Chapter 7

1795 Words
Maryse’s POV “Good morning sa inyo!!!” Ang sarap ng gising ko today, anong meron? Wala naman. I just want to start a new day and a new chapter. Sabi nga nila, goodvibes lang. Lahat ng mga masasakit na alaala ay dapat sinusunog na sa drum. “Mars leggo na? Malapit na tayong ma----, mars ?” napatitig na lang si Aliyah sa akin na tila nakakita siya ng mumu. “Grabeeee, hindi kita nakilala ahh, naks naman, moving on si ate mong girl” “Maganda ba?” tanong ko sa kanya. “Oo naman mars, mas bagay nga sayo magpa short hair, bangs na lang kulang at kamukha mo na si Dora haha” -Aliyah “Tse! Haha. Tara na nga at baka naghihintay na si Tyler” bumaba na kami ni Aliyah at mga ilang sandali ay dumating na si Tyler para ihatid kami papuntang school, kagaya ni Aliyah ay natulala rin si Tyler sa new look ko. “Maryse? Wow!! I’m speechless pero infareness, you look great sa short hair” -Tyler “Thank you, so tara na?” Pinagbukas ako ni Tyler ng pintuan, doon ako sumakay sa tabi niya at sa likod naman sumakay si Aliyah. Ano nga ba ang nangyari? Kagabi kasi after kong sunugin lahat ng mga gamit ko na related kay Bryce ay nagdecide din akong gupitin ang buhok ko, sign of moving on kay Bryce, na last na talaga ito, hindi ko na talaga siya bibigyan pa ng pagkakataon. Ganito din kasi mga nakikita ko sa internet ehh, pinuputol yung buhok para makamove on. Akala ko nga hindi nila magugustuhan dahil ako lang ang nagputol nito pero nagustuhan naman nila Aliyah at Tyler.   Mga ilang minuto ay nakarating na kami sa school, halos lahat ay napatingin sa akin dahil sa new look. Grabe ahh, parang ngayon lang sila nakakita ng short haired girl. Mapa hallway, faculty pati sa class ko ay tila nashock sa new look ko, grabe kabog na kabog ba talaga ang level ng ganda ko? Char hahaha. “Teacher” tawag ng isa kong student. “Yes baby?“ “For you po“ binigay niya sakin ang isang pirasong papel na nakatiklop, anong meron dito? “To Teacher Maryse“ “Thank you po Teacher, ang bait at ang ganda niyo pa po” Hala siya, ang bata bata pa ang galing nang mambola, kaloka naman. “Thank you baby boy“ Bakit ganun noh? Nag change look lang ako tila bumait mga tao sa akin ngayon hahaha. Well siguro nga right decision lang din itong ginawa ko. New look, new me.   Tyler’s POV Pagkatapos ng klase ko ay bumalik na ako sa faculty, kaagad akong uminom ng tubig dahil kanina pa ako dada ng dada sa klase ko, well sanay naman ako ehh pero ngayon lang din ako sinipag ng husto sa trabaho ko. Waiting na lang ako ng 11:30am dahil patapos na rin ang klase nila Maryse saka ni Aliyah. And speaking of Maryse, speechless talaga ako nang nakita ko siya, kahit anong looks talaga niya ang ganda parin niya. Parang nagpapacute talaga siya sa akin ehh, naku asa pa. Hindi ka type nun boy, doon ka na sa realistic. Pero to be honest, matagal na akong may gusto kay Maryse. We’ve been college buddies alongside Aliyah. Kaso nga lang ay naunahan ako ni Bryce para sa puso niya. Mahirap umamin sa isang kaibigan sa totoo lang, iba kasi ang level when it comes to friendship and relationship. Isa sa mga kinakatakot ko ay ang masira ang friendship namin ni Maryse once na umamin ako sa kanya. Oo alam niya na crush ko siya, type ko siya pero as of now, hanggang friends lang talaga ang end of the line namin, even though na wala na sila ni Bryce ngayon. Hindi pa nga ako nakakasigurado kung tuluyan na niya talagang kakalimutan si Bryce ehh, maraming beses na kasi niyang binabalikan pero palagi naman siyang sinasaktan nito. Not just one, two, three or four. Double digits na nga as in. Kaya nga ang bansag ko sa kanya ay “Marupok Legend” ehh kasi isa siyang alamat when it comes to marurupok. “Ty….” Anu ba naman ito, nagkukwento ako ehh. Si Claire nga pala, co-teacher ko. “Sasabay ka bang maglunch samin sa canteen? Tara na” “Sige una na kayo, may hihintayin lang ako” “Hmmm sige, sunod ka ahh” –Claire Nasaan na ba sila? Puntahan ko na kaya at baka ako lang itong hinihintay nila. Mga ilang minuto bago mag 11:30 am ay hindi na ako nakapaghintay kaya pinuntahan ko na sila sa kanilang faculty room. Sakto at nakita ko sila Maryse at Aliyah na palabas na ng faculty room. “Leggo?” tanong ko. “Tara na at gutom na ako” –Aliyah “So? Saan niyo ba gusto?” “Kahit sa canteen ok lang naman” –Maryse “Kaso mars baka punuan na sa canteen ehh, peak hours na ngayon” –Aliyah “Hmmm gusto niyo dun tayo kumain sa may bagong open na store sa may plaza, malapit sa bayan” suggestion ko. “Lalayo pa tayo, saka kailangan kong bumalik before 1pm” –Maryse “Kakain lang naman tayo then balik na tayo dito after” “I mean, baka mapasarap kain ko doon, sabi mo bagong bukas ehh” –Maryse “Mars hindi mo pa nga alam kung masarap doon ehh” –Aliyah “So? Tara na, magugutom tayo kakatayo dito” “Oo nga mars tara na” hinigit na ni Aliyah si Maryse dahil gutom na nga ito. Sumakay kami sa kotse ko at nagpunta sa plaza, may newly open food stall kasi doon yung kaibigan ko. “Anong klaseng kainan ba pupuntahan natin?” –Maryse “Korean Food Stall siya ehh, new business ng friend ko” “Ayyy talaga??” –Maryse “Oo naman, itry lang naman natin, pero I’m sure na magugustuhan niyo iyon” “Kayo na lang” –Maryse “Bakit? Ayaw mo?” “Oo ehh, sorry Tyler ahh. Ok lang ba na sa iba tayo kumain? Basta huwag lang sa Korean Resto” –Maryse “Ang KJ mo naman mars, huwag ka na choosy” –Aliyah “Uyyy bakla, favorite namin ni Bryce mga Korean Foods. Pero ngayon hindi na” -Maryse “Ayun kaya pala” sagot ko. “Pwede ka namang kumain nang hindi mo siya iniisip diba?” “Basta ayoko, kayo na lang doon, bibili ako sa iba” –Maryse “Sige ikaw bahala” Akala ko magugustuhan niya ehh, naalala pala niya si Bryce dahil doon. Dati kaya kami ni Aliyah ang palagi niyang kasama, ang takaw takaw pa nga niyan ehh, nakaka ilang rice kaya siya doon, akala mo nasa Mang Inasal ehh. Mga ilang minuto lang ay nakarating na kaagad kami sa plaza, buti na lang pagdating namin ay kakaunti na lang ang tao. “Dito na tayo, siomai rice na lang ako” –Maryse “Wow ahh nagtitipid teh? Edi sana nagcanteen na lang tayo at nagtake-out” –Aliyah “Ehh ayoko na mag Korean food, nakakasawa” –Maryse “Nagsasasawa o may naalala ka lang? Alam mo gutom lang iyang pagkabitter mo Maryse” “Basta ayoko ok? Sige na order na kayo para makakain na tayo at makabalik na tayo sa school” –Maryse Hindi ko na lang pinansin si Maryse, kaagad kaming pumunta ni Aliyah sa foodstall ng kaibigan ko, papalapit pa lang kami ay bumungad na ito sa amin at kinawayan kami. “Ty!! Buti na lang at napabisita ka!! Welcome to Cheese Kimbap!!” “Hello, asensado ka na talaga ahh. Hmmm what’s your best selling ba? For two persons” “Psssst, si mars ba?” –Aliyah “Yaan mo siya, KJ siya ehh” “Pero…” –Aliyah “Hayaan na muna natin siya, moving on siya ehh” “Hmmm try mo ito Ty, masarap ito. Free taste ko na ito sa inyo. Mura lang naman ito. Ngayon lang libre” “Sure, for three person na” tatlo na ang kinuha namin para kung sakaling gusting kumain ni Maryse ay may makakain siya, nag-iinarte lang iyan dahil kay Bryce pero ang totoo niyan ay favorite niyang kumain ng Korean foods lalo na kapag kasama kami. May mga memories lang kasi siya doon with Bryce kaya until now nasasaktan parin siya. “Thank you, irerecommend ko ito sa mga co-teachers ko, amoy pa lang ang bango na ehh” “Uyy thank you Ty ahh, super appreciated. Balik kayo ahh” “Sige, thank you ulit” Binalikan namin si Maryse at talagang tinotoo niya ang sinabi niya, na mag siomai at rice lang siya with gulaman. “Ang bango ng amoy, I smell Korea hmmm” –Aliyah “Nakapunta ka na bang Korea? Kung maka I smell Korea ka naman wagas” –Maryse At dahil gutom na kami ay kumain na kami ni Aliyah. “Sorry kung nauna na akong kumain, gutom na ako ehh” Habang kumakain kami ay nakatingin si Maryse sa kinakain namin, ang sarap nga nitong tuna flavor, mukhang mapapabalik kami dito ahh. “Ang saraaaaap, grabe parang dito na ako tataba teh” pang inggit ni Aly. Si Maryse naman ay hindi na makasubo ng kinakain niya, siguro nang dahil sa amoy ng pagkain kaya tila natatakam na siya haha. “Mukhang mabibitin ako Ty, hatiin na kaya natin ito” sabay tingin ni Aly kay Maryse. “Alam ko namang para sa akin iyan, nag-abala pa kayo” –Maryse “Ehh ayaw mo naman ehh, kaya sa amin na lang” –Aliyah “Akin na, gutom pa kasi ako sa totoo lang” –Maryse “Sabi ko na hindi ka makakatiis ehh” –Aliyah “Marupok talaga” pabulong kong sinabi. Pero ang totoo niyan, nainggit talaga siya sa kinakain namin, hindi rin makakatiis iyan haha. Pagkatapos naming kumain ay kaagad na kaming bumalik sa school, hindi naman kami na-late. “Bye Aly, bye Maryse” nagpaalam na ako sa kanila. “Ahmmm Maryse” bago siya pumasok sa faculy ay tinawag ko siya. “Bakit?” “Hmmm Saturday free ka ba?” tanong ko. “Wala namang pasok nun, hmmm siguro maglalaba lang ako sa umaga. Anong meron?” –Maryse Bakit ganun? Parang natotorpe ako, tila natigil ako sa kinatatayuan ko at parang hindi ako makapagsalita. What if i-reject niya lang ito? Hmmmm. Magpakatatag ka lang Tyler. Kaya mo ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD