MABUTI na lang at napiligan ng lalaki ang sarili na lumapit sa kinaroroonan ni Delaney kasama ang lalaking hindi niya kilala. Habang nasa kaniyang kompanyang pinamamahalaan nagtatrabaho ang babaeng ito, hindi niya hahayaang may ibang lalaking dumidikit dito. Ayaw niya ring nakikita itong umiiyak. Kanina pa niya gustong lapitan ang dalawa ngunit nang lalapit na sana siya, saka naman umalis ang mga ito. Unang kita pa lamang niya kay Delaney noon, may kung anong nararamdaman siya para dito ngunit may bumabagabag naman sa kaniyang isipan na hindi niya maipaliwanag. Kaya naman nang ma-assign ito sa Puerto Princesa at nando'n na ito, tinawagan niya agad si Arnold at sinabihan si Miss Yeng na ilipat sa head office ang dalaga. May inutusan din siyang private investigator para alamin ang tungkol

