Chapter 18

2141 Words
Halos kalahating oras din ang ginugol namin sa resto bago kami bumalik sa campus. At gaya ng sinabi niya, siya na ang nagmaneho at hindi na ako hinayaan pang gawin iyon.   Hindi ko mapigilang kiligin nang palihim habang nasa biyahe at nakatitig lamang sa bintana. Iyong feeling na para kang itinuturing na prinsesa dahil sa mga nangyayari. Iyon ang kanina ko pa namamatyagan kahit na batid kong kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Hinahayaan ko na lang na manduhin ako ng imahinasyon ko dahil kahit paano, dito ako sumasaya.   The guilt is real and I have to admit it. Ilang beses ko na ring inaamin sa sarili ko kung gaano ako kasamang kaibigan sa kaniya dahil sa mga pinaglilihim ko. Pilit ko pang hinahalungkat kung naroon ba ang pagnanais kong umamin pero hindi pa rin pala ito ang tamang pagkakataon upang gawin. Masyado pang maaga upang sabihin ang lahat. Mas mainam munang maghintay ng tamang tiyempo gayong hindi ko pa batid kung tanggap niya ang mga taong gaya ko o hindi.   “Saan kayo galing? Bakit ang tagal niyo?” tanong ni Benjamin nang marating na namin ni Kahlil ang loob ng court. Dumiretso na kaagad siya sa bench upang kausapin doon si Papa habang ako naman ay sa gawing bleachers kung saan nagpapahinga ang karamihan sa mga players. Wala pa naman kasi gaanong gawain kaya maaari rin akong magpahinga rito.   Umayos ako ng upo dahil sa biglang pagtabi ni Benjamin at sa kuryosong tanong nito.   “Sa resto lang sa gawing taft. Bakit mo natanong?”   “Wala lang,” sagot niya. “Mabuti nakakausap ka niya nang maayos? Sa’min kasi, medyo mailap ‘yon.”   Hindi ko na alam kung paano na susundan ang sinabi niyang iyon dahil kahit nanonood lang naman ako sa training nila kanina, napansin ko nga ring iba siya sa usual niyang kilos. Kapansin-pansin nga naman ang pagiging tahimik nito at para bang malalim ang iniisip. At siguro, ako talaga ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon.   Ngunit ngayong tila malinaw na sa amin ang lahat, siguro naman magiging aktibo na siya bilang captainball gaya noong dati. I mean, hindi naman ganoon kalala ang kailangan niyang ibalik sa sarili. After all, hindi rin naman kasi ganoon kalala ang problema.   Huminga ako nang malalim habang nakatutok lang ang mata sa court na walang katao-tao. Nanatili pa rin sa tabi ko si Benj hanggang sa magsalita na muli ito.   “Kung may nasasabi man siya sa’yo tungkol sa team, huwag kang matatakot na sabihin sa’kin okay?”   Tumango ako nang walang pag-aalinlangan kahit na ang totoo ay hindi ko naman gagawin iyon. Pero sa ngayon, tingin ko ay wala naman talagang problema na sa kanila mismo ang ugat.   Hindi na nagtagal si Benjamin sa tabi ko dahil tinawag na ang lahat ng players sa mismong court. Napansin ko pang dumapo ang tingin ni Kahlil sa pwesto ko nang seryoso ang mga mata. Napangiwi na lamang ako sa halip na ngumiti. Ang awkward.   Sumabay na rin ako sa kanilang lahat upang bumaba sa player’s bench at para na rin kunin ko ang bag kung saan ko iniwan ang phone ko kanina. Kasalukuyan silang nag-uusap tungkol sa flaws at iba pang technicalities ng training nila kaya wala akong naintindihan.   Pagkakuha ko ng phone ko, saktong may tumatawag pala roon. Kaagad kong pinindot iyon saka naglakad palabas upang makaiwas sa ingay.   “Hello?” bungad ko habang naglalakad. Napahinto na lang ako nang nakapuwesto na ako sa main entrance ng gym.   “Hello Yuri? Nasaan ka? Nasa gym ka ba ngayon? May training ba ang basketball team?”   Bigla ako nawindang sa sunod-sunod na tanong nito. Doon ko lang napagtanto na si Jen ito, iyong group leader ko sa isang activity.   “Uh, oo eh. Kaya nandito ako ngayon sa campus, bakit?”   Umingay ang background niya at para akong nakarinig ng mga tili ng babae sa background niya. Hindi ako sigurado kung kasama niya ba iyon o sadyang naroon lang sa kinalulugaran niya.   “Ayos lang kung pumunta kami ni Eira? Gusto kasi niyang makita ang ex niya.”   Napalunok ako. “Sinong ex?”   “Sino pa ba? Eh ‘di si Kahlil.”   Biglang kumunot ang noo ko nang marinig iyon. Ex? Ex na ni Kahlil pero gusto pa rin niya makipagkita?   I mean, hindi ako against. Hinding hindi ako magiging taliwas sa desisyon ng kung sino-sino kung iyon ang nais nilang mangyari. Pero ano kaya ang dahilan nito at bakit nais nitong makipagkita?   Gwapo si Kahlil kaya hindi na ako magtataka kung bakit maganda ang mga ex niya. At sa mga babaeng gaya ni Eira, hindi malabong magugustuhan niya ito.   Pero ngayong wala na pala sila, ano pa ang dahilan nito kung bakit nais nitong makita ang ex niya?   “Ano Yuri? Pwede? Pwede kaming pumunta ngayon?”   Paulit-ulit akong lumunok. Sa totoo lang ay hindi naman kaso kung may manonood ng training, maliban lang yata kung taga-ibang campus o outsider.   “Pwede naman…” bulong ko.   Naging enthusiastic ang boses sa kabilang linya, animo’y sabik na sabik na pumunta rito. Kung hindi ako nagkakamali, baka boses nga iyon ni Eira. Well, sino ba namang hindi ma-e-excite kung mga gwapo iyong makikita rito sa gym?   Nang bumaba ang tawag, napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko kasi alam kung tama bang pumayag akong tumungo sila rito. Paano pala kung magdulot lang sila ng gulo? Sana naman ay hindi.   Nang tingnan ko ang phone, nagulat pa ako dahil naka-ilang missed calls pala si Jen bago ko tuluyang nasagot ang tawag kanina. Bumalik na lang ako sa loob ng court at nakitang nagsisimula na sila sa shooting drills.   Tinawag ako ni Papa kaya mabilis akong kumilos. Ibinalik ko sa loob ng bag ang phone saka pumwesto sa ilalim ng ring kung saan nahuhulog iyong mga bola. Ang gawain ko ay ipasok ang lahat ng ito sa isang sack na siyang i-aabot ko mamaya sa players. Para sa akin, hindi naman ito nakakapagod. Nanangalay lang.   The whole na ginawa ko ito, palipat-lipat lang ang pansin ko sa tatlong bagay. Una ay sa mga bola, pangalawa ay kay Kahlil, at pangatlo ay sa main entrance kung saan inaabangan kong makita sina Jen at Eira. Hindi ko alam kung bakit parang may kutob ako. Bakit parang may hindi magandang mangyayari?   O baka nag-o-overthink lang ako?   “Yuri! Ang bola!” paasik na sigaw ni Papa. Huli na nang mapansin kong marami na palang mga bola sa paanan ko at naghihintay na ang ilang mga manlalaro na iabot sa kanila ito. S-hit, ang hirap maging pre-occupied. Sa mga gawaing gaya nito, hangga’t maaari ay pinakaiiwasan talaga ang mawala sa sarili at mas kinakailangan talaga mag-focus.   Isa-isa kong pinulot ang mga bola. Ngunit nakakadalawa pa lang ako nang biglang may umagaw sa pinupulot ko. Ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko dahil natanto ko rin sa mga sandaling ito na tinutulungan na rin pala akong gawin ito. Isang bagay na sobrang taliwas sa akin at taliwas na rin kay Papa.   “Kahlil, ako na… Bumalik ka na sa puwesto mo,” pabulong kong sabi habang tuloy sa pagsho-shoot ang mga teammates niya. Napapikit pa ako nang mariin dahil nagtuloy-tuloy lang siya na para bang hindi ako narinig. “Kahlil—”   “Just let me help you, okay? Ikaw lang ang mag-isang gumagawa nito kaya paano ka makakatapos nang mabilis?”   “Kaya ko—”   Muli ay hindi ko na naman natapos ang aking sinasabi, hindi dahil kay Kahlil kundi dahil na sa sigaw ni Papa na hayaan na lang ni Kahlil na ako ang gumawa. Hindi ko na rin nalaman kung ano ang naging reaksyon doon ni Kahlil dahil mas pinili kong tumalikod sa kanilang lahat habang isa-isang ibinalik sa sack ang mga bola.   Unti-unti akong nilalamon ng hiya dahil heto na naman siya, namamahiya. Para talaga akong alipin na sunod-sunuran at walang magawa kundi ang sumunod lang. Bigla rin tuloy akong nanliit sa sarili ko, na para bang ito lang ang alam niyang kaya ko at ito lang ang puwede ko maging silbi para maging kapaki-pakinabang sa kaniya.   Para akong tanga dahil naluluha ako habang pinupulot pa ang mga bola. Pinipilit ko na lang isaayos ang postura ko dahil ayaw ko ring makahalata sila. Masakit oo pero ano pa bang magagawa ko? Maglumpasay man ako rito o magwala dahil taliwas sa nais ko ang mga nangyayari, hindi pa rin nito mababago ang lahat. Ako pa rin si Yuri na mahina sa paningin ng sariling ama. Isang Yuri na utusan lang at taga-refill ng tubig. Isang Yuri na tagalinis lang ng court at tagapulot lamang ng bola.   Para bang walang katapusan ang ginagawa kong pagpulot dahil sa bawat pulot ko ay panibagong bola na naman ang nagsisibagsak sa sahig. Gustong gusto na pumatak ng mga luha ko pero mas pinili kong magpakatatag. Mamaya ko na lang siguro ilalabas ang lahat kung kailan masisiguro kong walang makakakita.   Sa halos kahalating oras ay ganoon lamang ang ginagawa ko. Paulit-ulit at para bang walang patid. Kaya gaya ng mga players, halos walang tigil na rin ang pagtulo ng pawis ko, isang bagay na hindi ko inaasahan kaya wala rin akong baong pambihis.   Pagkatapos kong uminom ay saka ako nag-indian seat sa side lines. Hingal na hingal ako habang pinupunas ang sarili at habang naghahabol ng hininga. Akma na sana akong pipikit nang matagal nang bigla kong maaninag sa main entrance na para bang may sumisilip. Hindi ko pa man lapitan ay nakasisiguro akong si Eira na iyon at Jen.   Saglit kong ibinaling ang tingin kay Papa at sa mga players na ngayon ay naka-huddle at may pinag-uusapan. Pagkatapos nito ay muli ko na namang ibinalik ang pansin kung saan naka-abang na pala ang dalawa sa labas. Wala akong nagawa kundi ang mapatayo at maglakad patungo roon. Wrong timing naman. Bakit ngayon pa kung kailan ako namamahinga?   “Yuri, sure ka ha? Pwede talaga manood?” si Jen na ngayon ay medyo nag-alala. Iyong kasama naman niyang si Eira ay panay silip lang sa loob, partikular na sa ex niya. Gusto ko sanang tanungin kung anong sasadyain niya rito ngunit naisip ko ring hindi kami close. Mukha pa naman siyang mataray, parang masungit.   Tumango ako. “Puwede kayo sa bleachers. Hindi naman kayo babawalin dahil hindi naman outsider.”   “Okay. Ito kasing si Eira, masyadong mapilit.”   Saktong sa pagbaling ko ng tingin kay Eira ay dumapo na rin ang tingin niya sa akin. Totoong hindi maipagkakaila na sobrang ganda niya, lalo na’t nadepina ng shirt niya ang balingkinitan niyang katawan at maiksing skirt lang ang pang-ibaba niya. Si Jen naman ay naka-trousers dahil may pagka-conservative.   “Yuri, right?” she asked. Tumango kaagad ako nang hindi man lang nagsasalita. “Sorry sa abala ah? Close ba kayo ni Kahlil?”   Napaisip ako roon, close na nga ba kami ng ex niya?   Base sa mga nangyari kanina at nitong nakaraan, hindi naman na siguro pagsisinungaling iyon kung sasabihin kong oo, ‘di ba? Nagawa na naming mag-dinner nang magkasama, naihatid-sundo na rin ako, nakakausap ko na rin siya madalas at ginagawa pa akong tulungan sa gawain ko bilang waterboy at utusan dito.   Sa muli kong pagtango, tila ba nabuhayan si Eira. “Hindi ko masasabing close pero nag-uusap din naman kami.”   “Gosh, may ipaaabot ako sa kaniya mamaya pagkatapos ng training nila. Ayos lang ba?”   Biglang nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka. “Anong ipaaabot mo?”   “Heto.”   Mula sa sling bag na sukbit ni Jen, may kinuha siya roon. Hindi ko bigla alam kung anong mararamdaman ko dahil photo album iyon na medyo maliit.   “Mga pictures namin ang nakalagay diyan. May mga sulat din na isang buwan ko ring pinaghandaan. Balak ko na kasi makipagbalikan sa kaniya at hindi ko alam kung saan ako magsisimula,” aniya.   Natulala ako sa photo album. Hindi ako makapagsalita. Ni hindi ko rin magawang i-angat ang tingin sa kaniya. Kusa na lamang lumahad ang palad ko nang sa puntong ito ay inabot na niya ito sa akin. May parte sa akin na taliwas dito ngunit gusto kong ako rin ang mag-abot para hindi na sila mag-usap.   Ang sama-sama ko para isipin ‘to...   “Bakit hindi na lang ikaw ang mag-abot kung gusto mo makipagbalikan?” malamig kong tanong matapos kong i-angat ang tingin sa kaniya.   Lalo siyang tumingala sa’kin. “Uh, hindi ko kasi alam kung tatanggapin niya. Naisip ko lang na kung ka-close niya ang mag-aabot, baka hindi niya tatanggihan.”   Muli kong iniyuko ang tingin sa album at pinakatitigan ito nang matagal. Sa puntong ito ay may kung anong punyal na sumaksak sa puso ko. At sa aminin ko man o sa hindi, aminado akong nasasaktan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD