Laking dismaya ko nang hindi pa rin tuluyang nagising si Onse. Gumalaw nga ang kanyang daliri, pero hanggang konting galaw lang ang nagagawa niya. Nailipat na siya sa regular room, but still, hindi pa rin siya nagkakamalay. “Daisy, magiging okay si Kuya,” sabi ni Charmaine. Ilang oras na ang dumaan at hindi pa rin maalis ang tingin namin sa kanya. Pareho naming hawak ang kanyang kamay at parehong inilapat sa aming pisngi. “Magiging okay siya…Nagpapahinga lang siya,” tapang-tapangan kong sabi. Gusto kong maging malakas din ang loob niya para sa kanyang kapatid. Kahit kasi pinilit niya ang kanyang sarili na maging matatag, makikita pa rin sa mga mata ang takot. Napapadalas din ang pagiging tulala niya, at ‘yon ang ikinatakot ni Danreve—ang bumalik sa kanya ang trauma sa nangyari sa k

