Hindi ako makapagsalita habang nakatitig nang tuwid sa mabuhok niyang mga paa. Hindi na rin naman nakakagulat gayong mas nadepina sa pahiga niyang posisyon ang mga muscles niya rito. Ang nais ko lang mangyari ay matapos na ito. Ayaw kong manatili sa ganitong klaseng sitwasyon gayong batid namin sa isa’t isa na hindi kami ayos. Mabagal ang aking paghinga. Pilit akong humahagilap ng lakas lalo’t ramdam kong nanghihina ako sa paraan kung paano niya ako tingnan. His eyes are screaming for answers. At kahit hindi na niya ako kwestyunin dahil sa pag-iwas ko sa kaniya kahapon, pakiramdam ko’y kailangan kong magpaliwanag. “Uh… r-ready ka na?” mahina at nahihiya kong tanong. He just nodded and positioned himself in an awakard manner. Mas ini-stretch pa niya ang paa niya kaya umatras pa ako

