Aksidente lang niyang nalaman ang gawain na iyon ni Alex dahil nga sa ika-isang taon nila ay tumawag siya ng maaga para batiin ito pero hindi siya handa sa nalaman. Si Bea ang sumagot ng cellphone nito na base sa boses nito ay alam niya na kagigising lang at sinabi nito na nasa banyo si Alex. Hindi siya nakapagsalita at ibinaba ang tawag. Gulat na gulat siya sa natuklasan at ang daming tanong sa isip niya.
Bakit sa banyo ng kuwarto ni Bea naliligo ang nobyo? Doon ba ito natulog pero bakit kung doon nga? Magkatabi ba silang natulog o sa kabilang kuwarto si Alex nagpalipas ng gabi? At ang tanong na ayaw man niyang isipin ay may nangyayari ba sa dalawa? Gusto niyang umiyak dahil kumirot ang dibdib niya sa idea na may nangyayari sa dalawa. Sila ni Alex ay simpleng halik lang sa pisngi ang nagagawa, hindi siya nito hinalikan sa labi kahit kailan kahit na ang paghawak sa kamay niya ay bihirang gawin nito tapos ang dalawa ay tabing matulog.
Umiling siya hindi niya na alam ang dapat isipin pero hindi naman siguro gagawin iyon ng dalawa sa kanya. Pero si Bea ang sumagot ng tawag niya at sa ganitong oras. Mag-seven pa lang ay imposible na lumipat si Alex para makiligo sa banyo ni Bea. Huwag ka magisip ng kung ano-ano, Kris. Saway niya sa sarili may dahilan at paliwanag ang nalaman mo. Kailangan mo lang intaying ang paliwanag ni Alex. Inantay niya na tawagan siya ng nobyo pabalik pero walang nangyaring ganon.
Bago maglunch time ay may dumating na flower boquet galing kay Alex para sa kanya at simpleng “Happy Anniversary!” lang ang nakalagay sa card. Busy si Alex dahil nagumpisa na itong hawakan ang GLS Corp na company ng family nito kaya hindi sila makakalabas para magcelebrate. Pero hindi talaga siya mapakali kaya ang ginawa niya ay pinuntahan niya ito sa office. Lalong sumama ang loob niya ng maabutan niya si Alex at Bea na kumakain ng lunch.
“What are you doing here?” Nakakunot na noong tanong nito sa kanya. “Wala naman tayong usapan na magkikita today?”
“Kain, Kris” yaya naman ni Bea sa kanya.
“I want to talk to you” seryosong sabi niya “Bea, I hope you don’t mind. But I need to talk to Alex in private.” Sabi niya dito ng mahinahon kahit pa na gusto niya itong komprontahin.
“Oo naman” sabi nito na nagmamadaling tumayo pero hinawakan ito ni Alex sa kamay at pinigilan. “Hindi ka pa tapos kumain, B.” Sabi nito na hinila ulit paupo ang kaibigan.
“Busog na ko” sabi nito at nagtangangkang tumayo ulit pero pinigilan ulit ito ni Alex. “Finish your food” seryosong sabi na nito.
“Dadalhin ko na lang ito ca cafete. .”
“No” Pagputol ni Alex sa dapat na sasabihin ni Bea. “Makakapagantay naman kung anong sasabihin ni Kris, hindi ba?” At nilingon siya.
Gusto man niyang sigawan ito at magwala ay pinanatili niya ang sarili na kalmado. “Sige na, Bea. Finish your food, I can wait.” Aniya at naglakad papunta sa upuan na nasa harap ng lamesa ni Alex. Ayaw man niya pero tinignan niya ulit ang dalawa ng makaupo na siya. Sunod sunod ang subo ni Bea na halatang nagmamadali pero inawat ito ni Alex at kinuha ang kutsara sa kamay nito.
“Kumain ka ng maayos hindi mo kailangang magmadali.” Saway ni Alex dito pero ngumuso lang si Bea at hindi makapagsalita dahil puno ng pagkain ang bibig nito. Inabot nito ang baso at uminom. “Nagaantay si Kris.” Anito at kinuha ang kutsara kay Alex pero hindi ito pumayag. Ang ginawa nito ay kinuha ang pinggan ni Bea at sumandok ng pagkain para isubo dito.
Inalis niya ang tingin sa dalawa ng tumingin si Bea sa kanya “Ako na” Dinig niyang sabi nito.
“Kung magmamadali ka sa pagkain at hindi aayos ako ang magpapakain sa iyo. Sinabi na ni Kris na makakapagantay siya.”
“Okey, okey. Kakain na ng maayos.” Pagsuko ni Bea at inabot naman ni Alex ang kutsara pabalik dito pati na ang plato ng pagkain. Makalipas ng Ilang minuto ay natapos na rin itong kumain at niligpit ang lamesa habang natulong si Alex. Nang matapos ay nagpaalam na ito sa kanya at kay Alex pero parang ayaw pa nitong paalisin ang kaibigan.
“Love” Tawag niya dito dahil hinaharangan pa nito ang paglabas ni Bea.
“Wait” Sabi nito sa kanya at saka bumaling ulit kay Bea “Be ready by five, okey?”
“Yes, B” Anito at aktong lalabas na pero hinila ulit ni Alex at niyakap. Tumingin sa kanya si Bea at tinapik sa balikat ang nobyo niya at saka kumalas sa yakap nito. Pinanuod ni Alex na umalis ang kaibigan at saka ito naglakad papunta sa lamesa. Naupo ito sa swivel chair at saka siya hinarap.
“What brings you here? I told you I’m busy?” Tanong nito habang nakatitig sa kanya at kita niya ang inis sa mga mata nito.
“Busy? Oo busy ka sa sobrang busy mo may oras ka pa nga na sabayan si Bea na kumain.” May inis na sabi niya dito.
“You know that I will always hae time for her. Nakalmiutan mo na ba?” Sagot nito sa kanya na tila ba balewala lang dito ang inis niya.
“Busy ka talaga mukhang may lakad pa nga kayo mamaya.”
“Yes, may lakad kami mamaya and I’m really busy kaya sabihin mo na kung anong gusto mo na pagusapan natin.”
Tinitigan niya ito at kita niya ang inip sa mukha nito. Tila ba gusto na siyang paalisin pero hindi siya aalis hanggang hindi nakukuha ang sagot mula dito at hindi siya papayag na lokohin ng dalawa at gawing t***a. Sa kabila ng kabang nararamdaman ay sinalubong niya ang titig nito “Are you sleeping with Bea?” Matapang na tanong niya dito.
Nakita niya ang pagdaan ng amusement sa mata nito at ang pagngiti nito habang nakatitig sa kanya. Ilang minuto pa siya nitong tinitigan bago sumandal sa swivel chair.
“Do you think that I will do that to my baby when I’m in a relationship with you?” Tanong pabalik nito sa kanya.
“Well, this morning she did answer your phone when I call you.” Sarcastic na sagot niya dito.
“Yes, she did answer my phone because your call wake her up. It was still to early but your already callling me that disrupted her sleep. She is supposed to wake up after seven only.” May inis ng sabi nito sa kanya.
“How am I supposed to know that she is still sleeping? And why your phone is in her room and why is she answering your calls?” Naiinis na sagot din niya dito hindi niya kayang pigilan ang galit na nararamdaman.
“Well, Love. If you used your mind at least you should have think tiwce beforee calling me at six am in the morning. Do you know how many missed calls I recceived from you? Ten, you already have ten missed calls when she answered my phone.” Sabi nito sa nangiinsultong tono.
“You don’ get to talked to me in that way baka nakakalimutan mong ako ang girlfriend mo.” Medyo napataas ang boses niya dahil sa tono ng pananalita nito. “And what are we even arguing about? Nagagalit ka dahil naistorbo ko ang tulog ng bestfriend mo? Ako ang girlfriend mo and I think I’m entitled to call you anytime dahil mas lamang ang posisyon ko sa buhay mo keysa sa isang kaibigan lang.” Galit na sabi niya dito at tinignan ito ng masama.Pero tawa ang naging sagot nito sa kanya na lalong nagpainis sa kanya.
“The issue here is you’re sleeping with Bea and you are cheating on me.” Sigaw niya dito.
Huminto ito sa pagtawa at tumingin sa kanya. Gusto niyang panghinaan ng loob ng makita ang seryosong mukha ng nobyo. “Kris, did you forget what I told you before?” Mahinahong tanong nito sa kanya. Pero alam niya na ang kasunod noon ay delubyo dahil nakikita na niya ang galit sa mata ng nobyo. “Bea is the queen. No one not even you get to question her position in my life. She can answer my phone, she can even break it if she wants and I will not complain because like I told you” Umayos ito ng upo at tinitigan siya sa mata “She. Is. The. Queen.”
“And again, I’m telling you, dahil mukhang nakalimutan mo na know your place. But to be fair also to you, my love. I will answer your question and accussations this time but it will be the first and last time I will be addressing this.” Sabi nito sa kanya na hindi inaalis ang titig sa mga mata niya. “I’m not sleeping with Bea and I’m not cheating on you with her either. The next time you accuse me and Bea of infidelity, this you being my girlfriend will stop and I dont f*****g care whatever the outcome will be.” Sabi nito na nagpagulat sa kanya.
“Don’t look so suprised, do you think I will just take lightly what you said about me and my baby?” Tanong nito “You don’t get to think about my relationship with her with your filthy mind.” Galit na sabi nito. “But I will satisfy your curiosity as to why she answered your call. I’m staying at her place and staying means I live with her.” Sabi nito na para bang balewala lang ang sinabi nito sa kanya.
Lalo siyang nagalit sa narinig buhay dito. “How can you live with her? If dapat na may kasama kang makipag-live in it should be me and hindi siya!” Galit na sabi
“Live in?” Tanong nito sa kanya na salubong ang kilay. “Be carefull with your words, Kris.”
“Why should I be carefull? You and Bea should be the ones who need to be carefull. What do you think my family and your family will say about this once they get learn that you’re playing house with her.” May pagbabantang sabi niya dito. Sobra na ang ginagawa ni Alex dapat malaman nito kung saan ilulugar ang kaibigan.
Hindi ito kumibo at nanatiling nakatitig lang sa kanya. Pero nagtaka siya sa naging sagot nito makalipas ng ilang minutong pagtitig sa kanya. “You can tell them if you want.” Nanghahamong sabi nito sa kanya na tila balewala lang dito ang pananakot niya. Lalo siyang nagtataka dahil parang hindi nito iniisip ang puwedeng mangyari once na malaman ng pamilya nila ang pagtira nito sa iisang condo na kasama si Bea.
“Are you for real?” Nagtatakang tanong niya dito. “Today is our special day, we are supposed to celebrate it together but since you said your busy. I give way pero inabutan kita having lunch with your bestfriend and at the same time Iearned that you’re living with her. I don’t understand you, Alex. I really don’t.” Nahahapo na sabi niya dito dahil hindi na niya alam ang dapat sabihin.
“Kris, it’s very simple. I don’t f*****g give a damn if you understand or not. Mukhang hindi malinaw sa iyo kung saan ang puwesto mo sa buhay ko.” Sabi nito na nailing pa. “No one and I repeat no one has the right to question whatever Bea and I have. Kahit pa ang family ko, ang pamilya mo at lalong-lalo na ikaw.” Sabi nito sa kanya na lalong nagpagulo ng isip niya.
“And you don’t have any right to threaten Bea. Talaga yatang gusto mong subukan kung ano ang kaya kong gawin para protektahan siya.” Anito na hinahamon siya base sa tono ng pananalita ntio.
Hindi niya na alam kung anong isasagot dito. Siya ang girlfriend pero parang sa inaakto nito ay si Bea ang girlfriend nito. Sobra ang pagprotekta ni Alex sa kaibigan. Gusto man niyang intindihin ito ay hindi na rin niya mabigyan ng dahilan ang labis na pagpapahalaga nito kay Bea na kung tutuusin ay kaibigan lang nito. Magbestfriend ang dalawa at tanggap niya iyon pero alam niya sa sarili niya na there is something going on na hindi niya alam, na hindi nila alam. Malamang kahit na si Bea ay hindi din alam ang totoong nararamdaman ni Alex para dito. Isa lang ang naiisip niyang sagot at gusto niyang malaman kung totoo ang nasa isip niya “Do you love her?” Tanong niya dito at tinitigan ito sa mata.