"TALA ANAK, dito muna tayo ha, kailangan kasi masikatan ka ng araw. Hindi ko alam kung bakit, pero natitiyak kong makakabuti ito sa iyo. Madalas akong makakita ng mga sanggol na pinaaarawan ng mga nanay nila kaya gagayahin na lang sila ng tatay. Mahina pa kasi ang nanay kaya hindi ka pa niya maaalagaan. Hindi bale, marunong naman ang tatay mag-alaga.", nakangiting pagkausap ni Apa sa karga-kargang sanggol. Nakatayo silang mag-ama at nakaharap sa papasikat na araw. Nang matantiyang sapat na ang init na pumasok sa katawan ng anak ay ibinalik na ito Apa sa loob ng kubo. "Gising ka na pala, teka lang at ikukuha kita ng mainit na tsokolate at biskwit.", aniya kay Ada na bagama't nakahiga pa ay nakadilat naman ang mga mata. Ibinaba niya ang sanggol sa tabi nito at saka nagtuloy sa mesa upang

