Chapter 23

2265 Words
Gusto ko na bumalik ng campus. Mas gugustuhin ko pang mainip doon kaysa naman hayaan ang sariling nasasaktan dito. Pero kahit na anong maging desisyon ko, hindi ko maitatangging nakasalalay pa rin kay Lexus ang desisyon ko. After all, nandito ako para samahan siya at hindi iyong ako pa itong maging pabigat sa kaniya.   I sighed like a hopeless wind. Mas lumiwanag pa ang paligid dahil sa tuluyang paglitaw ng araw ngunit kasabay nito ay mas lalong tumatagal ang simoy ng hangin. Literal akong natulala kay Kahlil hanggang sa tumalikod na siya at humarap kay Eira. Sabay silang naglakad papasok pa rito sa Baluarte kaya ako na ang kusang humarap kay Lexus.   “S-saan pala tayo gawi p-pupwesto?” nauutal kong sabi habang pilit na itinatago sa kaniya ang pagkabalisa. I really hate this feeling. Paano kung lumapit sa amin ang dalawang iyon? Anong mukha ang maipapakita ko sa lalaking higit pa yata sa langit ang pagkahumaling ko sa kaniya? He’s so damn handsome in his formal uniform, bagayan pa iyon ng balingkinitang tindig ni Eira.   “Depende,” sagot niya. Kumpara kanina’y hindi na mababakas ang inis o anumang mabigat na loob sa kaniyang boses. “Sasama ba tayo sa kanila—”   “Hindi. Bakit tayo lalapit doon?” pagputol ko sabay iwas ng tingin. Tumingin ako sa likod niya upang tingnan kung may daan. May madadaanan naman kaya hindi na ako nagdalawang isip pa upang ituro iyon. “Tara na.”   Nauna na ako bago ko pa man marinig ang sasabihin niya. Naramdaman ko naman siyang sumunod sa akin kaya hindi na iyon naging problema. Basta, mas minabuti ko nang mauna kaysa makita pa kami ng dalawang iyon. They have to take their moment without being distracted.   Ang gara lang isipin. Akala ko ba wala na sila? Akala ko ba matagal na silang wala? Paano kung nagkabalikan na nga sila?   Masakit pero ano ba ang magagawa ko?   “Natatae ka ba? Anong nangyayari sa’yo?” Lex asked from behind. Natatawa pa siya.   “Wala lang,” sagot ko habang patuloy pa rin sa lakad. Hindi ko na inalintana pa ang mga halaman at mga bulaklak kahit ang gaganda ng mga ito sa mata. Basta ang alam ko lang ay nais kong magpakalayo-layo sa kanila. Iyon lang, wala ng iba.   “Is it about Eira?”   “Hindi, Lex.”   “But what’s with that sudden mood?”   Umirap ako at napagdesisyunang huminto. Medyo tago na rin kasi ang parteng ito kumpara sa mismong maze structure na pupuntahan nina Kahlil. Dito ay walang ibang makikita kundi mga nagagandahang mga halaman. Haluan pa ito ng mga bulaklak na naglalaro sa mga mata.   Isang laklak sa soda ang ginawa niya bago huminto at yumuko nang bahagya sa akin. Halos dalawang hakbang lang ang aming layo, sapat na upang marinig ang sasabihin ng isa’t isa dahil sobrang tahimik ng paligid.   “Ang dami mo namang tanong.”   “Woah!” medyo malakas ang pagkakasigaw niya nito kaya pinandilatan ko siya ng mata. “Baka nakakalimutan mong may atraso ka sa’kin?”   “Atraso?” tanong ko sabay halukipkip ng braso. “Akala ko ba okay na tayo?”   “Tss. Ikaw pa kasi may ganang mainis sa’kin ngayon. Ano bang meron at bakit parang nataranta ka bigla?”   I shrugged. “Wala.”   “Okay. Anong gagawin natin dito ngayon?” Iniwas niya ang tingin sa akin saka pinasadahan ng tingin ang paligid. Napakunot-noo siya na para ang hindi niya nagugustuhan ang lugar.   “Di ba magpapahangin ka?”   “This is not the perfect spot for that. Bakit hindi tayo sa—”   “Mahangin din naman dito, Lex.”   “Iba pa rin kapag nandoon tayo sa structure.”   “Ayaw mo ba dito, mas tahimik?”   Umiling siya na ikinairita ko. Pero sa halip na ipakita ko iyon, bumuntong-hininga ako upang maibsan ang bigat nito. Muli, nawalan na naman ako ng choice.   “Tara na,” aniya. Labag man sa loob ngunit sumunod na ako sa kaniya upang tumungo sa kung nasaan ngayon sina Kahlil.   Kinakabahan ako sa hindi ko maunawaang dahilan. Halo-halong emosyon ang sumasagi sa akin ngunit nangunguna na roon ang selos. Kung sakali man, may posibilidad kaya na magalit siya dahil nandito rin kami ni Lexus? Paano kung dahil sa amin ay masisira ang date nila? Paano na?   I want to tell Lex about this. Ngunit nangangamba ako na baka may maisip siyang kakaiba dahil balisang balisa ako. It’s either maisip niyang may atraso ako kay Kahlil o baka maisip niya ring may gusto ako kay Eira. At dahil hindi naman niya alam kung ano ako sa katawang ito, malakas ang kutob ko na baka maisipan niyang may gusto ako kay Eira.   Sh-it.   Nagulat ako nang bigla niya akong hinigit palapit sa kaniya.   “Tabi ka nga sa’kin, bakit lumalayo ka nang lumalayo?”  tanong niya. Saglit akong natahimik dahil pinoproseso ko pa kung ano ang nangyayari.   “Uh, masama ba?” inosente kong tugon.   “Tss.”   “Sungit.”   “Oh, ako pang masungit ngayon? Ikaw nga ‘tong layo nang layo.”   “Bakit ba kasi doon pa tayo kung pwede namang doon na lang sa pinanggalingan natin?”   “Sayang lang oras natin do’n.”   Palala nang palala ang kaba ko habang papalapit kami nang papalapit sa ruins. May mangilan-ngilang turista at minsan napapatingin pa sa amin. Sino ba namang hindi maaagaw ang pansin gayong class hours ngayon at naka-uniporme pa kami?   Naririnig ko na lang ang mahinang tawa ni Lex dahil inaasar niya iyong mga batang bisita rin dito sa Baluarte. How I wish na sana nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman niya. Pa-relax at pa-chill-chill na siya habang ako’y iniisip pa kung hanggang saan ako dadalhin ng pagkabalisang ito.   Ngayon ay umaakyat na kami patungo sa itaas. At sa lalong pag-angat namin, lalong lumalala ang halo-halong emosyon na kanina ko pa pilit pinapahupa. Inaayos ko na lang ang ekspresyon ko upang hindi naman ako mahalata. Paano kung magharap talaga kaming apat dito? How would I react? How Kahlil would react?   Nang tuluyan na kaming makarating sa itaas ay isang malakas na ihip ng malamig na hangin ang sumalubong. Hindi gaya ni Lexus na tuloy-tuloy na naglakad, ako ay huminto upang ilibot ang tingin sa paligid. Katunayan, hindi naman ganoon karami ang tao rito. Hindi naman lalagpas ng sampu. Pero nang makita ko sa gawing dulo sina Kahlil at Eira na magkatabi at nakaharap sa malayong tanawin ng kamaynilaan, para akong pinagsasaksak ng milyong beses.   Oo, milyon. Ganoon kalala. Sobra. Partida pa dahil kapwa sila nakatalikod mula sa akin. Paano na lang kaya kung nakikita ko na ang mga ngiti nila sa isa’t isa? Paano na lang kung nakikita ko na ang ningning ng mga mata nila? Tama, nasa akin din naman ang kasalanan. Ang lakas din naman kasi ng loob kong umasa gayong straight siya at sa babae lang nagkakagusto. Ang lakas ng loob ko maging marupok gayong wala naman akong assurance na natanggap.   Ang lakas lang.   “Hey. Yuri.”   Natauhan ako sa mahinang tawag na iyon ni Lexus. Medyo malayo-layo na rin kasi ang narating niya habang ako naman ay nasa tabi pa ng barandilya. Yumuko ako at mariing pumikit bago napagdesisyunang tumakbo upang tumabi sa kaniya. Thank God dahil malayo iyong pwesto namin sa pwesto nina Kahlil.   “Parang tahimik ka? May problema?” he asked in a serious tone. Hindi ako nag-alinlangang umiling dahil ayaw na ayaw kong mahalata niya.   “Wala naman. Ayos na tayo kaya… kaya wala ng dapat pang problemahin,” sagot ko sabay tago ng dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng aking slacks. Matipid akong ngumiti dahil lumingon siya sa akin.   “Sigurado ka?”   “Oo naman.”   “Okay.”   Naging tahimik na kami sa sumunod na tagpo. Panay lamang ang hinga ko nang malalim upang maibsan ang kanina pa bumabagabag sa dibdib ko. Pinanatili ko rin ang titig sa tanawin kung makikita ang golf field at ilang mga ruins ng intramuros. Agaw-pansin ang mga gusali mula sa malayo at hindi rin naman nito naapektuhan ang view.   Samantala, si Lexus naman ay paminsan-minsang sumisimsim sa kaniyang soda. Gaya ko, ang kaliwang kamay niya ay nakapamulsa ngunit ang isa’y nakahawak lang sa inumin niya. I wonder what he thinks right now. Kung okay naman na kami, ano pa bang dahilan upang magpahangin dito?   Lihim akong sumulyap sa puwesto nina Kahlil. Buong akala ko’y magkasama pa rin sila ni Eira ngunit napakunot-noo ako nang makitang siya na lang ang nasa pwesto niya. Nasaan na si Eira?   Hindi ko inasahan ang biglang pagbaling ni Kahlil sa aking kinatatayuan. Sa pagtama ng aming mga mata, kahit na may kalayuan at tanging luntiang mga damo ang namamgitan, abot-langit ang naging pintig ng pulso ko.   Napamura ako nang mahina. Kahit ako’y hindi makapaniwalang naglalaban na kami ng titigan.   Nang mapansing umayos na si Kahlil ng tindig at naglalakad na papalapit sa amin, saka ako umiwas ng tingin at muling ibinalik kay Lexus.   “L-lex…” Kinalabit ko pa siya upang agawin ang kaniyang atensyon. “S-si Kahlil, papalapit na rito.”   “Oh?”   Sabay kaming humarap sa direksyon kung nasaan na ngayon si Kahlil. At gaya ng nauna kong reaksyon, nagtaka rin siya kung nasaan na ngayon si Eira.   “Nasaan ang kasama niya?”   “U-uh… hindi k-ko rin a-alam…”   “f**k, Yuri. Kinakabahan ka ba?”   Sumimangot ako upang itanggi ito. “Kinakabahan? Saan mo napulot ‘yan?”   “Eh ba’t ka nauutal? Huwag mo sabihing may alitan kayo ng isang ‘yan.”   “W-wala ah.”   “Sige. Itatanong ko sa kaniya at nang makasiguro ako.”   Lalo akong nataranta at akma na sana siyang pipigilan pero bago ko pa man ito magawa, huli na nang matanto kong nakatayo na sa harap namin si Kahlil.   Bahagya akong tumingala.   Holy s-hit. Ang tangkad niya…   …at ang bango pa.   “Brad, ikaw pala,” ani Lexus nang nakangiti. Napatitig na lang ako nang wala sa oras lalo’t halatang halata na sa akin ang pansin niya ngayon.   May kung anong kuryente na dumadaloy sa akin habang nilalabanan iyong titig niya. Na para bang sa kahit na anong oras ay maiwawala ko nang tuluyan ang sarili ko kahit na wala pa man din siyang ginagawa. I’ve been trying my best to deal with this pero habang tumatagal, lalo lang lumalala. Kung wala lang ang nararamdaman ko sa kaniya ay sana pinagsawaan ko na siya. Ngunit baliktad. Kabaliktaran ang lalo pang nangyayari.   “Nasaan si Eira? Nakita naming kasama mo siya kanina,” tanong pa ni Lex dahil hindi siya pinansin ni Kahlil. Pero sa puntong ito, inilipat na ni Kahlil ang seryosong tingin nito saka sinagot ang tanong niya.   “Nauna na.”   Napakunot-noo ako. Nauna? Ibig sabihin hindi naman ganoon katagal ang pagsasama nila rito? Pero bakit hahayaan niyang umalis si Eira nang hindi siya kasama? Sa pagkakakilala ko, gentleman naman siya.   “Oh, pero matanong ko lang para malinawan ako sa kabigan kong ‘to. May atraso ba siya sa’yo?” tanong pa ni Lexus na literal kong ikapapahamak ngayon.   Ang sarap magmura, sa totoo lang. Talagang tinanong pa niya ito? Saan siya nakahugot ng lakas ng loob?   Ibinalik ni Kahlil ang tingin sa akin. Sa takot ko ay napayuko ako.   “Bakit mo natanong ‘yan?” Mas lumalim ang kaniyang boses.   “Natataranta kasi. Hindi naman siya ganiyan no’ng wala ka pa.”   Lihim kong ibinaling ang paningin kay Lexus at sinamaan siya ng tingin. Humanda ka talaga sa’kin mamaya. Pahamak, sobra.   “Can you leave us alone for a minute? Mag-uusap lang kami," Kahlil requested.   Doon ko na nakumpirma na halos maiwala ko na ang kaluluwa ko sa gulat at naghahalong kaba. Para akong tinaniman ng tinik sa lalamunan at hindi ko na alam kung anong sunod na gagawin!   “H-hindi!” angal ko bago pa man humakbang si Lexus. “M-may iba lang akong iniisip. Wala naman akong atraso sa’yo Kahlil, ‘di ba?”   Mula sa akin, inilipat ni Lexus ang atensyon niya kay Kahlil. Animo’y hinihintay ang isasagot nito kung sasang-ayon ba sa akin o hindi. Pero sa halip na makakita ako ng tango kay Kahlil, ganoon na lang ang gulat ko nang umiling siya at itangggi iyon. What the hell?   “Geh, ayusin niyo muna ‘yan. Puntahan mo na lang ako sa parking pagkatapos niyo mag-usap, Yuri,” ani Lexus.   Tulala ako kay Kahlil nang maglakad na papalayo si Lexus. Hindi ako makapaniwala. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nagawang atraso o mali sa kaniya. Sadyang nataranta lang ako dahil hindi ko naman siya inaasahang makita rito at nagkataon pang kasama niya kanina si Eira!   Tahimik. Walang nagsasalita. Kung may maingay man ay nagmumula iyon sa mga busina ng sasakyan sa kalayuan. Kahit tirik ang araw, nababalanse naman ng lamig ng hangin ang temperatura. Alam kong napapansin niya na kinakabahan ako dahil panay ang galaw ng aking lalagukan.   “What happened?” he calmly asked with no expression. Pinasadahan niya ang buhok niya at lumapit nang bahagya sa akin.   S-hit.   “K-kahlil…”   “What's bothering you hmm? Tell me,” aniya sabay higit sa palapulsuhan ko. Nagpatianod ako hanggang sa mapalapit ako at halos isang dangkal na lang ang layo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD