TAHIMIK ang biyahe nina Zen at Harry habang binabaybay nila ang pamilyar na kalye patungo sa dati inuupahang apartment ni Lyka…Ang huling tirahan ng kapatid niyang si Lyka bago ito namatay. Sa bawat liko ng sasakyan, ramdam ni Zen ang lalim ng kanyang paghinga. Para siyang sinasakal ng mga tanong na ilang buwan na niyang kinikimkim. Lalo’t hanggang ngayon, hindi pa rin siya kumbinsido na nagpakamatay lang basta si Lyka. Pakiramdam niya nga habang tumatagal itong ginagawa niya ay lalo lamang siyang nagkakasala sa kapatid dahil sa nangyayari sa kanila ni Angelo. Gustuhin niya man iwasan si Angelo pero hindi niya magawa. Siguro dahil may gusto pa siyang malaman tungkol dito—pero ang puso niya, iyon ang may dahilan pa para lalo siyang lumapit sa lalaki. Napabuntong hininga si Zen. “Sigurad

