Chapter 24

2251 Words
“What's bothering you hmm? Tell me.” Nakababa ang mga mata ko sa kamay niyang nakahawak pa rin sa aking palapulsuhan. Hindi iyon mahigpit at hindi rin naman maluwag. Sakto lang iyon upang hindi ako makawala o makatakas sa harap niya. He’s so damn fragrant. Iyong tipo na hindi mo pagsasawaang amuyin dahil lalaking lalaki at mababatid na sa kaniya lang maaamoy ito. Paano pa kaya ako mababalik sa normal kung ganito siya kalapit sa akin? Nagmumukha akong mas bata dahil higit siyang mas matangkad sa akin. “You seemed so out of your mind, Yuri. May masama bang nangyari?” Napalunok-lunok muna ako bago nagdesisyong i-angat nang marahan ang tingin. Bagaman alam kong nakayuko na siya ngayon sa akin, naroon pa rin ang gulat ko nang makita pa rin ang napakaseryoso niyang ekspresyon. Kita roon ang guhit ng pag-aalala. Pero totoo nga bang nag-aalala siya? Paano kung kuryoso lang talaga? “W-wala naman…” “At nauutal ka.” Baritono ang paraan ng pagkakasabi niya nito kaya nagsitaasan bigla ang mga balahibo ko. “Dahil nagulat lang siguro?” “Hindi ka sigurado.” “Ayos lang ako, Kahlil.” Sa puntong ito ay umatras ako. Hindi dahil sa personal na dahilan kundi dahil nararamdaman kong may mga napapatingin na sa amin. Sobrang lapit na kasi niya. “I used to believe everything you say, but not this. What’s bothering you huh? May ginawa ba sa’yo ang taong iyon?” I bit my lower lip. I like how he worries for me pero tama bang umasa ako nang dahil dito? O kung totoo ngang nag-aalala siya, dapat isipin kong pangkaibigan lang iyon. Malay ko ba na baka kapatid pala ang tingin niya sa akin. Masakit nga naman kung ipipilit ko pang isipin na parehas kami ng nararamdaman sa isa’t isa. Imposible. “Wala. Basta okay lang ako. Exaggerated lang talaga iyong si Lex.” Inangat niya ang mga braso niya saka humalukipkip. Animo’y pinag-aaralan ako mula sa ekspresyon ng mukha ko hanggang sa ikinikilos ko. God. Damang dama ko ang concern niya! Ngayon ay hindi ko na mawari kung kakabahan pa ba ako o kikiligin. This is just a dream before. Buong akala ko’y napaka-imposible lahat ng mga nangyayari ngayon. Imagine, kung dati ay hanggang tingin lang ako, ngayon ay siya na itong lumalapit. Kung dati ay hanggang pantasya lang ako, ngayon ay harap-harapan ng nangyayari. Pero mali eh. Maling gawan ko pa ito ng kung ano-anong dahilan gayong pagkakaibigan ang batid kong turing niya sa relasyong ito. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang ma-friend zone. “Nasaan na pala si Eira? Totoo bang umalis na siya? Bakit hinayaan mong mag-isa?” Tumaas ang isa niyang kilay. “Iyon ang gusto niya.” “Oh?” Nakakagulat iyon. Seeing how Eira enthusiastic was, parang imposibleng aalis iyon nang gusto niyang mag-isa siya. Ano kayang nangyari? Nag-away kaya sila? Gusto ko mang alamin kung anong nangyari sa kanila, tingin ko’y wala na ako sa lugar upang tanungin pa ang tungkol doon. Nanahimik na lang ako at nag-isip ng kung anong susunod na sasabihin. Sh-it. Paano ako makakapag-isip kung nakatitig siya sa akin nang walang sinasabi? Paano ako makahahagilap ng pwede i-topic kung lumilipad itong ulirat ko sa paraan kung paano ako naaakit? Hindi man siya nakangiti, I found him so seductive. Higit pa ito sa Kahlil na kinahuhumalingan ko. Ilang beses ko man itong inaamin sa sarili ko pero patay na patay talaga ako. May pag-asa pa kaya para mawala ito? Kailan kaya ako magsasawa sa damdaming ito? Nang magsalita siya ay doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. “Anong ginagawa niyo rito? Wala ba kayong klase?” “Uh wala. Nagpapahangin lang. Kayo ni Eira?” “Nag-usap lang.” “Nag-usap? Pwede naman sana kayo mag-usap sa school ‘di ba?” tanong ko. “Eh kayo? Pwede rin naman kayong magpahangin sa campus, bakit dito pa?” Para akong sinupalpal sa tanong niyang iyon. Though hindi siya nakangisi o nakangiti, naging sarkastiko ang dating sa akin nito. May punto nga naman. Pero nandito lang naman ako dahil sinadya kong habulin si Lex. Hindi sa kung anong dahilan kundi para magkaayos kami. Eh sila? Ano kaya? “Wala lang…” ang naisagot ko na lang. “Trip lang namin.” “Trip o… iba pa?” “Anong iba pa?” “May iba pa kayong dahilan kung bakit nandito kayo…” “Wala na, Kahlil. Wala rin namang mga prof kaya malaya kami rito.” “Ano oras kayo babalik?” “Kapag natapos na tayong mag-usap.” “Oh, really? Paano kung isang oras pa tayo rito?” Pilit akong tumawa. “Malabo iyan.” Ngumisi siya. “Totohanin natin.” “Hindi pwede. Magagalit sa’kin si Lex.” “Paunahin mo na siya. Sa’kin ka na sumakay pabalik.” Umiwas ako ng tingin at lihim na ngumiti. Shet. Kinikilig ako, bakit naman ganito Lord? I sighed, pilit na ibinabalik ang ekspresyon sa pagiging blanko bago ulit bumalik ng tingin sa kaniya. “Sigurado ka?” tanong ko. “Ayaw mo?’ “Naninigurado lang.” “Gumala tayo.” Napatango na lang ako at nagdesisyong maglakad palabas dito kasama siya. God, sana ay walang ibang maisip si Lexus. Hindi rin naman siguro magiging big deal kung sasama ako ngayon kay Kahlil. Besides, wala naman siyang alam na may gusto ako rito. Tahimik lang kami habang tinatahak ang daan. Nang marating ang parking lot, partikular na ang kotse ni Lexus, kumatok ako sa door glass na agad namang naibaba. Bumulaga ang kuryosong mga mata ni Lexus. Hindi sa akin nakatingin kundi kay Kahlil na nakatayo ngayon sa likod ko. “Lex, bale pwede ka na siguro mauna. May pupuntahan lang kami ni Kahlil.” Kumunot ang noo niya. “Saan kayo pupunta?” “Uh,” saglit akong lumingon kay Kahlil. Nang mapansing nagkibit siya ng balikat, suminghap ako at muling bumalik kay Lexus na salubong na ngayon ang kilay. “Baka dito lang sa Intramuros.” “Gagala kayo?” “Siguro…” “Hindi,” diin niya sabay baklas ng seatbelt niya. Umawang naman ang bibig ko sa ginawa niya. “Sasama ako.” Nataranta ako. Gusto ko sanang pigilan ngunit umatras ako dahil itutulak na niya ang pinto. Muli akong tumingin kay Kahlil. Kita ko na ang guhit ng iritasyon sa kaniyang mukha at kahit na wala siyang sabihin, batid kong naiinis siya. Pagkabalik ko ng pansin kay Lexus, nakasara na ang pinto ng kotse niya at nakatayo na sa aking harapan. Hindi ako makapaniwala. Ayaw talaga niyang bumalik nang mag-isa sa campus! “Lex—” “Sasama ako, Yuri.” “Pero—” “Walang pero-pero.” Sasagot na sana ako pero hindi na natuloy dahil sa biglang pagsabat ni Kahlil. Huli na rin nang matanto kong katabi ko na siya ngayon. S-hit, dama ko na ang tensyon. “Brad, pwede mo naman siguro kaming hayaan muna,” aniya sa mahinahong paraan. But Lex shrugged. “Kung gagala lang din naman kayo, bakit hindi niyo na ako isama? Hindi naman sana ‘yan date, ‘di ba?” Sinadya kong umubo upang sirain ang mood na nilikha niya. S-s**t. S-hit. S-hit. Talaga bang sinabi niya iyon? “A-anong date ka diyan?” sambit ko nang mahimasmasan kunwari. “Exactly. Walang dahilan para bigyan ko kayo ng privacy.” “Okay, sige,” pagsang-ayon ko na lang. Wala naman na kaming magagawa dahil halata namang determinado siyang sumama. Kung ipipilit pa namin ito ni Kahlil, sigurado akong mabibigyan na niya ito ng malisya. Hindi na nagsalita si Kahlil. Sa halip ay nagsimula na kaming maglakad sa kalsada kung saan wala ni anumang sasakyang dumadaan. Ang nakakailang pa sa sitwasyong ito ay ako pa itong nakapagitna sa aming tatlo. Nasa kanan ko si Lexus at sa kabila naman si Kahlil. Tahimik. Walang nagsasalita. Kung may maingay man, minsan ay dulot na lang ng hangin at kung ano-ano pang likha ng kalikasan. I wonder kung makakapag-usap pa kami nito. Halatang halata naman kasing nawala sa mood si Kahlil. Ewan ko lang kay Lexus. Hindi naman sila malayo sa akin. Hindi rin masyadong malapit. Pero sa oras na maipit ako, humanda sila dahil baka mawala na lang ako ng kontrol at mapag-umpog ko silang pareho. “Sigurado bang dito lang kayo sa Intramuros gagala?” Lex asked. Nakatingin siya sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. “Bakit, may isusuhestyon ka?” “Hindi ba sa Taguig? Sa BGC o kaya sa Venice.” Sumingit bigla si Kahlil sa malamig ngunit mapanuyang tono. “Ikaw, pumunta ka na ng mag-isa ro'n kung gusto mo.” Pinagmasdan ko nang mabuti ang reaksyon ni Lexus. Kung kanina ay nasa normal na guhit ang kaniyang mukha, ngayon ay halatang may bahid na ng inis. What the hell, huwag nilang sabihin na mag-aaway pa sila rito? Bakit naman ganito? “Uh, mainam ng dito tayo para makatipid. Saka medyo malayo na sa Taguig, lalo lang tayo matatagalan,” wika ko bilang pampahupa. ‘Di ko lang alam kung naging epektibo ba pero sana ay huwag na nilang gatungan pa ang tensyon. Pero makulit si Lexus. Ayaw talagang padaig. Naglalakad na nga kami’t lahat-lahat, tuloy-tuloy pa rin ang bibig niya. “Ang cheap naman kung ito ang taste ng kasama mo, Yuri.” “Lex…” “Gagala na lang pero dito pa? Baka wala lang talagang pera ‘yan.” Tumigil bigla sa paglalakad si Kahlil kaya napatigil na rin ako. Binalot na lang ako ng kaba nang makitang nanlilisik na ang kaniyang mata at naging kamao na ang kamay. “Tang-ina.” Lumapit ako. “Huwag mo ng pansinin ‘yon, Kahlil. Nagbibiro lang ‘yon—” “Anong biro?” Napapikit na ako nang marinig si Lexus sa likod ko. “Totoo ako sa sinasabi ko. Ang cheap ng taste. Cheap.” “Lexus. Tama na please.” “F-uck…” “Maganda ‘tong intramuros, oo. Pero ‘di ba kayo nagsasawa huh? Ikaw, Kahlil, ‘di ka nagsasawa?” “Lex…” Nagpumiglas bigla si Kahlil sa amba kong paghuli sa kaniyang kamay. Halos mapasigaw ako nang mabilis niyang sinugod si Lexus at pinanggigilan ang kwelyo nito. “Hanggang dito ba naman pinupuntirya mo akong gago ka?” galit na galit na turan ni Kahlil. Ngumisi naman si Lex na animo’y hindi man lang natakot sa ginagawa nito sa kaniya. “Kung may gago man sa’ting dalawa, hindi ako ‘yon.” Isang suntok ang pinakawala ni Kahlil kaya sa puntong ito, napaatras na si Lexus. Pero bago pa man ito makaganti, mabilis na akong pumagitna. “Pwede ba? Please tama na! Pare-parehas lang tayong mapapatawag nito kung gagawa pa kayo rito ng eksena!” “Sabihin mo ‘yan sa gagong Kahlil, Yuri. Alam mo bang matagal ko ng pinanggigigilan ang hayop na ‘yan? Alam kong siya ang kumukunsinti sa Papa mo para hindi ako makapasa sa try-out!” “Mahina ka,” bato ni Kahlil. “Bilang kapitan, ang bobo ko para magpapasok ng gaya mong ibabangko lang naman.” “Tang ina…” “Please! Kung mag-aaway lang din kayo, huwag na rito!” Sa lakas ng sigaw kong iyon, kapwa na sila nanahimik. “Mahiya naman kayo, lalo ka na Kahlil,” naluluha kong sinabi sabay harap kay Kahlil. “Huwag mo na patulan. Kung may alitan pala kayo dahil sa try-out issue niyo, mag-away kayo nang hindi ako nadadamay.” “Hindi ka naman madadamay—” “Anong hindi?” pagputol ko sa tirada ni Lexus. “Kahit sabihin nating wala tayong prof, oras pa rin ng klase ngayon! Mapapatawag tayo ng dean ng ‘di oras kung mag-eeskandalo kayo rito. Hindi niyo ba naisip ‘yon?” Hinawi ko ang namuong pawis sa noo ko. Pagkabaling ko kay Kahlil, napansin ko ang paghupa ng emosyon niya. “Ikaw, athlete ka. Alam mo bang— sh-it.” Hindi ko na tinapos ang sinasabi ko. Ako na ang kusang umalis sa gitna nila at naglakad papalayo. Napapagod na ako. Mag-alala man ako kung mag-away ulit sila, wala akong magagawa kung gusto talaga nila magsuntukan sa gilid ng kalsada. Ano ba kasing punto ng pisikalan? Para may masaktan? O para lang maipakita na superior ang isa sa isa? Walang sense! Sa halip na maayos lang nila kung ano man ang problema nila, lalo lang nila pinapalala. Ang masama pa ro’n, hindi ko alam na may lamat na pala sa pagitan nila kahit bago pa kami magtagpo ritong tatlo. Hindi ko naisip iyon dahil hindi ko naman sila nakitang mag-usap minsan kahit noong nagta-try out pa si Lexus. Pero ngayong inamin na rin ni Kahlil na siya ang kumunsinti kay Papa na huwag itong ipasok sa team, mukhang lalo lang lumala ang lahat. Anumang kontrol ang gawin ko upang mapigilan ang magiging gulo nila, iyon ay hindi ko na dapat problema. Hindi na ako nag-abala pang lumingon. Saktong may dumaang taxi kaya pinara ko na iyon. “Manong, sa La Salle po,” wika ko nang makaupo sa backseat nitong taxi. Tumango naman ang driver at saka umusad sa pagmamaneho. Ngunit hindi ko natiis. Tumingin ako sa likod upang tingnan ang sitwasyon nila Kahlil at Lexus sa pwesto kung saan ko sila iniwan. Nang makitang wala na sila roon, hindi ko alam kung dapat bang ipag-alala ko iyon o hindi. Pero kung sakali mang napagdesisyunan nilang lumipat ng lugar at doon magsuntukan, bahala na sila sa kalalabasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD