Chapter 12

2301 Words
Habang nasa biyahe, iniisip ko na kaagad kung anong mga maaaring sabihin kay Papa. Ang problema lang ay hindi ko alam kung bakit parang inaatake na naman siya ng inis sa akin at bakit ganoon na lang gigil niyang umuwi ako. May ipapagawa kaya siya? Baka naman puro sermon lang ang magaganap? Bumuntonghininga ako habang nakatitig sa bintana. Itinukod ko ang kanan kong braso sa gawing door glass saka nangalumbaba. Sa lalong paglapit ng distansya namin sa bahay at sa lalong pagtagal ng biyahe, lalong lumalala ang bugso ng aking kaba. Hindi lang si Papa ang nagiging dahilan kung bakit naghuhurumentado ako. Kahlil’s impact is not really a joke. “You okay?” he asked. Damang dama ang sinseridad sa boses niya kahit na hindi pa man ako lumilingon upang tingnan ang mga mata niya. Pinanatili ko lamang ang tingin ko sa labas dahil ayaw kong mahalata niya kung paano ako ngayon niyayapos ng kaba. “Oo, okay lang ako.” “You seemed not.” “Huh? Paano mo nasabi?” This time, inayos ko ang ekspresyon ko. Pasimple kong itinikom ang labi ko nang wala mang anong mahahalata sa mukha. Umayos ako nang upo upang magkaroon ako ng access na tingnan siya nang maayos. “Are you nervous?” Umiling ako. “Hindi. Ganito lang talaga ako.” “Just tell me if something’s wrong. Maybe I could help.” “Thanks.” Ang hirap maging kaswal. Mahirap dahil iba ang takbo ng nararamdaman ko sa takbo ng pagkakaibigang nais niyang mangyari. If he only wanted to be friends, then I want more than that. Ang hirap patahimikin ng puso. Mahirap ibaling sa ibang atensyon ang damdamin. Kung isang araw ay magagawa niyang malaman ang tungkol dito, ano kayang magiging reaksyon niya? Tatanggapin pa rin niya kaya ako bilang kaibigan niya? O itataboy? Maya-maya pa ay huminto ang aming sinasakyan dahil narating na rin namin ang tapat ng bahay. Nagkatinginan kami sa isa’t isa habang hinihintay niya akong bumaba. “A-anong oras pala tayo mamaya?” “Seven, I guess?” Napatango-tango ako. “Sige, seven…” “See you later.” Pilit akong ngumiti bago lumabas. “See you.” Nang mabuksan ko na ang pinto at makatapak sa labas, doon pa lang yata ako nagkaroon ng pagkakataon upang huminga. I can’t even move my hand, para akong natunaw sa mga minutong naroon ako sa loob ng kotse niya. Sinong gaya ko ang hindi mapapraning gayong nangyari na nga iyong akala ko’y hanggang sa panaginip lang? I know this is weird. Pero iba ang kilig kapag nakasakay ka sa kotse ng crush mo. Lalo pa itong pinaigting ng paghatid sa bahay at paano pa kaya kung nagawa nang masundo? Kahit simple lang iyon ay malakas pa rin ang dating sa akin. Simpleng simple man ang paraan niya kahit na hindi masyadong intimate, mananatili akong baliw sa nag-iisang Kahlil Guello. Mananatili kahit mahirap at imposible. Pinagmasdan kong umalis ang kaniyang sasakyan. Nang lumayo na ito at maglaho, doon ko pa lang napagdesisyunang maglakad papasok ng bahay. But just as I entered the doorway, sumalubong kaagad ang seryosong pigura ni Papa habang naka-upo sa couch at naka-cross legs. May hawak siyang kopita at sinisimsim ang kapeng laman nito. Huminto ako sa gilid ng pinto at bahagyang humawak sa strap ng aking shoulder bag. Pagkalingon niya sa akin, may kung anong kidlat na animo’y tumama sa akin. “Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang?” “May tinuruan lang po akong kaklase sa lib.” “Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Bakit hindi ka man lang nagpaalam?” Yumuko ako. “Pasensya po…” “Sinong kasama mo?” “Si Lexus po.” Alam kong kilala niya si Lexus. Sa ilang beses ba naman kasi nitong mag-try out, halos nakabisado na ni Papa ang kilos niya. Hindi ko lang alam sa susunod kung matatanggap ito. Kahit kasi loko-loko iyon, nakakaawa pa rin kahit paano. “Kaibigan mo?” “Opo.” Hindi siya kumibo. Pagka-angat ko sa kaniya ng tingin ay nakita kong nakabaling sa bintana ang kaniyang pansin habang sumisimsim sa kopita. Tahimik ko na lang hinintay ang susunod niyang sasabihin dahil tiyak akong masusundan pa ito. “Paubos na ang stock natin,” aniya, mas malumanay at walang bahid ng kung ano. Hindi pa man ako nakakatanong kung anong stock ang tinutukoy niya ay nakita kong dinukot niya sa bulsa niya ang wallet saka naglabas ng lilibuhing pera. “Mag-grocery ka.” Oh, kaya pala. Kaya naman pala pinapauwi na niya ako. Akala ko naman kung ano na ang dahilan. Kinuha ko ang perang inabot niya saka tumungo sa kwarto. Isinabit ko muna sa rack ang shoulder bag ko saka lumabas patungong garahe. Kalmado akong pumasok sa kotse ko saka inihanda ang makina nito. Hindi naman ito ang kauna-unahang beses na tutungo ako sa market upang mag-grocery. Ilang beses ko na rin itong ginagawa dahil hindi naman maaasahan si Kuya. Tahimik kong minaneho ang sasakyan hanggang sa marating ko na ang super market. Hindi naman ito kalayuan mula sa amin kaya sandali lang ang biyahe kahit na medyo traffic. Gayunpaman, nakasisiguro ako na mas mabagal na ang usad mamaya dahil sa nalalapit na rush hour. Kung hindi pabugso-bugso, usad-pagong ang mangyayari sa daloy ng trapiko. Nakapamulsa ang isang kamay ko nang pumasok sa market. Kumuha kaagad ako ng cart at itinulak ito patungo sa essential section. Inuna ko ang de-lata at ilang mga instant o ready-to-eat na pagkain. Pagkatapos ay saka ko naman isinunod ang hanay ng mga tinapay. Habang pinipili kung anong maaaring bilhin, ganoon na lang ang pangungunot ng noo ko nang mapansing tila pamilyar itong katabi kong inuusisa rin kung ano ang pipiliin. Sa lalong pagtagal ng tingin ko sa kaniya, bigla ko na lang natanto na siya iyong crew sa water station na pinagre-refill-an ko ng water jug! “Oh! Ikaw pala!” bulalas niya. Huli na nang ma-realize kong nakatingin na pala siya sa akin at nakilala na rin niya ako. Umawang ang labi ko hanggang sa nabuo ito bilang isang ngiti. “Ikaw pala… kuya.” “Kuya?” kunot-noo niyang tanong. Hawak-hawak niya ang isang item ng cheese bread na napili niya sa aming tapat. “Huwag mo na akong tawaging kuya. Baka nga magsing-edad lang tayo. Eighteen pa lang ako.” Lalo akong nagulat doon. What the h-ell? Sa katawan niyang iyan? Mas matanda ako ng isang taon sa kaniya at hindi ko inakala na sa edad niyang iyan ay mature na ang kaniyang pangangatawan! Abot-abot ang sunod-sunod at malalalim kong paghinga. Nanliit ako bigla. Hindi naman kasi ganyan ka-mature ang katawan ko. Hindi gaya niya, hindi naman masyadong developed ang biceps at triceps ko. Mas matangkad siya sa akin nang isang dangkal at prominenteng prominente ang pagiging maskulado. Ano pa nga ba ang nakakapagtaka? Kung tutuusin, hindi rin naman ganoon kabigat ang mga ginagawa ko. Walang work-out. Walang exercise. Saka ko lang nagagawa ang mga iyon kapag required na sa PE session namin. “Ikaw, ilang taon ka na?” tanong niya. Umiwas ako ng tingin at ibinalik sa mga items ang tingin. Hindi ko alam kung paano ko iibsan ‘tong umahong hiya. Nahihiya talaga akong sabihin na mas matanda ako sa kaniya gayong mas bata akong tingnan. Kaysa naman magsinungaling ako, sinagot ko ang tanong niya nang totoo. “Nineteen na ako.” “Woah! ‘yon naman pala. Kung tutuusin ako dapat ‘tong tumatawag ng kuya sa’yo.” “Tss…” “Sinong kasama mo? Ikaw lang?” “Yupp, ako lang,” sagot ko sabay kuha ng tatlong item ng bread at lagay sa push cart. “Ikaw? May kasama ka?” “Wala rin.” Naagaw ng atensyon ko ang cart niya. Halos kalahati na ang dami ng laman nito at parang matatapos na siya sa pamimili niya. Muli kong ibinalik ang atensyon sa rack ng items upang pumili ng bago. “Ano palang pangalan mo?” kuryosong tanong niya. Mukhang tapos na nga siya sa pinamimili kaya base sa gilid ng aking mga mata, nakita ko siyang nakatuko lang ang braso sa cart at nanatiling nakatingin sa akin. “Yuriko. Tawagin mo na lang akong Yuri.” “Tunog chinese o japanese, may lahi ka?” “May lahing japanese ang side ng nanay ko. Pero hindi naman halata sa istura ko. Pinoy na pinoy pa rin naman.” He chuckled. “Gwapo ka pa rin naman.” Hindi ko alam pero napangiti na lang ako nang marinig ang papuring iyon sa kaniya. Kahit flattery ang dating, at least kahit paano’y nararamdaman kong may nakaka-appreciate sa akin. “Ikaw, anong pangalan mo?” “Call me Mack.” “Buong pangalan mo na ‘yon?” “Yeah, buong pangalan na.” Sa mga sumunod na tagpo, akala ko ay lilisan na siya. Akala ko ay tapos na siya sa mga pinamimili niya but it turned out na sinamahan lang niya ako. Sa mga minuto kasing nakabuntot siya sa akin habang libot ako nang libot, ako lang ang panay dagdag sa cart habang siya naman ay salita lang nang salita. Tungkol lang sa trabaho niya iyong mga sinasabi niya at natutuwa akong pakinggan iyon dahil masarap sa tenga ang boses niya. “Woah! Basketball player ka?” hindi makapaniwalang tanong ko nang malaman ito sa kaniya. Nasa counter na kami ngayon at sinadya pa talaga niyang paunahin ako. “Anong nakakagulat do’n...” Nagkibit-balikat ako. “Wala lang. Basketball coach kasi ang tatay ko. Player naman si Kuya.” “Nice. Sana makalaro ko sila at pati na rin ikaw.” Sadly, hindi ko na nilinaw kung ano ba talagang role ko sa varsity namin. Dahil bukod sa kinahihiya ko kung ano ako roon, ayaw kong maipahalata sa kaniya na nagmumukha akong black sheep sa pamilya namin. Sana pala ay hindi ko na sinabi. Iyan tuloy. Hindi ko man ginusto ay umaasa na siya. Hindi ko na pinalawig pa ang usapan. Nanahimik na kami saka binayaran lahat ng pinamili. At this point, sa dami ng mga binili ko, ang nangyari’y sa box na lang iyon inilagay. Sa bigat nito ay humingi pa ako ng tulong sa crew upang dalhin ito sa kotse. Samantala, nagkaintindihan naman kami ni Mack kahit nagtanguan lang. Saka na ako lumabas kasama ang crew hanggang sa makarating ng kotse. Sa mga sumunod na oras, wala namang prominenteng nangyari. Pagkauwi ay hindi na ako kinausap ni Papa dahil abala na siya sa panonood. As usual, wala na naman si Kuya. Gumagala na naman siguro kasama ang barkada niya. Pagsapit ng alas sais y media ng gabi, doon ko na napagdesisyunang mag-ayos ng sarili. I wore my gray trouser and white polo shirt na sadya kong itinupi hanggang siko ang sleeves. Nag-practice pa akong ngumiti sa harap ng salamin at kapag mapapansing over act ay medyo naiirita. Ayaw kong magmukhang tanga mamaya. Kahit na sabihing friendly dinner iyon, para sa akin ay tinuturing ko na itong date. Saglit akong sumilip sa sala upang tingnan si Papa. Nakita kong bukas pa rin iyong TV pero sarap na sarap na siya sa pagtulog. Mabilis akong kumilos dahil pagkakataon ko na talaga itong tumakas. At least may dahilan akong sasabihin kung sakali mang tanungin niya ako kung bakit hindi ako magpaalam. Kaysa nga naman istorbohin ko ang tulog niya, ‘di ba? Ayaw na ayaw pa naman niya ‘yon. Wala akong ibang dala kun’di wallet lang at cellphone. Hindi ko na rin dinala ang susi ng sasakyan dahil susunduin din naman ako ni Kahlil sa tapat. Pagkalabas ko ng gate, pumailalim ako sa kulay orange na street light. Madilim kasi sa banda namin at hindi naman ito kalayuan sa amin. Habang naghihintay, nagdesisyunan kong kalikutin muna ang cellphone at gumala sa f*******: account ko. Ganoon na lamang ang ngiti ko nang makitang in-add friend ako ni Kahlil. Ang totoo niyan, matagal ko na rin siyang gustong i-add. Sadyang pinangungunahan lang ako ng hiya kaya hindi ko magawang ituloy. Pagka-confirm ko sa friend request ni Kahlil, kaagad akong tumungo sa profile niya. Hindi gaya ng iba, walang masyadong info na makikita roon maliban sa naka-indicate kung saan siya nag-aaral. Tanging mutual friends lang din ang nakikita ko at hindi lahatan. Iyong mga posts sa timeline ay karaniwang mga tags. At sa bawat tag ng friends niya ay halos dinudumog pa ng likes at shares. Karaniwan ay picture lang ng varsity team at siyempre kasama siya. Wala akong makitang ibang posts kun’di halos ganoon lang. Sinubukan kong halungkatin ang photos niya at kapansin-pansin na ang mga litrato ay larawan niya sa pagbaba-basketball. Sa halos isang daang litrato ay ganoon lang ang nakita ko. Hanggang sa makakita ako ng isang uploaded image na humugot ng atensyon ko. It is him. Naka-shades at nakasandal sa isang poste sa Vigan. Parang dinurog ang puso ko nang makitang may babae siyang katabi at ito ay kaniyang akbay. Nang pindutin ko ang mismong larawan upang makita ang mismong post at caption, lalo lamang ako nasaktan. Dahil sa puntong ito, nabasa ko ang mga kataga na siyempre, makakadulot ng panlulumo sa kung sino mang nagkakagusto sa kaniya. ‘Love u’ May heart emoji pang katabi iyon kaya puro heart reacts ang reaction ng netizen sa mismong post. Sa comment section, panay ‘Stay strong’ lang ang nababasa ko, walang ibang komento kun’di puro ganoon lang. Alam kong wala akong karapatan dahil una sa lahat, magkaibigan lang naman ang turing namin sa isa’t isa. At dapat wala na akong ibang aasahan pa dahil kapwa naman kami lalaki at iyon ay nararapat na huwag lapatan ng malisya. Pero bakit ganoon? Bakit sa kabila ng lahat ng ito ay nagagawa ko pa ring umasa? Bakit pinagmumukha ko pa ring tanga ang sarili ko kahit na may babae na pala siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD