Medyo basa pa ang buhok na naupo si Warren sa kaniyang upuan. Nagmadali kasi siyang makauwi galing sa condo na binili niya para kay Niccola. Kinailangan kasing lumipat ng kaniyang nobya sa bagong condo dahil ang lumang condo nito ay nagkaroon ng problema sa tubig at idagdag pa ang sumbong ng kaniyang nobya na may mga manyak daw sa paligid nito.
And being the best boyfriend that he is, walang pag-aatubiling bumili ng condo si Warren na nagkakahalaga ng limang milyon. At dahil bago nga ito ay hindi ba't kailangan itong binyagan? Kaya naman bahagya siyang nahuli sa dinner ng pamilya dahil sa 'binyagang' nangyari.
Palihim na napangisi si Warren nang maalala kung paano nilang bininyagan ng nobya ang bawat sulok ng bagong condo nito.
Ah, five million was so worth it. Warren thought as he looked up and froze when he saw an unfamiliar face.
"The f***?" bulalas niya nang makita ang malaking babae na ngayon ay nakaupo sa may kanan niya. "Who the hell are you?"
"Language." suway ni Michael sa anak at hindi nagpatinag ang huli na hindi inaalis ang tingin sa babae.
"She's a bwiisitor, Kuya." sagot sa kaniya ng kapatid niyang si Mildred.
Sa narinig ay sinamaan ng tingin ni Henry ang nakababatang kapatid at nagkibit lamang ng balikat si Mildred bago bumalik sa hawak na cellphone.
"Janet ang pangalan niya, Warren. Alam niyo ba na siya ang tumulong sa akin nang mahilo ako at nag-iisa? Walang pag-aatubili niya akong tinulungan kahit pa nagtatrabaho siya at hindi iniwan hanggang sa maging okay ako."
"Oh, Ma. Are you okay now?" tanong ni Michael sa kaniyang ina at bahagya namang natigilan si Mildred sa narinig bago nag-post ng status sa f*******:.
Si Julie naman na tahimik na nakikinig ay pinigilang mapapalatak. Isang masamang senaryo ang naglalaro sa isipan sa mga sandaling iyon.
"And? You brought her here because of that, lola? What if it's planned? Paano kung may plano palang masama iyang.. iyang babaeng iyan sa'yo?"
Bahagyang nakuyom ni Janet ang mga kamao dahil sa narinig na insulto ng lalaki sa kaniya sa ikalawang pagkakataon at hindi nakatiis.
"Bakit? Dahil mahirap ako, gan'on ba, Sir? Dahil ang mahihirap ay awtomatikong may masamang balak sa mayayaman, hindi ba? Dahil wala na kaming karapatang tumulong dahil lang sa gusto namin, ganoon ho ba?" hindi kumukurap niyang pagsagot sa panganay na Ancheta.
Napasipol sa narinig si Henry, napanganga si Mildred sa sinabi ni Janet habang si Julie ay napaikot ang mga mata at suminghal. Si Michael ay walang kibo at si Beth naman ay pinigilan ang sariling mangiti lalo pa at itinikom ni Warren ang bibig dahil sa sagot ni Janet.
Ganun pa man ay hindi nag-abalang humingi ng tawad si Warren kaya naman napailing na lamang si Beth.
Dahil natapak-tapakan na ang kaniyang pagkatao ay tumayo na si Janet. "Ma'am, sobra po ang pasasalamat ko sa tulong niyo at salamat po sa pag-imbita sa akin, pero ayoko pong masira ang hapunan ninyo. Aalis na ho ako at sana ay maging masarap ang hapunan ninyo."
Hindi nag-abalang tumingin si Janet sa ibang tao at bahagyang yumukod kay Beth bago naglakad na palabas ng dining room.
"Look what you've done, you arrogant grandson of mine. Talaga bang ganiyan ang tingin mo sa lahat ng mga taong nagsusumikap sa buhay na hindi kagaya mong puro pasarap lang sa buhay ang ginagawa?" galit na anas ni Beth na inutusan ang isang kasambahay na ipahatid si Janet.
"Lola naman." angal ni Warren sa sinabi ng lola.
"Napakabait na bata ni Janet, Warren. Alam niyo ba na siya pa lamang ulit ang katangi-tanging taong nakilala ko na busilak ang kalooban? Ngunit hinusgahan niyo siya sa panlabas niyang anyo." Padabog na tumayo si Beth na wala man lamang nabawas na pagkain sa plato. "Danica, dalhan mo na lamang ako ng pagkain sa kwarto ko."
Naiwang nagsisisihan ang magkakapatid at sinaway naman sila ng kanilang ama. Habang si Julie ay parang walang nangyari na nagpatuloy sa pagkain at walang pakialam sa paligid, ngunit sa bawat galaw ay halata mong isa lamang siyang bato na binalutan ng ginto.
Lumipas ang ilang araw at nakatanggap muli ng report si Beth patungkol sa kaniyang apong si Warren.
"Last week, he purchased a five-million worth of condo in Makati, Madam. And just a few days ago, he withdrew a total of five-million pesos in cash." pagre-report ng mapagkakatiwalaang tauhan ni Beth sa bangko.
Halos sumakit ang ulo ng ginang sa narinig at napasapo na lang sa noo. "Danica, a glass of water please." mahina niyang utos bago sumandal at hinilot ang sentido. "Gordon, I want you to freeze his accounts. Find out if he has another account. Freeze his cards, too. I'm tired of this. Ilang beses na at hindi siya nagbabago at patuloy sa pagwawaldas ng pera. Sampung milyon sa loob lamang ng dalawang linggo para sa walang kapararakang dahilan? Naku talaga naman." stressed na stressed na wika ni Beth bago tinanggap ang baso ng tubig at naubos ito. "Please check my blood pressure at maghanda ka na rin ng Catapres."
"Yes, Ma'am."
"Right away po, Madam."
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Beth. "Maraming salamat, Gordon." pasasalamat niya bago nagpaalam at ibinaba na ang cellphone. "Hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin sa batang iyan." turan niya havang siya'y kinukunan ni Dania ng blood pressure. "Minsan nahiling ko na sana ay nagkaroon ako ng apo na kagaya ni Janet, alam mo ba? Iyong apong maalalahanain at mabait." malungkot niyang saad.
Lumipad ang pag-iisip ni Beth sa balak na gawin. Sa isang importanteng bagay na nakatakda niyang gawin na magpapabago sa buhay ng dalawang tao. Pero alam ni Beth na ito ang hinihingi ng tadhana kaya niya nakilala si Janet. Kaya ito pumasok sa buhay niya.
"GOOD DAY, SIR. Welcome to The Silver Lining, may I know what you're looking for?"
Bahagyang ngumiti si Warren sa sales lady bago inilibot ang mga mata sa naka-display na mga singsing. Para sa isang lalaking kagaya niya, parang pare-pareho lamang ang mga disenyo ng mga singsing.
"I'm looking for an engagement ring for my fianceè to be. Anything you can recommend?" pagkuwa'y pagsuko niyang sabi sa babae.
"Sure thing, Sir. Please wait a moment."
Bahagyang inilibot ni Warren ang tingin sa paligid at nakita ang ilang magkasintahan na namimili ng singsing at may mga kagaya naman niya na namimili rin ng panregalo.
Dapat bang kasama niya si Niccola sa pagbili ng singsing? Wait, what kind of proposal is that? Ah, f***. Proposing sucks, but Warren has made up his mind. Mahal na mahal niya ang nobya at hindi na niya ito pakakawalan pa. Aalukin na niya ito ng kasal mamaya sa dinner date nila at dadalhin sa bahay upang ipakilala sa kaniyang pamilya at lalo na sa kaniyang lola.
Kung isang estranghera nga ay naimbita nito at nakasama nila sa pagkain, bakit hindi ang kaniyang nobya? Sa tuwing maaalala ni Warren kung paano siyang sinopla ng overweight na babaeng iyon ay nanggigigil siya. Siya na isang Ancheta ay sinagot at pinatahimik ng isang mahirap na kagaya nito? The nerve of that overweight woman!
But whatever. Warren will man up and propose to her and he will announce their relationship and wedding to everyone.
"Here you are, Sir. Ito po ang mga best seller naming singsing as well as the best just for your girlfriend. She'll love one of these for sure. Mayroon po tayong diamond cut rings, mayroon pong simple lang. What kind of ring are you looking for, Sir? Iyong mabato po ba or iyong simple lang?"
"Mabato." Warren answered with a tight smile.
Kilala niya higit kanino man si Niccola at alam niyang gusto ng nobya niya ang mga mamahaling gamit. Iyong mga tipo ng kagamitan na wala itong makakapareho at ito ang pinakamaganda, but he never saw her as a gold-digger, no. Dahil para kay Warren ay deserve naman ng isang diyamanteng kagaya ni Niccola ang mamahaling mga gamit.
"Perfect. We have a new engagement ring from Paris, Sir."
Iniabot ng nakagwantes nitong mga kamay ang isang singsing na halos masisilaw ka na sa dami ng mga bato. Sa gitna nito ay may malaking diamond at sa paligid ay may maliliit na nagsisilbing mga alipin na nagsisilbi sa reyna.
He can almost imagine Niccola screaming 'Yes' at the top of her lungs and him putting this beautiful ring on her.
"Perfect. Wrap it up for me, please." sabik niyang sabi sabay abot muli sa babae.
"That would be one million, Sir. Will you pay via cash or card?"
"Card." tugon niya sabay kuha ng card mula sa wallet sabay abot sa babae.
"Thank you, Sir. Please wait a second."
Sabik na kinuha ni Warren ang cellphone mula sa bulsa para tawagan ang nobya.
"Hi, baby. Are you ready for our dinner later?"
"Hey, babe. Of course! Alam mo naman na lagi akong excited kapag kasama ka." malambing na tugon ni Niccola at napangiti si Warren.
"I have a surprise for you later, baby." Hindi niya nakatiis na sabi.
Narinig niyang napasinghap si Niccola. "Oh, really? I can't wait!" tumitiling tugon nito.
"Sir?"
Napalingon si Warren sa sales lady na hawak ang card niya.
"Baby, I gotta go, okay? I'll see you later."
"Okay!"
Muli niyang ibinalik ang phone sa loob ng suit at hinarap ang babae. "What is it?"
"Sir, I'm sorry pero declined po ang card niyo. May iba pa po ba kayong card?"
Nagtatakang kinuha ni Warren ang card niya. "That's strange. Hindi ba sira lang ang machine niyo?"
"No, Sir. Kakabayad lang po ng isa pang customer gamit ang card at success po ito."
Tuluyang napakunot ang noo ni Warren. Ang card niya ay walang limit basta siya ang magbabayad. Kahit na magkano pa ito, ngunit bakit ito declined?
"Try this." sabi niya sabay abot ng isa pa niyang card.
Muli siyang naghintay at muling bumalik ang babae dala ang card niya.
"It's declined, Sir."
Kung kanina ay nagtataka siya, ngayon ay nainis na siya dahil sa narinig. "What? Damn it. I'll pay in cash." frustrated niyang sagot.
Mabuti na lamang at nag-withdraw siya ng five million para pambili ng kagamitan sa condo ng nobya. At para na rin maging emergency fund niya kung topakin ang lola niya na i-freeze ang card niya.
Sa naisip ay natigilan si Warren. Huwag mong sabihing ito nga ang ginawa ng lola niya?
Matapos bilhin ang singsing gamit ang emergency fund niya ay hindi muna hinarap ni Warren ang lola niya dahil ayaw naman niyang masira ang gabi nila ng nobya niya. Hinanda niya ang sarili sa nakatakdang gawin hanggang sa magsimula na silang kumain sa paborito nilang restaurant na sa rooftop banda ang setting kaya naman mas romantic ito.
Buong pagkain nila ay tila hindi niya malunok-lunok ang kinakain dahil sa kaba. Parang naka-stuck na ang mga ito sa kaniyang lalamunan at hindi siya masiyadong makasagot sa mga tanong ni Niccola.
At hindi niya alam ay maging si Niccola ay sinimulang kabahan sa ikinikilos ng nobyo. Bakit tila kinakabahan ito?
Pagkuwan ay parang masusuka si Niccola sa ideyang pumasok sa isipan. Is he.. is he breaking up with her? Ito ba ang sorpresang sinasabi ni Warren? But she did everything she can to keep a tight leash on him. Sinigurado niyang hindi na ito makakawala pa sa mga kamay niya.
Siniguro niya iyon sa bawat perfomance niya sa kama at sa pagsisilbi niya kay Warren. Maihahambing na nga siya sa isang pornstar na nakahandang gawin ang lahat.
Sa naisip ay hindi na halos makahinga si Niccola.
"I'm–I'm... I need to breathe." paalam niya sabay tayo at lumapit sa bakal na banister.
No, he cannot break up with her. She will never let him go. Kapag nawala ito sa buhay niya ay mawawala na rin ang mga pangarap pa niya. Kailangan pa niya ang yaman ng mga Ancheta!
Dahil sa malalim na iniisip ay hindi na niya narinig pa ang pagsinghap ng mga babae sa paligid nang makita ang lalaking pinagnanasaan na lumuhod sa nakatalikod na babae at may hawak na kahon.
"Baby..."
Lumingon si Niccola nang marinig ang pagtawag ni Warren at kaagad na nanigas sa kinatatayuan nang makita itong nakaluhod.
"I wasn't the best boyfriend out there, but know that what I feel for you is real. I have never been sincere when I confessed my love for you. Para na akong mababaliw kapag hindi tayo magkasama. Gusto na kitang makita sa bawat umagang magigising ako at bago matulog. I want to spend the rest of my life with you because I don't see my future with anyone but you. S***, alam mo naman na hindi ako magaling sa mga salita, hindi ba?" natatawang sabi ni Warren bago pinakita kay Niccola ang singsing na naging kasing-kinang ng bato ang kislap sa mga mata. "Baby, will you marry me and be the only Mrs. Ancheta I want and need?"
"Yes. Yes!" walang pag-aatubili at pagdadalawang-isip na sigaw ni Niccola.
Nang isuot sa kaniya ni Warren ang singsing ay halos hindi na mawaglit doon ang kaniyang tingin.
Tama, itong lalaking ito ang tutupad sa mga pangarap niya. And she'll sooner die than let him go. At ito, ang singsing na ito ang magsisilbing tali niya sa pag-ibig ni Warren para sa kaniya.
Siya ang magiging Mrs. Ancheta at asawa ng nag-iisang tagapagmana ng kayamanan ng mga ito.