“What did you do?” Tanong nito sa kanya sa galit na tono.
“What do you mean, Love?” Tanong din niya dito pero alam niya na kung ano ang sagot sa tanong nito.
“You don’t know? You f*****g don’t know what I mean?” Sigaw nito na nagpagulat sa kanya kaya napaatras siya sa takot dito. “You f*****g upset my baby!” Sigaw nito ulit sa kanya at kitang kita niya ang galit sa mga mata nito. “Do you think that being my girlfriend gives you any right to treat Bea that way? Do you really think that you can upset her without bearing any consequences?”
Inaasahan man niya pero nagulat pa rin siya na malamang nakarating na dito ang ginawa niya kanina kay Bea at ngayon nga ay galit na galit ito sa kanya. “I’m just, I’m just teasing her. Lo-love, it doesn’t mean anything” natatakot na paliwanag niya dito.
“Your teasing her?” Tila hindi makapaniwala ito sa binigay niyang paliwanag “The way you call her princess does not sound that your teasing her. Even Kent and Leo can hear the scarcasm in your voice.”
“Did you forget how important Bea is to me?” Tanong nito at hindi niya malaman kung ano ang isasagot dito. “Kris, I clearly mention it to you that she will be with me forever. If you think that one day you can ask me to leave her or she needs to go because you feel jealous or insecure about her. You can be sure that between the two of you, your the only one who will be gone in my life, in our lives.” Sabi nito na hindi pa rin humuhupa ang galit.
“Lo-Love, I’m sorry. I’m sorry. I will apologize to Bea and ask for her forgiveness. It was not my intention to upset her” Mahinang boses na sagot niya dito “I- I got jealous and was upset because you choose to go with her. I’m your girlfriend but still you choose her.” May tampong sabi niya dito umaasa na mauunawan nito ang ibig niyang sabihin. “Tapos ang tagal na rin naming nagaantay kaya medyo nakapagsalita ako ng hindi dapat but I will apologize to her.” Paliwanag niya dito.
“This is the first and last time I will say this and I hope that you keep it in mind. My baby always comes first before anything else even before you. She can do and say anything she wants because Kent is right, she is the queen. I will always have her back and if someone dares to hurt her or make her cry. I will make sure that those person will pay for all the pain she feel and for all the tears that will fall from her eyes and you my love are no exception.” Sabi nito na nginitian pa siya pero alam niya na iba ang nasa likod ng ngiti na iyon.
“I-I, understand love. I understand.” Tanging nasabi niya dito
“Know your place, Kris. If you feel threathen by her or you just simply had a bad day. Please don’t upset her like what you did today. Because I get more upset seeing my baby like that and you don’t want seeing me upset. Please inform Kira that I don’t like what she did but I will let it pass this time.” May pagbabantang sabi nito.
Sa buong durasyon ng pagstay nila sa farm ay nanatiling malamig sa kanya si Alex. Lagi itong nasa tabi ni Bea at nakabantay. Para itong leon na nakamasid at handang atakihin siya sa sandaling makagawa siya ng maling hakbang. Nang makabalik sila ng Manila ay napagdesisyunan niyang huwag ng pagkaabalahan pa si Bea. Babalik na lang siya sa dati na dedma lang dito lalo na at siya naman ang girlfriend lamang man ito ng mga privileges na binibigay ni Alex pero siya pa rin ang girlfriend at hindi ito.
Naging maayos naman ang dalawang taon nilang relasyon ni Alex. Hindi man expressive si Alex sa kanya ay masaya naman siya dahil alam niya na sa kanya ang lalaking matagal na niyang minamahal at katuparan nang pangarap niya ang maging nobya nito. Pero nanatiling parte pa rin ng buhay nito at ng relasyon nila ang bestfriend nito na lagi nilang kasama sa lahat ng lakad nila. Mapa lunch, dinner o kahit manood ng sine ay kasama ito.
Lalo na sa mga out of town trips, mas lalong hindi puwede na hindi ito kasama. Hindi napayag si Alex na maiiwan ito, especially pag out of the country trips. Ito ang mas madalas na kasama ng nobyo keysa sa kanya. Nakikita naman niya ang pagtangi nito na sumama sa mga lakad nila. Pero wala ring nangyayari dahil hindi nito napapayag kahit minsan si Alex.
Halata din na naiilang ito pag kasama nila marahil ay alam nito sa sarili na hindi ito dapat na sumama sa mga lakad nila o dahil sa hindi sila close. Pag nalabas sila ay nakafocus naman ang atensiyon ng nobyo sa kanya pero hindi naman totally na hindi nito papansinin si Bea uunahin muna nito ang kaibigan sisiguraduhin na komportable ito at pag nakasettle na ito ay saka naman siya aasikasuhin.
May mga pagkakataon na hindi ito puwedeng isama ni Alex, iyon yong mga dinner or party na kasama ang magulang niya o nito pero hindi din ito nagtatagal at laging nagmamadali. Ang unang pagkakataon na hindi nila ito nakasama sa lakad ay noong nagcelebrate sila ng first month anniversary nila bilang magnobyo. Pero hindi din nakafocus si Alex sa kanya dahil panay padala nito ng text sa kaibigan para alamin kung nakauwi na ito.
Hindi ito nasagot at halos isang oras nang hindi mapakali si Alex kaya ng hindi na makatiis ay nagpaalam sa kanya na tatawagan si Bea. Bago pa siya makapagsalita ay lumabas na ito at nang bumalik ay nagsabing ihahatid na siya dahil hindi nito macontact ang kaibigan. Nagaalala ito dahil nagcommute lang ito pauwi. Gusto man niyang tumutol ay wala siyang magawa lalo na at wala na ito sa mood.
Hindi nakakalimot si Alex sa mga importanteng okasyon at laging may regalo. Pero ni minsan ay hindi niya narinig ang salitang “I love you or kahit Mahal kita.” Hindi din naman niya sinasabi kay Alex na mahal niya ito dahil nahihiya siya na mauuna pa siyang magsabi dito.Nang ligawan siya nito ay sinabi lang na gusto siya nito at kung puwede na maging girlfriend nito. All her expectations sa magiging relasyon nila ni Alex ay hindi nangayri dahil sa kabila ng katotohanan na may girlfriend na ito ay hindi pa rin nawala ang bestfriend nito sa buhay nila.
May hinala siya na hindi lang kaibigan ang tingin ni Alex kay Bea. Malamang ay hindi lang ito aware sa totoong nararamdaman para dito o baka itinatago lang din nito ang pagkagusto kay Bea. Dahil kung pagbabasehan ang lahat ng actions nito ay kahit sino ay iisiping may gusto ito sa kaibigan. Pero wala naman siyang maisip na dahilan para ligawan siya nito kung may gusto man ito kay Bea. Inisip niya na baka dahil sa kaibahan ng status sa buhay kaya hindi pinili ni Alex na ligawan si Bea.
Alam naman nilang lahat na galing si Bea sa mahirap na pamilya at nakapagaral lang sa school na pagaari nila Alex dahil sa scholarship. Pero kung anuman ang dahilan ni Alex ay hindi na niya inalam dahil natatakot siyang malaman ang totoo. Ang importante ay siya ang pinili nito para maging girlfriend kaya naging mabait siyang nobya dito. Simula ng makita ang galit nito dahil sa nagawa niya noong birthday ni Leo ay hindi na siya tumangi or nagcomment sa anumang bagay na related kay Bea.
Mas naging aware na lang siya sa actions nito at ni Alex. Wala siyang nakitang kakaiba kay Bea pero hindi siya handa sa nalaman mula sa mga actions ng nobyo. Hindi nagbago ang mga habit nito na dati na niyang napapansing ginagawa nito kay Bea noong hindi pa siya nobya nito. Gawain ni Alex na titigan si Bea pag nasa iba ang atensiyon nito. Tila ba ayaw nito mawaglit sa paningin ang kaibigan kahit saglit lang.
Lagi rin itong nakahawak sa kaibigan, mga simpleng pagayos ng buhok nito, pagalalay, pagakbay pero ang isang bagay na nagpapasakit sa kalooban niya ay ang habit nito na ilalagay ang kamay ni Bea sa braso nito pag wala ang atensiyon nito kay Alex or kapag nakatocus naman ito sa iba.. Pakiramdam niya ay paraan iyon ng nobyo para siguraduhin na nasa tabi lang nito ang kaibigan.
Dati ng ginagawa ni Alex ang mga habit na iyon. Nakikita niya dahil madalas nga niya ito tignan ng palihim pero ngayong girlfriend na siya nito ay hindi niya inaasahan na patuloy pa rin nitong gagawin ang mga iyon kay Bea. Sumama ang loob niya sa nalamang iyon pero wala siyang lakas ng loob para konprontahin ito. Sa isip niya ay dapat na siya ang nakakaranas ng mga ganon pero hindi.
Inaalalayan din naman siya nito at inaakbayan pero pag asa paligid lang si Bea pero hindi nito ginagawa ang paglagay nito ng kamay niya sa braso nito na parang exclusive lang iyon para sa kaibigan. Pansin din niya ang pagiging sweet nito sa kanya pag kasama nila si Bea at ang malambing na tawag nito sa kanya ng Love pag asa paligid ang kaibigan. Pero pag sila lang at wala si Bea ay tahimik lang ito at halos hindi na siya kausapin kung hindi siya ang maguumpisa ng usapan bukod pa sa lagi itong nagmamadali.
Madami pa siyang natuklasan mula sa nobyo, mga hindi niya nakikita before na ginagawa nito kay Bea pero ngayon ay nakikita niya at hindi niya alam kung ano pa ba ang dapat niyang isipin o maramdaman. Laging may nakalaan na oras si Alex para sa kaibigan at ang nakakasama ng loob ay mas mahaba ang oras na para kay Bea keysa sa kanya. Masakit sa kanya na makitang mas nakakalamang ang bestfriend sa atensiyon na binibigay keysa sa kanya na girlfriend pero hindi ba at umpisa pa nga lang ay sinabi na ni Alex na importante si Bea sa buhay nito.
Siya ang girlfriend pero parang mas mahalaga pa ang bestfriend keysa sa kanya. Napatunayan niya iyon ng minsan na muntik na silang mabanga dahil sa madulas na kalsada. Siya ang nasa tabi ni Alex habang nag mamaneho ito pero pansin niya na lagi itong natingin sa rearview mirror para sulyapan ang kaibigan. Abala kasi si Bea sa mobile nito, hindi niya lang alam kung may pinapanuod ba ito o may ka chat. Tahimik lang siya at hindi nakibo habang pinapanuod ang ginagawa ng nobyo.
Siguro dahil sa abala nga ito sa panunuod kay Bea ay hindi nito nafocusan maigi ang pagdadrive. Kaya nagulat sila pare pareho ng biglang hindi naging maayos ang takbo ng sasakyan at ng gumewang ito.
“S**t!” Sigaw ni Alex na makikita sa mata ang takot at pagaalala ng lingonin si Bea. “B, higa ka ang sa upuan and cover your head with the pillow.” Mabilis na utos nito kay Bea.
“Love.” Natatakot na tawag niya dito ng maramdaman niya ang mas paggewamg ng kotse. Pero hindi siya nito pinansin at nakalingon pa rin kay Bea.
“B” Tawag din ni Bea dito na alam niyang takot na din.
“Do as I say, higa ka sa upuan and cover you head with the pillow.”Mahinahong sabi nito na inabot pa ang kamay ni Bea at pinisil. Lumingon din siya at kita niya na tila maiiyak na ito pero sinunod naman ang sinabi ni Alex. Nang makita nitong maayos na si Bea ay saka ito tumingin sa kanya. “Hold on, okey?” Tanging sabi nito at nagfocus na sa pagdadrive.
Makalipas ng ilang minuto ay naiayos nito ang takbo ng sasakyan at nakahinto na rin sila. Nang makapagpark ay dali-dali itong bumaba para buksan ang backseat kung nasaan si Bea.
“B” Sabi nito sa nanginginig na boses at saka niyakap ng mahigpit si Bea. “Are you, okey?” Tanong nito nang kumalas sa pagkakayakap sa kaibigan. Sinapo nito ang mukha ni Bea at tinignan ang ulo na tila sinisigurado na hindi nasaktan ang kaibigan. “I’m okey, B.” Sabi nito kay Alex na tila pinapakalma ito.
“I’m so scared, f**c!” Mura ni Alex. “I thought, I thought” Sabi nito na niyakap ulit ang kaibigan at nakita niya ang takot pa rin sa mukha nito.
“Love” Tawag niya dito nagbabakasakali na pagtuunan din siya ng pansin nito.
Lumingon ito sa kanya at saka kumalas kay Bea. “Kris, are you okey?” Tanong nito at tanging tango lang ang naisagot niya dito dahil sobrang sakit ng puso niya. Kung hindi pa niya ito tinawag ay hindi siya maaalala nito.
Hanggang sa dumating si Mang Isko at Mang Rene ay nakafocus ang atensiyon nito kay Bea. Mas sumakit ang kalooban niya ng ipahatid siya nito kay Mang Rene at dadalhin nito sa ospital ang kaibigan na kahit anong pagtutol ni Bea ay walang nangyari.
Pero wala ng sasakit ng malaman niya ang pagtabi nitong matulog kay Bea. Hindi niya alam kung kailan iyon nagumpisa pero nalaman niya iyon ng mismong first year anniversary nila.