“Pero make no mistake, Kris. My baby will be out of your reach. You will not even see a strand of her hair. She will be completely out of your life.” Sabi nito na naging dahilan para lingunin niya ito. “But don’t dillusion yourself that you have a hold on me. That I’m staying by your side dahil ikaw ang pinili ko. No, Kris. I’m staying by your side dahil inilalayo ko sa iyo si Bea.” Kita niya ang galit at pagkasuklam sa mga mata nito na nakatuon sa kanya.
“You think that you have won against her but you are completely mistaken. Ang lahat ng ito ay temporary lang and like I told you only her will be permanent in my life. When all of this are over you my dearest fiance will be gone. Kaya samantalahin mo ang oras at atensiyon na ibibigay ko sa iyo. When the time comes wala ka nang aasahan na kahit na ano from me.” Sabi nito at gusto niyang umiyak sa nakikitang galit sa mga mata nito.
“Do you still remember what I told you in the coffee shop?” Tanong nito sa kanya at wala siya sa sarili na napatango dito. “Can you tell me again?”
“Whatever it is that I’m cooking to make sure that I cook it well. Dahil sa oras na mapaso ako at madamay si Bea sa mga ginagawa ko. Hindi ka magdadalawang isip na saktan ako kahit pa na ako ang fiance mo.” Sabi niya dito at tuluyan nang tumulo ang luha niya.
“Hindi mo sinunod ang sinabi ko and you still test my patience. You continue your plan and napaso ka because I caught you. Did you really think that I will not learn what you did?”
“Love, like I told you I did what I have to do para magkaroon tayo ng oras at panahon..”
“And that is your biggest mistake.” Putol nito sa sasabihin niya. “You think that you are doing the right thing by approaching my baby and telling her to back off. May kasalanan din siya dahil pumayag siya sa gusto mo. She already got her punishment from lying and hiding this to me. At alam kong magtatanda siya and she will not do anything again na ikakagalit ko. I already made sure of that. But you will have to wait to get yours.” Anito na nakangiti pero alam niya na iba ang ibig sabihin ng ngiti na iyon at ayaw man niya pero nakaramdam siya ng takot.
“I will make sure na pagsisisihan mo na sinaktan mo si Bea pati na ang pagsira sa kung anong meron kami dahil sa pagiging makasarili mo. Bawat luha na pumatak buhat sa mga mata niya, lahat ng sakit na naramdaman niya ay ibabalik ko sa iyo at sisiguraduhin ko na mas dobleng sakit ang mararamdaman mo at mas maraming luha ang papatak sa mga mata mo. That is a promise, my love and you can count on it.” Sabi nito bago pumikit ulit.
Nanatili siyang tahimik dahil hindi niya alam kung ano ang dapat na sabihin dito. She thought na siya ang pinili at umaasang mahal na nito pero base sa mga narinig niya buhat dito ay si Bea pa rin ang mahal nito. Binaling niya ang tingin sa labas ng sasakyan. Mali ba na ipaglaban niya ang pagmamahal para dito? Mali ba ang ginawa niyang mga hakbang para masiguro na magiging kanya ito?
Kinausap man niya sa si Bea na bigyan sila ng oras ni Alex ay hindi naman niya sinabi dito na putulin nito ang pagiging magkaibigan ng dalawa. Ito mismo ang nagdesisyon na putulin ang ugnayan nito sa kaibigan, hindi siya at mas lalong hindi din si Bea. Hindi ba at inaamo pa ito ng dalaga pero hindi nito tinanggap ang paghingi ng sorry nito. Galit talaga ito at ayaw makinig sa paliwanag. Nagsalita pa ito ng masasakit para saktan ang kaibigan at pinutol pa pagiging magkaibigan ng dalawa.
Hindi na niya alam kung ano ang nasa isip ni Alex. Natatakot siya dahil sa sinabi nito na siya ang babalikan nito sa mga sakit at luha na iniyak ni Bea pero ito ang dahilan nang pagiyak ng kaibigan, ang pagiiba ng trato nito at ang sinabi nitong aalisin na si Bea sa buhay nito at hindi na sila magbestfriend. Pero ngayon iba naman ang sinasabi nito sa kanya. Ang ginawa nitong pagtalikod sa kaibigan ay paraan nito para mailayo ito sa kanya.
Hanggang makarating sa kanila at makababa siya ay hindi na siya kinibo ni Alex. Mabigat man ang kalooban ay mas pinili na lang niyang huwag nang isipin ang mga sinabi nito sa kanya. Siya ang pinili nito iyon ang malinaw para sa kanya. Kahit na anong sabihin nito ay siya ang kasama nitong aalis at wala na si Bea sa buhay nila. Ito ang unang lakad nila out of the coutnry gusto niya na maging maayos ang lahat lalo na at mamemeet niya sa unang beses ang Lolo George at Lola Linda nito na una pang nakilala ni Bea keysa sa kanya.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagiimpake ng mag ring ang mobile niya at nakita niya na si Mama Alma ang natawag kaya sinagot niya iyon agad. “Hello, Ma.”
“Hello, Kris.” Sagot nito sa kabilang linya “‘May itatanong lang sana ako sa iyo”
“Ano po iyon?”
“Alex is here and asking the maids to prepare his luggage. Nagtataka ako dahil normally si Bea ang nagawa noon at ito rin ang naghahatid dito sa airport pag hindi ito puwedeng isama ni Alex sa biyahe. May nangyari ba?” Tanong nito sa kanya.
“Magkaaway po ang dalawa, Ma. Sinabihan ni Alex si Bea na tatanggalin na niya ito sa buhay niya at hindi na sila magkaibigan.” Dinig niya ang pagsinghap nito sa sinabi niya.
“Ha? Sinabi ni Alex iyon?” Halata ang gulat sa boses nito ng dahil sa sinabi niya. “Are you sure, Kris?”
“Oo, Ma. I was there po in Alex’s office ng magusap at magaway ang dalawa. Alam na ni Alex ang ginawa kong pagkausap kay Bea para bigyan kami nito ng oras na makapagbonding. He is so mad ang very angry nang malamang pumayag si Bea sa gusto ko.” Paliwanag niya dito.
“Aba, mabuti naman at nang makapagfocus na din si Alex sa kasal ninyo.” Masaya ang boses na sabi nito sa kanya. “Since na nakapagdecide na ang anak ko. Tutulungan ko siya para mas mapadali ang paglayo ni Bea sa kanya. Ito na ang oras para tuluyan nang mawala ang babae na iyon sa buhay ng anak ko. Hindi na kita aabalahin at may importante akong gagawin, Bye.” Anito at binaba na ang tawag.
Napangiti siya dahil alam niya na kakampi niya si Mama Alma at boto ito sa kanya bilang nobya ng anak. Suportado din nito ang nalalapit nilang kasal at pareho sila ng gusto ang mawala ng tuluyan si Bea sa buhay ni Alex.
Mabilis na lumipas ang mga araw at nasa biyahe na sila pabalik ng Pinas. Sobrang lungkot ang naramdaman niya ng naalala ang nangyari sa New York. Ang inaakala niyang magiging masayang bakasyon nila ni Alex ay iba ang kinalabasan. Ang laki ng pinagbago ng pakikitungo nito sa kanya. Simula ng sunduin siya nito sa bahay papuntang airport ay hindi na siya nito kinausap.
Para siyang invisible sa paningin nito at ang lahat ng atensiyon nito ay nakafocus lang sa dokumento na dala nito. Inabala nito ang sarili sa trabaho para lang huwag siyang makausap. Ganon ang naging sitwasyon nila during ng buong biyahe. Pero mas malala pa ang naging pakikitungo nito sa kanya ng dumating sila ng New Yrok.
Sa hotel siya pinagstay nito samantalang ito ay sa bahay ng Lolo George st Lola Linda umuwi. Hindi sila nagkaaroon ng pagkakataon na magkasama dahil hindi niya na ito nakita simula ng dumating sila. Ang sabi ni Joey ay abala ito sa trabaho at sa oras na magkaroon ng time ay sasamahan siya. Iyon ang ipinaliwanag nito sa kanya, ang assistant nito na kasama nila at nagaasikaso sa mga kailangan niya.
Ang plano na pagpapakilala sa kanya sa Lolo st Lola nito ay hindi nangyari. Nakilala lang niya ang mga ito dalawang araw bago ang biyahe nila pabalik ng Pinas at aksidente lang iyon. Nakita niya ang mga ito na kasama si Alex habang papasok ng hotel at siya naman ay palabas. Magdidinner ang mga ito sa restaurant ng hotel at kita niya ang gulat sa mukha ng mga ito nang makita siya.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng kilay ni Lola Linda ng ipakilala niya ang sarili na fiance ni Alex. Lumingon pa ito sa apo na tila inaantay na kumpirmahin nito ang sinabi niya pero wala siyang narinig na pagsangayon o kahit na pagtangin man lang. Labis na pagkahiya ang naramdaman niya ng oras na iyon.
Inanyayahan siya ni Lolo George na sumabay sa kanila para magdinner na sinangayunan din ng Lola Linda nito samantalang si Alex ay hindi itinago ang pagsimangot at alam niya na gusto nito na tumangi siya pero hindi niya iyon ginawa at pinaunlakan niya ang imbitasyon pero mas lalo lang siyang nalungkot sa naging usapan sa lamesa nila.
“Alex, hindi mo nabanggit na kasama mo pala ang fiance mo? Kaya ba hindi mo kasama si Bea?” Tanong ng Lola Linda nito na hindi nakaligtas sa kanya ang sinpleng pagtingin nito sa kanya.
“Busy si Bea, La” Sagot nito na huminto sa pagkain at tinignan ang Lola niya “Don’t worry at sunod na punta ko kasama ko na siya.”
“Busy? Busy saan?” Tanong nito. “Ikaw ang mayari ng kompanya bakit mo binibigyan ng maraming trabaho si Beatriz? Alam ba niya na kasama mo ang fiance mo?” Tanong ulit nito.
“Alam niya, La.”
“At okey lang sa kanya?”
“Ahmmm, Lola Linda” Agaw niya sa atensiyon nito “Alam po ni Bea na ako ang fiance ni Alex at na magkasama kami ngayon.”
“Alam ko na alam niya gaya nga ng sabi ni Alex.” Anito na tinignan siya. “Ang tinatanong ko ay kung okey lang sa kanya na magkasama kayo at hindi siya kasama?” Sagot nito na tinaasan pa siya ng kilay. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito pero hindi din niya alam kung ano ang dapat na isagot.
“La, may tampo ngayon ang baby ko sa akin pero aayusin ko iyon pagbalik ko sa Pinas. Huwag ka ng magalala, okey?” Sagot ni Alex dito at kita niya ang pagsalubong ng kilay nito ng marinig ang sagot ng apo.
“Alex, malinaw sa akin ang sitwasyon pero nangako ka, nangako kayo George.” Na tinignan pa ang katabi “Na hindi maaagrabyado o malalagay sa alanganin si Beaatriz.” Anito sa medyo mataas ng boses.
“Linda, napagusapan na namin ito nila Alex at nasa ayos ang lahat. Wala kang dapat ipagalala.” Sagot ng Lolo George na tumingin pa kay Alex at sa kanya bago nilingon ang katabi na asawa.
“Siguraduhin ninyo dahil hindi ako papayag na masasaktan si Beatriz ng dahil lang sa” Anito na tinignan siya. “Nice meeting you, Iha. Pero pagod na ko at gusto ko ng umuwi.” Sabi nito sabay tayo.
Nagulat siya sa ginawa niyo kaya hindi na siya nakasagot. “Pasensiya ka na, Kris at medyo masama ang pakiramdam ng Lola ninyo. Uuna na kami.” Sabi ng Lolo George at saka naglakad paalis na.
“Alex” Tawag niya sa fiance pero tumayo na din ito.
Nakita niya na lumapit dito si Joey at kinausap ito bago umalis. Lumapit si Joey sa kanya at sinabi na bukas ay sasamahan siya nito na tumingin ng wedding gown. Tumango na lang siya kahit na napakabigat ng pakiramdam niya. Alam niya na hindi siya gusto ng Lola Linda ni Alex at mukhang malapit ito at ang Lolo George kay Bea.
“Mam, andito na po tayo.” Tinig ni Mang Isko ang pumutol sa malalim niyang pagiisip. Tumingin siya sa labas at nasa tapat na nga sila ng bahay nila.
“Lo-Love, hindi ka. .”
“Mang Isko, pakibaba na po ang gamit ni Kris at susunduin pa natin si Bea.” Putol nito sa sasabihin niya na hindi man lang nagaksaya na tignan siya. Abala ito sa cellphone nito at salubong ang kilay. Bumigat ang pakiramdam niya pero pinili na lang niyang manahimik at bumaba na lang. nang makababa ay pinanuod pa niya ang sasakyan nitong umalis.
Kahit na naging malungkot ang mga araw niya sa New York ay napawi naman iyon ng mafinalize na niya ang wedding gown. Tinignan niya ang suot na singsing. Six months na lang ay magiging Mrs. Alexander Saadvedra na siya. Nalulungkot man at may nararamdamang pagaalinlangan ay nagawa niyang ngumiti sa kaisipang siya ang makakasama ni Alex habangbuhay.