Episode 17

1785 Words
Sinundan ko ang pulang basa na nagkalat sa sahig . Alam kong dugo ito ng tao dahil napakabango nito. Bigla akong napahinto sa naisip ko. Hindi! Hindi ako kumakain ng tao at kaya kong kontrolin ang sarili ko. Habang sinusundan ko ang pulang bagay na iyon, mas lumalakas ang pang-amoy ko at natatakam ako. Bakit ako nakakaramdam nang ganito? Napahinto ako sa isang nakasaradong pinto—papunta sa loob ang pulang kulay na sinusundan ko. Basa pa ito kaya mas lalo akong kinabahan. Papaano kami napasok ng mga aswang? Napasinghot ako at natigilan sa naamoy ko. Tao ang naaamoy ko dahil ang kauri ko, iba ang amoy ng mga ito. Patay-sindi ang ilaw na nasa hallway kaya mas nainis lang ako dahil hindi ito nakakatulong. Nang sapilitan kong buksan ang pinto, bumulaga sa akin ang kadiliman sa loob pero walang pag-aalinlangan ko itong pinasok. Panay pa rin ang singhot ko at sinundan ang amoy na iyon. Patungo ito sa isa pang kwarto na nakasarado sa mismong loob ng pinasukan ko. Saglit akong napahinto nang makiramdam ako sa paligid. Nakarinig ako ng mahinang ungol at tama ako, napasok kami! Malakas kong tinulak ang pinto at kinapa ang ilaw sa loob. "S-sino ka?" hiyaw ko sa nakatalikod na lalaki nang bumaha ang mapusyaw na liwanag. Nakaluhod ito sa sahig at hindi ko alam ang ginagawa nito. "Kuya Lander, ikaw ba 'yan?" Pero maliit ang pangangatawan ng lalaking kasama ko sa kumbento kaya napaisip ako. "Kuyang Janitor, gabi na, ah. Ano'ng ginagawa mo rito?" tukoy ko naman sa janitor namin pero parang hindi rin dahil malaki ang pangangatawan ng lalaking nakatalikod. "Roxy—" "Sino ka?" malakas kong sigaw. "Roxy—" Natigilan ako at napalunok sa sobrang kaba ko. Hindi ako pwedeng mag-anyong aswang dahil nasa kumbento ako at baka makita sa ilang camera-ng naka-install sa loob ng building namin ang pagbabagong anyo ko oras na makalabas ako sa kwartong ito. "R-Roxy." Mabagal na tumayo ang lalaki kasabay ng pagkahingal nito. "H-hindi ko mapigil ang s-sarili ko." Nanlaki ang mata ko dahil nang nakatayo na ito, iisa lang ang taong may ganitong bulto. Ang boses nito—hindi. May pumapatak na pulang likido mula rito pero hindi ko makita kung sa'n ito nanggagaling. "H-hindi ko mapigil na—p-patayin siya." Napaurong ako pero nang maisip kong aswang ako, natagpuan ko na lamang ang sarili kong humakbang palapit dito. "H-humarap ka sa'kin," naiiyak kong utos at sana'y mali ang iniisip ko. Dahan-dahan itong kumilos paharap sa'kin at labis akong nagulat kung sino ito. "M-Mihael?" Tuluyan nang nalaglag ang luha ko nang mapagsino ko ito. "Umalis ka na k-kanina, 'di ba?" Nanlaki ang mata ko nang madako sa hawak nito ang tingin ko. Dito nanggagaling ang pulang likido na tumutulo sa sahig. Puno ng dugo ang damit ni Mihael at—napailing ako nang sunod-sunod kasabay ng pagtakip ng kamay ko sa bibig ko. "N-napatay ko s-siya, R-Roxy. H-hindi ko sinasadya." Nanlulumong saad ni Mihael sa dalaga. Ngumuya ito ilang sandali pa na ikinatigagal ng kaharap. "H-hindi ko m-mapigil na kainin siya." Napasandig ako sa hamba ng pinto at napahagulhol nang mahina. Natatakot akong makita kami rito sa loob dahil siguradong malalagay sa alanganin si Mihael. Sa sobrang galit ko, tinabig ko ang hawak ng lalaki kaya nabitawan ito ng huli pero ang mas lalo kong ikinagitla, ang bagay na iyon na hawak ni Mihael na biglang tumalsik sa isang sulok. Napako ako sa kinatatayuan ko nang matamaan nito ang isang—bangkay ng bata. Nanginig ako bigla at lalo lang napaiyak sa nakita ko. Pinatay ni Mihael ang batang ito at kilalang-kilala ko ang batang ito dahil ampon din nila Father ito, si Blyte. Isa itong batang lalaki na iniwan ng magulang sa tapat ng simbahan. Hindi ako makapaniwala at bigla akong nanghina. "Roxy, h-hindi ko mapigil ang s-sarili ko," hirap na saad ni Mihael. "N-nakuha ko ang d-duplicate na isa nang nasa s-sasakyan tayo. Pinigil ko ang s-sarili ko, p-pero hindi ko malabanan ang... ang p-pagkalam ng s-sikmura ko. T-tulungan mo'ko, R-Roxy." Tinakbo ko ang pagitan namin ni Mihael at niyakap ito nang mahigpit. Tama ang sinabi ni Nanay na posibleng inaswang si Mihael. Oras ma malaman ito ng mga kapulisan at ng mga tao rito, siguradong malalagay sa peligro ang mahal ko. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil malaking kasalanan sa Diyos itong ginawa ni Mihael. Nahuli ako at hindi ito pinag-ukulan ng pansin ang lalaki kaya labis ang paninisi ko sa sarili ko ngayon. "Diyos ko po, M-Mihael. Pumatay ka ng t-tao. Bakit, best? Bakit h-hindi mo sinabi sa'kin ang lahat ng nangyayari sa'yo?" "T-tulungan mo'ko, R-Roxy. H-hindi ko makontrol ang... a-ang s-sarili ko. Hindi ko maipaliwanag dahil... dahil g-gusto ko ng laman at d-dugo ng tao." Lumakas ang iyak ko pero nakatakip ang kamay ko sa bibig ko. Hindi ko masikmurang tingnan ang katawan ng batang labas na ang laman loob at wala nang buhay. Pinanlamigan ako ng katawan at pinanghinaan din ako ng loob pero nang maisip ko ang sitwasyon ni Mihael, gusto ko siyang iligtas. "D-Diyos ko, Diyos ko, p-patawarin mo si M-Mihael. B-biktima lang s-siya." Naramdaman ko ang yakap ni Mihael sa'kin ilang sandali pa. Nahaplos ko bigla ang mukha nito at taranta akong naghanap ng basahan sa loob para punasan ang labi nito. Isang nagingitim na basahan ang nadampot ko at wala akong pakialam kahit marumi ito, ang mahalaga, matanggal ko ang dugong nasa bibig nito. "M-Mihael, k-kailangan mong umalis dito dahil delikado ang b-buhay mo. U-umuwi ka muna sa inyo, best, at bukas, pupuntahan kita sa inyo para makapag-usap t-tayo." Punong-puno ng pagmamahal kong tinitigan ang guwapong mukha nito pero napaiyak lang lalo ako. "T-tandaan mo," anas ko sa lalaki habang sige lang ako sa pagtanggal ng dugo sa katawan nito. "B-biktima ka ng mga aswang at w-wala kang kasalanan. H-hindi ka mamamatay tao, Mihael." Napailing ako nang sunod-sunod at nanlulupaypay na napaurong palayo kay Mihael. "R-Roxy—" "K-Kailangan kitang i-ilabas dito habang h-hindi pa nila alam. Kailangan mong t-tumakas at 'wag munang bumalik dito." "R-Roxy—s-sorry." "Mihael, kailangan mong makatakas dito ngayon na dahil mamayang umaga, oras na may umikot ditong mga madre, ma... madidiskubre na nila ang katawan ng bata. A-alam ko ang daan na walang camera kaya k-kailangan nating mag-ingat. W-wala kang kasalanan, ok? Wala!" Nanginginig ang labi ko nang sabihin ko ito at kahit pa pinanghihinaan ako ng loob, hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa bestfriend ko. Hinila ko na ang lalaki pero nang makarating sa pinto na pakay ko, ako muna ang lumabas at nang masigurong walang camera, kinaladkad ko na siya papunta sa hagdan kung sa'n walang makakakita sa'min. "Mihael, kailangang mong dumaan sa b-bintana para makaalis ka. "Sa likod, do'n tayo pumunta para makalabas ka." Nakasarado ang bawat exit na napupuntahan namin kaya ang ginawa ko, hinila ko ang lalaki sa isang pinto na magkokonekta papunta sa roof top ng gusali. Nakasarado ito pero nabuksan ko ito dahil nasa loob ang bakal na lock nito. Pigil ko ang hininga ko habang hila-hila ko ang lalaki paakyat at nang nasa roof top na kami, namroblema naman ako dahil hindi ko alam kung papa'no iaalis sa roof top ang lalaki. Natigilan ako nang maisip ko ang pagiging aswang ko. "Mihael—" "A-lam kong aswang ka, R-Roxy. Ilayo mo'ko rito dahil oras na may kapulisang dumating, siguradong hindi sila mag-aatubiling barilin ako." Natigilan ako nang ngumiti ang lalaki. Nakalahad ang isang kamay nito kaya umangat ang kamay ko para hawakan ito. May hatid na saya sa'kin na alam na ni Mihael ang pagkatao ko. Tanggap ako ng lalaki kung ganun. Naramdaman ko ang mariing pagpisil nito ng kamay ko. Alam na pala ng lalaki na aswang ako? Papa'no? "Nang umalis t-tayo sa probinsyang iyon, nasabi na nila sa'kin na kauri mo s-sila." Nakaramdam ako ng galit nang maaalala ko ang ginawa sa'kin ng mga aswang na iyon nang magbakasyon kami ni Mihael sa probinsyang iyon. "Ano ang ginawa n-nila sa'yo, best? Sabihin mo kung bakit ka nagkakaganito." Napailing ang binata at nagpalinga-linga bago hinawakan sa balikat ang dalaga. "Bilis, R-Roxy, dahil madaling araw na. Nasa labas ang sasakyan ko. Ibaba mo'ko sa gusaling ito para makaalis na'ko. K-kasapi mo ako kaya kung ano ka, ganun din ako. Iisa lang tayo ng pakay sa mundong ito." Naguluhan ako sa sinabi ng mahal ko. Ang dami kong katanungan kay Mihael pero narinig ko na sa baba ang sirena ng kapulisan. Nanlaki ang mata ko nang mapatingin ako kay Mihael na nakangiti pero puno ng pagsusumamo ang mata nito. "Ilayo mo na'ko, Roxy." Napakabilis ng kilos ko nang magbagong anyo ako at sa instruction ni Mihael, sa tagong talahiban ko siya binaba. Malayo ito sa simbahan kung sa'n naka-park ang kotse nito. Dito ko binaba ang lalaki at tatalikod na sana ako nang hawakan ako nito sa braso. "N-napakaganda mo, Roxy. Kailangan kita bukas. Hihintayin kita sa b-bahay para maisawalat ko ang lahat. Kailangan kita sa misyon ko, Roxy." Natigilan ako dahil nasa kaanyuan ako ng pagiging aswang ko pero sinabihan ako nitong maganda? Wala akong inaksayang panahon nang lumipad ako paitaas pabalik sa nilabasan namin ni Mihael. Hindi ko na siya nilingon pa dahil bawat segundo, mahalaga sa'kin para hindi kami mabisto. Nagkatawang tao ako bigla nang lumapat ang mga paa ko sa lupa bago mabilis na tinakbo ang daan papunta sa kwarto ko nang muli akong makapasok sa loob. Hingal na hingal ako nang maisara ang pinto ko at parang kandilang nauupos ako nang sumalampak ako sa sahig. Nang maisip ko ang mga kapulisan, agad akong pumunta ng banyo at hinugasan ang kamay kong may bahid ng dugo. Napaiyak ako nang mahina bago naghilamos. Nakikita ko ang repleksyon ko sa salamin at hindi ako makapaniwala. "Ikaw ba 'yan, Roxy? Bakit? Bakit mo pinatakas si M-Mihael?" Sinisi ko ang repleksyon ko nang tingnan ko ang salamin bago napailing. Umiyak lang ako nang mahina at nang huminahon na'ko, lumabas na'ko ng banyo. Nagpalit din ako ng damit ko at tinago sa ilalim ng kama ang pinagbihisan ko. Kahit wala namang bahid ng dugo ito, natatakot pa rin akong may makita silang makakapagturo kay Mihael, na ito ang salarin. Dumapa ako sa kama ko hanggang sa hilahin ako ng antok ko. Hinihila na'ko ng antok ko nang umingit ang pinto. "Roxy!" malakas na tawag ng isang babae. Nilapat nito ang pinto at hangos na nilapitan ang dalaga. "Sina Blyte at Katie, natagpuang patay sa ibaba. Gumising ka muna d-dahil kailangan ka namin." Kahit nag-aagaw na ang antok at pagkagising ng diwa ko, rumehistro pa rin ang sinabi ng isang madre sa'kin. Dalawa? Dalawa ang pinatay ni Mihael? Napabalikwas ako ng bangon at tinitigan ng nanlalaki kong mata ang maputlang mukha ni Sister Mel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD