Episode 20: Misyon

2581 Words
Matapos mailabas sa ospital si Mihael, sa isang kwarto namin siya nilagay para hindi na ito makasakit ng iba. Sa tulong ng simbahan, nagawan ito ng paraan nang hindi na nai-report pa sa mga kapulisan. Hindi ko man nasabi sa kanila na nakapatay na ng tao si Mihael, alam kong may pagdududa ang mga madre lalo na si Father. "R-Roxy, 'wag niyo 'kong ilagay dito, please," pakiusap ni Mihael habang nakahawak ang kamay nito sa rehas na bakal. Nasa loob ito ng kumbento na sadyang pinagawa nang maayos ni Father para kay Mihael. "M-magpapakalayo-layo na lang ako, Sister, Father, para h-hindi ako makaabala sa inyo." May pagsusumamo sa mata nito nang mabaling ang tingin nito sa madre at pari. Gusto kong maawa kay Mihael pero ito lang ang pinaka-the best na magagawa namin para sa kanya. Pipilitin naming maibalik ito sa normal kagaya ng pagkain nito ng pagkain na normal. Alam kong darating ang time na maghahanap ito ng mabibiktima pero kumpiyansa akong hindi ito makakatakas. Napakatibay ng pagkakagawa ng bakal na rehas. May isang bed sa loob nito at isang pinto ng CR. May bintana rin sa taas na malalaking bakal ang nakaharang. Papa'no makakatakas ang lalaki kung ganito ang nakikita ko? Happy na'ko na nasa poder namin siya habang hinahagilap ni Sister Loisa ang paraan na maibalik ito sa normal. "Mihael, iho, ibalik mo ang loob mo sa Diyos at kung may mga kasalanan ka mang nagawa, mangumpisal ka sa'kin," saad ni Father. "Papatnubayan ka ng taas para sa kagalingan mo, Mihael." "No—" inis na pakli ni Mihael bago niya 'ko tiningnan nang matalim. "Just leave us alone. Roxy, can we talk?" may pagsusumamong anas nito. "Father, pwede ko bang m-makausap si Roxy na kami lang?" Nasa first floor lamang ang kinaroroonan ni Mihael at tapat lang ito ng garden kaya makikita pa rin nito ang labas kahit papa'no. Napalapit ako sa kanya nang makita kong tumulo ang luha niya. Ang sakit sobra! Ang saya-saya namin noon at ine-enjoy lang ang buhay pero nabago na iyon lahat. Ang mahal ko, heto—nakakulong sa rehas na bakal, hindi man sa totoong kulungan pero kapareho lang ito ng presinto dahil hindi siya pwedeng lumabas. Mananatili siyang nakakulong hangga't hindi natatapos ang lahat ng kagimbal-gimbal na pangyayari. May tiwala ako kay Sister na mabibigyan lunas niya si Mihael. Mabait si Mihael. Maka-Diyos. Alam kong magtatagumpay kaming pagalingin siya. "R-Roxy, tulungan mo naman akong makaalis dito," pakiusap niya kasabay ng pamamasa ng mata. "Kagaya nang itakas mo'ko nang makapatay ako ng... ng bata." "Sssh, M-Mihael," inis kong anas sa kanya. "May mga camera rito at monitored ang bawat galaw mo para sa kaligtasan ng lahat. Nakikita ka nila kaya umayos ka. Best," awang-awa kong hinawakan ang nanlalamig niyang kamay. "Konting tiis lang h-ha, alam kong matatapos din ang l-lahat ng ito." Inis na lumayo sa'kin si Mihael kaya malungkot ko lang siyang tiningnan nang maupo ito sa kama. Rehas lang ang namamgitan sa amin kaya kitang-kita ko ang bawat galaw niya. Mabuti na ang ganito para magawa ko ang misyon ko dahil sa paglabas ko sa kumbentong ito, iisa-isahin kong papatayin ang mga kalahi ko. Sila ang dahilan ng lahat ng ito; wala nang tao ang makakaranas ng dinadanas ni Mihael ngayon Wala na! Nang humiga na ang lalaki, iniwanan ko na siya. Sa tamang panahon kapag magaling na siya, alam kong maiintindihan niya ako. "Hindi ka na ba mapipigilan, Roxy?" may pag-aalalang saad ni Father sa'kin nang ibigay nito ang ilang dadalhin ko. "Mag-iingat ka, iha, at tatandaan mo lagi ang bilin ko. Kailangan niyong bumalik dito kasama ang tiyuhin ni Sister Loisa na makakatulong kay Mihael." Ang tinutukoy ni Father ay ang matandang tumulong din sa'kin noon nang tangka akong patayin ng mga aswang na iyon sa pamumuno ng matandang Iryang. Napatiim-bagang ako nang maalala ko ang aswang na matanda. Kahit buhay ko pa ang kapalit, sisiguraduhin kong hindi na maghahasik ng kamandag ang mga aswang na iyon. Ako ang tatapos sa buhay nila. Napakaliit ng mundo dahil ang mag-asawang tumulong sa'kin noon ay kilala pala ng isang madre rito; na siya palang eksperto ukol sa paglaban sa kalahi ko. "Iha." Umangat ang mukha ko sabay ngiti kay Father. "B-babalik ako para sa inyo, Father, lalo na kay Mihael." Ang lalaking mahal ko, ililigtas ko siya—sigaw ng puso ko. "Kaya kayo rin po, mag-ingat kayo rito. Tatawag at magte-text ako for updates." "Baka kailangan mo ng tulong ng mga kapulisan, iha—" Tumaas ang noo ko para ipakita ang determinasyon ko kay Father. "Trust me, safe akong babalik dito, Father. Kayo na po ang bahala kay Mihael." Walang hinto si Father at kahit ang ilang madre sa pagpapaalala na mag-ingat ako. Sila na rin ang nag-handle ng lahat para sa flight ko. Sa araw ang flight ko dahil wala nang bumibyahe sa gabi. Sinadya ito ng pamahalaan para sa kaligtasan ng mga pasahero. Pansamatala na ring natigil ang mga p*****n sa ilang lugar pero may ilan pa ring umaatake. Wala pang napapatay na aswang sa ilang araw na dumaan dahil nag-aanyong tao sila sa umaga at aswang naman sa kalaliman ng gabi. Matapos kong maayos ang lahat ng dadalhin ko, dumaan pa'ko sa simbahan para mag-alay ng isang panalangin. Hindi ko man alam ang solusyon sa problemang ito pero sana'y matapos na ang lahat. Pagal ang katawan ko nang makarating na'ko sa airport. Alam kong isang bus pa ang sasakyan ko patungo sa liblib na lugar ni Densio na tiyuhin ni Sister pero wala nang byahe nang makarating ako sa kinaparadahan ng sakayan. Pansamantalang tinigil ang operasyon ng bus dahil mas malaki ang bilang ng mga namamatay sa lugar na ito. "Oo, iha," imporma ng lalaki. "Full alert kami kaya maraming negosyo ang naapektuhan sa pananalakay ng mga halimaw. Ikaw, ba't kailangan mo pang pumunta rito kung alam mong delikado?" Isang pulis ang nasa harap ko dahil deretso na'ko sa station nila para humingi ng tulong. Kilala na nila ako dahil ang ilan sa mga ito ang nag-assist dati sa'kin nang hanapin namin si Mihael. "Bilin po sa'kin ni Sister lalo't siya na lang po ang natitirang kamag-anak." Sa pamamagitan ng pagsalaysay sa sitwasyon ng mga madre sa simbahan, napatango na ang pulis. Wala akong binanggit ukol kay Mihael. "Kailangan ko ng tulong niyo, sir. Liblib po kasi ang lugar ni Tatay Densio at kahit kayo, alam niyo na kung saan iyon." Napangiti ako nang magsipaghanda ang mga pulis para gabayan ako papunta sa area ng matanda. Sisiguraduhin kong makakasama pabalik ng Maynila ang mag-asawa. Hawak ko na ang flight nila para agad makaalis ang mga ito sa probinsya at ako, mananatili ako sa lugar na ito para makipagtuos sa kalahi ko. Dito nagsimula ang lahat kaya sa lugar ko na ito tatapusin ang lagim ng isang angkan ng mga aswang, ang angkan ni Iryang. Isa itong pinuno na humahabol sa bato kaya napangisi ako. Hindi ko hahayaang mapasakamay mo ang bato, matandang Iryang—gigil ako nang maisip ito. "Tao po!" Ako na ang unang sumigaw nang makita ko ang butas na butas na bahay ni Tatay Densio. Labis ang kaba ko nang maisip ko ang posibleng nangyari sa mga ito pero napangiti ako nang lumabas ang ulo ng matandang lalaki sa isang siwang. "Tay Densio, si Roxy po ito, ako 'yong tinulungan niyo noon kasama 'yong kaibigan ko—" "Ano ang ginagawa niyo rito?" galit na singhal ng matanda. "Hindi ko kailangan ang tulong niyo!" Kasabay ang pagsara nito sa siwang matapos silang silipin nito. Napaawang ang labi ko at nagkatinginan lamang kami ng tatlong pulis na kasama ko. Sinenyasan nila akong sila na ang bahala kaya muling kumatok ito sa bahay ng matanda. Para itong dinaanan ng bagyo dahil may parte sa bubong na tanggal na at ang ilan naman sa dingding na kawayan, may malalaking butas o sa tamang salita sira na. Hindi safe ang mag-asawa sa ganitong lugar. Ang babae, si Aling Petra, mas magiliw ito kumpara sa lalaki kaya wala na akong inaksaya pang sandali. "Nay Petra, si Roxy po ito. Bumalik po ako para mailipat kayo sa Maynila." Isang malakas na kalabog ang nangyari nang lumabas ang mga pulis kasunod ang matanda na ikinagulat ko. May hawak itong itak sa kamay na ikinaurong ko. Makikita ang poot sa mga mata nito nang makasalubong ko ang nagbabaga niyang tingin. Hindi ko makita ang asawa nito kaya labis ang pagtataka ko. Hindi kaya... "Patay na ang asawa ko kaya makakaalis na kayo!" sigaw ng matanda bago muling tumalikod. "Papatayin ko ang mga halimaw na iyon," hinihingal na saad nito nang hawakan nito ang isang matulis na kahoy at kiskisan ito. "Uubusin ko ang lahi nila dahil pinatay n-nila ang asawa ko!!" Nakaramdam ako ng panghihina nang marinig ko ito sa kanya. Ang poot na nasa dibdib nito, ramdam na ramdam ko rin. Napatingin ako sa mga pulis at kagyat na ngumiti. "Nagpapasalamat po ako sa tulong niyo pero—mananatili muna ako rito kung ayaw sumama ni Tay Densio. Sana'y maintindihan niyo," naging alanganin ang ngiti ko nang kumunot ang noo ng mga kaharap ko. Nabaling ang tingin ko kay Tay Densio na walang habas ang pagkiskis sa isang kahoy naman para tumulis ang dulo nito. "Kailangan po ni Tay Densio ang tulong ko." "Pero tandaan mo, iha, na oras makaalis kami, mahihirapan na kayo sa pagkuha ng sasakyan papuntang bayan. Kaya mas mabuting sumama na kayo para kami na ang maghahatid sa inyo sa airport." Isang pulis ito na may hawak ding baril sa kamay. "Hindi safe ang lugar dahil maraming umaatake. Roxy, pumasok na kayo sa sasakyan nang makaalis na tayo rito." Napatingin ako kay Tay Densio pero wala itong pakialam kaya isang desisyon ang nabuo ko. "Mga sir, salamat po pero kailangan kong tulungan si Tay Densio." Tawanan ng mga pulis ang narinig ko kaya nayamot ako. Mas malakas ako kaysa sa inyo, mga gunggong—gusto kong isigaw sa pagmumukha nila. Napatakip ako sa bibig ko dahil kasalanan pala kay Lord ang mag-isip nang ganito. Aswang ako kaya mas malakas ang kapangyarihan ko lalo't nasa katawan ko ang itim na bato. Kahit ano'ng pagpupumilit ng mga ito, nagsialisan din sila kalaunan dahil sa rami ng nangangailangan ng tulong at rondang ginagawa ng mga ito, ano ba kami para tutukan ng mga ito? Isa pang kaway ang ginawa ko nang umusad na ito palayo sa amin. "Salamat po, mga Mamang Pulis." Bumaling ako sa matanda pero pumasok agad ito sa kubong sira-sira. Hindi ko maatim na tingnan ang bahay pero mukhang pursigido itong manatili sa lugar na ito kagaya ko. "Tay Densio." "Ba't hindi ka sumama sa kanila? Delikado rito." "May misyon ako—" Nahigit ko ang hininga ko nang itutok nito sa'kin ang hawak nitong matulis na kawayan. "S-sandali lang po, hindi ako k-kalaban." "Alam ko kung ano ka!" pagalit na sigaw nito sa'kin na ikinatulig ko. "Ba't ka pa bumalik, ha? K-kalahi ka nila, mga aswang na pumapatay sa tao. Aswang ang p-pumatay sa asawa ko! Lumayas kaaa!" "Tay D-Densio—" napaurong ako nang lalo pang lumapit ang matanda. "Nan-nandito a-ako para s-sunduin ka. Si Sister Loisa, s-siya po ang nag nag-utos sa'kin." Napalabas na'ko sa kubo nang lalo lang akong ipagtulakan nito. "Si Sister Loisa, siya po 'yong kamag-anak niyo, nakatira po ako sa kumbento. Kung a-anuman ako, hindi po a-ako masama." Papa'no kaya nalaman ng lalaki na aswang ako? Wari'y nabasa nito ang iniisip ko sa sumunod na sinabi nito. "Nakita ko ang pagbabagong anyo mo nang kuyugin ka ng mga taong iyon, at ano ang tungkol kay Sister Loisa? Papa'no mo siya nakilala?" bumaba ang tono nito nang ibaba rin nito ang hawak. "M-matagal na kaming walang komunikasyon." Nakahinga ako nang maluwag dahil ang gamit ng matanda, posible ko itong ikamatay. Kagaya ito ng ginamt ng mga taong nanakit sa'kin noon. May sangkap na pinapahid dito na nagpapahina sa katawan ko kaya aalamin ko pa ito kay Tay Densio. Mabilis kong nilabas ang cellphone ko para matawagan ang isang madre, si Sister Loisa. "Tatawagan ko po siya ngayon para magkausap kayo ni Sister." Napadasal na lang ako nang makita kong may isang bar na signal. Bundok dito at walang malapit na cell site kaya napa-krus ako sa sobrang pasasalamat. "Heto po," inabot ko sa kanya ang cellphone nang mag-ring ito. "Lord, nakikisimpatya ka talaga!" Napatingin ako sa langit dahil may sumagot agad sa kabilang linya. "Loisa?" may pagdududa sa mukha ng matanda nang kausapin nito si Sister pero umaliwalas ang mukha nito nang masigurong ang babae nga ang kausap nito. "Ako nga, h-hindi ko inakala na hahanapin mo pa 'ko." Hinayaan kong mag-usap ang dalawa. Nakilala agad ni Tay Densio ang boses ni Sister Loisa. Inikot ko ang paningin ko at nahagip ng mata ko ang ilang kawayang—may bahid ng dugo. Wala akong nakita na anumang nilalang hanggang isang puntod ang aking nabuglawan; may nakatusok na krus sa lupang nakaumbok. Nalungkot ako sobra dahil namatay ang asawa ni Tay Densio. "D-diyan ko inilibing ang asawa ko nang may sumugod sa'ming aswang." Napalingon ako sa nagsalita, kay Tay Densio. Namula agad ang mata ng matanda nang mabanggit nito ang asawa. Nahabag ako sa kanya at lalo lang nag-uumigting ang pagnanais kong maputol na ang ginagawang kasamaan ng mga kalahi ko. "Natutulog kaming mag-asawa nang bigla na lang kaming sugurin dito pero... h-hindi siya nakaligtas nang makagat siya ng isa. Sa labis na pagdurugo siya namatay. S-sugatan ang isa samantalang napatay ko ang isa." Nagpahid ng luha nito ang matanda nang sumulyap sa'kin. "S-sabi ni Sister Loisa, sumama ako sa'yo dahil kailangan ng tulong ng kaibigan mo at.. at mas gusto niyang do'n na rin ako sa kumbento para sa kaligtasan ko." "Siya po 'yong kaibigan ko na kasama ko noon dito. May nangyayaring—" "Laway!" mariiing sambit ng matanda sa'kin nang manlisik ang mata nito. "N-nalawayan ng aswang ang kaibigan mo kaya nagkakaganun siya pero hindi ako aalis dito dahil hangga't may aswang na nabubuhay, hindi ako magiging masaya." Wow! Si Tatay Densio, ang sakit namang magsalita. Lantaran na talaga ang p*******t sa damdamin ko. Aswang ako! "Ang makakatulong lang sa kaibigan mo ay ang itim na bato, pangalan mo ulit?" Nanlaki ang mata ko. "R-Roxy ho. Ano ang t-tungkol sa itim na bato?" Ang kaba ko, abot hanggang langit nang marinig ko ang bato. "Gagaling pa ho ba ang... ang k-kaibigan ko?" "Kailangan mong ipalunok iyon sa kanya—hanggang maisuka niya lahat ang laway ng aswang na nainum niya. S-sumunod ka sa'kin." Nagpatiuna na ito pabalik sa kubo pero ako, nakanganga pa rin. Ipapalunok ko ang bato kay Mihael? Bakit? Papa'no kung gamitin iyon ng lalaki sa kasamaan at pagpatay nito ng tao? Mabilis akong sumunod sa matanda at lalo akong natigagal nang ilabas nito ang laman ng baul sa harap namin. "Tay Densio, ang dami niyo namang ginto." Napakalambot nito at napapasunod sa paggalaw ng kamay ng matanda. "Tunay ba 'yan?" Ngayon lamang ako nakakita nang ganito sa tanang buhay ko. "Isa itong dagta ng isang puno na pwede ring makatulong sa unti-unting pagbabalik sa dati ng kaibigan mo. Mukha lang ginto pero hindi. Napakadelikado ng naunang sinabi ko, ang paggamit niya ng bato; dahil maaring ikamatay iyon ng kaibigan mo." Nanlaki ang mata ko sa rebelasyon ni Tay Densio."No way, Tay Densio, 'yang dagta na lang ang gamitin sa kanya kung ganun." Seryoso lang ang mukha nito nang balingan ako," Roxy, ang dagtang ito, ay hindi rin mabisa pero makakatulong ito kahit papa'no."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD