Chapter 14

2254 Words
The way he looks at me makes me gulp in terror. Unti-unti akong nangamba dahil batid kong hindi na nagiging okay ang usapan. Para bang sinesermonan niya ako dahil lang sa dahilan ng pagngiti ko kanina kahit na wala naman akong nagawang masama. Saang anggulo ko man itong tingnan, alam kong wala namang mali roon. Pero bakit kaya ganito kabigat ang usaping ito para sa kaniya? Bakit parang big deal sa kaniya? “Naguguluhan ako, Kahlil,” mahina kong saad sa gitna ng mahaba naming titigan. Pilit kong iniiwasan ang panlalambot ng boses ko dahil lang nahahabag. “You know what I mean,” sagot niya sabay kuha ng tubig sa gitna ng mesa. Saglit siyang nagsalin saka ito ininom. Yes. I only know what he means, at hanggang doon na lang iyon. I can’t go beyond that, wala akong muwang sa rason kung bakit para bang malaking bagay ito sa kaniya. Maybe he doesn’t like the crew? Oh baka magkakilala na sila ni Mack? Ayaw ko namang tanungin siya ukol dito dahil baka mainis lang siya. At iyon ang ayaw na ayaw kong mangyari sa gabing ito na kasama siya. Mula sa kaniya, yumuko ako upang ituon ang tingin sa hawak na kutsara’t tinidor. Pinaglalaruan ko lamang ang pagkain dahil iyon lang ang makakaya kong gawin sa mga sandaling ito. “Hindi ko maintindihan kung bakit parang big deal sa’yo ang crew pero hindi na ako mangungulit tungkol doon. Ang sa’kin lang, hindi ko pwedeng ipasa sa’yo ang responsibilidad ko dahil atleta ka. Pagagalitan lang tayo ni Papa kaya huwag na natin subukan.” “Ganoon ba talaga kahigpit ang tatay mo sa’yo?” Malungkot akong tumango nang nakayuko pa rin at iniiwasan ang kaniyang mga mata. “Sadly, yes. Nasanay na lang ako kaya parang wala na lang sa’kin.” “You could’ve been our teammate. Dapat hindi ka niya ginagawang utusan.” I shrugged. “I’m not athletic and I don’t like basketball. Nakita mo naman kung paano ako nahirapan noon, ‘di ba?” Nang masabi ko iyon ay saka ko inangat ang tingin sa kaniya. Naroon pa rin ang bakas ng pagkadismaya ngunit nababanaag ko na rin doon ang inis. Ngayon, hindi ko na batid kung anong dahilan ng iritasyong iyon. Dahil pa rin kaya sa hindi ko pagpayag na hayaan siyang mag-refill sa water station o dahil na sa turan ni Papa sa akin? His eyes are now reflected by concern. Basang basa ko ang sinseridad doon at nararamdaman kong nag-aalala siya bilang isang kaibigan. At some point, nakakataba ng puso. Pero bilang isang tao na sobra ang pagkahumaling sa kaniya, hindi ko maiiwasan iyong side na nalulungkot din ako. Kung tuwid lang para sa mga babae ang puso ko, hindi na sana ako nagkakaganito. Kung hindi lang ako lampa pagdating sa sports, kuhang kuha ko na siguro ang tiwala ni Papa. Kung wala akong interest sa kapwa ko lalaki, batid kong hindi na ako sobrang mahihirapan. Noon ko nang pilit inunawang unfair sa ilang tao ang mundo ngunit hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapigilang kwestyunin ito. Bakit kailangan kong magdusa kahit na wala naman akong ginawang masama? “What if you’ll let me help you while bringing that water jug? Just let me help and be with you kahit huwag mo nang sabihin sa Papa mo. Just two of us,” sinsero niyang sabi. Napapikit-pikit ako roon at inunawa sa maikling sandali ang nais niyang mangyari. “Anong ibig mong sabihin? Sasama ka sa’kin tuwing magre-refill ako sa water station at tutulungan mo akong dalhin ang jug?” “Yeah…” “That’s too much, Kahlil.” “I’m willing to do this as your friend, Yuri. Why is it hard for you to ask?” “Masyado na ‘yon.” Umiling siya. “Hindi iyon mabigat na pabor. Kung iniisip mong pagagalitan ka ng tatay mo, eh ‘di huwag natin ‘tong ipaalam sa kaniya.” I sighed heavily. Hindi ko mawari kung dapat na ba talaga akong um-oo o humindi. But seeing his determination to lend a hand for help, still flatters me. Kung puso ko lang ang tatanungin ay hinding hindi ko siya tatanggihan. Sobra pa nga itong pabor para sarili kong patay na patay sa kaniya. Ang tagal kong hinintay na dumating ang pagkakataong ito. At sa kabila nito’y hindi ako umaasa nang mas higit pa. Siguro, hangga’t may mga minutong nasa akin ang atensyon niya, wala na dapat akong sayangin pa. Paano kung ngayon lang pala ito? Paano kung sa mga susunod na linggo at buwan ay masyado na siyang abala? Muli akog suminghap at bumuntong hininga. Pagkatapos ay marahan akong tumango nang pinipigilan ang ngiti. “Okay sige,” walang emosyon kong sabi. Saglit kong nakita ang bahagyang pamimilog ng mga mata niya ngunit hindi na iyon lumala pa. Hindi na muna kami nagsalita pagkatapos no’n. Binawasan muna namin ang pagkain sa aming plato hanggang sa hindi ko namalayang naubos ko na pala iyong kinakain ko. Mas nauna pa ako sa kaniya at nagawa pa niyang itanong kung nais ko pa bang dumagdag. Dahil sa hiya, sinabi ko na lang na busog ako. When we’re both finished, nanatili pa muna kami sa hapag. Paunti na nang paunti ang bilang ng mga gaya naming customer din dito at bilang na lang sila sa daliri. Habang pinupunasan ko ng tissue ang aking labi ay saka pa lang ulit nagsalita si Kahlil. He’s just busy staring at me, isang bagay na kanina ko pa halos napapansin ngunit mas pinipili ko na lang baliwalain. “May gusto ka pa bang puntahan pagkaalis natin dito? O gusto mo na dumiretso ng uwi?” Inilapag ko ang tissue at tahimik na nag-isip tungkol sa bagay na ito. Aminado akong naroon ang pagnanais ko na manatili pa hanggang sa kung saan kami pumunta ngunit inaalala ko na naman si Papa. Sigurado akong gising na iyon at hinahanap ako. Pero kung hinahanap niya talaga ako, bakit parang wala naman akong tawag o text na natatanggap sa kaniya? “Ikaw bahala, nagpaalam naman kasi ako,” muli kong diin sa pagsisinungaling ko. Bahala na kung hanggang saan ang aabutin ko sa galit ni Papa. Mas pipiliin ko na itong rumibelde dahil minsan lang naman itong mangyari. Susulitin kahit isang matinding galit at sermon ang nag-aabang. “Sure? Kung ihahatid kita sa inyo ng nine. Ayos lang?” Saglit akong lumunok nang matantong dalawang oras pa kaming magsasama. Hindi naman sa against ako pero anong mga gagawin namin sa mga sandaling iyon? Saan kami pupunta? “S-sige.” “Punta tayong intramuros. Okay lang?” I nodded. Kahit ilang beses na akong pumunta roon, alam kong mas special ito dahil siya naman ang kasama ko. Sa ilang sandali pa ay napagpasyahan na rin naming umalis. Ilan kasi sa mga dumarating ay nakikilala siya at ayaw niya raw dumating sa punto na makipag-usap ito sa kaniya nang matagal. We headed inside his car then he instructed to fasten my seatbelt. “Ilang beses mo na sa intra?” he asked when he roared the car’s engine into life. Matapat ko naman itong sinagot dahil kung sasabihin kong wala o isang beses, sobrang imposible naman para sa gaya kong taga-Manila rin naman. “Marami na.” “Same.” “Favorite place mo?” tanong ko at paniniguro. Nang tumango siya ay medyo nagulat ako. Sa kaniyang pagmaneho ay umusad na ang sasakyan. I want to ask him more about that pero ayaw ko ring magmukhang madaldal sa kaniya. Normal lang naman ang maging ganito sa crush ‘di ba? Sobra ang pag-iingat sa bawat galaw at kilos, animo’y mayroong imaheng inaalagaan. “Ikaw, what’s your insight about Intramuros?” he asked in the middle of his drive. Pinanatili ko ang tingin sa harap habang ang kanang kamay ay nakatuko sa door glass. “Magandang lugar. Para sa’kin, nararamdaman kong nasa probinsya ako kapag napapadpad ako roon.” “I couldn’t agree more,” he said. “Gusto ko sa mga probinsya kaya mabilis ko ring nagustuhan ang lugar na iyon.” Noong nasa senior high pa lang ako, madalas na venue ang lugar na iyon sa mga shooting kapag may film making project kami. At minsan, sa mga pagkakataong nagagawin kami roon, nakikita ko si Kahlil na naka-indian seat lang at nakayuko sa kaniyang gitara. Pasimple pa akong nakatitig sa kaniya mula sa malayo habang ang mga kagrupo ko ay abala sa pag-b-brainstorm ng susunod na eksena. Habang wala pang nakakapansin sa ginagawa kong pagtingin mula sa malayo ay sinasamantala ko na ang mga segundo’t minuto. Pero ngayon… ngayong nasa kolehiyo na kami, hindi ko lubos akalain na magagawa ko na siyang kausapin nang ganito kalapit. Hindi ko inakala na darating kami sa puntong ito, na hindi na ako hanggang tingin lang dahil nagagawa ko na ring sumakay sa sasakyan. Higit sa lahat, ang dati kong pantasya na makasama siya sa isang lugar ay para bang imposibleng panaginip na para bang nagkatotoo. Sabihin mang parte lang ito ng pausbong na pagkakaibigan, walang makakadaig sa pakiramdam na nagagawa ko na siyang tingnan nang mas malapitan. Paglipas ng ilang minuto ay lumiko na ang sasakyan upang makapasok sa arko ng intramuros. At sa lalo pang pag-usad ng biyahe, natanto ko na lang na huminto na kami sa parking lot malapit sa Fort Santiago. Ako na ang kusang bumaklas ng aking seatbelt. Sabay kaming bumaba at naglakad patungo sa main entrance ng fort. “Kailan ang huling punta mo rito?” tanong niya nang huminto kami sa isang booth. Hinayaan kong siya na ang magbayad sa entrance fee dahil nasisiguro kong magtatalo lang kami kung ipipilit ko pang magbayad sa aking parte. “Last February yata, kung ‘di ako nagkakamali.” “Ang tagal na rin pala,” puna niya. Nang makuha ang ticket at maipakita ito sa guard ay saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko mapigilang magmasid-masid sa paligid ngayong tinatahak ulit namin ang daan. Kapansin-pansin ang mga lamp post sa magkabilang gilid ng pathway na siyang nagbibigay liwanag sa buong paligid. May mga lights ding nakapalibot sa mga puno kaya lalo pang naglaro sa aking mga mata ang liwanag. Ang sarap lang tingnan ngayong napaka-espesyal ng gabing ito, kasama ang taong matagal ko na ring pinahalagahan maliban sa sarili ko. Kaunti lang ang bilang ng mga tao dahil unti-unti na ring lumalalim ang gabi. Saka namin napagpasyahang huminto sa isang bench kung saan makikita sa harapan nito ang ilang mga monument at ruins na ilang daang taon na ring inaalagaan. May mga magkasintahan pang nakaupo sa damuhan at naglalambingan. Ibinaling ko na lang sa ibang direksyon ang tingin nang hindi sila sumagi sa aking mga mata. Samantala, ilang pulgada lang ang layo sa akin ni Kahlil. Kagaya ko ay tahimik lang din siyang nakaupo at nakatitig sa mga pailaw sa harapan. This night is so magical. Magiging perpekto lang siguro ito kung higit pa sa pagkakaibigan ang turing niya sa akin. “Can I ask you something, Yuri?” Bigla akong kinilabutan sa lalim ng kaniyang boses. Rinig na rinig kahit ang pinakamaliit na detalye nito dahil sa pag-iral ng nakabibinging katahimikan. “Sige lang.” “Bakit mo naisipang mag-aral sa La Salle?” Agad ko itong sinagot. “Dream school ko eh. Suggestion na rin ‘yon ni Papa dahil sa connections niya.” “Anong course mo?” “Communication.” Hindi ko na tinatanong kung ano ang kaniya dahil alam naman ng lahat na BS Med Tech iyong kinuha niya. Sino ba namang hindi makakakilala sa kaniya gayong matunog ang pangalan niya bilang isang varsity player? “Bakit iyon ang kinuha mo? ‘Di ba nag-STEM ka noong senior high?” tanong pa niya na bigla namang ikinakunot ng noo ko. Napaisip ako kung paano niya nalaman iyon gayong nobody lang naman ako noong nasa senior high ako. “Paano mo nalamang STEM student din ako noon?” He chuckled softly. “Schoolmates tayo noon. Imposibleng hindi kita nakikita ro’n.” Napalunok ako. Sa puntong ito ay hindi ko inakala na posible pala na napansin na niya ako noon pa. Siguro, ganoon lang talaga kahina ang loob ko upang maglakas-loob na kausapin siya. Sino ba naman kasi ako para makahalubilo sa sikat na kagaya niya? I’ve always dreamed of this. At masarap lang sa pakiramdam na nalaman kong nakikita na niya ako kahit dati pa. “Masyado ka kasing sikat kaya nahihiya akong lumapit at makipag-usap,” pag-amin ko nang diretso lang sa harap ang tingin. Saka ko itinuko sa magkabilang gilid ang aking mga kamay. “Sikat?” I nodded. “Yupp. Sikat ka sa campus noon. Sobra. Manliliit lang ako kung lalapit ako sa’yo.” “Bakit ang baba ng tingin mo sa sarili mo? Don’t be harsh.” Nagkibit-balikat ako. “Dahil iyon naman ang totoo. Wala na ako magagawa ro’n.” Namutawi ang katahimikan matapos kong sambitin iyon. Saglit kong kinagat ang labi ko at inilipat ang baling sa kaniya. This time, para akong binuhusan ng malamig dahil natanto kong nakatingin na pala siya sa akin. At sa kinang ng mga mata niya ay para akong tutunawin. “Waterboy lang ako Kahlil. Bakit ka nakikipagkaibigan sa’kin?” He shrugged. Tila determinado at sigurado sa sasabihin. “Ilang beses ko bang uulitin ito sa’yo? Waterboy ka. Hindi waterboy lang.” At ganoon na lang ang biglang pamimilog ng mga mata ko nang isara niya ang distansya sa aming pagitan— saka ako inakbayan. “And I admire you,” he whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD