Hindi niya malaman kung paano sasabihin kay Bea ang totoo. Titig na titig siya dito habang natutulog. Sa kabila ng sayang nararamdaman dahil nakita na niya ito ay hindi din niya maialis ang takot, takot para sa kaligtasan ng mag-ina niya. Alam niya na panganib ang dala ni Carlo at sigurado siya na hindi ito titigil hanggang hindi nito nagagawa ang kung anumang plano nito. Pero hindi siya papayag na magtagumpay ito. Kung dati ay naging pabaya siya pero hindi na sa pagkakataon na ito. Alam niya na hindi madaling matatanggap ni Bea ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Carlo dahil kaibigan ang talagang turing nito sa binata pero para masigurado ang kaligtasan nito at ng anak nila kailangan niyang ipaalam dito ang totoo. Ito ang tanging paraan para hindi na malayang makalapit si Carlo sa m

