Maryse POV
SUNDAY
After ng drama ko kay Aliyah kagabi ay niyaya niya akong magbiking, pero di ko akalaing kasama itong si Tyler.
“Kasama siya? Akala ko tayong dalawa lang?”
“Actually si Tyler yung nagyaya mars, saka ok lang naman na kasama natin siya hindi ba?” –Aliyah
“Nalaman ko kagabi yung nangyari sa inyo between you and Alexa, until now parehas kayong hindi makamove on kay Bryce” –Tyler
“Siya lang naman iyon, saka please lang, ayoko na munang maalala yung mga nangyari kagabi, kaya nga tayo nandito diba para magchillax”
“Oo nga naman, let’s move on and start a new day, tara na mga pagong” –Aliyah
“Yabang mo ahh, baka mamaya hindi ka na makaahon”
Mabilis akong nagpidal ng bike at hinabol si Aliyah, si Tyler naman ay nakasunod sa akin at tila nakangiti lang habang sumusunod kay Aliyah.
Papunta kami ng Tagaytay ngayon, it’s been a year nang huli akong nakapunta dun with Bryce.
By the way, naalala ko nanaman yung mokong na iyon, chillax Maryse, nandito ka para magchill, huwag mo ulit saktan ang sarili mo.
Mga ilang sandali bago kami makarating ay nagpunta kami sa isang coffee shop para magkape.
“Bilisan natin, baka pagdating natin doon, marami nang tao” -Aliyah
Nilagay muna naming yung bike naming sa tabi, inilagay ko naman ang helmet ko sa may manibela, kasabay kong pumasok si Aliyah.
“Teka Ty, hindi ka ba sasama?” tanong ko.
“Hindi naman ako mahilig sa kape ehh, nangangasim sikmura ko kapag nakakaamoy ng kape” maselan talaga itong tiyan ni Tyler ehh, akala mo anak mayaman hahaha, dinaig pa si Bryce ehh. Si Bryce nga kahit ano kinakain maski sinabawang medyas hinihigop nun ehh.
“Hmmm ano kayang masarap na kape?” tanong ni Aliyah.
“Sakin Irish Coffee, sayo ba?”
“Irish Coffee? Hindi ka ba nagsasawa diyan Mars?“ -Aliyah
“Hindi, bakit naman? Masarap siya try mo kasi”
“Ahh alam ko na, hindi, palitan mo iyang flavor mo“ -Aliyah
“Ayoko, favorite ko kasi ito ehh”
“Akala ko ba gusto mong makalimot?” -Aliyah
“Oo naman”
“Hindi ka pwedeng magsinungaling sakin Mars, favorite coffee flavor niyo ni Bryce iyan” -Aliyah
“Bakit mo naman alam?”
“May amnesia teh? 4th year college, nung gumagawa tayo ng thesis sa coffee shop near sa school, iyan palagi mong inoorder sa tuwing bibilhan ka ni Bryce ng kape, pati ako binibilhan niya noh, sawa na nga ako ehh” -Aliyah
“Edi bumili ka ng iba, basta ako, Irish Coffee sakin”
Masarap naman kasi talaga itong Irish Coffee, parang imported coffee kasi ito, ito kasi ang isa sa mga best seller sa coffee shop nila Bryce. Yes coffee shop nila dahil meron din siyang mina-manage na coffee shop. Ganyan siyang kayaman. Para na ngang Starbucks iyon ehh dahil sobrang exclusive ng kape nila as in, syempre target costumer mo ba naman mga estudyante sa Mitchell University ehh alam mo naman, puro RK students dun, ako salimpusa lang kumbaga kaya madalas akong mabully dahil mukha daw akong hampaslupa.
Mga ilang sandali ay nakuha na namin ang inorder naming kape.
“Thank you so much“ bati ko sa waiter nila.
Humigop muna ako ng kape para magising ako sa katotohanan este magising ako dahil medyo inaantok pa ako, bitin din kasi ang tulog ko kagabi, kung hindi pa nga ako umiyak kagabi, baka hindi pa ako nakatulog ehh.
Mabuti na lang at maganda ang view dito, kitang kita mo ang magandang tanawin, yung puro all green lang, walang polusyon sa paligid maliban sa akin hahaha. Ang sarap maging mapayapa.
“Nakakapanibago pala ng ganito”
“Huh?” -Aliyah
“Ang sarap lang sa feeling na magrelax, yung wala kang iniisip na sama ng loob”
“Kaya nga dinala ka namin ni Tyler dito ehh to have a peace of mind, alam mo naaawa lang talaga kami sayo Mars, hindi mo deserve na masaktan ng bongga” -Aliyah
“Aly, bakit ganyan iyang mga lalaki noh? Parang ang dali lang sa kanila manloko ng ibang babae ehh“
“Huwag mo namang lahatin Mars, maraming matitinong lalaki diyan sa paligid, huwag mong ilabas ang sama ng loob mo sa mga lalaki nang dahil lang sa iniwan ka ng Bryce na iyon“ -Aliyah
“Sino naman kaya yung sinasabi mong matinong lalaking iyan?“ Tumingin tingin si Aly sa paligid niya, ano ito? Naghahanap ng boylet dito sa coffee shop. “Dito talaga Aly? Nandito sa coffee shop”
“Tange, hinahanap ko si Tyler sa labas, nasaan na ba iyong lalaking iyon?” -Aliyah
“Hayaan mo na siya, malaki na iyon”
“And speaking of matinong lalaki, iyon ba ang hanap mo? Na-mention ko na” -Aliyah
“Si Tyler? Eeeewww yuck”
“Kung makayuck ka naman sa kanya, pero seriously, si Tyler talaga yung #1 Contender na kilala ko” -Aliyah
“Ewan ko pero basta naguguluhan ako, magkaibigan lang kami ni Tyler as of now”
“Kawawa naman si Tyler, na friendzoned, and speaking of Tyler, tara na Mars at baka kanina pa naghihintay si Tyler” -Aliyah
“Oo nga pala, ubusin ko lang ito” inubos ko na yung natitirang kape at tumayo na ako. Pagkatapos ay lumabas na kami ni Aliyah sa coffee shop.
Muli kaming bumalik sa pagbibike para pumunta sa People’s Park in the Sky. Naalala ko dati, gusto kong magpunta dito kasama si Bryce kaso ayaw naman niya kaya heto, first time kong pupunta dito kasama ang mga kaibigan ko.
Pagkarating namin ay tila namangha ako sa nakita ko, ganito palang kaganda dito, super relaxing nga dito sabi nila.
“Tama nga sila, ang ganda nga dito”
Habang nagmamasid masid ako sa tanawin ay tila nagfaflashback nanaman ang lahat ng memories namin ni Bryce. Tila gusto ko na lang itapon ang lahat ng ito dito sa lugar na ito. Ang sarap pa ng simoy ng hangin tila gusto akong yakapin nito, para bang gusto nitong sabihin sa akin na “Ok lang iyan, makakalimutan mo rin siya”
“Ohh umiiyak ka nanaman?” –Tyler
“Wala, tears of joy lang ito”
“Tears of joy? Ang sabihin mo iyakin ka lang” –Tyle
Oo na, cry baby kasi talaga ako, lalo na kapag nasasaktan ako. “Paano ako hindi iiyak, gusto kong makarating dito pero ayaw naman ni Bryce dahil hindi naman daw maganda dito, sinungaling talaga iyon ehh”
“Sinungaling na nga, gusto mo pang balikan” –Tyler
“Anong sabi mo?”
“Wala, saka huwag mo nang isipin si Bryce ok? Kaya ka nga namin dinala ni Aly dito para mahimasmasan ka, gusto ko pagbalik natin ay maging ok ka na” –Tyler
“Alam ko, sinabi na din sa akin ni Aly iyan kanina. Ang hirap lang dahil kahit anong limot ang gawin ko sa kanya, pilit na ginugulo nito ang isip ko”
Pag uwi namin ay naglinis ako ng kwarto ko, almost 2 weeks na rin kasi ako hindi nakapag-ayos ng kwarto dahil sa sobrang busy ko sa school. Nakalimutan ko nang magligpit ng gamit.
Inayos ko ang cabinet ko at hiniwalay ang lahat ng school documents ko sa mga personal belongings ko. Nang ilabas ko ang lahat ng gamit ko ay may nakita akong card.
“BRYCE <3 MARYSE”
Nakadikit ito sa dingding ng kwarto ko dati nung college pa kami, nakadikit din dito yung picture naming dalawa. Sa isang box naman ay nandoon lahat ng pictures namin, ang dami naming pictures, yung iba hindi pa nakadikit sa photo album. Sa tuwing makikita ko itong mga ito ay tila ang nasasaktan parin ako. Itinabi ko na lang ito para hindi na ako masaktan pa.
Lumabas ako dala ang lahat ng mga gamit na may kinalaman samin ni Bryce, inilagay ko ito sa isang box, binuhusan ko ito ng paint thinner at sinilaban ito. Habang unti unti itong tinutupok ng apoy ay tila sumabay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Nagpapahiwatig lang na ito na ang katapusan ng pag-alala ko kay Bryce.