Chapter 19

2203 Words
Wala akong nagawa. Mas pinili ko na lang hayaan sa palad ko ang photo album at parang tangang nasasaktan. Magmumukha lang kasi akong masungit o bitter kung tatanggihan ko ito. Bakit, sino ba ako para mag-inarte? Lalaki ako sa paningin nila at ang tangi lang nilang alam ay wala akong pakialam.   As much as I want to lend this back, kailangan ko pa rin itong ibigay kay Kahlil mamaya bilang pagsunod sa pabor. Ang problema ko lang sa ngayon ay kung paano ko ito magagawa gayong hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya tungkol dito. Nag-uusap pa kaya sila ni Eira? Wala naman kaya silang tampuhan? Dahil kung sakali mang may lamat sa pagitan nila, ayaw kong pumagitna at madamay.   Tulala na ako habang nakaupo rito sa player’s bench at katabi ang photo album kung saan ko ito ipinatong. Sila Eira at Jen ay nasa bleachers na tahimik lang na nanonood ngayon. Kanina, habang naglalakad kami papasok sa court na ito, kapansin-pansin na kaagad ang pagtuon ng pansin ng karamihan sa amin. Tutok na tutok ang mga mata ng lahat lalo na kay Eira, partikular na ang pansin ni Kahlil.   Hindi ko lang alam kung anong nararamdaman niya sa mga pagkakataong ito. Dahil sa sobrang dami ng mga tanong na namumutawi sa isipan ko, hindi ko alam kung alin ba doon ang may magandang sagot. Natuwa kaya siya nang makita niya ang ex-girlfriend niyang maganda? O ginanahan dahil alam niyang may babaeng nanonood sa kaniya?   Eira is a sexy cheerleader. Mula sa hubog at hapit ng katawan nito, hindi maitatanggi ang taglay nitong kagandahan. Kahit sino nga yatang lalaki ay makaaagaw ng atensyon dahil sa kaniya. She’s so feminine and angelic that no one could even resist her beauty.   Pero bakit kaya? Bakit kaya sila naghiwalay noon? You see, bagay na bagay na sana silang dalawa para sa isa’t isa. Kahlil is a drop-dead gorgeous and a famous basketball player. At ang mga lalaking gaya niya ang talagang nababagay sa babaeng iyon.   Ewan ko ba. Ang natatandaan ko lang kasi noong sila pa ay parang wala naman akong pakialam. Siguro, noong mga panahon kasing iyon ay mas focus lang ako pag-aaral at sa mga problema ko noon sa bahay. Aminado akong masakit dahil lagi ko silang nakikita noong magkasama pero matagal ko nang tinanggap iyon, matagal na mula nang huling mangyari iyon.   Nang mapansin kong unti-unti nang dumadami ang bolang gumugulong sa sahig, doon ko napagdesiyunang tumayo at isa-isa itong pinulot. Habang ginagawa ito ay mariin ko ring sinasabi sa sarili na hindi ako lilingon sa pwesto kung saan nakaupo sina Eira at Jen. Hindi dahil kinahihiya ko ang sarili ko kundi dahil kinahihiya ko ang ginagawa ko.   “Water break!” sigaw ni Papa, dahilan kung bakit natahimik ang buong court mula sa sunod-sunod na dribble at bagsakan ng mga bola. Pinanatili ko lang ang yuko at pulot sa mga bola hanggang sa aksidente kong makita sa hindi kalayuan na pati si Kahlil pala ay namumulot na rin upang tulungan ako.   Bumuntong hininga ako. Nais ko sana siyang lapitan at bawalin ngunit mariin din akong pinipigilan ng sarili ko. Tiningnan ko pa si Papa na ngayon ay nasa kabilang side ng bench, kasama ang coaching staff na seryoso na naman sa pag-uusap. Mukhang wala naman siyang pakialam gayong tinutulungan ako ng ace player niya. Siguro, hindi ko na rin kinakailangan pang gumawa ng paraan para lang pigilan itong si Kahlil.   Biglang rumagasa sa bilis ang t***k ng puso ko nang mapansing naglalakad na rin siya ngayon patungo sa sack kung saan namin ihuhulog ang bola. Sa pagkakataong ito ay hindi ko malaman kung aatras ba ako o magpapatuloy dahil saktong nakatingin na siya sa akin at seryoso ang mga mata. God, bakit ba ganito ako kabaliw sa kaniya? Sa sobrang gwapo ay parang nilalamon niya sa tingin ang sistema ko.   Muli akong huminga nang malalim at nagpatuloy lamang sa paglalakad. While his teammates are doing their thing on the bench, kami naman dito ay parang estatwa na nagtititigan. Saka lang yata naputol iyon nang napagpasyahan ko na yumuko nang marating ko na mismo ang lagayan ng bola. At saktong sa paghulog ko nito, huminto rin siya sa harap ko at kagaya kong inihulog ang bola.   This time, lihim akong napasinghap. Amoy na amoy ang panlalaki niyang pabango na hindi pa rin nawawala kahit na pawisan na siya at pagod. Humahalo pa ito sa panlalaki niyang bango na tanging sa kaniya ko lang natagpuan. Kahit nga yata hindi ako tumingin, sumagi lang sa akin ang halimuyak niya ay malalaman ko na kaagad na malapit siya.   “You okay?” he asked in a deep voice, kagaya iyon ng seryoso niyang boses na lagi’t lagi kong naririnig mula nang magkaroon kami ng koneksyon sa isa’t isa.   Mula sa mga bolang inihulog ko sa sack, marahan kong inangat ang tingin sa kaniya. At sa puntong ito, lalong lumala ang t***k ng puso ko. Hindi ko malaman kung dahil ba ito sa kaba o sa kagwapuhan niya. God, paano ko kaya magagawang magsawa sa lalaking ito? Paano ko kaya mapipigilan ang sarili kong lumala pa itong nararamdaman para sa kaniya?   Tumango ako nang wala sa sarili. Pilit din akong ngumiti na para bang pursigido talaga itong patunayan sa kaniya.   “O-oo, okay naman ako. Huwag mo akong alalahanin—”   “Hindi ka okay,” pagputol niya sa sinabi ko. Dahil dito ay tumawa ako nang pabiro.   “Okay na okay ako, Kahlil. Bakit mo naman nasabi ‘yan?”   Ilang segundo ang kaniyang pinalipas bago ito sagutin. Tinitigan pa muna niya ako na para bang hawak niya ang mundo ko, na para bang hindi na niya ako bibitawan ng seryoso niyang mga mata.   “Your eyes… I can see it.”   Umiling ako.   “Hindi ko alam kung anong mayroon sa mata ko at nagagawa mong sabihin ‘yan.”   “May nangyari ba? Bakit parang malungkot ka?” tanong pa niya.   “W-wala. Ayos lang talaga ako kaya wala.”   Kaysa makarinig pa ng mas malalang tanong galing sa kaniya, ako na ang kusang bumaling ng harap sa bench at naglakad nang tuloy-tuloy doon. Iyong mga players ay karamihang naka-indian seat sa sahig at nag-uusap ng kung ano-ano kaya mukhang hindi naman nila kami napansin ni Kahlil. Maliban na lang siguro kay Jen at Eira na sigurado akong kanina pa tutok na tutok sa mga kilos nito.   Pagkabalik ko sa pwesto ko kung saan nakalapag mismo sa gilid ang album, saktong sa pag-upo ko ay umupo rin si Benjamin sa tabi ko. Sa puntong ito ay awtomatikong dumapo ang tingin ko kay Kahlil na ngayon ay naglalakad na rin patungo sa kabilang direksyon ng bench ngunit nananatili pa rin ang tingin sa akin.   S-hit. Ang hirap-hirap niyang basahin. Ano kaya ang nasa isip niya?   “Mga kaibigan mo sila?” Benjamin asked. Nang ibaling ko ang tingin sa kaniya ay nakita ko ring tagaktak ang kaniyang pawis. May hawak siyang pamunas sa kanan niyang kamay at ewan ko ba, ako pa itong nanggigigil na punasan siya dahil parang ulan na nagsisipatak ang pawis niya.   “Sino? Sila Jen at Eira?”   “Hmm, so her name is Jen?”   Kumunot nang bahagya ang noo ko. Sa maikling sandali ay tila natanto kong may interes siyang makipagkilala kay Jen.   Kung hindi ako nagkakamali, parang hindi naman noon sumasama-sama si Jen kay Eira. Wala rin akong malay na may koneksyon pala sila sa isa’t isa at magkaibigan pala. Pero posible kaya? Posible din kayang may gusto si Jen dito sa varsity team? Hmm, mukhang interesado si Benjamin sa kaniya ah?   “Oo, Jen ang pangalan niya. Gusto mo ipakilala kita? Wala pang boyfrend ‘yon.”   Natawa siya bigla at napangisi. “Ugok. Naninigurado lang ako kung anong pangalan niya.”   Natawa rin ako. “Kidding aside, para sagutin ang tanong mo, hindi ko sila mga kaibigan.”   “I see. Pero bakit sila nandito?”   “Ikaw, anong sa tingin mo kung bakit?”   Mukhang hindi ko na kailangan pang ipaliwanag iyon dahil sa pamamagitan lamang ng tingin, tila ba alam na niya kung bakit.   “Pero kung interesado ka nga kay Jen, feel free to approach me. Kung hindi, eh ‘di ‘wag.”   “Maganda siya, honestly.”   “Sino? Si Jen o si Eira?” usisa ko. Sa tanong kong iyon ay nakitaan ko ng pag-awang ang kaniyang labi.   “Eira? Tingin mo papatol ako sa ex ng team captain namin, pre?”   I chuckled. “Wala namang masama ah. Mag-ex naman na sila.”   “Nope. Hindi.”   “Maganda rin naman si Ei—”   “Kahit na Yuri. Pangit pa rin tingnan.”   Gusto ko pa sanang ipagpilitan si Eira sa kaniya dahil nasa-satisfy ako, na para bang pabor na pabor sa nararamdaman ko ito dahil at least, maaaring mabaling ang atensyon ni Eira sa kaniya. Pero sa kabilang banda, ayaw ko maging manipulative. Bahala siya sa buhay niya kung kay Jen ba siya may interes o sa ex ni Kahlil.   Natahimik din siya at naging abala sa pagpupunas ng sarili. Samantala, patuloy pa rin sa pakikipag-usap ang ibang players na animo’y hindi na mauubusan ng kwento. Pilit na hinanap ng mga mata ko si Kahlil hanggang sa matagpuan siyang mag-isang nakaupo sa pinakadulong bahagi ng bench. Nakayuko lamang siya sa hawak na cellphone at may kung anong tinititigan doon.   Nang ibaling ko naman ang pansin sa bleachers kung saan kanina nakaupo ang dalawa, ganoon na lang ang paniningkit ng mga mata ko dahil nakikita ko nang naglalakad pababa ng hagdan si Eira. Si Jen naman ay naiwan, prenteng nakaupo at may kung anong ginagawa sa cellphone.   Sunod-sunod akong huminga nang malalim. Dahil kahit hindi na iyon sabihin nang direkta sa akin, nahihinuha kong naglalakad na siya patungo kay Kahlil.   Para akong tanga. Para akong baliw dahil umaahon na naman ang kirot sa dibdib ko.   Yumuko ako, sinasarili ang walang kwentang damdaming ‘to na sana ay tantanan na ako. Bakit ba kasi ang hina-hina ko pagdataing sa ganito? Bakit ba ang hina ko sa tuwing damay na si Kahlil sa sitwasyon?   For years, hindi ko man nasubaybayan hanggang sa kaliit-liitang detalye, hindi na siguro mabilang sa daliri ang mga babaeng nali-link sa kaniya. Noong senior high pa lang kami noon ay lalo na. Marami naman kasi talagang babae na nagkakandarapa sa kaniya. At siyempre, malabo namang sabihin kung wala siyang pinatulan kahit isa sa mga 'yon   “Anong program ni Jen?” dinig kong tanong ni Benj. Nawawalan man ako ng gana makipag-usap ay sinagot ko pa rin iyon.   “Blockmate ko siya. AB Comm.”   “So, araw-araw kayong nagkikita niyan?”   “Oo.”   “Hmm…”   “Bakit, interesado ka?”   “Medyo.”   Napailing-iling ako.   “Interesado ka, Benjamin.”   “Medyo nga lang ‘di ba.”   “May interes pa rin.”   How I wish na sana kay Eira na lang siya nagka-interes, na sana kay Eira siya poporma para naman mawala sa atensyon ng babaeng iyon si Kahlil. Eh kaso ano bang magagawa ko? Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay papanig sa akin ang tadhana. Dapat na nga akong masanay dahil madalas naman itong mangyari sa akin.   Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin upang ibalik ang tingin sa mismong kinauupuan ni Kahlil. At sana, hindi ko na iyon ginawa pa dahil lalo lang ako nasaktan sa aking nakita. Para akong tangang nakatitig sa kanila ngayong nakaupo na si Eira sa tabi nito. Hindi ko lang alam kung anong ekspresyon ang ipinapakita nito dahil nakatalikod siya mula sa pwesto ko.   Pero hindi nakatakas sa akin kung paano mismo tingnan ni Kahlil si Eira. He’s so damn astonished. Hindi man iyon halata sa mukha niya ngunit dama ko pa rin kahit dito sa kinauupuan kong hindi naman ganoon kalayuan sa kanila. Titig na titig siya rito na para bang nami-miss na niya ang ex niya, na para bang sa tagal nilang hindi nag-usap at nagkita ay naging sabik sila sa isa’t isa.   Normal pa bang madama ito? O baka nag-ooverthink lang ako? Kung ilusyon ko nga lang talaga ang lahat ng nadama ko sa mga pagkakataong kasama ko siya, ibig sabihin ay ganoon kalala ang katangahan ko sa isang gaya niyang matagal nang tumatak sa akin. Kung nasa isipan ko lang pala lahat ng paru-parong nasaksihan sa tuwing kinikilig ako at sa tuwing magkasama kami, ibig lang sabihin ay masyado lang ako nahumaling pero para bang wala lang sa kaniya iyon.   Eh ano naman, Yuri? In the first place, kaibigan lang naman ang turing niya sa’yo. Bakit kailangang umasa? Bakit kailangang magpalamon sa imahinasyon kung hindi naman niya sinabi na may gusto siya sa’yo?   Ang hirap ng ganito. Ang sakit. Mahirap dahil wala akong magawa. Mahirap dahil hanggang tingin lang ako. Sana hindi na lang ako ganito. Sana sa babae na lang ako nagkakagusto. Sana gaya nila ay normal din ako. Sana maging tuwid na ang baluktot na pagkataong ‘to nang hindi na ako nahihirapan pa... nang hindi na ako nasasakal pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD