ng pagkaing hinanda niya. Pero lagi siyang kasama pag nagluto ito. Iyon naman talaga ang balak niya pero ng maisip na mali ang ginawa niya ay nahiya siya hindi lang kay Alex at Bea kundi pati na rin sa sarili niya.
Alam niyang mali ang ginawa niya hindi niya naisip na puwedeng masaktan si Bea sa naging actions niya. Nagpadala siya sa inis at selos na nararamdaman kahit alam niyang wala naman itong ginagawang masama sa kanya. Ang lahat ng kinikilos at ginagawa ni Alex ay sariling desisyon nito, walang kinalaman si Bea doon. Nakikita rin naman niya ang pagtangi nito kada isasama ni Alex sa mga lakad nila pero wala ring talagang magawa ito lalo na pag nagalit na ung isa.
Pagkatapos ng insidenteng iyon ay napansin niya na hindi na sumasabay sa lunch nila si Bea, silang dalawa na lang ni Alex ang magkasabay na kumakain. Masaya na sana siya pero ang naging kapalit noon ay ang kawalan ng oras nito sa kanya sa gabi. Gusto man niya na makasama ito after ng office hours ay hindi na puwede dahil ang gabi nito ay nakalaan na kay Bea. Gusto man niyang magreklamo ay hindi niya magawa dahil iyon ang naging kapalit na masolo niya ito during lunch at siya ang may dahilan kung bakit naging ganon ang set up nila.
“So my dear fiance. Hindi mo sinunod ang mga babalang binigay ko sa iyo and you still continue with your foolishness.” Mataas na boses ni Alex ang pumutol sa pagiisip niya. “You f*****g ignore my warning!” Sigaw nito na ikinagulat niya. Kitang kita niya ang pamumula ng mukha nito sa galit.
“I only did what I thought is right, Alex” sabi niya dito. Gusto niyang ipagtangol ang sarili dahil alam niyang tama ang ginawa niya. Para sa kanya ay walang mali sa ginawa niyang pakikipagusap sa bestfriend nito. “Ano ba ang ikinakagalit mo? Mali ba na kausapin ko si Bea? To tell her na hindi na dapat siya sumasama sa mga lakad natin? Mali ba na pakiusapan ko siya na bigyan tayo ng oras para makapagbonding na hindi natin magawa dahil lagi siyang andiyan?” Galit na rin na sabi niya dito
“Is it wrong for me to tell her to back off and gave us a f*****g chance to really get to know each other. Mali ba yon?” Sigaw niya dito.
“Yes!” Sigaw nitong balik sa kanya “Wala kang karapatan na panghimasukan kung ano ang relasyon namin ni Bea. Sino ka para pakialam ang kung anong meron kami?” Naningkit ang matang tanong nito sa kanya “Who gave you the right to question her about our friendship? Sino ka para utusan siyang lumayo sa akin at bigyan ka ng oras para makasama ako?”
“You dare test the bond that she and I have. I’ve been honest with you sa simula pa lang kung gaano kahalaga at importante si Bea sa buhay ko. I even told you that between the two of you it will always be her. Maybe iniisip mo na may mababago dahil sa fiance na kita but you thought wrong my love. Nothing will change it will still be always her. You forgot your place and ignore my warnings.”
“I will not change what I did dahil alam kong nasa tama ako even Bea understand where I’m coming from and agreed to give us the time that we need. Buti pa siya. .”
“So you were able to f*****g convince her. That is the reason kung bakit ganoon siya umakto sa harapan ko. You feed her mind with all your b*******s. I know you used the fiance card on her that is why she agreed to do what you asked her.”
“This is your last warning, Kris. You already committed many mistakes against my baby pero pinalampas ko iyon dahil sa agreement namin ng Papa mo but if you will continue this s****d things that you’re doing and Bea is the one who is getting hurt I don’t mind breaking an agreement. Please control your self and don’t force me to do things na alam mong sa sarili mo ay hindi mo gugustuhin.”
“You may be my fiance sa harap ng publiko but make no mistake. Because like I told you before hindi ako magdadalawang isip na saktan ka sa oras na masaktan si Bea. Akala mo ba hindi ako aware sa kung anong ginagawa mo? Sinasadya mong gawin ang mga bagay na ginagawa mo para saktan at pasukuin si Bea but my love, me and her is way pass those things. Hindi mo kami kayang tibagin.”
“You already did three strikes, the Zambales incident, the lunch and now this talking to her behind my back. Asking her to give you and me time to spend together. Sa mga pagkakataon na iyon ay gusto mong ipamukha kay Bea kung sino ka sa buhay ko pero you forgot kung sino si Beatrice Marie Marasigan sa buhay ko.”
Napatingin siya sa sinabi nito kitang kita niya ang galit sa mga mata nito. “Ako ang fiance mo, Alex at gaya nga ng sabi mo the public knows it. Ako ang niligawan mo at sinuyo m, ako ang inalok mo ng kasal at katibayan ang singsing..”
Tawa nito ang pumutol sa sasabihin pa niya. Tumingin siya dito at sinalubong nito ang mga titig niya. “You know nothing, Kris. Don’t get over your head because of the ring on your finger. Don’t you forget that since I’m the one who put it. I can easily remove it and I will not even blink an eye while doing it.” Sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.
“Stay away from my baby don’t you dare come near her again because the moment you do. I will not hesitate na tapusin ang palabas na ito na kung saan sigurado ako na ikaw ang uuwing luhaan.” Nanguuyam na sabi nito pagkatapos ay umalis na.
Pinanuod niya na lang ito habang paalis at nang wala na ito sa paningin niya ay napaupo siya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Unti unting tumulo ang luha na kanina pa niya pinipigilan.
Hindi maiwasan ni Bea ang umiyak nang umalis na si Alex. Niligpit niya ang lamesa at bumalik sa kuwarto niya. Nalulungkot siya dahil galit na naman ito. Napapadalas ang away nilang magkaibigan dahil gusto niyang pagbigyan ang hiling ng Fiance nito. Alam naman niya na tama ang mga sinabi ni Kris nang magusap sila. Dapat naman talaga na bigyan niya ang dalawa nang pagkakataon na makapagspend ng time na magkasama lalo na at malapit nang ikasal ang mga ito.
Lagi na lang silang nagaaway magkaibigan pag sinasabihan niya ito na magspend ng time with Kris. Away na nagpapahirap sa damdamin niya dahil gusto niya na maging masaya ang mga natitirang araw na magkasama sila. Kaso kabaligtaran nga nang gusto niya ang nangyayari. Sa kagustuhan niya na mapagbigyan si Kris ay magkakaruon naman ng lamat ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Alex.
Naputol ang pagisiip niya nang tumunog ang cellphone niya at nakita niyang si Kent ang natawag, nagaatubili man dahil naisip niya na magagalit si Alex pag nalaman nito na kinusap niya si Kent pero sinagot pa din niya ang tawag. “Hello” aniya. “Bea, hello” sabi nito sa kabilang linya. “Yes, napatawag ka?” Tanong niya dito.
“Asan ka?” Tanong nito.
“Andito ko sa bahay, bakit?” Tanong niya dito
“Ito kasing si Alex ay lasing na, puwede mo bang sunduin para umuwi na at kanina pa ito nainom.” Sabi nito sa kabilang linya.
“Nasaan ba kayo?” Aniya at tumingin sa wallclock. Mag aalas kuwarto pa lang napakaaga para uminom ito.
“Andito sa Hideout” sagot nito. Malapit lang iyon sa condo nila
“Sige, papunta na ko” aniya at binaba na ang tawag at saka nagmamadali nang lumabas ng condo para sunduin si Alex. Makalipas ang thirty minutes ay nasa tapat na siya ng bar at nakita niyang nasa labas na ang dalawa.
Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan at lumapit sa dalawa. “Anong ginagawa mo dito?” Masungit na sabi nito sa kanya.
“Sinusundo kita, B” mahinahon na sabi niya dito. “Halika na” akmang hahawakan niya ito pero tinabig nito ang kamay niya. Nagulat man sa inasal ng kaibigan pero binalewala niya at alam naman niyang lasing lang ito.
“Bro, sabi ko ihatid mo ko sa condo ko hindi para magpasundo sa babae na ito” galit na sabi nito na tinuro siya.
“Bro, ihahatid naman talaga kita pero mas maganda kung kasama si Bea para may magasikaso sa iyo.” sabi ni Kent
“Hindi ko kailangan nang magaasikaso sa akin. Lalo na kung ang babaeng iyan.” sabi nito sa nanguuyam na tinig
“B, alam ko na galit ka pero halika na uwi na tayo” mahinahon pa rin niyang sabi dito at sumubok uli na alalayan ito pero tinulak siya nito. Buti na lang at hindi siya natumba. Nagulat siya sa ginawa nito at gusto niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili.
“Ako na ang aalalay sa kanya, Bea.” sabi ni Kent na tila naiinis na. “I ready mo na lang ung sasakyan” anito na nginitian siya. Binuksan niya ang backcseat at sumakay na sa drivers seat. Nilingon niya ang dalawa habang sinasakay ni Kent si Alex sa loob ng sasakyan na masama ang tingin sa kanya.
“Samahan na kita hangang sa condo at mukhang mahihirapan kang iakyat ito” sabi ni Kent, tumango na lang siya at nagdrive na pauwi. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa condo at kagaya nang una ayaw magpahawak sa kanya ni Alex kaya si Kent na ang umalalay dito hanggang makarating sa tapat ng condo niya pero tumangi ito at sinabi na doon uuwi sa sarili nitong condo.
Kaya sinunod nila ang gusto nito. Nang mabuksan ang pinto ay nauna na itong pumasok at sumunod silang dalawa ni Kent. Naabutan nilang nakaupo na ito sa may sofa. “Bro, halika na doon ka na matulog sa kuwarto mo” sabi ni Kent “Kaya ko na, Bro” tanggi nito “Iwanan mo na ko at isama mo ang babae na iyan.” galit na sabi nito at saka pumikit at sumandal sa may sofa.
“Bro, ano ba pinagsasabi mo?” Iritable nang sabi ni Kent dito “Si Bea iyan, hindi kung sino mang babae” tila nagtitimpi na sabi nito
“Ayon na nga eh, si Bea siya, si Bea!” Sigaw nito “Ni minsan hindi ko naisip na gagawin mo ito behind my back! I trusted you pero at the end of the day you still choose to betray me.” Anito na punong-puno ng pagtatampo ang boses.
Nagulat man silang dalawa sa sinabi nito ay inawar pa rin ito ni Kent. “Bro, tama na iyan. Bukas na ninyo pagusapan iyan at lasing ka. Pagsisisihan mo iyang mga sinasabi mo pag mahimasmasan ka.”
“Ang tanging pinagsisisihan ko ngayon ay naniwala ako na mahalaga ako sa iyo Beatrice Marie Marasigan. Na were both strong and walang kahit na anong makakasira sa atin. But I guess, I was wrong dahil hinayaan mong sirain tayo ni Kris.” Sabi nito. Kitang kita niya ang galit at sakit sa mga mata ni Alex. Hindi man nito sabihin ay alam niyang alam na nito ang naging usapan nila ni Kris.
“B, let me explain naman” pagsusumamo niya dito.
“Explain what?” Nanguuyam na sabi nito sa kanya. “Para bilugin ulit ang ulo ko. You promised me that time na wala ka nang ibang uunahin aside from me. That no matter what I will be always your priority and that we will not hide anything from each other.” Anito na umiling pa. “But you failed my, baby. The first time Kris approached you, you failed.”
“Bro, tama na iyan.” Awat ni Kent dito.
“Hindi sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin. Hindi mo ako kagaya, Bea na duwag at sinungaling.” Anito na ayaw talaga magpaawat. “Tayo ang magkaibigan di ba?” Matagal na tayong magkaibigan pero hindi mo iyon binigyan ng halaga nang pumayag ka sa gusto ni Kris.” Iiling iling na sabi nito sa kanya. “Sino ba ang nagsabi na dapat mong sundin ang gusto niya?”
“B, please.”Naiiyak na sabi niya. Nasasaktan siya sa nakikitang galit sa mga mata nito.
“Don’t you dare cry!” Sigaw nito na nagpagulat sa kanya at kay Kent. “Kent, please just get her out of here. Hindi ko talaga kaya na makita siya ngayon.” Sabi nito bago sila iniwan at pumasok sa kuwarto nito.