DAISY Kung kanina habang bumabyahe kami papunta sa firm ay panay pa rin ang lambing ni Onse, pumaparaan pa nga na humawak sa hita ko, ngayon ay nagtataka naman ako sa kilos niya na biglang nagbago. Biglang naging seryoso. Ramdam kong may mali. Hindi pwedeng bigla na lang siyang magbago ng walang dahilan. Pagbaba niya ng sasakyan ay biglang nag-iba na agad ang timpla niya. ‘Yong mga titig niya na parang inaakit ako, napalitan ng tinging nababalisa. Parang may kinatatakutan. Nalilito ako. Nagtataka. Gusto ko pa sanang magtanong, pero sa nakikita ko sa mga mata niya, determinado siyang paalisin ako. Napansin ko rin ang pasimpleng paglingon niya. Kaya pasimple ko ring sinundan ang tingin niya, at kitang-kita ko ang anino ng taong nakakubli sa gilid ng gusali. Hindi ko maintindihan, pero

