Paglipas ng limang minuto ay unti-unti kong nabanaag ang kotse ni Kahlil. Patungo iyon dito sa mismong tapat ng street light na ilang lakad lang naman ang layo mula sa gate ng bahay namin. Ibinulsa ko na lang itong phone ko saka huminga nang malalim. This is just a friendly date. Gaya nga ng sabi ko kanina ay hindi na ito marapat pang lapatan ng malisya lalo’t mayroon na pala siyang kinatatagpo.
Nang huminto siya sa mismong tapat ko, hinintay kong bumaba ang door glass ng kaniyang sasakyan. Pilit akong ngumiti nang gawin niya iyon at nabanaag ko rin naman ang bahagyang ngiti niya bilang ganti sa ipinakita ko. Sumenyas siya na ako na mismo ang bumukas ng pinto sa kabila, na siya ko namang ginawa.
Abot-abot ang pakiusap ko sa sarili ko na sana magawa namang makisama ng puso ko. Sa nakita ko kanina sa account niya, higit pa yata ako sa kasintahang nasaktan. Ilang beses ko na rin yatang pinaalalahanan ang sarili na wala naman kaming relasyon at purong pagkakaibigan lang naman ito. Pero normal nga lang ba ito sa dalawang lalaki? Normal nga bang sasadyain naming mag-dinner nang kami lang?
“How’s coach?” tukoy niya kay Papa nang makapasok na ako at makaupo sa front seat. Pinili kong panatilihin ang tingin sa harapan nang hindi man lang lumilingon sa kaniya. Nararamdaman ko na naman kasing malulunod ako kapag nagtagpo ang aming mga mata. There’s really something in his eyes that kills me, something that sends mystery I can’t even control— something captivating.
Iyon ang natutuhan ko sa mga pagkakataong magkasama kami, na dapat matutuhan kong iwasan kahit sumandali ang mga mata niya upang manatili ako sa disposisyon ko. Dahil kung hindi ay para ko na ring isinuko ang katinuan ko. Patuloy lang akong malulunod.
“Si Papa, okay naman. Pinayagan naman ako,” pagsisinungaling ko.
“Good. Hindi ka naman pinagalitan?”
I chuckled a bit. “Bakit naman ako pagagalitan?”
“You seemed uncomfortable recently.”
“Ah ‘yon ba, akala ko kasi kanina pagagalitan ako. Pero hindi naman nangyari.”
Hindi ko alam kung ano nang naging respond niya dahil hindi talaga ako tumingin sa kaniya. Nagsimula na lang siyang magmaneho nang sakto lang ang bilis.
Inobserbahan ko ang dashboard habang namamayani ang katahimikan. Kung may maririnig man, tanging makina lang iyon at ang paminsan-minsang busina ng mga sasakyan sa labas. Bahagya akong nahumaling sa mga laruang sunflowers na apat ang kabuuang bilang. Strings lang kasi ang nakakabit sa mismong bulaklak at pot kaya sumasayaw-sayaw ito sa tuwing pume-preno si Kahlil.
Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung anong topic ang pag-uusapan namin ngayong sobrang tahimik. Ginagawa ko na lang tanga ang sarili ko habang nakatitig sa kung anong mga nasa dashboard ngunit nagagawa ko pa rin namang makiramdam. I get it. Natural naman siyang tahimik lalo na sa mga gantong klaseng sitwasyon. Pero sana huwag itong umabot hanggang sa lugar kung saan kami kakain.
Maya-maya pa’y huminto ang kotse sa tapat ng isang ekslusibong resto rito sa Manila. Sa pangalan pa lang nito, batid kong malaki-laki na ang gagastusin. Buti na lang at nagdala pa ako ng ekstrang pera. Bukod kasi sa alam kong sosyal ang datingan nitong si Kahlil, naramdaman kong hindi siya basta-basta tumatangkilik ng mumurahin.
Pagkababa naming dalawa, pumwesto siya sa aking gilid. Sabay kaming naglakad papasok nang pasimple ang sulyap sa kaniya. I can’t help but feel satisfied as I scrutinize his gray polo shirt. Naka-tuck-in iyon at nakatupi rin hanggang siko ang mahabang manggas.
Hindi namin pinag-usapan itong isinuot ngayon. But seeing how he took this dinner as a formal thing, still flatters my heart. He could’ve wore casual outfit. Kung nagkataon palang simple lang ang isinuot ko, baka kanina pa ako hindi mapakali rito.
Hinayaan ko siyang magdesisyon kung saan kami uupo. Pinili naman niya ang gitna dahil doon maraming bakante. Sa sobrang eksklusibo kasi ng resto na ito ay mukhang bihira lang ang nagiging customer nito. Maliban na lang siguro kung may nagpa-reserve para sa event.
Pagkaupo naming dalawa, doon ko pa lang sinadya na makita niya ang aking tingin. Medyo nagulat pa ako dahil nakamasid na siya sa akin bago ko pa man ilipat ang baling sa kaniya. Seriously, he got that hazel eyes and fair lips that screamed for sophistication. Sa sobrang gwapo niya, kahit na hindi pa ganoon katagal ang tingin niya ay para na akong natutunaw.
“Pili ka lang, huwag kang mahihiya. Ako na ang bahala sa bayad,” aniya.
Nagulat ako roon. Muntik pa akong magsalita upang tumanggi ngunit bigla na lang sumulpot sa gilid namin ang waiter. Sa pagbalik ko ng tingin kay Kahlil, abala na siya ngayon sa menu. Nakayuko na para bang hindi niya alam na nakatingin ako at nais siyang kuwestyunin sa sinabi niya.
Aminado akong nahihiya ako sa ganitong bagay. Madalas kasi ay hindi naman ako nililibre kaya hindi rin ako nasanay. Pero seryoso? Siya lang talaga ang magbabayad sa kakainin namin? Nalula pa ako nang yumuko na rin ako sa menu at nakita kung gaano kamahal ang mga pagkain!
Napalunok ako. Kahit anong piliin ko ay mahal pa rin dahil hindi naman nagkakalayo ng presyo. Nang sambitin niya sa waiter kung anong i-oorder niya para sa kaniya ay para akong tangang nagmadali sa pamimili. Sa huli ay pinili ko iyong pinakamurang dish, iyong sakto lang at hindi lalagpas ng isang libo.
Pagkaalis ng waiter ay saka lang ulit kami nagkatinginan sa isa’t isa.
“Ang mura ng kinuha mo. Don’t think about the payment. Naghanda na ako para ro’n.”
Bahagya akong umiling saka ipinatong ang mga kamay sa kandungan. “Ang mamahal ng mga pagkain dito. Nahihiya akong—”
“Like I said, gaano man kamahal ang gusto mong kainin, ako na ang bahala.”
Hindi ako nagsalita. This time, nakipaglaban na ako ng titigan sa kaniya nang wala ni isa man lang sa amin ang nagpapakita ng totoong emosyon. We’re both stoic. Tila patay ang mga mata. Ang kaibahan lang siguro ay itong nararamdaman ko para sa kaniya dahil mukhang ako lang ang nag-iilusyon ng kung ano-anong mga bagay.
Wala na akong pakialam sa pagkain, sa in-order, at sa kung gaano man kamahal ang nais niyang kuhanin ko. I just wanted to ask him about his girl at kung sila pa nga ba. The photo and caption says it all. Kung tunay ngang may girlfriend na siya, bakit hindi ko alam?
Bilang isang taong patay na patay sa kaniya, makarinig lang ako ng kung anong rumor tungkol sa kaniya ay buhay na buhay na kaagad ang dugo ko. Hindi ko lang pinahahalata dahil hindi rin naman ako palatanong sa kung sino mang nag-uusap tungkol sa kaniya pero ni minsan ay hindi ko naman nabalitaan na may girlfriend siya.
At kung sakali mang totoo nga iyon, eh ‘di tatanggapin ko. Sa huli, batid ko namang wala akong magagawa. Kailangan kong tanggapin sa sarili ko na friendly dinner lang ang nagaganap ngayon. Wala na akong dapat pang isipin nang lagpas pa roon dahil hindi naman karapat-dapat.
“You okay?” he asked in a manly tone. Mukha akong tangang napabalik sa reyalidad dahil sa lalim ng iniisip. Pilit akong ngumiti nang napapatango-tango.
“Oo naman. O-okay lang ako…”
“Ang mura ng kinuha mo.”
Nagsinungaling ako. “Sakto rin naman kasing iyon ang pagkaing gusto ko. Hayaan mo na.”
“Okay.”
“By the way. Paano mo pala nakuha ang number ko?” tanong ko upang mailiko ang usapan.
“Sa president niyo.”
“President? Ng block namin?”
He nodded.
S-hit. Talagang nag-effort pa siyang kunin iyon para lang ma-contact ako. Kung alam ko lang na kailangan niya pala iyon, sana kinausap na niya ako sa court tungkol dito sa tuwing may training.
At some point, nakakatuwang isipin na interesado talaga siya upang kaibiganin ako. At kahit papano’y tumatatak sa akin na hindi ganoon kabaliko ang pananaw niya sa akin. He’ve seen me at my worst, lalo na noong pinipilit pa ako ni Papa para sa napakabigat na training at work-out. Naalala ko pa lang kung gaano ako kalampa sa mga panahong iyon, nahihiya na kaagad ko dahil alam kong saksi siya roon.
Natigil lang siguro si Papa sa pagpilit sa akin mula nang ma-admit ako sa hospital. Hindi ko alam kung nag-agaw-buhay ba ako pero sa sobrang hirap at pagod kasi ay nawalan na lang ako noon ng malay. Buong akala ko pa noon ay itutuloy pa rin niya ang pagpilit sa akin upang matutunan kong mahalin ang basketball. Ngunit sa halip na mangyari iyon, ginawa na lamang niya akong waterboy.
“Sana sa akin mo na lang hiningi…” mahina kong sabi sabay lipat ng tingin sa appetizer at baso ng tubig. Narinig ko siyang tumawa nang may kahinaan kaya agad ding bumalik ang mga mata ko sa kaniya.
“How would I do that. Nahihiya ako,” tugon niya.
Bagsak ang panga ko sa narinig. Really? Kailan pa mahihiya ang isang Kahlil Guello sa akin? Sa usapang achievements, tingting lang ako kumpara sa tayog ng narating niya. Walang wala ako para lang makaramdam ng hiya sa akin ang isang sikat na gaya niya.
“Ako nga dapat na mahiya sa’yo.”
“Bakit naman?”
“Uh, hindi ka ba naiilang? I’m just nobody. Kung itatapat mo ako sa narating mo, wala akong maipagmamalaki para masabing karapat-dapat kang makihalubilo sa akin.”
Nawala ang bahagyang sulyap ng ngiti niya nang tuluyan ko na itong masabi. Dumating pa sa punto na halos tingnan niya ako nang masama ngunit hindi rin naman natuloy.
“I don’t have any standards for that, Yuri. Bakit mo sinasabi ‘yan?”
Bigla akong kinabahan. God. Dapat na ba akong matakot dahil sa unti-unting pagsilay ng inis niya?
“Sorry kung nasabi ko ‘yon,” sagot ko. “I’m just being honest.”
“Huwag mong maliitin ang sarili mo. Totoong namimili ako ng taong pinakikisamahan ko pero hindi darating sa ganyang punto. Truth is, I admire you.”
Ang kaninang kaba at umaahong takot ay bigla na lang pinalitan ng pag-aalburuto. Paulit-ulit pang umalingawngaw sa isip ko ang huli niyang sinabi at mukhang hindi pa ako makakatulog nito dahil doon. God! Bakit mo ginagawa sa akin ‘to Kahlil? Kahit sarili ko ay hindi ko na maunawaan dahil sa pabago-bagong takbo ng nararamdaman ko!
“Wala kang dapat na ikahanga sa’kin. Waterboy lang ako ng team—”
“Waterboy ka. Hindi waterboy lang.”
Hindi ako na ako nakapagsalita dahil sa loob ng mahabang sandali ay literal na akong nablangko. Ano mang galugad ang gawin ko sa isipan ko ay wala na talaga akong salitang matagpuan. How would I respond to that? Sabayan pa ng nag-uunahang t***k ng puso ko dahil sa naghalong tuwa at gulat. Kulang na nga lang siguro ay magwala na ako rito sa kinauupuan ko.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang dumating na ang waiter dala ang aming mga pagkain. Doon na lamang namin itinutok ang atensyon nang hindi na nagagawa pang magtanong o kumausap sa isa’t isa. Pagka-alis ng waiter ay sinimulan na naming kumain. Bagaman hindi diretso ang angat ng tingin ko sa kaniya, ramdam na ramdam ko naman ang paminsan-minsang sulyap niya sa akin.
I feel so uneasy yet also satisfied. This is the exact moment where I got too see my weakness even everyone around is calm and silent. Naroon ang pagnanais kong tumingin sa kaniya at titigan lamang siya sa mahabang sandali. Pero paano ko magagawa iyon kung niyayakap naman ako ng hiya sa tuwing nagtatama ang aming mga mata?
“May I ask you something?” tanong niya habang hinihimay ko ang aking kakainin. Tumango ako nang magtapat na muli ang aming paningin.
“Sige lang.”
“Saang water station ka nagre-refill?”
Bahagya kong pinilig ang aking leeg saka sumagot. “Lagpas sa main, halos katapat lang ng laundry shop sa Taft.”
“I see. Pwede bang ako na lang ang mag-refill tuwing may training?”
Literal akong naubo nang marinig iyon. Nang mahimasmasan ay kunot-noo akong nagtanong sa kaniya.
“Bakit naman? Trabaho ko na ‘yon bilang waterboy.”
“Hayaan mo na ako. Isipin mo lang na tulong ko na ‘yon para naman makabawas sa gawain mo,” sagot niya ngunit iling ang itinugon ko.
“Hindi. Ako na ang gagawa no’n.”
“Ako na.”
“Ako na, Kahlil.”
Bigla niyang ibinagsak ang tinidor na hawak niya. Naglikha pa iyon ng ingay sa plato kaya ilan sa mga mayayaman at eleganteng customers ay napatingin sa amin. Nahiya ako bigla ngunit nang ibalik ko ang pansin kay Kahlil, napalitan ito ng takot at pag-aalala. Halatang halata na ang kaniyang pagkadismaya.
“Just let me do my part as your friend. Please,” pakiusap niya.
Bumuntong hininga ako. Isipin ko pa lang kasi kung ano ang magiging reaksyon ni Papa tungkol dito ay natatakot na ako. Sasabihin lang no’n na madali na nga itong trabaho ko tapos ipapasa ko pa sa iba. Sa kabilang banda, ang kapal naman ng mukha ko upang hayaan si Kahlil na gawin ‘to. He’s a famous athlete and doing something that’s part of my obligation, is too much.
Muli akong umiling.
“Hindi talaga pwede.”
“Is it because of that crew?” he asked in a cold way, dahilan kung bakit nagsalubong ang kilay ko sa lalong pagsidhi ng pagtataka.
“Crew?”
“The one who made you smile, Yuri.”