Maryse POV
NP: LET ME BE THE ONE
Teka? Nang aasar ba ito? Theme song namin ni Bryce ito ehh, sinong nagpatugtog nito?
Sa tuwing napapakinggan ko itong kantang ito, palagi ko na lang naaalala si Bryce. Iyan palagi ang kinakanta niya sa akin sa tuwing hinaharanahan niya ako sa terrace ng bahay namin. Sa tuwing kinakanta niya ito, tila narerelax ang aking puso at isip at ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.
“Let me be the one to break it up so you won't have to make excuses. We dont need to find a set up where someone wins and someone loses” napatigil ang pagkanta ko nang kinalabit ako ni Tyler.
“Kanina pa kita hinahanap, nasaan si Ali?” –Tyler
“May hinanap daw ehh, ehh ikaw? Kamusta yung kwentuhan ninyo ni Rochelle?”
”Pinagreresign niya ako sa trabaho ko tapos pinapa-apply ako sa company niya, hindi kapani-paniwala mga sinasabi niya ehh kaya umalis na ako” –Tyler
“Bakit naman hindi kapani-paniwala?” tanong ko kay Tyler.
“85k per week? Sa tingin mo ba makakabenta ako ng sabon at gluta sa isang linggo within 85k per week?” –Tyler
“Ehh baka naman ginto yung sabon nila, try mo wala namang masama”
Natahimik si Tyler bigla. “Ako na lang maghahanap kay Ali”
“Uyy teka huwag mo akong iwan!” echoserang palaka itong baklang ito. Akala ko pa naman may kasama na ako dito. Haixt.
Aliyah’s POV
Hindi ko alam kung umattend siya sa reunion na ito. It’s been a while na din nung huli kaming nagkausap at nagkita.
FLASHBACK
I’m a fan of online games kasi, since highschool pa, bago mauso iyang ML na iyan. Naglalaro ako ng dota saka LOL dati. Pero hindi ako nagka-cutting classes ahh unlike nung iba diyan. It’s sounds boyish for a girl na online gamer pero huwag ka, dito ko nakilala ang prince charming ko.
Nameet ko siya sa isang online game at nalaman ko din na schoolmate ko siya sa Mitchell University.
Habang AFK (away from keyboard) ako ay may nag-imbita sa akin na maging couple.
“pjsmitty has sent a couple request, would you accept it?”
Since wala naman akong ka-couple sa game na ito, inaccept ko na siya. Kapag may ka-couple ka kasi dito, malaki ang chance na makapagpa-level ka ng mabilisan, bukod sa may katulong ka na, may couple buff kasi ito na may dagdag boost ng experience plus dagdag statistics ng 5%, ayos diba? Yun lang talaga ang purpose ko sa kanya at wala nang iba.
“pjsmitty: Hi” nag PM siya sa akin.
“aly0023: Hello”
“pjsmitty: Thanks for accepting my request ahh”
“aly0023: No problem”
“pjsmitty: Matagal ka nang naglalaro nitong A.M.G Netronomica?”
“aly0023: kakasimula ko pa lang, kaya nga level 30 pa lang ako ehh”
“pjsmitty: Gusto mo tulungan kitang magpa-level, ibu-boost kita”
“aly0023: No thanks, baka naabala lang kita, di naman ako spoonfeed type of player”
“pjsmitty: Wow, sure ka bang kaya mo? Saka free naman ako, pwede kitang tulungan”
“aly0023: Talaga? Sige na nga hehe”
Mas nae-enjoy ko kasi yung laro kapag pinaghihirapan mo, worth it talaga siyang laruin. Ngayon kasi madaming spoonfeed, yung umaasa lang sa mga malalakas nilang mga kakilala sa online game. Gusto nila mabilisang leveling kaagad. Mabilis nga level mo pero naeenjoy mo ba? Diba hindi? For me hindi ka matatawag na gamer kung aasa ka lang sa mga hingi pera hingi pera na iyan.
Going back to my story, sa tuwing online ako para magpa-level, palagi ring online itong si pjsmitty. Sa tuwing may mga quests ako, palagi niya akong tinutulungan para matapos ito, every time na may mga events, palagi kaming magkasama. Nakakaenjoy lang kasi bukod sa naeenjoy ko yung game, may kaibigan din ako dito sa online game world.
“pjsmitty: May pasok ka ba bukas?”
“aly0023: Meron, malapit na akong lumevel, tapusin ko lang ito”
“pjsmitty: Pahinga pahinga din pag may time, kanina ka pa yatang umaga ehh”
“aly0023: Sayang kasi x2”
“pjsmitty: Sabagay, pero ingatan mo ang health mo ahh”
Akala niyo sa messenger lang uso ang pafall noh? Old school pafall itong mga ganito. Paconcern pa si kuya mo oww haha. Then dumating ang araw na hindi na related sa game yung pinag-uusapan namin.
“pjsmitty: Pwedeng magtanong?”
“aly0023: Ano yun?”
“pjsmitty: May real life couple ka ba? Baka mamaya magtampo yun kakalaro mo ng online game”
“aly0023: Wala hahaha”
“pjsmitty: Ganun? Gusto mo tayo na lang?”
“aly0023: sira ka talaga, ehh hindi mo nga ako kilala in person ehh”
“pjsmitty: Taga saan ka ba?”
“aly0023: Luh, bakit mo naman naitanong?”
“pjsmitty: Just want to know more about you”
“aly0023: Ganun ba? Hahaha, o sige taga Rosario po ako and I’m studying at Mitchell University”
“pjsmitty: Mitchell University? Doon din ako nag-aaral ehh, anong course mo?”
“aly0023: BS Educ, ikaw ba?”
“pjsmitty: BS IT po, hindi ko akalain na may makikilala ako dito na schoolmate ko hahaha”
“aly0023: Hindi lang naman ako, madami pa dito. Nagkataon lang na nagkakilala tayo hahaha”
Dapat kasi sa online game lang kami magiging close nito ni pjsmitty ehh pero dumating ang time na gusto na niya ako makita in person, maski ako gusto ko rin siyang makilala dahil gusto ko rin siyang maging kaibigan.
Isang araw, nagpunta kami ni Maryse sa computer shop na malapit sa school namin para gumawa ng research, punuan kasi sa library that time.
“Puno din pala dito, tara hanap tayo ng ibang shop” –Maryse
“PC 8, extend pa?”
“Isang oras pa po” kainis naman nag-extend pa, naka uniform pa ang damuho, alam ba iyan ng nanay at teacher mo?
Mga ganitong oras kasi, awasan na din ng mga estudyante, ang daming naglalaro ng games, karamihan naglalaro ng DOTA at Counter Strike.
Pero may nakita ako sa kabilang banda, mga naglalaro ng A.M.G Netronomica kaya sumilip ako hehe. Sa dulong PC ay tila nanlaki ang mata ko nang makita ko yung IGN nung lalaki.
pjsmitty
So that means? Ito si pjsmitty?? Sabay silip sa bahagya sa kanya para hindi mahalata. Heto siya??
Nung time na iyon ay tila natuwa ako dahil dito ko lang pala matatagpuan yung kaibigan ko sa online gaming. Nagpunta ako sa pwesto niya para magkakilala, pero ang totoo niyan ay aasarin ko talaga siya.
“Wow sipag magfarm, nakaka magkano ka na?”
“200k pa lang” napatingin siya sa akin at napatanggal ng headphones na tila gulat na gulat nang nakita ako.
“Uyyyy easy lang, ako ito si aly0023, yung couple mo, dito ka pala naglalaro”
Hindi parin siya makapagsalita, mahiyain siguro siya in person kaya ang daldal kapag nag-uusap kami in chat.
“Pilot lang po ako dito”
“Ayyyyy” pilot lang pala, akala ko siya na hahaha. Nakakaloka naman.
“So hindi talaga ikaw si pjsmitty?”
“Hindi po, may practice lang daw po siya ng sayaw kaya ako po muna ang naglalaro”
Akala ko pa naman siya na iyon hahaha, medyo nahiya lang ako, nag-assume kasi ako masyado.
Isang gabi ay kinausap ko siya online.
“aly0023: Ikaw ba ito or yung pilot mo?”
“pjsmitty: Hey ako ito, may practice kasi kami kanina kaya nagpa-pilot ako kanina”
“pjsmitty: Akala mo ako noh? Hahaha”
“aly0023: Oo nga ehh, maglalaro ka ba bukas? Dun sa shop?”
“pjsmitty: Yes, maybe mga 3pm, vacant ko kasi nun”
“aly0023: Same here, hmmm gusto mo laro tayo sa shop?”
“pjsmitty: Sige, i-reserve kita ng slot tomorrow, then sabay tayong magfarm sa Tower of Doom”
“aly0023: Sige, out na ako, pasok pa tomorrow ehh”
“pjsmitty: Sure, goodnight”
“Good night pjsmitty” bati ko habang pinapatay ko yung PC dahil inaantok na ako.
The following day, nagpunta ako sa computer shop kung saan ko nakitang naglalaro itong si pjsmitty, sa tagal na naming magkalaro, hindi ko parin siya nakikilala personally.
Hmmm sino nga ba siya in person? Hindi pa kasi kami nagkikita personally ehh. Alam ko na, sisilipin ko na lang kung sino mga naglalaro ng A.M.G. Netronomica.
Inikot ko na ang buong sulok ng comshop pero wala akong nakitang pjsmitty na IGN sa mga naglalarong ito. So wala siya dito ngayon? Paasa din ito ehh noh? Sabi pa naman niya sabay daw kaming maglalaro tapos i-rereserve niya ako ng pwesto dito. Hmmm siguro busy lang siya ngayon.
Almost 4 days siyang hindi nag-online, maybe busy nga siya then one day ay muli akong bumalik sa computer shop, same scenario. Hinanap ko parin si pjsmitty pero hindi ko padin siya nakita.
“Hmmm excuse me? aly0023 right?” may isang guy ang nagtanong sa IGN ko, don’t tell me na ito si. “Ako ito, si pjsmitty” at ako naman ay natulala sa kanya, so siya ito? Ang cute niya. “Uyyy kamusta ka? My name is Peter pala”
“Aliyah, call me Aly na lang hehe. Wait, ang tagal mo yatang hindi naglaro, sayang namiss mo yung Celestial Event”
“May practice kasi kami, sumali kami sa isang inter-collegiate dance competition kaya hindi ako masyadong nakakapaglaro. Ikaw? Feeling ko mas malakas ka na sa akin ahh” -Peter
“Hindi naman, mas malakas ka padin. Nga pala, paano mo nalaman na ako si aly0023?”
“Yun ba? Dun sa pilot ko, akala mo siya yun noh? Sa kanya ko muna pinaubaya yung account ko habang nasa practice ako, nung mga nakaraang araw, hindi na siya nakapag-pilot dahil busy na din siya” -Peter
“Ahhh kaya pala”
“Maglalaro ka ba? Tara laro tayo, libre ko” -Peter
“Talaga ahh, sige Tower of Doom tayo, tapusin natin hanggang Stage 100”
“Sure, sakto may bakante dito ohh, tara” -Peter
And then doon ko nakilala si Peter on person, kung akala niyo na nagkatuluyan kami. Yung ang inaakala niyo.
He quit playing A.M.G. Netronomica due to academic reasons, napapabayaan na niya ang pag-aaral niya kasabay ang kanyang dancing career. Then after that, hindi na kami nakapag-usap kahit man lang sa f*******:. Madalang ko na lang din siyang makita sa school kahit na may mga time na sabay kami ng vacant hours.
One day, I tried to ask him if kamusta na siya.
Me: **wave to him**
Me: Kamusta? Long time no chat
Then nagreply siya. “I’m good”
Me: Ano na pinagkakaabalahan mo after mong magquit sa A.M.G? Tinuloy mo parin yung pagsasayaw mo?
“Nope”
Ang tipid na niyang magsalita, hindi ko alam kung ano ang problema niya. I want to entertain him on his problems pero parang ang cold na niyang kausap.
The past couple of years ay nabalitaan ko na lang na engaged na siya, as of now ay may asawa at anak na siya.
Masaya ako sa kanya pero nung college ako ay may isa akong bagay na hindi ko nagawa, ang magtapat ng pagtingin ko sa kanya. He’s the nicest person I’ve ever met, even though na nagmeet lang kami online, I’ve feel that hindi ako nag-iisa at may kaibigan ako na nandito lang sa tabi ko kahit ang layo ko sa kanya in reality.
So ayun, si Peter lang naman ang hinahanap ko ngayong reunion namin. Gusto ko siyang kamustahin at alamin ang kanyang kalagayan sa ngayon.