Pakiramdam niya ay aatakihin siya sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya. “Iho, are you okey?” Dinig niyang tanong ng Mama niya. Tumingin siya dito at tumango. “Ma, when you tell me na nakita siya sa may Quiapo ay bigla akong kinabahan. Parang sasabog ang puso ko, pati kamay ko nanginginig.” Sabi niya dito at ipinakita niya ang mga kamay niya dito. Tumayo ito at lumakad papunta sa may refrigerator at kumuha ng bottled water. Bumalik ito sa lamesa niya at inabot ang tubig sa kanya. “Relax, anak. Drink this.” Inabot niya ang bote at uminum. Kahit papano ay nakaramdam siya ng pagluwag ng dibdib niya. “We will find her, okey. I will do everything para makita si Bea at maibalik sa iyo.” Sabi ng mama niya at hinawakan ang kamay niya. Tinignan niya ito at dama niya ang sinseredad sa sinabi ni

