Nang makapasok sila sa loob ay nagpaalam si Bea kay Nanay Cora na aakyat sa taas. Hindi na siya nito nilingon at dumeretso na ng akyat. Sinundan niya lang ito ng tingin dahil hindi niya alam kung susunod ba siya o aantayin na lang ito. “Good afternoon po, Nay.” Bati niya kay Nanay Cora nang alisin niya ang tingin kay Bea at lingunin ang matanda. “Good afternoon din, Alex.” Bati nito sa kanya. “Sundan mo na.” Sabi nito sa kanya at bumalik na sa ginagawang pagsandok ng pagkain. Dahil sa pinayagan naman siya nito ay mabilis siyang sumunod kay Bea sa taas. Naabutan pa niya ito na binubuksan ang pintuan ng kuwarto at nang makapasok ay isasara na sana nito ang pinto pero pinigilan niya. Lumingon ito at kita niya ang pagod sa mga mata nito. Hindi na ito nagsalita at pumasok na ng tuluyan sa

