Nagaalala na si Alex dahil hindi niya nakita si Bea sa video link ng CCTV na nakainstall sa office cubicle nito at sa sala ng condo nila. Noong unang linggo ay alam niya na umuwi ito ng Quezon gaya nang ipinaalam nito sa kanya. Kaya hindi din niya binuksan ang video link bukod pa sa naging abala siya sa trabaho na naging malaking tulong para hindi niya pakiharapan si Kris.
Nagtampo ang Lola Linda niya ng hindi niya kasama si Bea na dumating. Nagdahilan na lang siya na busy ito sa trabaho kaya hindi niya naisama. Pero napagalitan pa siya at napagsabihan na siya ang may ari ng company bakit niya binibigyan ng maraming trabaho ang kaibigan.
Para hindi na ito magtampo ay nagextend siya ng isang linggo pa at nangako na isasama ang dalaga sa susunod na balik niya para bisitahin ang mga ito. Kaya ang balak niya na isang linggo na parusa kay Bea ay naging dalawang linggo.
Hindi na din niya naitawag kay Leo ang regular na taga bantay nito pag nasa labas siya ng bansa. Hanggang maari ay isinasama niya ito sa mga out of the country trips niya pero pag alam niyang magiging busy siya ay hindi na niya ito isinasama.
Pero may tao siyang kinukuha para bantayan ito. Araw-araw na nirereport sa kanya kung saan ito nagpupunta at kung sino ang kasama. Iyon ang naisip niyang paraan para mabantayan ito at kahit wala siya ay may proteksiyon ang baby niya.
Walang alam si Bea tungkol sa mga CCTV na o kahit na ang mga nagbabantay dito. Ayaw niya na magalit or worse ay matakot ito pag nalaman nito ang totoo. Ginagawa niya ang mga iyon dahil hindi bilang bestfriend ang tingin niya kay Bea. Pinalalabas niya na ganon pero ni minsan hindi niya ito itinuring na ganon dahil higit pa sa pagiging kaibigan or kahit na bestfriend ang nararamdaman niya dito. Mahal na mahal niya si Bea at hindi siya makapapayag na mawala ito sa kanya. Ito ang babae na pakakasalan niya at magiging ina ng mga anak niya.
Hindi siya naniniwala sa love at first sight pero unang kita pa lang niya dito ay alam niyang wala na siyang kawala. Una niyang nakita si Bea sa welcoming program para sa mga high school freshman sa Saadvedra University. Sa dami ng estudyante ay ito ang una niyang nakita.Tahimik itong nakaupo sa may bandang likuran malapit sa may pinto ng gymnasium. Titig na titig siya dito sa buong durasyon ng program at alam niya na ng mga oras na iyon ay gusto niya maging malapit sa dalaga.
Naging magkaklase sila ni Bea at sa maraming pagkakataon ay gusto niya itong lapitan pero nauunahan siya ng hiya. Pansin din niya ang pagiging tahimik nito at hindi masyadong nakikihalubilo sa mga kaklase nila. Ang tanging nagawa niya ay pagmasdan ito sa malayo habang nagiipon siya ng lakas ng loob para lapitan at kausapin ito. Pero malapit ng matapos ang school year ay hindi niya nakita ang lakas ng loob na iniipon niya.
Panay lang siya nakatingin dito at natambay sa library para makita lang ang dalaga. Pero napansin niya na dumalang na ang pagtambay nito sa library na dati nitong ginagawa. Kaya minsan ay sinundan niya ito ng palihim at nalaman niyang nag paparttime job ito sa isang convenience store. Nalungkot siya sa nalaman at gustong gusto niya itong tulungan pero hindi niya alam kung paano. Ang tangi niyang nagawa ay ang siguraduhin na ligtas itong makakauwi. Gabi-gabi sila ni Mang Isko na nakasunod sa tricycle na sinasakyan nito pauwi at aalis lang pag nakapasok na ito sa dorm.
Nasa kalagitnaan na ng second year nila ng magkaroon siya ng lakas ng loob na kausapin ito. Nilakasan niya ang loob dahil sinabi ni Kent na narinig nitong may kaklase sila na nagbabalak ng ligawan si Bea. Natakot siya na baka maunahan siya at mawalan siya ng pagkakataon kaya lakas loob niyang pinuntahan ito sa pinagtatrabahuhan at kinausap.
Tinawanan pa siya ni Kent ng sabihin niya ang plano pero sinamahan din siya nito at iniwan ng magdesisyon siya na intayin na matapos ang duty ni Bea. Gusto niya na sabay nilang kainin ang binili niyang siopao at hotdog sandwich. Kita niya ang takot sa mata nito ng pagbantaan niya dahil ayaw siyang sabayan kumain. Gusto niyang humingi ng sorry dito pero naisip niya na iyon lang ang tanging paraan para mapapayag niya ito.
Kinabukasan ay hindi niya alam kung paano pakiharapan ito kaya hindi na lang niya pinansin si Bea pero nang gabi na iyon ay pinuntahan niya ito ulit at sabay silang kumain ng pagkain na dala niya. Naging ganoon ang routine nilang dalawa sa mga sumunod na araw, iintayin niya ito sabay nilang kakainin ang kung ano mang pagkaing dala niya at ihahatid ito pauwi pero wala silang pansinan pagdating sa school.
Sa ikalimang araw nga ay nagumpisa ng magkuwento si Bea tungkol sa buhay nito. Nalaman niya na mahirap lang ang pamilya nito at nakapagaral sa university dahil sa scholarship. Nagpapart time job din ito para matustusan ang iba pa nitong gastusin na hindi cover ng scholarship. Gusto nito na makatapos para maiahon sa hirap ang pamilya at mabigyan ng maginhawang buhay ang mga magulang.
Lalo siyang humanga dito sa nalaman at alam niya na si Bea ang babae na gusto niyang makasama sa habang buhay. Gagawin niya ang lahat para matulungan itong maabot ang mga pangarap. Kaya imbes na magtapat siya sa dalaga ay mas pinili niya na maging kaibigan muna nito.
Lumipas ang mga taon na nasa tabi siya nito at nakasuporta. Ayaw man nitong tanggapin ang financial na tulong pero nagawan niya ng paraan na tulungan pa din ito. Bago pa sila matapos ng high scholl ay prinopose niya sa Lolo George niya na magbigay na din ng scholarship para sa college na sinangayunan nito dahil matagal na rin pala nitong plano na gawin iyon.
Siya ang naging head ng scholarship program na iyon. Kasama ang iba pang nagrereview ng mga papasa. Sinabihan niya si Bea na magapply at kumuha ng exam. Na nagaalangan pa noong una pero nagdesisyon din sa huli. Handa siyang ipasa ito kung sakali man na hindi ito palarin pero sadyang matalino ito at nakapasa.
Pinatigil na din niya ito na magpart time na noong una ay ayaw nitong gawin pero ng malaman nitong all expense paid ang scholarship ay pumayag na din. Ang hindi nito alam ay ang malaking bahagi ng allowance na nakukuha nito ay sa kanya nanggagaling. May arrangement siya sa finance na kung saan naka charge sa account niya ang lahat ng gastusin ng dalaga na hindi covered ng scholarship.
Sa paglipas ng panahon ay lagi siyang nasa likod nito at tahimik itong sinusoportahan. Hindi man niya sinasabi dito ang totoong nararamdaman ay pinapakita at pinapadama naman niya. Tama ang mga nagsasabing binabakuran niya ang kaibigan dahil iyon naman talaga ang ginagawa niya.
Kaya laking galit niya ng tangkaing ligawan ni Alden si Bea. Binalewala nito ang babala niya at inisip na puwede nitong ligawan ang baby niya. Suntok ang inabot nito sa kanya at nang ibulong niya dito ang totoo ay nanlaki ang mata nito.
“She is f*****g mine, Alden. Bea is mine, only mine and hindi ako papayag na may kukuha sa kanya mula sa akin. Huwag mong subukan kung hanggang saan ang kaya kong gawin.” Galit na galit na sabi niya dito at tanging tango lang ang naging sagot nito.
Napilitan itong lumipat ng university dahil pinaalis niya ito. Sinubukan pang makipagayos nito sa kanya at nangako pa na hindi na liligawan si Bea pero para sa kanya ay hindi ito dapat manatili kung nasaan si Bea. Hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon na maging malapit sa dalaga lalo na at alam niyang may gusto ito sa baby niya.