"MADEL, hurry up!" tawag ni Aljur sa kapatid habang papalabas ng bahay. "Hindi na lang ako sasama, Kuya!" sagot nito. Narinig naman niya iyon kaya pumasok na siya sa loob ng kotse at kaagad na pinaandar ito. Magsisimba siya ngayon dahil araw ng Linggo. Pinili niya ang umaga para pag-uwi niya mamaya ay magpapahinga na siya. Napakarami ng ginawa niya nitong nagdaang mga araw lalo na ang pagpirma ng sandamakmak na mga papel. Natagalan pa siya no'n dahil sa kaka-stalk niya sa social media accounts ni Delaney na kung saan brokenhearted ang kaniyang inabot. Napabuntong-hininga na lamang siya nang maalala ulit iyon. Tinatanong niya tuloy ang sarili kung paano niya mapapasaya si Delaney kung may nagpapasaya na pala ritong ibang lalaki. May kung anong kirot na naman sa dibdib niya. Pagliko ni

