Maryse’s POV
“Teacher teacher” papasok pa lang ako sa classroom ko ay tinawag ako ng isa kong student. “Si Bruno po, pinaiyak si Mico, sinuntok po niya”
“Huhuhuhu” lumapit ako sa kanila para alamin ang nangyari. “Anong nangyari? Bruno, bakit mo inaway si Mico? Diba sabi ko bawal makipag-away?”
“Si Bruno po teacher, inaagaw yung baon ko tapos sinuntok ako”
Tinitigan ko si Bruno ng masama. “Bakit mo naman inaagaw ang baon niya, kailangan ba suntukin mo siya? Gusto mo dalhin kita sa office?”
“Sorry po teacher, gutom pa po kasi ako ehh” –Bruno
“Pero dapat hindi mo siya sinuntok, kung nagugutom ka, dapat tinawag mo ako, hindi yung aawayin mo ang classmate mo”
Paiyak na rin ang itsura ng bata nang pagalitan ko siya, hindi ko palalagpasin ang ginawa ng batang ito. Sumasakit na rin ang ulo ko sa batang ito dahil palagi na lang siyang suki ng principal’s office.
“Halika at dadalhin kita sa office, palagi ka na lang nang-aaway ehh”
“Ayoko po teacher, sorry na po, hindi na po ako mang-aaway” paiyak na sagot ni Bruno.
“Hindi, palagi mo na lang iyan sinasabi. Sasama ka sa akin sa office o ipapatawag ko ang magulang mo?”
“Ayoko po teacher, ayoko po” –Bruno
Sumasakit na ang ulo ko, stress na ako sa batang ito. Isa na lang talaga at ipapatawag ko na ang mga magulang nito.
Pagkatapos ng klase ko ay dumeretso muna ako sa faculty dahil ang sakit nan g ulo ko.
“Teh, may gamot kaba diyan? Ang sakit na ng ulo ko ehh” tinanong ko si Aliyah, buti pa siya vacant ngayon.
“Luh, ok ka lang ba mars? Magpahinga ka na lang kaya muna” –Aliyah
“May klase pa ako ehh, di ko pwedeng absenan yun”
“Magpahinga ka na lang muna mars, ako na lang muna bahala since vacant ko naman, ano bang gusto mong ipagawa sa kanila?” –Aliyah
“Ikaw magsusub sakin? Naku salamat teh ahh, pasensya na sa istorbo”
“Wala yun, bestfriends diba? Isa munang highfive diyan” tinanggap ko naman ang highfive niya.
“Madali lang naman activity nila teh, pagsagutin mo na lang sila sa book nila sa English. Activity 4.2”
“Yun lang naman pala, sige ako nang bahala dito, magpahinga ka na lang muna mars ok?” –Aliyah
“Sige, thank you teh ahh”
At nagpahinga muna ako dahil sumasakit na ang ulo ko, walong sections ba naman ang hawak ko sa isang araw tapos hindi nawawalan ng mga pasaway na estudyante. Tapos itong advisory class ko, ang daming pasaway, pero never ko silang isinumpa ahh, anak parin ang turing ko sa kanila kahit ganun sila, gusto ko lang din kasi silang maturuan ng magandang asal at ayoko nang may mga nabubully sa klase ko.
Ang speaking of bully, ang palaging pumapasok sa isip ko tuloy ay si Bryce, ayan nanaman tayo ehh Bryce nanaman.
Sige ituloy natin ang kwento ni Bryce para makatulog ako hahaha.
FLASHBACK
Grade school days namin, maraming beses akong binully nang asungot na ito. One time, nilagyan niya ng chewing gum ang upuan ko kaya nung pagtayo ko sa upuan ko ay nagtawanan ang mga kaklase ko, nakakahiya nga naman at nakakadiri dahil galing sa bunganga niya yun tapos dumikit sa palda ko.
Then heto pa, usapang chewing gum ulit. Habang nasa gitna kami ng klase ay ngumunguya si Bryce ng chewing gum then ibinato niya ito sa akin at aksidente itong dumikit sa buhok ko. Pinipilit kong tanggalin ito sa buhok ko pero hindi matanggal hanggang sa dumikit na ang ilang pirasong buhok ko sa chewing gum. Mabuti na nga lang at hindi ako kinalbo, nagalit ang parents ko sa ginawa nila kaya sumugod ito sa school namin para ireklamo si Bryce, kaso wala namang nangyari, andun parin siya sa school at walang ipinataw na parusa sa kanya, bakit? Ehh malakas kasi sa itaas ehh.
Tila nagsilbing impyerno ang school year ko that time hanggang sa hindi na ako nakatiis, lumipat na ako ng school at desisyon rin ito ng mga magulang ko.
Let’s jump sa college days ko.
Ano na nga ba ang nangyari kay Bryce that time?
“Maryse, may nagpapabigay pala nito sa iyo” abot sakin ng kaklase ko, isang letter.
“I apologize for bringing tears in your eyes but I have not done it intentionally, Please forgive me”
“Sino ang nagbigay nito?” tanong ko.
“Siya” nabigla ako nang makita ko ulit si Bryce, nilapitan ko ito at kinausap. “What’s with this? I already told you to stay away from me”
“Is that it? You still not accepting my apology? Tell me Maryse, how long shall I wait in order for you to forgive me?” –Bryce
“Forgive you? Do you remember all the stupid things you have made to me? Ohh yeah, it’s been half a decade already and I know you already forgotten about that. Lahat ng sakit at kahihiyan tiniis ko dati na naging dahilan ng pagkaka-apekto ng pag-aaral ko, sa tingin mo ba mapapatawad kita ng ganyan ganyan?”
“Past is past, I’ve already change. That’s why I’m here and saying sorry to you, to all of the stupid things that I’ve made to you, I’m sorry” hinawakan pa niya ang kamay ko para magmakaawa, ako naman ay iniwas ko ang paghawak niya na tila nandidiri ako sa kanya.
“Please leave me alone ok, maghanap na lang ng taong bubulyhin mo” ibinalik ko ang letter na ibinigay niya.
Aliyah’s POV
“Teacher Ali, bakit wala po si Teacher Maryse?” tanong ng isa kong student.
“Masama ang pakiramdam ehh, hayaan niyo babalik din si Teacher Maryse bukas”
“Sana po gumaling na po siya”
“Opo teacher”
Isang araw lang nawala itong si Maryse nahohomesick na sila, hindi ba ako enough? Hahaha drama the.
So ayun, at dahil masakit ang ulo ni Maryse ay ako muna ang naging substitute teacher nila dito, bale nagpagawa na lang ako ng activity then after nilang ipasa ito, si Maryse nang bahalang magcheck dun.
“Tapos na ba ang lahat?”
“Opo teacher”
“Wait lang po teacher, last na lang po”
Maaga pa naman kaya ok lang na ubusin nila ang oras, pero kasi may next class pa ako at may pa-quiz kasi ako dun. Pero sige lang, take your time.
Naaawa na rin kasi ako kay Maryse ehh, napaka workaholic ng lola mo, nagpapakabusy para makalimutan niya si Bryce. Well sana nga at makalimutan na niya talaga yung lalaking iyon dahil ayaw ko na rin si Bryce para kay Maryse. Naaawa lang din ako sa kanya dahil palagi na lang nitong sinasaktan ang bestfriend ko.
Nung una ay medyo close kami ni Bryce pero nung isang beses na hiwalayan niya si Maryse ay dun na nawala yung pagiging close ko sa kanya, then nang pangalawang beses, dun na ako nainis hanggang sa may sumunod pa. Oo may kasunod pa iyan, ehh pano ba naman kasi itong si Maryse, alam niyo na, napakarupok. Ilang beses nang sinusuka ni Bryce, patuloy parin niyang hinahanap hanap.
Even though na bestfriend ko siya, hindi ko siya mapigilan sa nararamdaman niya kay Bryce, natural puso niya iyon, hindi kami magpadugsong nung pinanganak.
Sabay kaming umuwi ni Maryse, si Tyler hindi na sumabay sa amin dahil may aasikasuhin pa siya.
“Ok ka na ba mars?”
“Ok na ako, gusto ko na munang umuwi at matulog” –Maryse
Parehas kami ng inuuwian ni Maryse, nakastay-in kami sa isang apartment na malapit dito sa school na pinapasukan namin.
Nang nakatulog na si Maryse ay tinawagan ko si Tyler.
“Hello Ali, good evening” –Tyler
“Hmmm free ka ba ng Sunday?”
“Oo naman, gusto mo magdate tayo? Hahaha” –Tyler
“Baliw, what I mean is if free ka, samahan natin si Maryse, naaawa na ako sa bestfriend ko ehh”
“Sure, may suggestion ako, punta tayo ng Tagaytay” –Tyler
“Tagaytay?”
“Oo, magbike tayo papunta doon tapos bonding na din, tagal na din kasi tayong hindi nakakagala ehh gawa ng busy tayong lahat ehh” –Tyler
“Hmmm sounds a good idea, para na rin makamove on itong si Maryse kay Bryce, and speaking of Bryce, may update na ba kung pupunta siya sa reunion? If oo kasi, mukhang nega itong si Maryse na makapunta”
“Hindi ko alam ehh, wala akong pakialam sa kanya” –Tyler
“Halata naman sayo, hayaan mo, bawi ka na lang sa Sunday, if papayag si Maryse” hindi nakasagot si Tyler, di mo alam if nalobat or choppy ehh. “Uyyyy”
“Ahh oo sige, tuloy tayo sa Sunday” –Tyler
TO BE CONTINUED
END OF CHAPTER 2