Episode 19

2398 Words
Halos maiyak ako sa sobra kong pag-aalala kay Mihael nang pasukin ko ang kwarto niya pero inikot ko na ito, wala akong makita na Mihael. Natuon ang pansin ko sa banyo ng lalaki nang marinig ko ang mahinang ungol na nagmumula rito pero ang labis kong ikinapatda, may mantsa ng dugo sa lapag. Naitakip ko ang kamay ko sa labi para hindi bumulalas ng iyak. Ibig sabihin, muling pumatay ang mahal ko? "Mihael!?" malakas kong hiyaw kasabay ng pagpihit ko ng seradura ng pinto para magbukas ito. Malakas ko itong tinulak at ang nabuglawan ko, ang nakakaiyak! "Mihael, Diyos ko!" Nakalingon sa'kin ang lalaki habang hawak-hawak nito ang wala nang buhay na katawan ng isang babae, na walang iba kundi ang isang katulong sa bahay na ito. Napaurong ako at napabulalas ng iyak. Umiyak ako nang umiyak para maibsan ang sobrang p*******t ng dibdib ko pero lalo lang ako nakaramdam ng paninibugho nang tumayo ang lalaki palapit sa'kin habang tumutulo ang dugo sa bibig nito. Lumapit siya sa'kin at wari'y natitigilan nang masdan nito ang mga dugo sa palad nito. "R-Roxy, hindi ko s-sinasadya," naiiyak nang bulalas ng lalaki nang lumuhod ito para magpantay ang mukha namin matapos kaming lumabas sa banyo. "Hindi ko ma-mapigilan ang s-sarili ko. Nauuhaw ako sa... d-dugo lagi ng tao. G-gusto kong kumain lagi ng l-laman ng tao." Sinundan ito ng malakas na pag-iyak ng binata. Napasubsob ang mukha nito sa lapag at umiyak din nang malakas sa harap ko. "Tulungan mo'ko, hindi ko a-alam kung papa'no mawawala ang s-sumpang ito sa katawan k-ko." Sumabay ang pag-iyak naming dalawa; punong-puno ng pagsisisi. Kung hindi dahil sa mga aswang, hindi magkakaganito ang buhay namin! Nanginginig ang tuhod ko nang tumayo ako para isara ang pinto dahil nakikita ko ang kalunos-lunos na biktima ni Mihael. Hindi ako makapaniwala. Ilang tao na ang napapatay nito? Papa'no ito naging ganito? Galit akong bumaling sa kanya at hinila ito patayo bago siya tinulak nang malakas sa kama nito. "I-ikwento mo lahat sa'kin, Mihael, kung ano ang nangyari nang araw na iyon na nawala ka matapos kang sumama sa mga aswang na 'yon." Panay ang iyak ko nang maghagilap ako ng damit nito sa tokador at mabilis ko itong binasa sa loob ng banyo. Halos maduwal pa ako nang muli kong makita ang bangkay. Ang dugo, nagkalat sa sahig at—brutal ang ginawang pamamaslang ni Mihael sa babae. "M-Mihael," anas ko nang maupo ako sa tabi niya. Nanghihina ako at para akong nauupos; nawawalan ako ng lakas. "Sorry, R-Roxy," umiiyak na saad ni Mihael kasabay ng pagyakap nito nang mahigpit sa'kin. "Kahit... k-kahit ang mga m-magulang k-ko—n-napatay ko sila." Nang marinig ko ito, lalo akong nagdamdam; lumakas ang iyak ko habang sinimulan kong punasan ang bibig ni Mihael. Tinatanggal ko ang dugo sa katawan nito. Oras na malaman ito ng kinauukulan, posibleng patayin din ng mga ito si Mihael. Ayon sa mga pulis, may ilang aswang nang napapatay sa iba't-ibang parte ng Pilipinas pero mas lamang ang naging biktima ng mga ito. May angking lakas silang mga aswang kaya matutulin at alisto ang mga ito sa mga kalabang paparating. "Nang mapunta ako sa mga taong 'yon nang m-magkahiwalay tayo, may pinainum s-sila sa'kin. Malapot at mabaho., ayon sa matandang Iryang, gamot d-daw iyon para bumilis ang paggaling ng sugat ko." Saglit na huminto ang lalaki nang mapatingin ito sa'kin. "Ang aswang na... na nahuli nila, i-ikaw ba 'yon?" Katahimikan ang namagitan sa'ming dalawa nang itanong ito ni Mihael. Nang huminahon na ang pakiramdam ko, tinitigan ko siya nang matiim. "Ako 'yon, Mihael. Ngayong alam mo na ang pagkatao ko, walang nabago. Aswang man ako," saglit akong huminto at pinahid ang luha ko," Never akong pumatay ng tao, kumain... uminum ng dugo. Never akong pumatay pero ikaw—" Napailing ako nang sunod-sunod habang sige lang sa pagpunas sa kanya. "Ipakulong mo na lang ako, R-Roxy, kung hindi mo'ko tanggap at gusto mo nang mahinto ang pagpatay ko." Napakalungkot ng mukha ni Mihael nang sabihin ito. Kung makulong man ito at magtangkang pumatay ng tao muli, siguradong bala na ang tatagos sa katawan nito. Hindi! Nang makita kong malinis na ang katawan nito, agad ko siyang hinila palabas ng pinto bitbit ang ilang piraso ng damit nito. "Maligo ka at magbihis—" Napalingon ako kay Mihael nang bumitaw ito sa'kin. "Best, a-ano ba? Babalik tayo sa lugar na iyon para alam natin kung ano talaga ang nangyari sa'yo. Baka may solusyon pa." Napailing ang lalaki. "Hayaan mo na lang ako, R-Roxy. Marami na'kong nakain at napatay kahit hindi mo ako kagaya; mas masahol pa ang pagiging halimaw ko kesa sa'yo. Hindi ako karapat-dapat sa p-pagmamahal mo. Umalis ka na." Gusto kong yumakap sa lalaki pero tinulak ako nito palayo. Napaiyak ako lalo dahil sa ginagawa nito ngayon. Kailangan nito ng tulong. "Mihael, please naman! 'Wag kang g-ganyan, ngayon mo kailangan ng tulong ko. Makipag-cooperate ka kung gusto mong gumaling." "Wala akong kwenta," malungkot na saad nito. "Lahat ng tao rito sa bahay, p-pinatay ko. Hindi ko mapigilang patayin sila kapag naaamoy ko ang dugo nila, Roxy. Hindi ako sinusugod ng mga aswang kagaya ng iba; pinapabayaan nila ako at kahit maengkwentro ko sila sa labas, wala silang pakialam sa'kin." Biglang ngumiti ang lalaki sa'kin kasabay ng pag-ulap ng mga mata nito. "Ibig sabihin, hindi man ako nakakalipad kagaya niyo, isa ako sa kanila kaya hindi nila a-ako pinapatay. Roxy," umiiyak na saad nito sa'kin," Sumanib ka sa lahi mo d-dahil sila ang maghahari balang-araw dito." Napaurong ako nang hawakan ng lalaki ang mukha ko. "Makinig ka sa'kin, Roxy, marami na silang nalawayan na kagaya ko k-kaya dumadami nang dumadami ang lahi natin." Tinulak ko palayo sa'kin ang lalaki nang marinig ko ito. Nasisiraan na ba ito ng ulo? Hindi ako makakapayag na sakupin ng aswang ang lahat ng lugar at ang mga ito ang maghari. Kakailangan ko ng tulong ni Father Peter kung ganun at ng mga madre pero hindi ko sasabihin sa mga ito ang ginawang pagpatay ni Mihael sa mga tao. Hindi ko alam pero parang ang hirap ng gagawin ko. Sa'n ako magsisimula? Umangat ang ulo ko nang maramdaman ko ang paghaplos ni Mihael sa balikat ko. Naiiyak akong tumingin sa kanya at ilang sandali pa, yakap-yakap ko na siya. "M-Mihael, mahal na mahal k-kita sobra. Hindi ka g-ganito noon kaya hayaan mo'kong tulungan ka." Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang mariing pagpikit ko. "Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa totoong sarili mo. Nasa akin ang itim na bato kaya alam kong mapagtatagumpayan ko ang misyon ko. Sabi ni Nanay—" Nagulat ako nang ilayo ako bigla ni Mihael sa katawan nito at ang mga mata nito, nanlalaki ito habang nakatingin sa 'kin. Unti-unting sumilay ang ngiti nito nang tunghayan ko muli ang mukha niya. Natutuon ang atensyon ko sa t-shirt nitong may mantsa ng dugo kaya hinila ko ang damit niya. "Magbihis ka, best." Nasusuka akong masdan ang kabuuan nito dahil nagkalat na ang dugo sa damit pero—napakabango. Napakabango ng amoy nito. "Puno ng d-dugo ang damit mo at pangako, hangga't kasama mo'ko, hindi ka makakapatay ng tao dahil pipigilan kita." "Roxy, ang itim na bato! Ikaw ang pinakamalakas na aswang sa lahi mo dahil na sa'yo ang pinakakaasam ng lahat." Nakalahad ang kamay ng lalaki nang mapako ang mata ko rito. "Ibigay mo sa'kin dahil ako ang lalaki at ako ang dapat g-gumabay sa'yo. May inutos sa'kin ang matandang Iryang kapag naengkwentro ko ang aswang na may hawak niyan, at ikaw pala 'yon. Hindi ko ipapaalam sa kanya na nasa iyo ang bato dahil magkaibigan tayo, mag-boyfriend; kaya ibigay mo sa'kin, Roxy." Ang weird ni Mihael! Ibang-iba na ito sa Mihael na matalino; sa Mihael na mahiyain at may takot sa Diyos. Napailing ako nang lumayo sa kanya pero lumalapit nang lumalapit ito sa'kin kaya lalo akong napapaurong. "Tumigil ka, Mihael!" galit kong singhal sa pagmumukha niya kasabay ng pagpalis ko ng kamay niya nang tangka niya 'kong hawakan sa braso. "Pamana ito ni Nanay sa'kin at hindi ko pwede itong isalin sa kahit kanino. Mihael," nauupos kong saad sa kanya dahil mukhang naging interesado rin ito sa bato. "Kakailanganin ko ang lakas ko at ang batong nasa loob ng katawan ko para sa misyon ko; at iyon ay mapigil ang paghahasik ng mga aswang at mapagaling ka." Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak nito sa braso ko. "Ibigay mo sa'kin ang bato, Roxy. Ngayon na, iluwa mo. Taena!" gigil na anas nito bigla. "Kailangan ko ang bato para mas lumakas ako; kailangan ko 'yan kaya i-ibigay mo na." Normal na tao lang si Mihael pero nagulat ako nang sakmalin nito bigla ang leeg ko. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang hapdi kaya ubod lakas ko siyang tinulak. Napahiyaw ako nang sa pagtulak ko, halos tumilapon ang lalaki at ang sumunod na ang hindi ko inaasahan. "Mihaeel!" Tuloy-tuloy na nahulog sa hagdan ang katawan nito dahil pareho kaming nakatayo rito. Bigla ang pagbabagong anyo ko nang makita kong nahuhulog ito pababa. "B-Best, sorry." Umatungal ako kasabay ng pagsigaw ko. Naging boses halimaw na'ko at animo lalaki na sa sobrang pagkabuo ng boses ko. Naabutan ko ang katawan nito sa kalagitnaan ng hagdan nang liparin ko ito para mapabilis ang paghawak ko sa kanya. Yakap ko na ang walang malay na lalaki nang muli akong mag-anyong tao. Tumungayaw ako ng iyak nang napagtanto kong nawalan ito ng malay. Tao si Mihael at wala itong kapangyarihan kagaya ko pero nakakaramdam ito ng gutom kagaya ng mga aswang kapag dugo at laman na ng tao ang pag-uusapan. "I'm sorry, best," naiiyak kong anas sa kanya kasabay ng paghaplos ko sa mukha niya pero nakapikit pa rin ito. Labis akong kinabahan na baka may nabali sa buto nito. "Gumising ka, M-Mihael." Muli akong nagbagong anyo at binuhat ang katawan nito. Lumipad ako papunta sa pinakasala at nilapag sa marmol na sahig ang lalaki. Nanginginig ang kamay ko nang hagilapin ko ang cellphone sa bag ko. "Father P-Peter, k-kailangan ko ng tulong mo." Ilang sandali pa, tunog na ng ambulansiya na dumating ang naririnig ko sa labas. Halos takbuhin ko ang pinto nang dumating ang mga staff para dalhin sa pagamutan si Mihael. Naiyak akong napayakap kay Father nang makita ko siya kasama ang isa pang madre. Nang makita ko ang dalawa, hinila ko ang mga ito sa isang sulok na malayo sa mga staff ng ambulance. Nagulat ako nang marinig ko muli ang tunog ng ambulansya; papalayo na ang mga ito lulan ang walang malay na si Mihael. "Father, si M-Mihael, kailangan ko silang sundan." Hinawakan bigla ng pari ang braso ko dahil nang tawagan ko siya kanina, may nabanggit ako sa kanya. "R-Roxy, ano ang sinasabi mo sa'kin na nalawayan ng aswang si Mihael?" Sa pagsalaysay muli, nakinig sina Sister at Father sa'kin at kahit pa gulat na gulat ang mga ito, alam kong naniniwala sila sa kwento ko. Lahat sinabi ko maliban sa pagsasabi ko na aswang ako; maliban sa pagpatay ni Mihael sa mga tao rito at pagpatay nito ng dalawang bata sa kumbento. Hindi ko na ito binanggit. "Delikado siya, Father," umiyak ako nang sabihin ko ito. "Oras na magising siya, kailangan natin siyang ikulong pero sana lang, walang fracture sa buto ang kaibigan ko." Agad kong pinakita ang sugat ko sa leeg na may bakat ng ngipin ni Mihael. "Pwede siyang mambiktima ng tao para makain niya at mainum ang dugo nila—" "Nakapatay na ba siya ng... ng tao, Roxy?" singit ni Sister Loisa, ito ang nakatalaga sa clinic ng kumbento at may kaalaman din ito sa paggagamot. "Mabuti wala kang sugat diyan sa leeg mo pero bakat ang ngipin ni Mihael. Sumama ka sa'min pabalik sa kumbento at kapag nagising si Mihael, ilagay natin sa isang kwarto na may rehas para hindi na siya makapanakit pa. Hindi siya makakawala roon habang hahagilapin ko ang mga gamot para gumaling siya. Totoo pala ang mga aswang at mga nalawayan, bukambibig 'yan ng aking Tatang noong nabubuhay pa." Napatingin ang madre sa'kin nang sabihin iyon. "May isang taong eksperto ukol sa mga aswang at 'yon ay ang aking Tiyo Densio." "Sister Loisa," naluha ako nang titigan ko siya. Hawak na ng madre ang kamay ko nang tuluyan nang malaglag ang luha ko. "Posible nang may pinatay na tao si Mihael pero Sister, n-natatakot akong patayin siya ng mga pulis o m-makulong. Hindi n-niya ginusto kung anuman ang nangyayari sa kanya ngayon." Ngayon ko napagtanto na ang mga taong ito pala ang mas makakatulong sa problema ko. Napangiti ako nang mapait nang tapikin naman ako ni Father sa ulo ko. "Roxy, kailangan nating sumunod sa ospital kung nasa'n si Mihael. May isa pang sasakyan ang barangay sa labas na maghahatid sa'tin patungo roon." Napatingin ang pari sa taas ng hagdan at sa buong kabuuan ng bahay. Tumango lang ito nang tumingin sa dalaga. "B-bilisan natin, mukhang patay na ang mga tao rito, 'di ba, iha? O baka namali lang ako ng iniisip?" Naramdaman ko ang pag-akbay nito sa'kin nang igiya ako nito sa pinto. Hindi ako makasagot sa mga tanong ni Father dahil inuusig ako ng kunsensya ko. Bago pa man dumating ang mga ito, mabilis kong natanggal ang mga bangkay na nakita ko sa bahay at nilinisan din ang area na magtuturo kay Mihael na ito ang pumatay. Sa malayong lugar ko ito tinapon nang mabilisan kanina. Tama nga si Nanay, mas malakas ako kaysa pangkaraniwang aswang dahil sa itim na bato, nagagawa ko nang mabilis ang lahat ng bagay. "Roxy, iha," nakangiting tinapik ni Sister Loisa ang kamay ko. "Gusto kitang kausapin nang sarilinan; na tayong dalawa lang ukol sa mga aswang. May nalalaman ako sa alamat ng mga halimaw na 'yan dahil ang isang madre noon na nag-aangkin ng makapangyarihang bato, ay isa ring aswang pero—namatay din si Sister Roxanna dahil sa labis niyang katandaan." Natigilan ako at humigpit ang pagkakahawak ko kay Sister. Sana makatulong ito para masagot ang mga katanungan ko ukol sa lahi ko. Nakaramdam ako ng pag-asa sa kabila ng kadiliman. May natatanaw akong isang nakakasilaw na liwanag at 'yon ay ang araw na tumama sa mukha ko bigla kaya naitakip ko ang kamay ko. "Nagpasalin-salin ang batong iyon sa kanunuan ni Sister Roxanna," pabulong na kwento pa nito sa'kin. "Hanggang sa pinakahuling aswang na kadugo niya." At ako ang aswang na tinutukoy nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD