“Bigla siyang nawala, Leo!” Frustrated na sabi niya sa kaibigan. “Bro, alam ko na narinig niya tayo. Huminto siya at nilingon pa tayo. Kita ko iyong panlalaki ng mata niya ng makita tayo.” Sabi ni Kent. “Kaya alam ko na nakilala niya tayo kaso nga lang nakita ka niya kaya mabilis na umalis.” Patuloy nito na tinapik pa siya sa balikat. “Mukhang mahihirapan kang paamuhin si Queen B, King Alex.” Sabi nito na tumawa pa. “Narinig niya ko pero hindi siya huminto.” Inis na sabi niya. “Huwag kang magalala makikita natin siya.” Sabi ni Leo na tumingin sa loob ng shop. Kita mo ang loob nito dahil salamin ang wall nito. “Sabi mo dito siya biglang nawala. Ibig sabihin nandito lang siya sa area na ito at nagtatago. Papasukin natin isa-isa mga shops. Maglalagay din ako ng tao na magtitingin sa mga l

