“Ginamit mo ako para makuha ang gusto mo. Anong klaseng tao ka?” Tanong ni Kris sa kanya. Tinitigan niya ito sa mata bago sinagot ang tanong nito gusto niyang iparating dito ang galit na nararamdaman. “Anong klaseng tao ako?” Sabi niya na nginitian ito. “Ito ang totoong ako, Kris. Kung anong nakikita mo ngayon ako ang totong iyon at ito ang klase ng pagkatao ko. If I remember correctly binalaan kita pero hindi ka nakinig. Ginawa mo pa rin ang gusto mo and hurting Bea along the way.” “You did not only hurt her but you did all you can para paalisin siya sa buhay ko and you succeeded kaya nga tayo andito ngayon di ba? This is me returning the favor to you and like I said ibabalik ko sa iyo ang lahat and I will start with the cancellation of our engagement.” Sabi niya dito bago ito iniwan.

