Bea & Alex - XVI

2245 Words
Alam niya na nagkamali siya nang pagbigyan niya ang gusto ni Kris pero sobra naman ata ang pasakit na bigay ni Alex sa kanya. Masasakit na salita na hindi niya naisip kahit minsan na maririnig mula dito. Pati ang pagtrato nito sa kanya ay nagiba hindi niya inakala na darating ang araw na magagawa nitong balewalain ang paghingi niya ng tawad dito pati na rin ang pagiyak niya. “Okey lang po kayo Miss Bea?” Tanong ni Mia ang nagpadilat sa kanya. Kita niya ang pagaalala sa mukha nito. Tumango lang siya at iniwan na ito para bumalik sa cubicle niya. Hindi makapaniwala si Kris sa nakikita, nagaaway ang dalawa at gulat na gulat siya sa narinig buhat kay Alex. Tinatapos na nito ang pagiging magkaibigan nito at ni Bea. Inaalis na nito ang kaibigan sa buhay nito, sa buhay nila. Ayaw man niya pero nakaramdam siya ng saya sa kaalamang iyon. “Beatrice!” Sigaw ni Alex na dahilan ng pagtingin niya dito “God damn it!” Galit na sabi nito ng hindi na lumingon si Bea at deretso ng lumabas. Tumayo ito at mukhang hahabulin si Bea pero napatigil ito at nilingon siya. “This is your fault!” Sigaw nito sa kanya at sinuntok ang lamesa nito. “Kung hindi dahil sa insecurity mo walang mangyayari na ganito. You complicated everything.” Galit na galit na sabi nito sa kanya. “Kris, remember this day. Because of you my baby cried and in so much pain. Natatandaan mo naman siguro ang mga sinabi ko sa iyo di ba?” “What do you mean?” Nagtatakang tanong niya dito. “All your actions that lead to this will have their consequences and you will know them soon.” Sabi nito na may pagbabanta. Natahimik siya sa sinabi nito at hindi alam kung anong dapat niyang sabihin. “Just get out and leave me alone” pagdismiss nito sa kanya at binaling ang tingin sa laptop. Kita niya ang paglamlam ng mata nito habang nakatitig sa kung ano mang meron sa screen ng laptop nito. “Love” Malambing na tawag niya dito. “I told you to leave me alone.” Galit na sabi nito. “I just want to ask ..” Naputol ang dapat na sasabihin niya dahil sa pagtunog ng telepono nito. Kita pa niya ang inis na dumaan sa mukha niyo bago inangat ang tawag “Yes” Sagot nito at kita pa niya ang pagkunot ng noo nito sa kung anong sinabi ng nasa kabilang linya. “She is an ordinary employee apply to her what is required!” Sigaw nito sa kung sino mang kausap nito sa kabilang linya at saka binagsak ang telepono. “Bea, Bea.” Dinig niya na sabi nito habang hinihilot ang sintido. “Love?” Tawag niya ulit dito. Tumingin ito sa kanya na may galit sa mata “Andito ka pa? I told you already to leave me alone! Ano ba ang hindi mo maintindihan doon?” Sigaw nito sa kanya. Sabay kuha ng baso na nasa lamesa nito st binato sa pader. “Get outtttt!” Napatayo siya sa takot dahil sobra ang galit sa mga mata ni Alex. Nagmamadali siyang lumabas at naabutan niya si Mia na nakatayo. Nakaharap ito sa may pinto ng office ni Alex. Nakahawak ito sa may dibdib at kita ang takot sa mukha nito. May sumunod pang nabasag na galing sa loob ng office ni Alex. Napapikit siya dahil sa nararamdamang takot. Ang saya na nararamdaman kanina ng dahil sa kaalamang wala na si Bea sa buhay ni Alex ay nawala na ngayon dahil sa nakikita niyang galit ng fiance at sa pagbabanta na sinabi nito. “Mam, ayos lang po ba si Sir Alex? Need ko po ba tawagin si Ms. Bea?” Nagaalalang tanong nito sa kanya. “No need. Kakalma rin yan mamaya” Sagot niya dito. Hindi niya tatawagin si Bea lalo na at ito ang alam niyang magpapakalma kay Alex. Tapos na ang kung ano mang meron sa pagitan ng dalawa at walang dahilan para bigyan niya ng tsansa na magkayos ang mga ito. “Iyong flight ninyo po later need ko po bang iparebook?” Tanong nito sa kanya. “No need. Tuloy ang alis namin mamaya.”Sagot niya dito. “Pupuntahan ko muna si Bea. Just call me if ready na siya, okey?” Sabi niya dito at naglakad na para puntahan si Bea ang ex-bestfriend ng fiance niya at napangiti siya sa kaalamang iyon. Dumeretso siya sa banyo at doon nilabas ang mga luha na kanina pa gustong tumulo. Ang sakit ng loob niya na hindi siya mapatawad ni Alex sa pagkakamali na nagawa niya. Napakalaking kasalanan para dito ang pagbigyan niya ang hiling ng fiance nito. Sa kagustuhan na maging maayos ang relasyon niya kay Kris ay naisakripisyo niya ang pagkakaibigan nila ni Alex. Hindi niya lubos maisip na tatapusin nito ang pagkakaibigan nila ng dahil lang sa pagkakamali na tulungan ang fiance nito. Ngayong tinatapon na nito ang relasyon nila bilang magkaibigan wala ng dahilan para manatili siya sa tabi nito, sa buhay nito lalong lalo na mundo nito. Ibibigay niya ang hiling nito na umalis sa buhay nito. Sa ganoong paraan man lang ay makabawi siya sa kasalanang nagawa dito kahit na napakasakit para sa kanya na mawala ng tuluyan sa buhay niya ito ay ibibigay niya ang gusto nito. Nagtype siya ng resignation letter at dinala iyon kay Andy na head ng finance para isubmit. Nagulat man at kita niya ang pagaalangan sa mukha nito ay pinirmahan nito ang papel lalo nang sabihin niya na alam ng CEO na magreresign na siya. Kinamayan pa siya nito at sinabi na pag need niya ng reference sa bagong work ay puwede niyang ibigay ang pangalan nito. Pagkatapos ay dumeretso siya kay Mike ang HR manager at pinasa ang papel. Kita rin niya ang gulat sa mukha nito at sinabi na hindi nito matatangap ang papel ng walang approval ng CEO. Sinabi niya na alam ni Alex ang resignation at puwede na niya itong pirmahan pero tinawagan nito si Alex. “Sir, good morning. Ms Bea is here and she’s submitting . .” “She is an ordinary employee apply to her what is required!” Dinig pa niya ang pagsigaw ni Lance sa kabilang linya at ang malakas na pagbagsak nito ng telepono. Kita niya ang gulat sa mukha ni Mike. “Are you sure that he knows about your resignation?” Tanong nito ulit sa kanya. “You heard him right?” Balik tanong niya dito. Kita niya ang pagaalangan sa mukha nito pero sa huli ay wala rin itong nagawa kundi pirmahan ang resignation letter. Sinabi nito na tatawagan siya once na ready na ang backpay niya. Tumango na lang siya dahil wala na siyang naiintidihan sa mga sinasabi nito. Pagkatapos ay dumeretso siya sa cubicle niya at inayos ang mga personal na gamit na dadalhin niya. “Bea” Tawag na nagpahinto sa ginagawa niya. Lumingon siya at nakita niya si Kris na nakatayo sa may likuran niya. Lumapit ito at hinawakan siya sa balikat. “I’m sorry, Bea” Hingi nito ng paumanhin sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito na nasa balikat niya. “There is no need to say sorry, Kris. Ito ang dapat talagang mangyari.” Sabi niya dito at nginitian pa ito. “Take care of each other, okey? Love him no matter what, please.” “I will, Bea. I will. Thank you for all your sacrifice.” Tanging tango ang naging sagot niya sa sinabi nito. Nanatili silang tahimik dahil wala naman siyang dapat pang sabihin dito. Ring ng cellphone nito ang gumising sa kanilang pareho mula sa malalim na pagiisip. “Yes, Mia?” Sagot ni Kris sa tawag ng cellphone niya. “Ok, I will go there now.” Anito at binaba na ang tawag. “Bea, I’m reall sorry. I never thought that he will react like this.” Sabi nito. Tumingin siya dito at tumitig sa mga mata nito “Wala kang dapat ihingi ng sorry, Kris. I’m happy that nakatulong ako para mas maging maayos ang relasyon ninyo. Huwag mong masyadong isipin iyon. Everything will be fine” sabi niya dito kahit na mabigat ang loob niya at gusto niya mainis dito pero wala siyang dapat sisihin na iba kundi ang sarili lang niya. “Sige na, Kris.” Pagtaboy niya dito. “Alam mong ayaw ni Alex na pinagiintay.” Ayaw man niyang umalis ay iniwan na niya si Bea. Tama ito na ayaw ni Alex nang pinagiintay ito pero pag si Bea ang aantayin nito ayos kang kahit umabot pa ng buong araw na magintay ito. Tama na yan, Kris. Hindi ba at nakuha mo na ang gusto mo. Lahat ng oras ni Alex ay sa iyo na at nakatocus na ang atensiyon nito sa nalalapit ninyong kasal. Ito na ang katuparan ng mga pangarap mo, ang makasama habang buhay ang lalaking mahal mo at wala na rin sa eksena si Bea, solong-solo mo na ang fiance mo. Napangiti siya sa kaalamang iyon pero sandali lang ang saya na iyon dahil nakasimangot pa rin si Alex na nakaupo sa may sasakyan at hindi man lang siya tinignan ng sumakay siya. Umandar na ang sasakyan at tinignan niya si Alex na nakatitig sa laptop nito. May pinapanuod ito na tila video pero hindi niya alam kung ano iyon dahil hindi niya masyadong makita. Ilang minuto pa ang lumipas at sinara na nito ang laptop. Sumandal ito at pinikit ang mga mata. “I will drop you at your house and make sure to be ready by six pm. I will pick you up para sabay na tayong pumunta sa airport.” Malamig na sabi nito sa kanya. “Love, are you really cutting out Bea in your life? Are you really ending your friendship with her?” Natatakot man at baka mas lalong magalit ito pero nilakasan niya ang loob na tanunin ito. Kailangan niyang makasiguro na wala na talaga si Bea sa buhay nito. Hindi ito sumagot at nanatiling tahimik lang. nagdesisyon siyang tumingin na lang sa labas ng bintana. Ilang minuto ang lumipas bago nito sinagot ang tanong niya, sagot na naging dahilan para kabahan siya at matakot. “Maging masaya ka Kris. Dahil ang lahat ng ito ay pansamantala lang. Ibibigay ko ang gusto at ang lahat ng kapritso mo dahil nangako ako kay Lolo George but after all of this. I will make sure that you will regret all your actions.” Sabi nito at ramdam niya ang galit sa boses nito. Napalingon siya dito pero nakapikit pa din ito. “I-I only want a little of your time, Love. Wala naman akong sinabi or hindi ko naman hiniling na tapusin mo ang pagkakaibigan ninyo ni Bea.” “Don’t make me laugh, Kris. You know damn well na ito ang outcome na gusto mo, ang mawala si Bea sa buhay ko. Because you’re f*****g insecure and jealous of her.” “Wala akong ganoong iniisip or plano na gawin. I only asked her to give us a little time to spend pero I never wish for this to happen. Hindi ko ginusto na masira ang friendship ninyo but you decided to treat her like a nobody and alisin siya sa buhay mo, sa buhay natin.” Sabi niya dito na gusto niyang liwanagin dito na ito ang nagdecide na alisin si Bea sa buhay nila at hindi siya. Ayaw niya na siya ang lalabas na masama at naging dahilan nang pagkasira ng relasyon ng dalawa. Kahit pa na iyon ang gusto niya talagang mangyari pero hindi dapat na pumangit ang imahe niya at maging kawawa si Bea. Dumilat si Alex at sinalubong ang tingin niya. Tinitigan siya nitong ng ilang segundo bago ito tumawa ng malakas. “Buhay natin?” Tanong nito sa kanya na tila hindi ito naniniwala sa sinabi niya. “Hindi ba at umpisa pa lang ay iyon naman na ang target mo? Ang alisin siya ng tuluyan sa buhay ko. Hindi ba at kaya mo nga siya kinausap behind my back is to make sure na hindi siya makakatamggi sa gusto mo at ibibigay niya ang hinihingi mo.” “Don’t pretend na nagaalala ka for my baby and that you feel bad for her. I know damn well that you are so happy while watching us fight. That is for you, Kris. Gusto kong makita mo na nasasaktan si Bea hindi para magsaya ka kundi para tandaan mo kung paano siya masaktan habang nagagalit ako sa kanya. Dahil ang lahat ng sakit at luha na iyon ay ibabalik ko sa iyo.” Sabi nito sa kanya at kita niya ang galit sa mga mata nito. Ayaw man niya ay mas dumoble ang kaba at takot na nararamdaman niya kanina. Na wala na siyang magawa kundi manahimik at tumingin na lang sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi na tinapos ni Bea ang office hours matapos maayos ang mga gamit na dadalhin niya ay umalis na din siya ng building dala ang mga gamit niya. Nagtataka man ang mga empleyado ng makita siya pero walang naglakas loob na lapitan at tanungin siya. May mga nagbubulungan pa nga at nagtataas ng kilay. Pero hindi na niya pinansin ang mga iyon at taas noong naglakad palabas ng company buidling nila Alex, palabas sa buhay ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD