Chapter 15

2218 Words
Nakatulala ako sa harapan. Hindi ko nga malaman kung saan ako nakapokus, kung sa lights ba ng puno o sa mismong puno. Sa sobrang kaunti ng mga tao rito, bilang lang yata sa kamay iyong nakita ko. Karamihan ay mga magkasintahan na naka-holding hands.   Pero ang hindi ko halos mapaniwalaan? Iyon ang paulit-ulit na sampal sa akin ng katotohanan. Inakbayan niya ako! At sigurado akong hindi iyon parte ng isang imposibleng panaginip!   At ano? Humahanga raw siya sa akin? Hindi ko alam kung saang aspekto ng pagkatao ko. Gustuhin ko mang linawin iyon sa kaniya, pinangungunahan lang din ako ng hiya.   Nang mahimasmasan ako, saka ko ibinaling ang tingin sa aking gilid upang tingnan siya nang masinsinan. Ngayon ay nakayuko siya at tila ba malalim ang iniisip. Kapwa nakasalikop ang kaniyang mga kamay, pasimpleng pinaglalaruan doon ang daliri at animo’y may hinihintay.   This night is too silent that even the cars from afar can already be heard. Bahagya ring malamig ang paligid dahil sa bahagyang simoy ng hangin. Bukod dito sa Fort Santiago, may iba pa kaya kaming pupuntahan? Talaga bang isasakto namin sa dalawang oras ang panahong gugugulin namin ngayong gabi?   “Hindi ko maunawaan kung bakit hinahangaan mo ako,” pagsira ko sa katahimikang kanina pa talaga umiiral. Kahit papano’y gumaan ang loob ko dahil nagawa ko ring itanong itong nais kong malaman sa kaniya.   Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Dahil sa saktong liwanag ng lamp post na rumeplika sa kaniyang mga mata ay nakita ko ang nakaaakit na pagkinang nito.   He wore his genuine smile.   “Bawal ba?” tanong niya pabalik. Kaagad akong umiling.   “Hindi sa ganoon. I mean, given na hindi naman ganoon katunog ang pangalan ko, parang wala naman yatang dahilan para hangaan mo ako—”   “You’re resilient. Smart. And I like that.”   “Taglay mo rin iyon, Kahlil.”   “I don’t think so.” He shrugged. “Alam kong sa dami ng pinagdaanan mo, wala pa sa kalingkingan ang naranasan ko.”   “Don’t look it that way. Iba-iba naman tayo ng pinagdaanan.”   “And I admire how you overcame yours, Yuri. Sana maging gaya mo ako.”   Napakagat-labi ako nang marinig iyon. I can’t even believe na naririnig ko ito mula sa kaniya. Sinong mag-aakala na ang isang Kahlil na halos kilala na ng marami dahil sa talent at kagwapuhan ay humahanga pala sa akin?   Nakakatuwang isipin na hindi niya nagagawang i-invalidate lahat ng karanasan ko. Na sa dinami-dami ng nasaksihan niyang kahinaan ko noong sinusubok pa ako ni Papa, nagawa pa rin niyang makita kung paano ko pumilit bumangon, lumaban, at magtiis. Lalo lang tuloy akong nahulog sa kaniya. Lalo lang ako nagkaroon ng dahilan upang ma-justify na mas lumalalim pa itong nararamdaman ko sa kaniya.   Sa mga sumunod na sandali ay hinayaan na naming mamutawi ang katahimikan sa buong paligid. This time, nawala na iyong pagkailang kahit wala ni isa mang nagsalita muli sa amin. This is a perfect quiet time. Hindi lang dahil sa kapayapaang hatid ng gabing ito kun’di dahil na rin nakisama ang mga tanawing kay sarap titigan.   Maya-maya’y napagpasyahan na naming umalis at bumalik ulit ng kotse. Saka namin binisita ang ilang mga Baluarte na matatagpuan pa rito sa Intramuros. Karamihan nga lang ay nakasara na dahil hindi na naabutan pa ang open hours. Gayunpaman, sobra kong na-enjoy ang nabisita namin kahit na may kadiliman ang paligid.   “Ilang taon ka noong nagsimula kang maglaro ng basketball?” tanong ko habang naglalakad na kami pabalik ng parking lot. Nang tingnan ko ang phone ko, nakita kong lagpas na rin ng alas otso ng gabi. Wala pa naman akong natanggap na tawag o abiso kay Papa kaya mukhang hindi naman ito big deal sa kaniya. Sana…   “Siguro noong seven ako. Hindi lang ako sigurado. Basta ang alam ko, nagsimula lang ako noong bata ako. Ikaw? Anong nakahiligan mo?”   Hindi ko malaman kung matatawa ba ako o ewan. Talaga bang ito ang paksa ng pinag-uusapan namin? Sa sobrang desperado ko na hindi kami mabingi ng katahimikan, heto, kahit paano’y pinipilit ko na lang makisama. Buti na lang dahil sumusunod siya sa agos.   Umiling ako. “Wala akong nakahiligan, sa bahay lang naman kasi ako halos. Kung hindi nag-aaral, nanonood lang ng kung ano-ano.”   “Wala ba talagang pag-asa?”   “Saan?” usisa ko.   “Na magka-interes ka sa basketball. Gusto kita maging teammate.”   “Wala eh. Hindi ko talaga hilig. Hindi ko nga alam kung talaga bang anak ako ni Papa.”   “Sakali mang turuan kita maglaro, papayag ka?”   Sa puntong iyon, muntik pa akong mapahinto sa paghakbang. Mabuti na lang dahil napigilan ko kaagad ang sarili ko at natantong dapat hindi ako magpahalatang apektado.   “Uh, huwag na. Masasayang lang oras mo.”   “Masasayang? Bakit masasayang? Minsan lang ako magkaroon ng kaibigang gaya mo, Yuri. Walang masasayang.”   Pilit talaga akong umiling kahit na may parte sa aking gusto iyong suhestyon niya. Hindi iyon biro. Paano kung dahil doon ay madiskubre niyang baluktot ako? Paano kung sa halip na pagtibayin pa ‘tong pagkakaibigan ay bigla na lang mawala?   Hangga’t kaya kong umiwas sa ganoong klaseng pangyayari, iiwas ako. Hindi na iyon dapat pang pinag-iisipan. Maliban doon, sapat na sa aking hindi maging marunong at hindi maging interesado sa larong iyon dahil kahit paano, unti-unti ko na ring tinatanggap ang sarili ko.   Hindi ko lang alam kung mapapanatili ko pa ito hanggang sa dumating ang malalang sitwasyon. Dahil sa ngayon, kahit na alam kong mahirap, unti-unti kong kinakaya hanggang sa matanggap ko na ang lahat.   Hindi ako nagsalita hanggang sa marating na namin ang loob ng kotse niya. Pero sa kabila nito, kapansin-pansin ang pasulyap-sulyap niyang tingin sa akin. Siguro naghahanap lang ng assurance na pumayag ako sa nais niyang mangyari.   Bago niya paandarin ang sasakyan ay nagtanong pa muna siya.   “Ano, hindi ka pa rin papayayag na turuan ka?”   I shook my head. “Ayaw ko talaga eh.”   “Okay then.”   “Sorry.”   “No. Wala kang dapat na ikahingi ng tawad. Ayos lang. Wala rin naman akong magagawa kung talagang ayaw mong turuan kita.”   Lihim akong suminghap. Kung matapang lang ako at malakas ang loob ay sana hindi na ako nagkakaganito. Kaso hindi eh. Sabihin man nating resilient ako gaya ng sabi niya sa akin kanina, naroon pa rin ang takot na may mahalata siya sa kilos ko at iyon ang pinaka-ayaw kong mangyari.   Nang magsimula na siyang magmaneho palabas ng intramuros, saka ko inilipat ang pansin sa labas ng bintana. Pinakatitigan ko ang mga gusaling nadadaanan namin, gayundin ang mga imprastrakturang napapalibutan ng pailaw.   Maya-maya pa’y tinapakan niya ang preno. Kumunot ang noo ko nang makita na kung gaano kabagal ang usad ng trapiko.   S-hit.   “Heavy traffic…” I heard him whispered. Lumingon ako sa kaniya at napalunok-lunok. “Ayos lang naman kung gagabihin pa tayo ‘di ba?”   Tumango ako kahit kinakabahan na. The fact na hindi ako nagpaaam na lalo pa akong gagabihin, tingin ko ay dapat na akong matakot sa magiging reaksyon ni Papa. He’s so strict about my curfew, sa mga lakad ko, at sa mga ginagawa ko. Paano pa kaya itong walang kasiguraduhan kung ano ang eksaktong oras ng uwi ko?   “Matagal-tagal ba ang aabutin bago tayo makausad nang mabilis sa linya?”   He agreed. “Yupp. Ilang beses ko na rin ‘tong naranasan. Minsan, umaabot pa ng isang oras.”   Napakamot ako sa batok ko. Naroon ang inis ko ngunit walang dapat na sisihin dahil wala namang may gusto nito. Talaga palang hindi maganda umalis nang gabi kung sa main route ang daan.   Habang naghihintay, napagpasyahan kong kunin sa bulsa ang aking cellphone. May load pa naman ako para makapagbukas ng social med kaya f*******: kaagad iyong napindot ko.   Bigla akong niyakap ng kaba nang biglang lumitaw ang picture ni Kahlil at ng babaeng akbay niya sa larawang iyon. S-hit, hindi ko pala iyon na-exit nang maayos kanina!   “Parang ako ‘yon?”   Saktong sa pag-exit ko sa f*******:, naitanong iyon bigla ni Kahlil. Sa puntong iyon ay para akong binusalan sa bibig, lalo na nang matanto kong nakatingin siya sa cellphone kong nai-off ko na!   “U-uh, nakita ko lang.”   “Saan mo nakita iyon?”   “S-sa newsfeed? Bigla kasing lumitaw.”   “Patingin—”   Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis kong itinago sa bulsa ang phone ko at hindi siya hinayaang makita kung ano ang larawang pumagpag sa mood ko kanina. Sobrang tanga ko na kung papahintulutan kong ipakita iyon sa kaniya. Bukod sa matatanto niyang nagsinungaling ako sa dahilan ko, malalaman niyang stalker ako ng profile niya.   “I just saw my pic. Why you seemed so panicked?”   “W-wala lang ‘yon.”   “Patingin na…”   “Wala,” pagmamatigas ko. Sinadya ko pang isiksik ang sarili ko sa gilid, iyong dulo talaga upang makadistansya sa kaniya. “Picture mo lang naman ‘yon kasama ng girlfriend mo…”   “Girlfriend?”   Bigla ay para siyang natigilan. Mula sa pamimilit ay para siyang naging estatwa.   “Oo, ‘yong babaeng kaakbay mo sa picture.”   “Saan mo nasagap ‘yan? Wala akong girlfriend, Yuri.”   Umiling ako. “Imposible naman.”   “Let me see that picrture then. Sasasabihin ko kung sino man ‘yang nakita mong kasama ko.”   Nagmatigas ako dahil ayaw ko talaga. Ayaw kong makita mismo ng mga mata niya kung paanong pang-s-stalk ang ginawa ko hanggang sa matagpuan ko ang larawang iyon.   Saka lang siya natigil sa pamimilit nang umusad na ang kotseng nasa harap namin. Tuloy-tuloy na iyon kaya hindi na siya bumitaw pa sa manibela. Talagang nagpokus na lang doon nang hindi na tumitingin sa akin.   I don’t care if I disappoint him. But hearing what he just said, hindi ko na rin tuloy napigilang magduda sa picture na nakita ko. Pero bakit kasi ganoon ang caption? Sa pagkakaalala ko ay may mga comments iyon na para bang sumusoporta sa kanila.   I sighed in frustration. Bakit kasi sa f*******: kaagad ako bumisita? If only I knew na hindi siya nakatingin, hindi na sana ito sumasagi pa’t gumugulo sa isip ko.   Sa tuloy-tuloy na usad ng sasakyan, patuloy ding nablangko sa kung ano-anong bagay ang isip ko. Saka ko na lang namalayan na nasa tapat na kami ng bahay nang inihinto na niya ang sasakyan.   “We’re here,” he said hoarsely. Matagal bago ko napagdesisyunang lumingon sa kaniya.   “T-thanks.”   “Before we get apart this night, rest assured that I’m single. Huwag ka na lang maniwala sa nakita mo, o nabasa mo.” His eyes glowed.   He doesn’t have to explain this. Hindi naman niya kailangang sabihin ito gayong magkaibigan lang naman kami. At saka bakit parang iniiisip niyang apektado ako?   Oo, totoo namang apektado ako. Totoong nag-iba ang timpla ng emosyon ko nang unang beses kong makita ang litratong iyon. Ang ipinagtataka ko lang ay itong turan niya sa akin. He seemed apoligizing. Pilit niya pang nililinaw iyon hanggang sa maniwala ako.   “Thanks for this night,” he said before I even get out of his car.   “Salamat din. Sorry sa inasal ko. Good night.”   “Good night.”   Pagkalabas ko sa kaniyang sasakyan, saka ko isinara ang pinto. Dala ko ang hindi maunawaang damdaming ito dahil halo-halo na rin ang idinulot sa akin ng mga nangyari.   Pinagmasdan kong umalis ang sasakyan hanggang sa maglaho na ito sa paningin ko. This time, napalunok ako nang matantong kailangan ko nang harapin ang susunod na problema ko. Si Papa.   Dahan-dahan kong tinahak ang daan patungo sa gate. Maingat ko itong itinulak at laking pasasalamat ko nang matantong hindi ito naka-lock.   Nang makapasok sa bahay, para akong binunutan ng malalim na tinik sa lalamunan. Dahil hanggang ngayon, nakita ko pa rin sa sala si Papa, humihilik at natutulog pa rin. Pero sino kaya ang nagbukas ng ilaw sa loob at labas ng bahay na ito? Si Kuya kaya?   Dire-diretso akong tumungo sa loob ng aking kwarto at nagmadaling nagbihis. Simpleng black shorts at gray shirt lang ang suot ko saka inayos sa harap ng salamin ang pagkakagulo ng buhok. Palabas na sana ako upang tumungo sa kusina nang biglang umilaw sa kama ang cellphone na ipinatong ko. Pagkakuha ko rito, nakita kong may text message akong natanggap sa numerong gamit ni Kahlil.   Saglit ko munang ni-rename sa contact ang numero upang matukoy ang pangalan nito. Nang okay na ay saka ako umupo sa dulo ng kama at binasa iyong mensahe niya.   Kahlil:   Nakauwi na ako. I’ve seen the pic on my profile and that girl is not my girlfriend. She’s my cousin.   Literal akong napamura. Namilog ang mga mata ko at nagsimula na ring manginig sa hiya ang mga daliri.   Muli kong binasa ang mensaheng iyon dahil hindi ako makapaniwala. Nagmukha lang pala akong tanga nang pangunahan ko ng impresyon ang babaeng akbay niya sa picture!   S-hit. Bakit ang tanga-tanga mo, Yuri? Bakit ang tanga mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD