Maryse’s POV
So ayun noh, naputol yung flashback ko kay Bryce nang makatulog ako, pero ayos lang iyon, ayoko nang maalala pa ang tungkol sa past namin.
Pagkauwi ko ay nahiga muna ako ng ilang saglit dahil bitin parin ang tulog ko, hanggang ngayon ay sumasakit parin ang ulo ko, pero hindi na yung kasing-lala nung dati.
Ayoko na munang pag-usapan ang tungkol kay Bryce, sa tuwing naiisip ko siya ay namimiss ko parin siya hanggang ngayon. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko haixt.
Nag-vibrate bigla ang phone ko, si Tyler lang pala ang tumatawag.
“Tara ML tayo” -Tyler
Sumagot ako. “Masakit ulo ko”
Magpapabuhat lang naman itong si Tyler ehh. “Ahh ganun ba? Kamusta ka naman?“
“Ok na ako, konting tulog lang ito at mawawala rin ito”
“Ohh sige magpahinga ka na muna, uminom ka ng gamot para mawala iyan. Mag-ingat ka palagi”
Pa-concern pa ang loko. “Ok po”
THE FOLLOWING DAY
Mabuti na lang at ok na ang pakiramdam ko, ang kinakabahan ko lang ay kung pupunta ba si Bryce sa reunion mamayang gabi? Sana hindi na siya pumunta.
Gusto ko rin naman talagang pumunta sa reunion namin dahil gusto ko rin makita ang mga friends ko nung college. Yung iba siguro mga mayayaman na ngayon noh? Kahit almost 5 years na ang nakalipas nung nakagraduate ako.
Kinagabihan ay sinundo kami ni Tyler sa apartment namin, simple lang naman ang suot ko, naka white dress lang ako saka konting foundation lang sa mukha, di naman kailangang maging bongga ang susuotin ko.
“Tara na guys, male-late na tay-------- tayo” tila natulala si Tyler nang nakita niya kami ni Aliyah, maganda ang suot niya kumpara sakin na tila pinaghandaan niya itong reunion namin.
“Tara na” umalis na kami at sumakay sa kotse ni Tyler.
“Maryse dito ka na lang sa unahan” -Tyler
“Sige” si Aliyah naman ay naupo sa likuran ko, pagkatapos ay umalis na kami dahil late na rin kami, ang tagal kasi ni Aliyah ehh.
Gaganapin ang reunion namin sa isang 5 star hotel, ang bongga noh? Mayaman din kasi yung dati naming student council president that time kaya well organized niya ito.
“Mars, kilala mo pa ba si Alexa? Pupunta kaya siya mamaya?”
“Si Alexa? I don’t care kung pupunta siya mamaya and I don’t care kung magkita man sila ni Bryce mamaya kung sakaling nandoon siya” Siya lang naman yung kaagaw ko kay Bryce dati pero mas pinili niya ako over her, impakta kasi ang ugali ng babaeng iyon kaya hindi na ako magtataka kung bakit ayaw sa kanya ni Bryce.
Pero huwag ka, nahumaling si Bryce dun kahit papaano, anak mayaman din kasi iyon saka maganda pa, ehh anong laban ko sa kanya diba? Muntik muntikan na nga maging sila dati ehh.
“Until now galit ka pa din sa kanya? Ehh ikaw nga itong pinili ni Bryce over her diba?” –Tyler
“Kaya nga, mas prefer kasi ni Bryce ang girl with a good heart and attitude like you mars, naks haba ng hair” –Aliyah
“Ibaba niyo nga ako” request ko kay Tyler.
“Ohh bakit ka naman bababa?” –Tyler
“Naririndi lang ako, diba nga ayoko nang pag-usapan natin si Bryce”
“Sorry mars, naalala lang kasi namin ehh” –Aliyah
After kong magalit ay wala nang nagsalita sa amin habang nasa biyahe kami, mga ilang sandali ay nakarating na kami sa venue ng reunion.
Ang bongga ng suotan nila ahh, talong talo talaga ako ehh. Parang ang punta ko sa palengke lang ehh noh? Hahaha.
“Ayyy kabongga naman talaga ehh noh” –Aliyah
“Oo nga ehh, feeling ko talaga napadaan lang talaga tayo dito” sagot ko, habang naglalakad kami ay hinahanap namin yung mga classmate namin dati.
“Nasaan si Tyler? Uyyy” nag iba ng direksyon si Tyler, mukhang nasa kabilang direksyon ang isip niya ehh. “Naliligaw ka yata, sino bang hinahanap mo?”
“Wait, Tyler? OMG ikaw nga” may isang babaeng lumapit kay Tyler na tila na-starstruck nang makita siya. “Rochelle, section B03, naging groupmate mo sa Geography dati”
“Ahhh oo, tanda na kita, ikaw yung puro pancit canton lang yung ambag dati, oo naman hahaha, kamusta ka?” –Tyler
“Grabe ka naman hahaha, hayaan mo hindi na pancit canton ang ambag ko, btw saan ka nagtuturo ngayon?” –Rochelle
“Sa CMS, Social Studies ang tinuturo ko sa highschool nga pala remember Aliyah saka Maryse? Magkakasama kaming nagtuturo sa CMS, guys si Rochelle nga pala” pinakilala kami ni Tyler kay Rochelle, kilala ko din siya, mas marami pa yung absent niya kesa sa pinasok niya, matanda siya samin ng 2 years.
“Ikaw? Mukhang payaman ka na ahh, nakikita ko mga post mo sa sss ehh, may four wheels ka na” –Tyler
“Hindi naman masyado“ pahumble niyang sagot. “Napag-ipunan ko lang”
“May bago ka na raw bahay ehh, sa liit ng sweldo nating mga teachers meron ka nang bagong kotse at bahay, mayaman ang asawa mo ano?” -Tyler
“Wala pa akong asawa, heto single padin. Maganda lang yung trabaho ko at naeenjoy ko naman kahit papaano” -Rochelle
“Bakit? Ano ba ang trabaho mo?” -Tyler
“Ahhmm open minded ka ba? Pwede natin pag-usapan, tara??” -Rochelle
Ayyyy jusmiyo naman akala ko naman teacher din siya. “Sige na Tyler sumunod ka na”
“Ehhh kasi may……” -Tyler
“Usap muna kayo, dito muna kami ni Ali” hinayaan muna naming mag-usap si Rochelle at Tyler, tutal magkasundo naman iyang dalawang iyan.
“Mars, iwan muna kita” -Aliyah
“Ikaw na nga lang ang kasama ko dito, iiwan mo pa ako”
“May hahanapin lang ako, hindi ko sure if nandito siya ngayon” -Aliyah
“Mukhang kilala ko na iyan ayieeeeeee” pang-asar ko sa kanya.
“Mars naman ehh, matagal na panahon na iyon. Ikaw nga hindi mo maiwan iwan si Bryce ehh” -Aliyah
“Nang aasar ka pa ehh, sige na, bilisan mo ahh” at ayun soloflite nanaman ako, ok lang, sanay naman akong iniiwan sa ere ehh.
May nakita akong bakanteng table na may tatlong upuan kaya doon muna ako umupo, dito ko na rin pauupuin yung dalawang bakla.
Habang nakaupo ako ay nagmamasid masid lang ako sa mga tao sa paligid, hanggang sa bumugad sa akin ang pamilyar na mukha.
“Hi Alexa, grabe wala ka paring pinagbago, maganda ka parin ahh”
“Thank you” -Alexa
Speaking of the devil, pinag-uusapan lang namin sila ni Aliyah at Tyler kanina, nandito nga si Alexa. Isa na siyang manager ngayon sa company na pinagmanahan niya sa kanyang mga magulang. Marami silang business na gasolinahan dito sa buong Pilipinas.
Yung kasama naman niyang si Madison, city councilor sa bayan nila, ang bata pa niya pero councilor na kaagad siya. Anak kasi siya ng mayor.
Then yung isa, si Leslie. Sa Taiwan siya nagtatrabaho as a surgeon. Napaka down to earth ng babaeng iyan, malayong malayo sa ugali nung dalawa. Paano ko nasabi?
FLASHBACK
Way back in college nagsimula ang alitan namin ni Alexa nang dahil kay Bryce. Nung nalaman niya na nanliligaw sa akin si Bryce, doon siya nagalit sa akin, one time ay ipinahiya pa niya ako sa maraming tao.
“Ooops sorry po” nagkasalubungan kami sa canteen at sinadya niya akong banggain.
“How could you? Apat na nga ang mata mo hindi mo pa makita ang dinadaanan mo?” I was wearing eyeglasses nung college ako dahil may grado ang mata ko, ngayon kasi ay nagsusuot na lang ako ng contact lens.
“Sorry po ate”
“Wait sissy, I know her, siya yung girl na nililigawan ni Bryce, nakita ko kayo one time sa isang milktea shop ni Bryce tapos magkahawak pa ang kamay niyo, hindi ako nagkakamali sissy, siya iyon” -Madison
“Ako? Pasensya na po ahh, mukhang wrong number po kayo“ paalis na ako pero hinablot ako ni Alexa.
“Who told you to leave? So sinasabi mong sinungaling ang kaibigan ko?“ -Alexa
“Hindi naman po talaga ehh“ pagtatanggi ko, that time ay niyaya lang ako ni Bryce na pumunta sa coffee shop pero ang ending ay nauwi na lang sa milktea dahil gusto daw niyang matikman ito for the first time.
“Hindi ako maaring magkamali, I was there nung mga panahong iyon, tatawagin ko nga sana si Bryce kaso mukhang maiistorbo ko ang date niyong dalawa“ -Madison
Hinigpitan ni Alexa ang paghawak niya sa braso ko. “Ikaw? Magugustuhan ni Bryce? How pathetic, I can’t believe na ang hina ng panlasa ni Bryce pagdating sa babae. We’ll let me introduce you, I’m Alexa Monteverde. Matagal na kaming magkakilala ni Bryce kaya please lang, huwag ka nang mag ambisyon” tinulak ako ni Alexa hanggang sa bumagsak ang pwet ko sa sahig, nakakahiya dahil nagtitinginan ang mga tao sa canteen that time. Hindi lang isang beses niya itong ginawa.
Nung naging kami na ni Bryce, we’ve celebrated our 1st year anniversary and he gave me an intermission number.
NP: LET ME BE THE ONE
After that, he gave me a bouquet of flowers. “Happy anniversary my love, I’ll promise that I will love you more and I will never ever leave you”
Habang kinikilig sila ay doon umeksena si Alexa. “Bravo bravo bravo” pumapalakpak pa siya. “Anniversary niyo na pala? How dare you Bryce, you told me that I’m the only girl in your life, YOU LIAR!!!”
“Huh? Bryce, what is she talking about?” tanong ko sa kanya.
“Wait babe” lumapit si Bryce kay Alexa. “What are you doing here?”
“What am I doing here? I just follow you because I thought that you were busy, the reason why you’re ignoring my recent calls. I can’t believe you lied to me! And I’ve found out that you have a relationship with that?? What the heck!!” –Alexa
Lumapit sa akin si Alexa. “At ikaw? Anong gayuma ang pinainom mo sa kanya huh?? By the way guys, sa mga hindi po nakakaalam, Bryce and I had a recent relationship before this girl steps up!”
Humarap ako kay Bryce. “Is it true?”
“No babe, Please Alexa, leave us alone ok? Don’t ruin our special day” –Bryce
“Why am I leaving? I need an explanation Bryce. Why didn’t you told to her? Why? Because you’re scared in being rejected?” –Alexa
“Shut up Alexa!! Leave!!” –Bryce
Tila natulala si Alexa nang sigawan siya ni Bryce. “Both of you, you’re gonna pay for this, I will sure that there will be a happily ever after” umalis na si Alexa at mabilis itong lumabas ng auditorium. Ang totoo niyan ay wala talagang namamagitan between Alexa at Bryce that time, si Alexa lang ang nagpupumilit pero kay Bryce ay kaibigan lang ang tingin nito sa kanya.
May gusto si Bryce sa kanya dati bago niya ako niligawan, nawalan na kasi ito ng feelings kay Alexa kaya ako ang napili niya. Sa loob ng 5 years na relasyon namin ni Bryce ay si Alexa ang naging tinik ng pagsasama namin, natigil lang ito nang nakagraduate na kami ng college, ang alam ko ay may boyfriend na din si Alexa after ng graduation namin.
Nung college kami ay si Alexa palagi ang puno’t dulo ng away namin palagi ni Bryce. Seducing kasi itong si Alexa ehh, bukod sa maganda na, mayaman pa.
END OF FLASHBACK
Habang nakaupo ako ay tumugtog bigla ang isang pamilyar na kanta.