Pagsapit ng Miyerkules, araw na naman ng basketball training. Dalawang klase muna ang dinaluhan ko bago ako lumabas at magbihis ng t-shirt at pants. Isang araw na rin ang lumipas mula nang mangyari iyong sa Intramuros at sa mga nakalipas ding iyon ay nawalan na rin ako ng maayos na koneksyon kina Kahlil at Lexus. Hindi dahil umiiwas sila pero dahil ako na ang kusang umiiwas.
I was so frustrated. Dala-dala ko pa rin ito at hindi ko malaman kung sa paanong paraan ko pakakawalan. I know I have to understand why they end up fighting pero bakit ang hirap para sa akin na patawarin ang kahit na sino sa kanila?
Don’t get me wrong, hindi ako galit sa kanila. Iritado? Oo. Pero hindi ang magalit. Gusto ko lang din naman kasi sila magkaayos dahil mahirap ang ganito. Halos close ko silang dalawa at sila na lang din ang malapit sa akin sa campus, tapos sila-sila pa ang mag-aaway?
Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko na-miss si Kahlil. Lalo na iyong texts niya. Minsan nakikita ko siyang naglalakad sa campus kasama ang mga kaklase niya pero sa hiya ko at sa inis, ako na ang kusang nagtatago upang hindi niya makita. Ang sama ko ba para gawin ito? Kung tutuusin ay wala naman akong kasalanan pero bakit pakiramdam ko ay na-g-guilty ako?
“Yow!”
Natauhan ako habang naglalakad patungong gym. Muntik pa akong mapatalon dahil sa biglang pagtabi ng kung sinong kabute sa gilid ko. Nang idapo ko ang tingin sa kaniya, hindi na ako nagulat nang makita si Benj. May dala-dala siyang duffel bag at naka-Lasallian jersey.
“Ikaw pala, Benj…”
“Yupp. Si Jen? Makikinood ba?”
I shrugged. “Busy ‘yon kaya baka hindi.”
“Aww…”
“Bakit hindi mo na lang puntahan mamaya? Date kayo,” suhestyon ko. Napakamot naman siya ng batok.
“Hindi ba ako tatanggihan n’on kung aayain ko?”
“Bakit ka naman tatanggaihan ni Jen? Mabait ‘yon. Mukha ngang interesado rin sa’yo eh.”
“Oh?”
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako at umikot upang humarap sa kaniya. Kita ang medyo umawang niyang labi. Tila humahanga at hindi makapaniwala.
“Paano mo nasabi ‘yan, Yuri?”
Ngumiti ako. “Pansin ko lang.”
“May sinabi ba siya sa’yo noong nagkita-kita tayo?”
Nag-isip ako upang alalahanin ang araw na iyon. Sa pagkaka-alala ko ay wala naman. Paano kaya kung bigyan ko siya ng false hope? ‘Wag na. Ang sama ko naman para gawin iyon.
“Wala naman,” ang nasabi ko. “Sa nakita ko noon, parang natutuwa siya.”
Tumango-tango siya na parang batang sabik sa laruan. Ang cute lang.
“Sa tingin mo, may pag-asa?”
Tumawa ako. “Ano ka ba. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?”
“Sa bagay…”
Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad patungong gym. Habang ako ay tahimik lang at nakikinig, siya naman ay panay sabi ng mga naging reyalisasyon niya nitong nakaraan. Aniya, nakumpirma na raw niya sa sarili na may gusto siya kay Jen and one of these days, sisimulan na raw niyang manligaw kung napapansin niyang mayroong pag-asa.
Nakakatuwang isipin dahil hindi naman pala mapili sa babae si Benjamin. Imagine, kahit na hindi niya sinasabi o ipinangangalandakan, alam ng lahat kung gaano katayog ang yaman nila. Sila nga yata iyong may ari ng ilang mga five-star hotels sa Quezon City. May casino business din at isa sa mga businessn tycon na tinitingala.
Samantala, si Jen naman ay umaasa lang sa full scholarship kaya nakakapag-aral sa prehistiryosong unibersidad na ito. Hindi naman masasabing mahirap ngunit hindi rin masasabing mayaman. Siyempre, sinong gaya niya ang hindi makukuha ang atensyon gayong abot-langit ang yaman ng magiging manliligaw? Kung nais niyang yumaman at umangat nang walang kahirap-hirap, dapat ay sagutin na niya ito.
Iyon ay kung praktikal siya. Wala namang magagawa si Benjamin kung ayaw sa kaniya nito.
Pagpasok namin ni Benj sa loob ng gym, naghahanda na ng mga hurdles sa center court ang mga coaching staffs. Si Papa ay ini-interview ng campus journalist at ang ibang mga manlalaro ay nagsisimula na sa stretching. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko habang inililibot ang tingin at hinahanap ang isang partikular na manlalaro. Para akong nilamon ng lupa nang makitang nakaupo lang sa bench si Kahlil at tuwid na pala ang tingin sa akin.
Tinapik ako ni Benj bago siya humiwalay sa akin. “Mamaya ulit, Yuri.”
I nodded. Tumakbo na siya upang mauna sa akin habang ako naman ay dire-diretso sa water jug na may kalayuan din naman sa kinauupuan ni Kahlil sa bench. Natatakot na ulit ako tumingin sa kaniya. Natatakot akong subukan muling pagtamain ang aming mga mata gayong alam kong ako rin naman ang unang iiwas. He’s so damn serious. Para siyang leon na handang makipag-away para lang sa pagkain nito.
Is he mad? Kung oo, bakit? Dahil kaya sa naging turan ko noong iniwan ko sila Lex o dahil naaartehan siya sa akin? Nakapanlulumo man kung ito ang magiging simula ng paglayo namin sa isa’t isa pero kung choice niyang lumayo, ano naman ang magagawa ko? Ano ang magagawa ko bilang isang water boy na parang isang katulong sa team niya?
Nang malapitan ko na ang water jug at subukan itong buhatin, hindi na ako nagulat nang matantong napakagaan nito dahil walang kalaman-laman. Doon mas tumatak sa akin na hindi nga talaga kami okay dahil tandang tanda kong sinabi niya noon na siya na raw ang magre-refill nito. Kahit sabihin pang may dalang tubig ang kaniya-kaniyang mga players ay hindi ako dapat na umasa roon. Siguradong hahambalusin ako ni Papa kung malalaman niyang hindi ko ito na-refill.
Walang sabi-sabi ko itong binitbit sabay talikod nang hindi man lang tumitingin sa kahit na sino. Tuloy-tuloy akong naglakad palabas hanggang sa hindi ko mamalayang narating ko na ang water station.
Ilang araw na rin pala mula nang huli akong magpa-refill dito. Abot-langit ang ngiti ko nang makitang nakadukdok sa istante si Mack, natutulog habang nakapatong ang puti niyang bimpo sa kaniyang batok.
Sinadya kong maglikha ng ingay. Ipinatong ko nang malakas ang water jug pero parang wala lang sa kaniya.
“Psst,” likha ko upang gisingin siya. “Psst, uy, papa-refill na ako.”
This time, dahan-dahan na niyang inangat ang kaniyang ulo. Nataranta siya at mabilis na tumayo, lalo na nang makita ako.
“F-uck. Sorry. Kanina ka pa?”
Kinuha niya ang water jug. Ngumiti ako at umiling-iling.
“Halos kararating ko lang. Puyat ka ba?”
“Pasensya na. Kinulang kasi ako sa tulog.”
Ngayong nire-refill na niya ang jug, hindi ko naiwasang pagmasdan ang kaniyang kabuuan habang nakatalikod sa akin. Hindi talaga maitatanggi na may angking kagwapuhan itong si Mack. Bukod sa brusko ang pangangatawan nito, iyong mukha niya ay masasabi talagang may laban sa mga modelo. Bakit kaya hindi niya subukang mag-apply sa mga trabaho na nangangailang ng ganoong requirement? Kung hindi modelo, pwede siyang kuning endorser.
“Mack.”
“Hmm?” responde niya habang nakatalikod pa rin sa akin at ginagawa ang kaniyang trabaho.
“Alam mo, real talk lang ah? Kaysa maging tindero ng tubig dito, bakit hindi mo subukang maging modelo o endorser?”
Humagikhik siya sabay layo ng jug sa refiller. Inayos niya ang takip nito sabay lapag nito sa aking harapan.
“Malabo ‘yan.”
“Anong malabo? Hindi ah. Ang gwapo mo kaya.”
Natigilan siya. “Seryoso?”
Dahil doon ay natigilan din ako.
Wait. S-hit. Mali bang sinabi ko iyon? Tama bang sabihin sa kapwa lalaki na gwapo siya? Bigla tuloy akong nawindang.
“B-bakit?”
Napahimas siya ng noo at ngumiti. This time ay parang lumiwanag ang kaniyang mukha. “Wala lang. Siguro nanibago.”
“Nanibago? Anong ibig mong sabihin?”
“Ngayon ko lang yata naranasang masabihan ng gwapo… ng isang lalaki.”
Holy s-hit. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Pilit akong tumawa na para bang kambing na sinasakal. “Oh? Seryoso ka? Ang imposible naman n-niyan.”
“Seryoso ako. Nakakapanibago lang.”
“Eh ‘di dapat masanay ka. Hindi lang ako ang makapagsasabi niyan, Mack.”
Itinuko niya sa magkabilang patungan ang mga braso. Dahil dito ay mas nadepina ang pagiging maskulado ng kaniyang katawan.
“Balik tayo sa sinabi mo kanina. Tingin mo may pag-asa ako kung susubukan kong lumapit sa mga agencies?”
Nagkibit-balikat ako. “Depende siguro sa mga requirements nila pero kung mukha’t katawan lang ang pag-uusapan, pasok na pasok ka. Mukha ka pa namang photogenic.”
Ngumisi siya at hinawi ang buhok. Sa puntong ito ay nakaramdam ako ng kung ano sa katawan ko na kaytagal ko na ring hindi nararamdaman mula nang ituon ko kay Kahlil ang aking atensyon. Ngunit sa kabila nito, mas pinili kong iwaksi iyon dahil marami pa akong kailangang gawin ngayong araw. Wala sa listahan ko ang maglalalandi at magpantasya ng kung ano-ano.
“Mahiyain ako kaya siguro, huwag na. Salamat na lang sa puri mo na gwapo ako.”
Nilamon na naman ako ng hiya. Sising sisi ako lalo’t ayaw kong may makalahata at ayaw kong magkaroon siya ng hint na ganito talaga ako. Pero bahala na. Nangyari na eh. Ano pa ba ang magagawa ko?
Huminga ako nang malalim nang iabot na sa kaniya ang bayad. Medyo hirap man sa pagbuhat ng jug patungo sa court ay kinailangan ko pa ring magtiis upang hindi pagalitan. Sana lang ay hindi mainit ang ulo ni Papa. Sana ay hindi niya ako pag-initan kung sakali mang hindi siya ma-s-satisfy sa performance ng kaniyang team.
Pagdating sa court, kaniya-kaniya ng higa ang mga players sa sahig para sa stretching exercise. Bawat isa ay may ka-partner para alalayan ang isa't isa. Habang naglalakad buhat ang jug, hindi naging mahirap sa akin ang mapansin si Kahlil na mag-isa pa ring nakaupo sa bench. Animo’y may hinihintay siya habang nakatingin lamang sa mga ka-teammates sa sahig.
Maingat kong inilapag ang jug sa bench. Pagkatapos nito ay akma na sana akong tutungo sa utility area ngunit tinawag ako ni Papa.
“Yuri.”
“Po?”
Nang tumingin ako kay Papa, nakita ko agad ang halukipkip niya. Paniguradong uutusan na naman ako nito.
“Tulungan mo nga ‘yang si Kahlil sa stretching niya. Dali! Kulang kami sa tao.”
Pagkarinig nito ay sunod-sunod akong napalunok. Marahan pa akong lumingon kay Kahlil na hindi pa rin nakatingin sa akin dahil parang naghihintay siya ng isang ka-teammate niya na matapos. Pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pwede bang tanggihan ang utos na ito at gumawa na lang ng ibang gawain?
“O-okay po…”
Isang malalim na hininga ang pinakawala ko upang ibsan ang kaba. Nag-cue pa ako na magbilang sa sarili ngunit sa sobrang pag-aalburuto ko, magiging mahirap na sa akin ang kumalma. Sa isang araw na hindi kami nagkausap o nagkita, alam kong may inis na rin siyang itinanim sa puso niya. Pero kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba mag-walk-out noong araw na iyon kung silang dalawa naman ni Lex ang nagsimula?
Ngunit kahit na ano pa man ang kalalabasan nito, kaysa naman mapagalitan ako at mapahiya, pipilitin kong sundin na lang ang utos hanggang sa mairaos ito. Walang sabi-sabi akong naglakad patungo sa kaniya kahit nanginginig ang mga daliri… kahit na halata sa ekspresyon ko ang takot at kaba.
Huminto ako sa gilid niya. Sa punto ring ito ay nakita ko kung paano niya inangat sa akin ang tingin nang hindi nawawala ang pagiging seryoso ng mata. Mas yumuko pa ako upang makipagtitigan at para labanan ang pag-aalburuto ng marupok na damdaming ito.
“Kahlil…”
“Why?” he asked huskily. Doon pa lang ay dinig ko na ang disappointment niya.
Bakit parang siya pa itong may ganang magalit ngayon?
“A-ano e… sinabihan ako na tulungan ka sa s-stretching e-exercise mo.”
Matagal bago siya sumagot. Pinakatitigan niya ako na para bang nais niya munang manigurado.
“Sure?”
Gusto ko sanang itanong kung mukha ba akong nagbibiro sa paningin niya. Pero sa takot ko lang na baka mapalala pa namin ang tensyon, mas pinili ko na lang itikom ang bibig ko at tumango.
“Okay then.”
Tumayo siya at naglakad patungo sa bakanteng space ng court. Para naman akong asong bumubuntot sa kaniya at inaabangaan siya makahanap ng pwesto. Nang huminto siya ay huminto na rin ako. Diretso higa siya at tihaya nang nakatuon sa kisame ang mga mata.
Natulala ako habang nanatiling nakatayo. Nang matantong hinihintay na niya akong umupo sa paanan niya ay nataranta ako at ginawa iyon. S-hit! Kahit kailan ay hindi ko na-imagine na ako ang magiging assistant niya sa ganito! Bakit ba kasi kinulang pa sila sa tao?
Hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Lalong lalo na ngayong kita ang umbok ng kaniyang alaga dahil sa diretso niyang pagtihaya. What am I supposed to do? Anong gagawin ko? Paano ko sisimulan ito kung nadi-distract ako sa nakikita ko?