KABANATA 16
Kinabukasan sa school, ‘di ako pinapansin ni Jade, pati na rin si Jeff. Nagtataka nga si Jeff sa kinikilos ni Jade, kaya tinanong sa ‘kin kung ano’ng problema at kinuwento ko naman kay Jeff ‘yung naging usapan namin ni Jade kagabi.
“Bakit mo sinabi agad?” bulong ni Jeff sa ‘kin.
“Ewan ko ba. Ang tanga-tanga ko nga eh,” dapat kasi talaga naghanap muna kami ng pruweba, bago ko sinabi kay Jade ‘yung hinala namin.
“Paano na ‘yan?”
“Kailangan ko talagang humanap ng pruweba.”
“Good luck, sana nga may mahanap na tayo.”
“Sana.”
Akala ko during break, kakausapin ni Jade si Steve, pero nang nasa canteen kami, tiningnan ko ‘yung table nina Steve, wala naman si Jade doon. Kaya pagkatapos ng breaktime at pagbalik ko sa classroom kinausap ko si Jade, kahit na ‘di ko alam kung papansinin ba niya ako o ‘di.
“Jade,” ‘di siya sumagot, kahit na alam kong narinig naman niya ‘ko. “Jade, pansinin mo naman ako,” tumingin siya sa ‘kin. Halatang galit pa rin siya.
“Kung gusto mong malaman kung okay na kami, hindi pa. Ayaw niyang makipag-usap sa ‘kin dahil galit pa rin siya. Pero hindi ako titigil hangga’t hindi kami nakakapag-usap at hindi ko napapatunayan sa inyo na mali kayo. Kung hindi niya ‘ko kakausapin ngayon dito sa school, mamaya sa party kina Karen sisiguraduhin kong magkaka-usap kami.”
Nakalimutan ko, may party nga pala kina Karen ngayon at buti na lang invited ako kaya pwede ako pumunta. Kung kailangan kong sundan si Jade hanggang doon gagawin ko. Panigurado nandoon sina Steve at Kristine, kaya pupunta rin ako at isasama ko si Jeff.
“‘Di na kita pipigilan sa gusto mong gawin. Basta ang masasabi ko lang Jade, concerned ako sa ‘yo. At may hiling sana ako, kung ayaw mo ‘kong kausapin ngayon, ayos lang, pero pwede bang tawagan mo si Inah mamaya? Nalungkot kasi ‘yung kapatid ko nang ‘di ka nakausap kagabi.”
“Huwag kang mag-alala, Jared. Hindi ko idadamay si Inah, tatawagan ko siya.”
“Thanks.”
Hindi na ulit kami nag-usap hanggang sa mag-uwian na. Pag-uwi ko, nagpaalam ako kina Mommy na may party akong pupuntahan. Pinayagan naman ako, basta huwag lang daw akong iinom kung meron man at iiwas daw ako sa g**o. Sana nga lang makaiwas talaga ako sa g**o. Buong barkada pa naman ni Steve ang nandoon.
“Jared, sigurado ka bang isasama mo ‘ko doon sa party? Hindi naman ako invited. Ikaw lang naman ang invited,” sabi ni Jeff sa ‘kin habang nagmamaneho ako papunta sa bahay nina Karen.
“Oo at ‘wag kang mag-alala. Sa dami ng bisita, ‘di na naman siguro mapapansin na nandoon ka.”
“Okay, sabi mo eh. Tiwala naman ako sa ‘yo.”
Malayo pa kami pero dinig na ‘yung malakas na tugtog na nanggagaling sa bahay nina Karen. Sa labas ng bahay nila ang dami nang kotseng nakaparada. Bumaba na kami ng kotse ni Jeff at naglakad papasok sa bahay nina Karen. Tulad ng sinabi ko kay Jeff, ‘di nga napansin ng mga nandoon na may nakapasok na ‘di naman imbitado. Busy ang lahat sa pagpa-party eh.
“Nandito na tayo. Ano’ng plano ngayon, Jared?”
“Hahanapin ko si Jade, hanapin mo si Kristine.”
“Okay,” saka siya tumango.
“Basta kahit na anong importante, i-text o itawag mo agad sa ‘kin. Gano’n din ‘pag nakita mo si Jade, sabihin mo agad sa ‘kin.”
“Kinakabahan ako, Jared. ‘Di ako sanay sa mga ganitong party.”
“Kaya mo ‘yan. Basta kumuha ka lang ng beer kahit na ‘di ka naman umiinom, para magmukha ka lang nakiki-party. ‘Wag kang mag-stay sa isang lugar lang para ‘di halatang ikaw lang mag-isa. Basta kaya mo ‘yan at kung may kakilala ka, makipagkwentuhan ka. Tandaan mo, ‘di na ikaw ‘yung Jeff dati, may nag-kaka crush na nga sa ‘yo eh.”
“Sino?” medyo gulat pa niyang tanong.
“Si Cynthia ‘tsaka si Anne.”
“‘Yung mag-bestfriend na Cynthia at Anne? ‘Yung classmates natin?” nakakatawa ‘yung itsura ni Jeff. Halatang ‘di makapaniwala na may nagkakagusto na sa kanya.
“Oo, narinig kong pinagkukwentuhan ka nila kahapon. ‘Di mo ba narinig? Nasa likuran lang natin sila.”
“Hindi eh,” umiling pa siya.
“Grabe, ‘pag nasa loob ka talaga ng classroom buong atensyon mo nasa teacher.”
“Syempre, gan’on naman talaga dapat ‘di ba?”
“‘Di na ‘ko makikipagtalo sa ‘yo. Basta ‘yung usapan natin gawin mo at ‘yung mga bilin ko tandaan mo.”
“Okay.” nag-okay sign pa si Jeff.
Naghiwalay na kami ni Jeff. Hinanap ko sa buong bahay si Jade. Sa
loob at sa labas, pero ‘di ko siya makita. Nandito na kaya siya? Baka naman wala pa? Nagkausap na kaya sila ni Steve? Sana ‘di pa. Naasan ba kasi siya? Baka naman nagkakasalisihan lang kami parati?
Habang hinahanap ko si Jade, nagkasalubong pa kami ni Jeff. Kinamusta ko siya kung ano nang nangyari sa paghahanap niya kay Kristine, pero pareho lang pala kami na ‘di pa rin nakikita ‘yung hinahanap. Kaya naghiwalay ulit kami ni Jeff at lumabas ulit ako para hanapin si Jade. May kalakihan kasi ‘tong bahay nina Karen tapos ang daming tao pa at madilim. Ilang ilaw lang ang bukas.
Siguro ilang minuto na rin akong nasa labas, kaya nagdesisyon akong pumasok na ulit nang marinig ko ‘yung usapan ng dalawang babaeng nakasalubong ko galing sa loob. Parang narinig ko ‘yung mga pangalang Steve, Jade, at Kristine.
Pumasok ako agad sa loob na halos makipagsiksikan na ‘ko sa dami ng bisita. Inikot ko agad ‘yung paningin ko para hanapin si Jade, si Kristine, o kaya si Steve. ‘Di ko nakita si Jade at Steve pero nakita ko si Kristine na kasama si Jeff. ‘Di ko pa alam ang nangyari pero si Kristine umiiyak. Nilapitan ko sila at tinanong kung ano'ng nangyari.
“Nagkabukingan na,” maikling sagot ni Jeff sa ‘kin, habang akay-akay si Kristine na iyak nang iyak.
“Nasaan si Jade?” nag-aalalang tanong ko. Sigurado akong umiiyak na naman ‘yun.
“Hindi ko alam pero tumakbo siya papunta doon. Sinundan siya ni Steve.”
“Sige Jeff sundan ko muna sila. Ikaw na bahala kay Kristine.”
“Sige.”
Tumakbo ako papunta sa direksyon na tinuro ni Jeff pero ‘di ko agad nakita sina Jade. Nang makita ko si Jade na nasa may open bar. Mukhang nakailang shots na siya, dahil ilang baso na rin ‘yung nasa harapan niya. Halatang nagtatalo sila ni Steve. Pinipigilan siyang uminom ni Steve pero mapilit siya.
“I’m sorry, Jade. Hindi ko sinasadya. Ikaw kasi, lagi mo ‘kong tinatanggihan. Inakit lang ako ni Kristine,” narinig kong sabi ni Steve. Kapal ng mukha niyang isisi ‘yung pagkakamali niya kay Kristine pati na rin kay Jade. Parang ‘di lalaki.
“Umalis ka na nga, Steve! Ayoko na sa ‘yo! Break na tayo!” sigaw ni Jade sa kanya.
“Please, Jade, I’m sorry.”
“Jade, tama na ‘yan,” hinawakan ko ‘yung basong hawak niya dahil mukhang iinom na naman siya. “Steve, pwede bang hayaan mo na muna si Jade. Lumayo ka muna.”
“Andito ka na namang pakialamero ka?” mukhang naka-inom na rin si Steve, dahil amoy alak na siya.
“Pare, ayoko ng away, kaya kung pwede, umalis ka na lang muna.”
“Hindi! Gusto ko ng away!” sabay suntok sa ‘kin, kaya binalikan ko siya ng isang suntok din. Gumanti siya uli, kaya nagsuntukan na kaming dalawa hanggang sa awatin na kami ng ilang nandoon. Naawat naman kami pero nang hanapin ko si Jade, wala na siya. Iniwan ko si Steve na hilo at hinanap ko si Jade.
Jade bakit ba lagi ka na lang nawawala? Palagi na lang kitang kailangang hanapin.
Nakita ko siya na nakikipag-sayaw sa isang lalaki. Lasing na si Jade at ‘di na niya pansin na kanina pa siya hinihipuan ng kasayaw niya. Sa inis ko, kinuha ko ‘yung kamay ng lalaki at saka ko pinilipit.
“Awww! Awww! Aray!” sigaw niya.
“Jared, ano bang ginagawa mo?” tanong ni Jade na halata mo talagang lasing na.
“D’yan ka lang ah, ‘wag kang aalis d’yan,” sabi ko kay Jade habang hawak ko pa rin ‘yung braso ng lalaking nambastos sa kanya. “‘Yan ang dapat sa mga bastos na katulad mo,” sabi ko naman doon sa lalaki.
“Tama na! Tama na! Sorry hindi ko na uulitin,” pagmamakaawa niya sa ‘kin. “Pasalamat ka ‘di ko pa binabali ‘yang braso mo. Mag-sorry ka sa kanya!” utos ko doon sa lalaki para mag-sorry siya kay Jade.
“Sorry, Jade... sorry...” sabi niya kay Jade. Kaya binitawan ko na siya. Si Jade naman hinawakan ko sa kamay at inakay ko palabas ng party.
“Saan mo ‘ko dadalin, Jared? Ayoko pang umalis dito. Gusto ko pang mag-party! Bitawan mo ‘ko!” pilit niyang inaalis ‘yung kamay ko sa kamay niya.
“Aalis na tayo, para tanggalin ‘yang tama mo,” medyo inis na sabi ko. ‘Di kasi solusyon sa problema ang pag-inom.
“Alam mo, tama si Steve eh, masyado kang pakialamero. Bitawan mo na ‘ko!” ‘di ko na pinansin ‘yung mga sinasabi niya. Ang ginawa ko binuhat ko siya, saka ko isinampa sa balikat ko, para ‘di na ‘ko mahirapan na palabasin pa siya.
“Jared! Put me down! Ano ba!”
“‘Yan ang dapat sa mga makulit na tulad mo. Aalis tayo dito sa ayaw at sa gusto mo.”
“Put me down!” paulit-ulit niyang sabi, habang hinahampas ‘yung likod ko. ‘Di ko siya ibinaba kahit ano’ng sabihin niya at kahit anong hampas pa ang gawin niya sa ‘kin. Ibinaba ko na lang siya nang nasa tapat na kami ng kotse ko. Binuksan ko ‘yung pinto sa unahan ng kotse.
“Pasok,” utos ko sa kanya. Pero ‘di ako pinapansin. “Papasok ka o ako ang gagawa ng paraan para maisakay ka sa kotse ko?” banta ko sa kanya.
Wala siyang imik, pero pumasok naman siya sa loob ng kotse ko. Sa likod at ‘di sa harapan. Sumakay na rin ako at nang lingunin ko siya, umiiyak na siya, kaya bumaba ulit ako ng kotse at tinabihan ko siya sa likod. Niyakap ko siya habang tuloy pa rin siya sa pag-iyak.
“Ang tanga-tanga ko Jared. Bakit hindi ko man lang napansin?” kinuwento na niya ‘yung buong nangyari kanina. Hinanap daw niya si Steve para kausapin, pero ‘di niya mahanap, at ‘di raw niya alam kung bakit niya naisipang hanapin sa mga kwarto. Nang pasukin daw niya ‘yung isang kwarto na ‘di naka-lock, nakita raw niya si Steve at Kristine na nakaupo sa kama at naghahalikan.
“Ang sakit! ‘Yung boyfriend ko tapos kaibigan ko, hindi ko alam may ginagawa pala kapag nakatalikod ako. Ang idadahilan pa ni Steve sa ‘kin, inakit siya ni Kristine at natukso siya dahil lagi ko siyang tinatanggihan! Gano’n ba talaga kayong mga lalaki? ‘Yon ba ang sukatan n’yo ng pagmamahal?”
“‘Wag mong lahatin Jade, hindi ako gano’n.”
“I’m sorry.”
“Wala kang dapat ika-sorry. Naiintindihan ko.”
“I’m sorry kung hindi ako naniwala sa ‘yo. Hiyang-hiya ako sa nangyari.”
“‘Wag mo nang isipin ‘yon at tumahan ka na d’yan. Sobrang mugto na ‘yang mga mata mo, kanina ka pa iyak nang iyak. Ano bang gusto mong gawin? May gusto ka bang puntahan?”
“Ilayo mo na muna ako rito. Dalhin mo ‘ko sa lugar na tahimik,” ‘yun ang hiling niya sa ‘kin, kaya nagsimula na ‘kong magmaneho. Dumaan kami sa isang coffee shop para ibili siya ng kape. Kailangan niya ‘yon para mawala ‘yung epekto ng alak sa kanya. Dahil tahimik na lugar ang gusto niya, sa isang park ko siya dinala. Sa park ng subdivision kung saan kami nakatira. ‘Pag gabi na kasi, wala nang taong nagpupunta sa park.
“Ayos ka na ba rito?”
“Okay na. Thanks, Jared.”
‘Di naman kami bumaba ng kotse. Nag-stay lang kami sa loob. Tahimik lang si Jade at hinayaan ko na lang muna siya. Magsasalita naman siguro siya kung gusto niya ng kausap. Siguro may isang oras o mahigit pa kaming nag-stay sa park nang magyaya na siyang umuwi.
Nag-drive na ‘ko papunta sa bahay nina Jade at bago kami makarating sa tapat ng bahay nila pinahinto na niya ‘yung kotse. Tinanong ko siya kung bakit. Sagot naman niya, baka raw may makakita. Pero sabi ko sa kanya wala naman akong balak magtagal at uuwi rin ako agad.
“Sinong may sabing uuwi ka na agad?”
“Ha?”
“Basta, halika na baba na d‘yan,” utos niya sa ‘kin. Bumaba na siya ng kotse, ako naman sumunod na lang. Binuksan na niya ‘yung gate ng bahay nila nang dahan-dahan. Naglakad kami papasok. Sunod naman na binuksan niya ‘yung pintuan ng bahay nila.
“Dahan-dahan ka lang Jared ah, ‘wag kang maingay. Baka magising sina Mama,” bulong niya sa ‘kin.
“Bakit? ‘Di ba nila alam na umalis ka? ‘Di ka ba nagpaalam sa kanila?” tanong ko naman na pabulong din.
“Uhm, hindi eh. Kung nagpaalam ako, panigurado hindi nila ako papayagan. Tuwing pupunta ako ng party, palagi akong tumatakas.”
“Sa susunod, ‘wag mo na uulitin na aalis ka na ‘di ka nagpapaalam sa mga magulang mo ah. Mali ‘yung ginawa mo Jade,” pinagsabihan ko siya. Mali kasi talaga, pa’no ‘pag may nangyaring masama sa kanya, tapos ‘di alam ng mga magulang niya kung nasaan siya? Pinag-alala na niya ‘yung mga magulang niya, napahamak pa siya.
“Opo, gusto ko lang naman kasing makausap si Steve. Kaso...” napabuntong-hininga siya. “‘wag na nating pag-usapan,” tumango na lang ako. “Halika na, sunod ka lang sa ‘kin. Basta, huwag ka lang maingay.”
Naglakad kami papanik ng hagdan, nasa unahan siya at nakasunod lang ako. Bawat hakbang ko ingat na ingat talaga ako para ‘di makagawa ng kahit na anong ingay.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.
Lumingon siya sa ‘kin. “Sa kwarto ko, saan pa kaya?” binalik niya ulit ‘yung tingin sa harapan pagkatapos niyang sabihin ‘yon.
“S-sa kwarto mo?” mautal-utal na tanong ko. Ano’ng gagawin namin sa kwarto niya? Bakit kami sa kwarto niya pupunta?
“Oo, sa kwarto ko at nandito na tayo,” binuksan niya ‘yung pintuan ng kwarto niya, saka siya pumasok. Ako naman nag-aalangan na pumasok. Dahil ‘di ako agad pumasok, lumabas ulit si Jade.
“Jared, ano’ng ginagawa mo d’yan? Pumasok ka na rito. Baka biglang lumabas ng kwarto si Mama o kaya si Papa, makita ka pa d’yan.”
“Ha? Ano... Uwi na ‘ko Jade.”
“Anong uwi? Hindi ka pa pwedeng umuwi.”
“Ano kasi,” ano ba kasing gagawin namin sa kwarto niya. First time ko kasing papasok sa kwarto ng babae, tapos sa babaeng gusto ko pa. Naka-inom pa siya, pero mukha namang nawala na ‘yung tama niya nang uminom siya ng kape.
“Halika na,” hinawakan niya ‘ko sa braso at hinatak ako papasok ng kwarto niya. Ang ganda ng kwarto ni Jade. Kulay pink, malinis, alam mo agad na babae ang may-ari ng kwarto. May bookshelf din siya na puno ng mga libro. Sa ibabaw ng study table niya may mga libro rin. Mahilig pala siyang magbasa.
Ang pinagtataka ko lang, may dalawang kama. May kapatid ba si Jade? Parang wala naman siyang nababanggit. Kung meron man, nasaan ‘yung kapatid niya?
“Upo ka muna d’yan. Hintayin mo ‘ko, saglit lang ako,” pinaupo niya ‘ko sa kama na malapit sa may bintana. Pumasok naman siya sa loob, na sa tingin ko ‘yon ang banyo, kasi narinig ko ring bumukas ‘yung gripo.
Habang hinihintay ko siyang lumabas, ‘di ako mapakali. Bakit ba ‘ko nasa loob ng kwarto ni Jade? Hindi kaya, balak ni Jade na… Kaming dalawa… Hindi, hindi… Jared ano bang pinag-iisip mo? Bata pa kayo masyado at ‘di gano’n si Jade. Pero bakit nga ba niya ‘ko pinapasok pa rito? Pwedeng-pwede naman akong umuwi kanina.
Habang isip ako nang isip, lumabas na ng banyo si Jade at tumabi sa ‘kin. Binaba niya sa kama ‘yung mga bitbit niya. May dala kasi siyang maliit na bimpo, bulak, at alcohol. Humarap si Jade sa ‘kin ‘tsaka nagsalita.
“Kahit hilo ako kanina, aware pa rin ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Jared, lagi ka na lang nakikipagsuntukan para sa ‘kin. Lagi ka na lang nand’yan para sagipin ako sa mga maling sitwasyon at ikaw na ‘yung nasaktan, ikaw pa rin ‘yung nag-asikaso sa ‘kin kanina. Kaya kahit sa simpleng paggamot man lang d’yan sa mga galos mo, sana makabawi ako,” sabi niya, tapos pinunasan niya ng basang bimpo ‘yung mukha ko, sa totoo lang ‘di ko ramdam na may mga galos pala ako, siguro kasi puro si Jade ang nasa isip ko. Habang pinupunasan niya ‘yung mukha ko, nakatingin lang ako sa kanya.
“Ayos lang naman ako, ‘di mo na kailangan gawin ‘to para sa ‘kin,” sabi ko habang nakatitig pa rin ako sa kanya.
“Huwag ka na kumontra, pambawi ko man lang ‘to sa mga gulong pinapasok mo nang dahil sa ‘kin. Ewan ko ba kasi sa ‘yo, hilig mong iligtas ako.”
“Importante ka kasi sa ‘kin, Jade.”
“Thanks,” tapos nginitian niya ‘ko. “Gamutin na natin ‘yan,” tumango naman ako. Kumuha siya ng bulak, saka niya nilagyan ng alcohol, tapos dinampi niya sa galos sa mukha ko.
“Awww...” ang hapdi kasi.
“Sorry, sorry... Masakit? Sige hihipan ko,” hinipan niya habang nilalagyan ng alcohol ‘yung galos ko.
Ang lapit ng mukha niya sa ‘kin. Bigla tuloy bumilis ‘yung t***k ng puso ko. Kanina nakatingin ako sa kanya, pero ngayon ‘di ko na magawa, sa baba na ‘ko nakatingin, naiilang kasi ako.
“Ayos na Jade, salamat,” sabi ko agad sa kanya, para matapos na ‘yung paglalagay niya ng gamot sa mukha ko. Baka kasi sa lakas ng t***k ng puso ko, marinig na niya. Nakakahiya.
“Hindi mo kailangan magpasalamat sa ‘kin. I’m the one who should be thanking you.”
“‘Wag mo nang isipin ‘yon,” medyo naiilang pa rin ako, kaya nag-isip ako ng topic na pwede naming pag-usapan. “Jade, bakit pala dalawa ‘yung kama rito sa kwarto mo?” tanong ko sa kanya.
“Itong kamang inuupuan natin, sa ‘kin ‘to. ‘Yang isa sa kapatid ko, sa kakambal ko.”
“Kakambal? Meron ka palang kapatid?”
“Oo, kaso wala na siya,” may lungkot sa mukha niya.
“Paanong wala na siya?”
“Namatay siya last year.”
‘Di ko alam pero bigla akong napatingin sa picture frame na nasa ibabaw ng drawer sa tabi ng kama ni Jade. Sa picture, may kasama si Jade. Isang babaeng kahawig na kahawig niya, pero iba ang ayos at kulay ng buhok, iba ang pananamit.
Ngayon alam ko na kung bakit ‘di ako nakilala ni Jade.
Dahil hindi si Jade ‘yung babaeng nakilala ko noong gabing ‘yon. Hindi si Jade ‘yung babaeng nakatayo sa ilalim ng ulan at nilapitan ko para tanungin kung kailangan ba niya ng tulong. Hindi si Jade ‘yung babaeng humalik sa ‘kin, saka ako iniwan. Higit sa lahat, hindi si Jade ‘yung babaeng nagpa-love at first sight, first touch, at first kiss sa ‘kin.
Hindi si Jade, kundi ‘yung kakambal niya.
“Masyado ka atang apektado sa sinabi ko Jared, parang maiiyak ka pa d’yan.”
“H-ha? Ano kasi, syempre may kapatid din ako at kung sa ‘kin mangyayari ‘yon, malulungkot ako nang sobra.”
“Totoo ‘yon. Lalo na sa ‘kin, kakambal ko pa. Sabay kaming lumaki, siya ‘yung bestfriend ko, siya ‘yung kakampi ko sa lahat. Kaya ang hirap nang mawala siya,” may lungkot sa mga mata Jade habang sinasabi niya ‘yun.
“Jade, ano’ng pangalan niya?”
“Jasmine... Jasmine ang pangalan ng kapatid ko,” ang ganda ng pangalan niya. Pero mas maganda siguro kung siya mismo ang nagsasabi ng pangalan niya sa ‘kin. Kaso wala na siya kaya parang kinukurot ‘yung puso ko, sa sakit ng katotohanan na nalaman ko.
“Jared, okay ka lang ba?”
“Ha?” Napatingin ako kay Jade. “Ah, Jade, uwi na siguro ako. Late na rin kasi,” tumingin pa ‘ko sa relo ko.
“Okay ka na ba? Okay na ba ‘yung mga sugat mo?”
“Oo, ayos na ko,” tumayo na ‘ko mula sa pagkaka-upo sa kama.
“Hatid na kita hanggang sa labas,” sabi ni Jade at naunang siyang lumabas ng kwarto at nakasunod lang ako.
Pagdating namin sa main door nila. “Jade, dito ka na lang. ‘Wag ka na lumabas, isasara ko na lang ‘yung gate n’yo paglabas ko.”
“Sigurado ka?”
“Oo, sige alis na ‘ko,” paalam ko sa kanya.
“Okay, ingat ka. Bye.”
“Bye.”
Pagkatapos kong magpaalam kay Jade, naglakad na ‘ko palabas ng bahay nila. Pagkalabas ko, sinarado ko na rin agad ‘yung gate nila. Bumalik ako sa kotse ko at nagmaneho pauwi. Habang nagmamaneho ako walang ibang laman ‘yung utak ko kundi ‘yung nalaman ko na patay na ‘yung babaeng mahal ko. Na hindi si Jade ‘yung babaeng ‘yon, kundi si Jasmine. Para akong pinaglaruan ng kapalaran. All this time akala ko nahanap ko na siya. Akala ko si Jade siya. Ginagawa ko pa lahat para mapalapit sa kanya, para mapansin niya, tapos malalaman ko ibang tao pala. Ang sakit.
Hininto ko ‘yung kotse, ipinarada ko muna sa tabi. Gulung-g**o ‘yung isip ko. Naiinis ako. Galit ako. Hindi ko alam! Hindi ko alam kung sino’ng sisisihin sa nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw, pero ang tahimik ng buong paligid, kaya wala akong magawa kundi hampasin na lang ‘yung manibela na nasa harapan ko at naiyak na lang ako.
Puro tanong ‘yung nasa isip ko. Bakit nangyari sa ‘kin ‘to? Bakit wala na siya? Bakit ‘di niya ‘ko hinintay? Sana nakilala ko man lang siya bago siya nawala. Bakit nakilala ko pa si Jade? Ano ba ‘yung nararamdaman ko para kay Jade? Mahal ko ba siya dahil akala ko siya si Jasmine o mahal ko siya dahil siya si Jade? Gulung-g**o ‘yung isip ko, at wala akong maisip na sagot sa mga tanong ko.
‘Di ko na kayang tingnan ulit si Jade, tulad ng dati. Iba na ngayon. Sa tuwing makikita ko siguro siya, palagi kong maaalala si Jasmine. Laging ipapaalala sa ‘kin na wala na ‘yung babaeng mahal ko. ‘Di ko na alam ang gagawin ko, naguguluhan talaga ako.
Nagmaneho na ‘ko ulit para umuwi. Dahil may sariling susi naman ako, nakapasok ako ng bahay namin. Tahimik ang buong bahay, tulog na silang lahat kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Naligo ako at nagpalit ng damit, saka ako humiga sa kama para matulog na. Nakahiga lang ako pero walang ibang laman ‘yung isip ko kundi si Jasmine. Nasasaktan pa rin ako ‘pag naiisip ko ‘yung katotohanan, kaya pinilit kong matulog. Bumaba ako sa kusina para uminom ng gatas. Binuksan ko ‘yung TV para manuod, para magpa-antok. Nakinig ako ng music, pero pilit pa ring sumisiksik sa isip ko si Jasmine. Umuulit sa isip ko ‘yung gabi na nakilala ko siya. Unang beses kong ma-in love tapos ganito ‘yung nangyari? Hinanap ko siya, pero ‘yung kapatid niya ‘yung nakilala ko. At pagtataksil bang matatawag ‘yung mga ginawa ko para sa kapatid niya? Grabe, masisiraan na ‘ko ng ulo.