Bea & Alex - V

2297 Words
Sa paglipas ng mga panahon ay mas naging malapit ang dalawa at lalong naging mahigpit si Alex sa kaibigan. Lagi itong nakabantay at madaming nagsasabing binabakurang maigi nito si Bea. Kaya walang naniniwala na magkaibigan lang ang mga ito. Nang magcollege sila ay may mga nadagdag silang kaibigan, si Leo, Kira at Alden na very vocal sa pagsasabi na may gusto kay Bea. Nagpaalam pa nga ito kay Alex na liligawan si Bea. Matagal na tinitigan nito si Alden bago sumagot ng “Just try so that you can meet the devil” na madilim ang mukha. Nagulat man sila sa naging sagot nito ay dinaan na lang nila sa tawa. Pero hindi nila inaasahan ang naging reaction nito ng tuluyan nang ligawan ni Alden si Bea Nasa may cafeteria sila that time para mag lunch at inaantay nila sila Alex dahil sinundo pa nito ang kaibigan sa kabilang building. Nakahanda na din si Alden na may dalang bulaklak at chocolate para kay Bea dahil maguumpisa na nga itong manligaw. Todo suporta pa sila ni Leo at Kira dito habang si Kent naman ay sinabihan ito na tigilan ang balak nitong gawin kung ayaw nitong masaktan na dinedma lang nito. Nang dumating sila Bea ay sinalubong nga ito ni Alden “For you, Beatrice” malambing na sabi nito sabay abot ng mga dala nito na para sa dalaga. “Thank you, Alden!” Nagulat na sabi nito at kinuha ang inaabot nito. “Para saan ito? Hindi ko naman birthday” tanong nito sa binata. Ngumiti pa si Alden bago sumagot “Aakyat na sana ako ng ligaw” tila nahihiyang sabi nito. Namula ang mukha ni Bea at hindi ito nakasagot. Nagcheer pa sila para palakasin ng loob ni Alden, tumingin sa kanila si Bea at saka nilingon si Alex na nasa tabi nito. At sa gulat ng lahat sinuntok bigla ni Alex si Alden sa mukha. Pagkatapos ay kinuha ang mga hawak ni Bea na binigay ni Alden at saka ibinato sa may pader. Ang hawak nitong libro ng kaibigan at sarling bag ay nalaglag sa sahig. Tinignan pa kami nito ng masama bago binalingan si Alden. “F*****g stay away from her!” Sigaw nito sa kaibigan. Natakot silang lahat dahil Kita ang galit sa mga mata ni Alex at nakakuyom ang kamao. Nilapitan nito si Alden at kita nila na sumubok pang umawat ni Bea pero tinignan lang din ito ng masama ni Alex at saka hinarap ulit si Alden “Inuubos mo ba talaga ang pasensiya ko?” Nagtatagis ang bagang na tanong nito. “Bro, nag-nagpaalam naman ako sa iyo?” Sagot ni Alden. “Umoo ba ko?” Tanong ulit ni Alex at saka binalya si Alden sa may pader habang ang braso ay diniin sa leeg nito. “Wala akong matandaan na pumayag ako, if I remember it right I told you just try so you can meet the devil. Pero parang wala kang takot, Bro” anito na lalo pang diniin ang braso nito na nasa leeg ni Alden. “Gusto mo ba talagang makilala ang demonyo?” Napatayo silang lahat at kikilos sana para umawat pero sinenyasan sila ni Kent na huwag makialam. Napatigil sila at wala ng nagawa kundi tignan na lang ang dalawa. May binulong si Alex kay Alden na nagpalaki ng mata nito at saka tumango. Diniinan pa lalo ni Alex ang braso nito sa leeg ni Alden at kita nila ang hirap nito sa paghinga. Kita rin ang galit sa mga mata ni Alex at hindi nila malaman kung paano aawatin ito pero mabuti na lang at lumapit si Bea at hinawakan ang braso ni Alex “Tama na yan, B” pakiusap nito at nakahinga sila ng maluwag ng bitawan na nga ito ni Alex pero sinuntok pa ulit ng isang beses. “Magpapaligaw ka pa?” Galit na tanong nito kay Bea at tanging iling na lang ang naging sagot nito. Mabilis namang umalis si Alden na hindi na tumingin kay Bea o sa kanila. Pero hindi pa hupa ang galit ni Alex, pinagsisipa pa nito ang mga upuan at nagtaob pa ng mesa. Saka naman tumayo si Kent para awatin ang kaibigan. “Tama na yan, Bro. Tingin ko ay nakuha na ni Alden at ng mga may balak na lapitan ang baby mo ang mensahe na gusto mong iparating” anito. Huminto naman si Alex at tumingin kay Bea na kita sa mukha ang takot at pagaalala. Nilapitan nito ang kaibigan at niyakap. May ibinulong dito at tanging pagtango ang naging sagot nito. Ilang segundo pa itong nanatiling nakayakap sa kaibigan tila kinakalma ang sarili bago kumalas at halikan si Bea sa may noo. Dinampot nito ang bag at libro na nasa lapag. Tinignan pa sila ulit ng masama, nagtaas ng kamay si Leo na para bang sinasabing hindi ito lalaban at saka sila inismirang dalawa ni Kira. Napahawak pa sa kanya ang huli dahil sa takot. Binalikan nito si Bea at saka inakbayan. “Let’’s go” aya nito kay Bea at naglakad na ang dalawa palabas. Sumunod na din si Kent sa mga ito pero nilingon pa sila muna at nginitian ng nakakaloko. Simula noon ay wala na ngang lumapit pa na ibang lalaki kay Bea. Si Alden ay hindi na pumasok at nabalitaan nilang lumipat na ng ibang school. Inisip ng lahat na girlfriend na ni Alex si Bea kaya ganon ang naging reaction nito ng ligawan ni Alden si Bea. Pero laking gulat niya at ng lahat ng ligawan siya nito nang mag fourth year na sila. Noong una ay inisip niya na baka nagaway lang ang dalawa at kaya siya niligawan ni Alex ay para pagselosing ang nobya. Pero nakasuporta si Bea sa ginagawang pangliligaw ni Alex sa kanya kaya hindi na niya pinatagal ang pagsuyo nito at sinagot niya agad. Pero bago niya ito sagutin ay tinanong pa niya si Alex kung sino ba talaga si Bea sa buhay nito. “Bea is very important to me, Kris. Hindi siya puwedeng mawala sa buhay ko dahil mawawalan ako ng direksiyon. It happen before pero hindi na mauulit iyon. I know how my life will be without her.” Sabi nito na huminto at tila may binabalikang alaala. “She is my bestfriend and if you can accept that she will be forever part of my life then we can be together” ang naging sagot nito sa kanya. And she is okey with that, bestfriend lang si Bea at siya ang girlfriend, sigurado na siya na ang magiging priority nito and for sure wala ng magiging puwang pa si Bea sa buhay ni Alex. But she thought wrong dahil walang nabago sa pakikitungo ni Alex kay Bea at mas naging mahigpit pa ito dito. Tila ito isang agila na nakabantay lalo na ng kumalat sa buong campus na sila na. Maraming gustong manligaw kay Bea pero walang makalapit dahil kuntodo bantay si Alex, maging sila Kent at Leo. Para bang may lihim silang usapan dahil hindi puwede na hindi nito kasama ang alinman kay Kent at Leo pag wala si Alex. Minsan na may naglakas loob na lumapit kay Bea habang nakatambay sila sa canteen. Lahat sila ay kinakabahan dahil naalala pa nila ang nangyari kay Alden kahit ilang taon na ang nakalipas. Pero mukhang limot na iyon ni Robert na member ng varsity team. “Hi, Bea” bati nito ng lumapit sa mesa nila. Napalingon silang lahat dito at inaantay ang susunod na mangyayari. Nakita niya na humawak si Bea sa braso ni Alex bago ito binati pabalik “Hi, Robert.” “Can I talk you for a minute?” Tanong nito na hindi inaalis ang tingin kay Bea. “No” nagulat sila ng si Alex ang sumagot sa tanong nito. Nabaling naman ang tingin nito kay Alex. “Ahmmm, Mr. Saadvedra, gusto ko sana makausap si Bea.” Sabi nito na tila hindi alintana ang seryosong mukha ni Alex. “At ano naman ang paguusapan ninyo ng baby ko?” Tanong dito ni Alex. “Si Bea po ang kakausapin ko hindi si Kris” sagot nito na nagpatawa kay Kent at Leo. Lahat sila ay napatingin sa dalawa. “Sorry, Bro” sabi ni Kent na tumatawa pa rin “Epic kasi ang sagot ni Robert sa tanong mo” sabi nito. “Bert, FYI lang ha. Ang baby ni Alex ay si Bea at hindi si Kris. Sa susunod do your research bago ka dumiskarte. Hanap ka na ng school na malilipatan kagaya ni Alden.” Patuloy nito na natawa pa rin at ng lingonin nila si Robert ay namutla ito at nagmamadlaing nagpaalam. Hindi naman lumipat si Robert ng ibang school pero hindi na rin itong nagtangkang lumapit o kahit na tignan man lang si Bea. Lahat ng akala niya sa magiging relasyon nila ni Alex ay puro akala lang pala. Dahil siya nga ang girlfriend pero kasama pa rin si Bea sa lahat ng lakad nila. Naiintindihan niya na bestfriend ito ni Alex pero hindi niya gusto ang pagsamasama nito sa mga lakad nila ng nobyo na dapat ay sila lang. Kita naman niya na natanggi itong sumama pero hindi napayag si Alex na hindi ito sumama. Lalo siyang nainis at nagumpisa ng makaramdam ng galit para dito. Kaya sa mga unang buwan simula ng maging sila ay talagang binalak niya na alisin si Bea sa buhay ng nobyo. Kung dati ay tahimik lang siya at dinededma lang ito. Ngayon ay kabaligtaran na, lagi na niyang kinokontra si Alex sa pagsama nito kay Bea sa mga lakad nila pero walang nangyayari sa reklamo niya. Kasama pa rin ang bestfriend nito sa lahat ng lakad nila. Kahit pa sa lakad ng barkada ay pinapakita niya na hindi ito dapat kasama na binabalewala lang din nila Kent kahit anong sabi niya. Si Kira lang ang naging kakampi niya pero hindi din naman ito makapagsalita kila Alex. Hanggang sa may insidente na nagiwan ng takot sa kanya dahil sa unang beses na nakita niya ang galit ni Alex na para sa kanya. Sobra ang inis na nararamdaman niya dahil iniintay nilang dumating si Bea na sinundo pa ni Kent. Nagumpisa ang inis niya dahil pinapauna na siya ni Alex sa farm nila Leo kung saan gaganapin ang birthday nito. Susunod ito kasama ni Bea dahil kailangan nitong unattend ng board meeting bilang representative ng Papa nito. May business trip ito kaya si Alex ang aattend. Naiinis siya dahil imbis na siya ang isama ay pinauna pa siya nito at pinasasabay kila Kent. Pero nagbago ang plano at pinasundo nga nito ang bestfriend kay Kent dahil aabutin ng maghapon ang meeting kaya nagdecide na itong pasabayin si Bea at susunod na lang itong magisa. Halos dalawang oras na silang nagiintay kaya ng dumating ito ay hindi na niya napigilan ang sarili na paringgan ito at tawaging prinsesa na sinangayunan naman ni Kira. Kita niya ang gulat sa mukha nito at alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya. Dahil nakita niya na tila maiiyak ito bago yumuko. Pinagtangol it ni Kent at Leo at alam niyang nainis ang dalawa sa kanya dahil sa sinabi niya kay Bea. Pero hindi niya inaasahan na darating si Alex at aabutan sila sa ganoong sitwasyon. Natahimik silang lahat sa pagsulpot nito. Bago pa magsalita si Bea ay alam na nito na may nangyari sa bestfriend at tinanong ito kaagad. Hindi ito sumagot at sa gulat niya ay biglang umiyak. Kita niya ang pagaalala ng nobyo para sa kaibigan sinubukan niyang kuhain ang atensiyon nito pero dedma ito sa kanya. Galit nitong tinananong si Kent kung anong nangyari at sa gulat niya ay binalik nito ang tanong sa kanilang dalawa ni Kira. Masama ang tingin nito sa kanila at naputol lang iyon ng magsalita si Bea at nauna nang sumakay sa sasakyan. Nakasunod ang tingin ni Alex sa kaibigan at ng tuluyan itong makasakay ay bumaling kay Leo. “Leo, how long before the chopper arrive here?” Tanong nito sa kaibigan. “Andito ang chopper, Bro. We can use it.” Sagot naman nito. “Sa van ako sasakay. Let Kris and Kira take it. If you want sumabay na rin kayo ni Kent sa kanila. Kami na lang ni Bea ang gagamit ng van.” Sabi nito. “Love, puwede naman akong sumakay sa van. Puwede naman akong sumabay sa inyo ni Bea.” Agaw niya sa atensiyon nito. Tinignan siya niyo at umiling “No, you go with Kira. I don’t want to upset my baby more.” Sabi nito na mahihimugan mo ang galit sa boses. “Sasabay ako sa inyo ni Queen B, Bro.” Sabi ni Kent. “Ako rin.” Sabi naman ni Leo. “Then it settled.” Anito na nagdesisyon na at bumaling kay Leo “Bro, ikaw na muna bahala, itsek ko lang si Bea.” Sabi nito at saka naglakad na papunta sa sasakyan. At gaya ng dati wala siyang nagawa dahil hindi na din siya pinansin ni Alex na ang buong atensiyon ay nakafocus na sa bestfriend nito. Nauna silang dumating sa farm at nagintay. Pero ng dumating si Alex ay madilim ang mukha at masama ang tingin sa kanya. Karga pa nito ang natutulog na si Bea at inakyat sa kuwarto na tutuluyan nito na katabi lang ng kuwarto nito at ni Kent. Inaantay niyang bumaba ito ng lapitan siya ng kasambahay at sinabing pinasusunod siya ng nobyo sa study room. Nagtataka man ay nagpaalam siya kay Kira at pinuntahan ito. Kumatok siya bago binuksan ang pinto. Pagpasok ay nandoon nga si Alex, nasa may bintana ito at nakatalikod sa kanya. Pagsara niya ng pinto ay saka ito humarap sa kanya at kinabahan siya sa nakitang galit sa mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD