Episode 16

2691 Words
Kipkip ko ang urn ni Nanay. Gusto ko itong pabasbasan sa pari at ilagay sa tamang libingan. Nagpapasalamat akong tinulungan ako ng mayor's office para mai-cremate ito at madala ko ng Maynila. Ang sakit pa rin sa dibdib! Nakatayo lang ako sa labas ng kumbento. Halos takipsilim na'ko nakarating dito. Sige pa rin ang ilang pag-atake sa ilang lugar sa Pilipinas lalo na sa mga probinsya. Parang nawala ang lakas ko at hindi ko halos maihakbang ang mga paa ko papasok sa kumbento. Naubos yata ang lakas ko sa lagi kong pag-iyak. Alam ng Diyos na hindi perpekto si Nanay at makasalanan ito pero sa huling sandali nito, mas pinili nitong iligtas ako sa kamay ng mga asawang. "N-Nay," mahinang usal ko kasabay ng pagmalisbis ng luha ko. Biglang bumukas ang malaking pinto ng kumbento, iniluwa nito si Father. "R-Roxy, anong oras ka dumating? Ba't hindi ka pa nagdo-doorbell, iha?" Agad itong lumapit sa dalaga at natuon agad ang mata nito sa hawak ng babae. "Father," hirap kong saad. "Si Nanay 'to, tulungan mo'kong mabigyan siya ng maayos na libing. Basbasan mo siya, Father." Nang sabihin ko ito, wari'y nawalan ako ng lakas nang muling mag-flashback ang huling sandali ng buhay nito. "Aswang ang may kagagawan kung ba't siya nawala." Sumisidhi ang pagkapoot na nararamdaman ko sa lahing pinagmulan ko. Kahit sabihin pa ni Nanay na mamamatay ito kapag naipasa na sa'kin ang bato, mas naniniwala pa rin akong madudugtungan ang buhay nito pero wala na. Wala na'kong magagawa. May sugat ito na kagagawan din ng kamag-anak ko. Pinatay nila siNanay! "Pinatay nila si Nanay, Father. Pinatay nila!" Naaawang giniya ng pari ang dalaga papasok sa loob. "May installed CCTV na kami kaya nakita kita sa monitor. Kailangan nating mag-ingat dahil sa pananalakay ng mga halimaw, iha." Biglang nagsara ang malaking pinto at may bakal na rin akong napansin na ginawang pangalawang pinto ng mga ito. Nanlulupaypay ako nang maupo ako sa isang pahabang upuan. Yakap ko ang urn ni Nanay at dinampian ito ng halik. "Roxy." Dumantay ang kamay ni Sister Loisa sa braso ng dalaga na nakatayo lang kanina sa likod ng pari. "S-salamat at ligtas ka, anak. Halika ka't sumabay na sa'min. Bakit hindi ka man lang tumatawag kay Father para naman nasundo ka namin?" Napangiti ako nang mapait. Hawak na namin ni Sister Loisa ang urn ni Nanay. "Nanay ko po. May mga tumulong sa'kin para madala siya rito." "Anak," sumingit bigla si Father. "Ilang beses nang tumawag si Mihael, hinahanap ka. Tawagan mo siya, iha. Mukhang nag-aalala na ang isang iyon." Napatingin ako bigla kay Father. Sumikdo ang puso ko sa sinabi nito at agad sumilay ang ngiti sa labi ko kahit pa nagluluksa ako. "Talaga po?" "Oo, iha. Nagpadala na rin ng tulong si Mihael dito. Mga food supplies para sa lahat pero busy daw siya kaya hindi siya makadalaw pa. May mga tao siyang inutusan para maghatid dito. Nakikiramay kami sa pagkawala ng nanay mo, Roxy. Biktima rin ba siya ng mga halimaw?" "Sister Loisa!" Napatingin ako bigla kay Father nang tumaas ang boses nito sa pagtawag kay Sister Loisa. Agad napayuko ang madre. "Pasensiya na, F-Father," nahihiyang ngumiti ang madre. "Pasensiya na rin, R-Roxy. Alam kong mabigat ang pinagdadaanan mo at hindi na'ko dapat pang dumagdag sa sakit ng loob mo." "Sister Loisa, dalhin mo na si Roxy sa bulwagan kung nasaan ang iba pa para sabay-sabay sa hapunan ang lahat. Ilagay niyo ang labi ng nanay niya katabi ng kay Sister Fatima para maisabay sa ginagawa nating padasal. Ikaw na ang bahala kay Roxy dahil may kakausapin pa'kong mga tao." "Yes, Father. Tara na, Roxy." Ngumiti ako kay Father at agad naman itong tumango sa amin. Hinila ako ni Sister Loisa sa isang kwarto at tumambad sa'kin ang urn ni Sister Fatima. May kandilang nakatirik dito. May mga bulaklak ding naka-display at ilang litrato ng madre. Napangiti ako. Kinuha ni Sister Loisa sa kamay ko ang urn ni Nanay. Itinabi ito ni Sister sa labi ni Sister Fatima kaya napangiti ako at nakaramdam nang kaunting ginhawa nang masdan ko ito. Ang dalawa kong nanay! "Bukas ang langit para sa kanila. Wala ng pasakit. Wala na ang hirap na nararanasan nila sa mundong ito. Nawa'y maging matiwasay ang mga kaluluwa nila, Roxy." Dahan-dahan kong hinaplos ang urn ni Nanay. Napangiti ako nang mapait nang masdan ko ang mga ito. Bumalong ang luha ko dahil sa lungkot na lumulukob sa'kin ngayon. "Roxy, mag-aalay tayo ng dasal mamaya sa nanay mo. Tapos na ang padasal kay Sister Fatima kanina bago ka pa man dumating. Kumain muna tayo bago natin sabihan si Father para mabasbasan niya ang nanay mo." Dumulog kami sa hapagkainan kasama ang ilan pang kinupkop ng mga madre, mga kabataan din itong kagaya ko na palaboy-laboy noon at sa lansangan lamang nakatira. Kalimitang mga madre na ang nandito. Tahimik lamang ang lahat at tanging kubyertos ang maririnig. Ganito kami kapag kumakain. Hindi pwedeng magsalita dahil may tamang lugar ayon sa mga madre sa ganitong bagay. May meeting hall kami sa loob ng kumbento kung saan ginaganap ang pagpupulong kapag may mga program na gagawin ang simbahan. Deretso kami sa meeting hall nang matapos ang hapunan ng lahat. Nakalinya pa kami sa pagpasok at tahimik na umupo. "Kung nandito na ang lahat, magsisimula na tayo sa pagtalakay sa bawat task natin sa loob ng kumbento. Sister Ne," tawag ni Sister Mel sa kasamahan nito. "Makinig kayong lahat sa kanya dahil sa panahong ito, kailangan nating magkaisa para sa kaligtasan ng lahat. Hindi na ligtas ang manatili sa labas kaya kailangan nating manatili sa loob ng kumbento. Walang lalabas mapaaraw man o gabi." Napaangat ang mukha ko nang tumingin ako sa nagsalita, kay Sister Mel. Inalalayan nito ang isang madre, si Sister Ne na halos lampas singkwenta na ang edad. May hawak na papel ang madre. Seryoso lamang akong nakatingin sa kanila kasama ang ilan pang mga kabataan na kaedaran ko. Ang ilan naman na 18 pababa ang edad, hindi na pinasali ng mga madre sa pulong. Dineretso na ang mga ito sa isa pang kwarto kung saan gaganapin ang padasal. Ginagawa ito bago matulog ang mga kabataan. "Roxy," huling tawag ni Sister Ne sa pangalan ng dalaga. "Ikaw ang naatasang gumawa sa Huwebes hanggang Biyernes na task. 7pm hanggang 2 am at may papalit sa'yo pagkatapos ng oras mo. Salit-salitan ang gagawin natin para may tulog ang iba pa nating kasamahan. Magkakaro'n ng pagbabago sa schedules natin dahil mapaaraw man o gabi, nananalakay ang mga halimaw na iyon. Nagawa'n na rin ng paraan ni Father na maging secure ang lugar. Kailangang sarado ang lahat mapaaraw man o gabi. Walang lalabas. Bawat gagawin niyo, ipaalam kay Sister Mel bilang humalili kay Sister Fatima na head natin dito." "Masyado nang busy si Father sa seguridad at nakikipag-cooperate rin siya sa munisipyo at mga kapulisan para mabigyan tayo ng security sa lugar natin. Hangga't lock ang mga pinto at bintana, walang makakapasok sa loob. Doble-doble na rin ang ginawang pag-iingat dahil may mga bakal na harang na ang bawat pinto natin at mga bintana." Tumikhim si Sister Mel na nasa kabilang side lamang ng upuan. "Sister Ne, ipagpatuloy mo." "I agree with Sister Mel," dugtong ni Sister Ne. "Hangga't walang tagaloob na magpapapasok sa kahit kanino, safe tayong lahat. Ipagbigay alam sa nakakataas kapag may bisitang darating lalo na kayong mga naatasan." Marami pang tinalakay ang mga madre at nakikinig lamang kami. Kakaunti lamang kaming kabataan at mas lamang ang mga madre pero may kanya-kanyang task ang mga ito. Sa pinaka-entrance ng kumbento ako na-assign simula bukas dahil Huwebes na. Alternate kami kasama ang mga madre. Ang iba ko pang kaedaran, nakatalaga ang ilan sa ibang area ng building namin pero magkakahiwalay kami ng pwesto. Huwebes. Nakaupo na'ko sa harap ng may katatamang laki na screen para makita ko ang naka-capture ng CCTV sa labas. Mag-isa lang ako rito. Sa sobrang pagka-busy namin, naging okupado ang isip ko. Nagdeklara na rin ng state of emergency ang pamahalaan para pansamatalang ipatigil ang face to face na klase at gawing rescur center ang mga eskwelahan. Ang mga taong kailangang ilikas, sa school dinederetso para maging ligtas. Puro online class na lamang ang mangyayari habang hindi pa nareresolba at nahihinto ang sunod-sunod na p*****n. Ganun karami ang mga aswang? Isang gabi pa lamang akong nakakabalik dito pero marami nang p*****n ang nagaganap sa ka-Maynilaan. Hindi ko lubos maisip na ganito karami pala ang kalahi ko. Napakislot ako nang tumunog bigla ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ito, agad lumukso ang puso ko, "Mihael! Na-miss kita sobra. Kumusta ka na, best?" Hindi ko alam pero parang nanumbalik ang hiya ko dahil hindi na kami madalas magkita ng lalaki. Parang na-friend zone ko yata siya. "Oo, kahapon. Pasensiya ka na kung 'di kita natawagan. Grabe na ang pagka-busy dito sa loob ng kumbento. Maaga rin akong nakatulog kagabi. Anoo? N-nasa labas ka, M-Mihael?" Nanlalaki ang mata ko nang matutok ang mata ko sa creen na nasa harap ko. Naka-park nga ang sasakyan ng lalaki sa harap ng kumbento. Nakita ko pa ang pagbukas ng pinto at paglabas ng lalaki hawak ang cellphone nito. "Best, ano ka ba? Alas-onse na ng gabi, ah. Baka mapagalitan ka nila Father sa pagsulpot mo. Alam mo namang delikado—" "Roxy—I-I'm so sorry. These past few days, alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa'yo. Sa sobrang dami lang ng problema kaya siguro nagkakaganito ako. Malaki ang problema ko sa pamilya ko ngayon." "Mihael." Gusto kong yakapin ang lalaki pero hanggang tingin na lang ako sa screen na nasa harap ko. "Pumasok ka sa loob ng sasakyan mo dahil d-delikado. A-ano ka ba, ha! Bilis. Bumalik ka muna sa loob at ipapaalam ko kina Sister Mel or Father na nandito ka." Nakita ko na namang nag-wave ang lalaki pero hindi ito pumasok. Napakamot ako sa ulo sa ginawi nito. Labis ang pag-aalala ko sa sitwasyon nito sa labas. "Roxy, please. I n-need you. W-wala na sina Daddy and Mommy. They're all dead, Roxy." Napatayo na'ko nang marinig ko ito. "M-Mihael, h-hindi ko alam." Hindi ko alam na may pinagdadaanan din palang problema ang mahal ko. Pareho kami. Kailangan namin ang isa't-isa. "Puntahan mo'ko rito, R-Roxy. I need you, please. Huwag mo nang ipaalam kina Sister dahil hindi rin naman ako magtatagal. I want to see you, kahit s-saglit lang. I'm so lonely r-right now. Last week pa sila n-namatay at kinokontak kita pero out of reach ka. Ni hindi mo man lang ako tinatawagan." Nakaramdam ako ng kurot ng kunsensiya pero—napailing ako kasi ang totoo, ilang beses ko na rin namang kinontak si Mihael pero ito ang out of reach lagi bago pa man ako umalis para puntahan ang pamilya ko sa Siquijor. "M-Mihael, p-pumasok ka muna sa kotse mo dahil delikado," naiinis kong utos dito pero nakita ko ang pag-iling nito sa screen. "Please, Mihael, makipag-cooperate ka naman." "No! Lumabas ka na rito dahil kailangan kita." "Mihael!" "I badly need you, Roxy," puno ng lungkot na saad nito. "I'm so lost. I'm hurting! Lumabas ka na para mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong nasa tabi lang kita." Hindi ko kayang tiisin si Mihael kaya isang desisyon ang nabuo ko. Alam kong tulog na ang mga taong nakatalaga kanina. Kami ang pang night shift ngayon at mamayang 2 am naman ang isang madre na papalit sa'kin. Napahinga ako nang malalim. Kailangan ako ni Mihael. Papasukin ko si Mihael sa loob. Masakit din ang pinagdadaanan ko dahil nagluluksa rin ako. Sino pa ba ang magdadamayan kundi kami-kami lang din naman. "Mihael." Yakap ang sinalubong ni Mihael sa'kin nang tuluyan akong makalabas ng malaking gate. Hawak-hawak ko ang mga susi sa isang kamay ko. Nahirapan akong buksan ang malaking pinto dahil may bakal na ring nakakabit para doble ang lock sa loob. Agad lumapat ang labi nito sa labi ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang sobrang pangungulila sa kanya. Tinugon ko ang halik niya. Nakangiting Mihael ang nasilayan ko nang maghiwalay ang labi namin. "Let's get in the car." Mabilis ang kilos ng binata nang hilahin nito ang dalaga. Nang mai-lock na ang kotse, agad itong bumaling kay Roxy. Kulong na ng mga kamay nito ang luhaang mukha ng dalaga. "Roxy, I miss you so much," malungkot na saad nito. Agad pinaandar nito ang sasakyan. Nagulat ako dahil balak kong papasukin lamang ang lalaki. "Mihael, w-wait. Pumasok tayo sa loob. Hindi ko pwedeng iwan ang ginagawa ko!" "Saglit lang tayong mag-uusap don sa unahan para hindi makita sa CCTV." "Pa'no mo nalamang may CCTV, best?" Napailing lang binata. "Obvious ba? Nakatingin ako ro'n habang nag-uusap tayo at alam kong nakikita mo ako. May mga cameras sa labas." Agad akong napalingon sa likuran, nakikita ko pa rin ang simbahan at ang building kung sa'n kami nakatira. Panay ang linga ko pero wala namang kakaiba sa gabing ito. Napakatahimik. "Roxy, I'm sorry for everything. I'm having a hard time sa bahay kaya siguro lagi akong stress dahil gusto kong makalimutan nang mag-file ng annulment ang parents ko." Napaawang ang labi ko. Nahaplos ko ang mukha ni Mihael. Marami na pala itong pinagdadaanan samantalang ako, kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko. "I'm sorry, Mihael." Marami akong gustong sabihin sa kanya pero naramdaman ko na naman ang mainit nitong labi na nagbigay gaan sa malungkot kong puso. "I love you, best." "I love you too, Roxy. I want you." Namula ako. "May mga patay tayo pero bakit ka ganyan?" Naitulak ko ito bigla. "Pumunta na tayo sa loob at baka mabuking ako nina Sister na wala ako ro'n sa pwesto ko." "Uuwi na'ko. Just wanted to see you, that's all, Roxy. Magkita na lang tayo, ok?" "Do'n tayo sa loob, best. Huwag dito, ok? Delikado, eh, alam mo na." Muling pinaandar ng binata ang sasakyan nito pabalik sa harap ng building. "I'll watch you. Keep safe always, Roxy. Aalis na'ko." "Ano? Sa loob ka na mag-stay, Mihael, baka mapa'no ka lang." "It's ok." Hinaplos ni Mihael ang pisngi ng dalaga. "Ngayong nakita na kita, I feel better na. Thank you." Isang kiss sa labi ang binigay nito sa natulalang dalaga. "May mga pulis sa unahan. Magpapa-assist ako sa kanila pauwi para safe, ok? Ite-text or tatawagan kita kapag nasa bahay na'ko." Wala na rin akong nagawa nang ayaw pumasok ni Mihael. Pinapasok lang ako nito sa loob at nang ma-lock ko ang pinto, tumakbo ako pabalik sa pwesto ko kung saan ang screen na makikita ko siya sa labas. "Best." Hawak ko ang cellphone ko nang tumawag ito bigla. "Oo, ingat ka rin. Please, magpa-assist ka sa mga pulis, ha." Unti-unting gumalaw ang kotse nito hanggang tuluyan na itong mawala sa screen na tinitingnan ko. Isang Tv screen lamang ang nasa loob ng kinapupwestuhan ko. Napangiti ako. Gumaan kahit papa'no ang pakiramdam ko nang makita ko ang mahal ko. Lumipas na ang alas-dos ng madaling araw pero gising na gising pa rin ako hanggang dumating na ang karelyebo ko. Kahit wala na si Nanay, masaya akong nandiyan lang si Mihael. Magpapaalam ako kay Father bukas para mapuntahan ko si Mihael sa bahay nito pagkatapos ng online class ko. "Roxy, kumusta ang pagbabantay?" Nakangiti akong bumaling sa kanya. "Sister Juana. Wala pong problema at wala naman po akong nakita na kakaiba, Sister." "That's good, iha. Matulog ka na dahil may mga activities at online schooling ka pa bukas." "Sige po, Sister." Nang masiguro kong ok na ang lahat, umalis na rin ako at tinalunton ang hallway papunta sa kwarto ko. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, bigla akong nadulas. "Ahh." Hawak ko ang puwet ko nang ito ang agad napuruhan sa biglang pagbagsak ko. May ilaw sa hallway kung nasaan ako pero ang iba rito, kailangan na ring palitan dahil iilan lang ang gumagana. Taka kong tiningnan ang paa ko. Nakakainis naman! Bakit basa rito? Nang sipatin ko ito, lalong kumunot ang noo ko. Napatayo ako at napaurong. Kulay pula! Papunta ito sa madilim na bahagi ng hallway kaya kinabahan ako. Agad akong kinutuban nang sundan ng mata ko ang kulay pula na nagkalat sa sahig. "Dugo! D-dugo ba ito?" anas ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD