Chapter 17

2181 Words
Natigil lang sa mga sinasabi si Benjamin nang tawagin na sila ni Papa upang kausapin. Kahit si Kahlil ay napilitang lumapit kahit pa alam ng marami na wala ito sa mood makipag-usap o mag-training.   Kung tama ngang sabihin na ako ang dahilan nito, I think I have to talk to him about this. Dahil kung tutuusin, resposibilidad ko naman iyong gusto niyang ipasa sa kaniya. Siya ang atleta rito at nagkataong team captain pa. Ano na lang ang gagawin ko kung siya na ang gagawa ng mga kadalasang inuutos sa akin? Tutunganga na lang?   Nauunawaan ko naman kung bakit nais niya iyon gawin bilang isang kaibigan. Ngunit masyado naman iyong abuso sa parte niya gayong mabibigat na ang mga ginagawa niya.   Habang nag-uusap-usap silang lahat sa bench para yata sa mga puna ni Papa sa performances nila, napagpasyahan ko namang kumuha ng tuyong basahan upang punasan iyong makikintab na parte ng court. Ang mga bolang nakakalat ay halinhinan kong niligpit sa rack at nauutusan na rin akong ligpitin ang mga hurdles dahil after lunch pa magre-resume ang training.   Minsan hindi ko talaga maiwasang mapatingin sa banda ni Kahlil. Mula sa puwesto ko ay naka-side view siya nang nakapamewang at nakayuko sa isinusulat ni Papa sa white board. Hindi ko lang pinatatagal ang tinging iyon dahil natatakot din akong mahuli niya. Alam kong hindi pa rin siya okay. Usisain ko man o hindi, may parteng ako ang dahilan nito.   Nang matapos sila sa meeting nila ay hindi ko pa rin natatapos ang ginagawa kong pagliligpit dito sa court. Sa dinami-dami ba naman kasi nito at ako lang ang mag-isang kumikilos, imposible namang mabilis ko itong magagawa.   “Yuriko, tara, sabay ka na sa’min. Mamaya mo na ituloy ‘yan,” pag-aaya ng isang junior player na sinadya pa akong lapitan dito. Saglit kong tiningnan si Papa na ngayon ay naglalakad na palabas ng gym kasama ang buong coaching staff.   Umiling ako.   “Mamaya na ako. Kailangan ko kasi munang tapusin ito,” sagot ko nang medyo hinihingal. Namataan ko ang bahagyang pagngiwi niya ngunit sa huli, wala ring nagawa kundi umalis sa harap ko at sumunod na sa mga kasama.   Gustuhin ko man kasing sumabay sa kanila, pagagalitan lang ako ni Papa kung makikita niyang kumain na ako nang hindi pa natatapos ang gawain ko rito. Mas gugustuhin ko na munang magutom kaysa mapahiya na naman sa harap ng mga manlalaro niya.   Habang pinagmamasdan ko silang naglalakad palabas, isang player ang napansin kong naiwang nakaupo sa bench. May kung anong lumatay sa sistema ko nang makitang si Kahlil iyon at nakayuko sa hawak niyang cellphone. Tinitipa niya iyon dahil siguro, hindi pa rin tapos makipag-chat. Sino kaya iyon? Kalandian niya?   Kaysa mahuli niya akong nakatingin sa kaniya, muli ko na lang pinagpatuloy ang paghahalanhan ng hurdles. Sa isang iglap ay natahimik ang buong court dahil tuluyan nang naubos ang mga narito. Hindi man ako sumilip sa bench, batid kong kaming dalawa na lang ni Kahlil ang naiwan. Bakit hindi pa siya sumabay sa teammates niya? Hindi ba siya magla-lunch?   Sampung minuto rin ang ginugol ko bago ako tuluyang natapos sa nililigpit dito. And just as I faced the bench, hindi pa man ako nakakahakbang upang tumungo roon ay napansin ko na kaagad kung paano nakatitig sa akin si Kahlil.   S-hit. Mapapamura ka na lang talaga. Kung babae lang ako, hindi ko maipagkakailang isipin na may gusto o nararamdaman siya sa akin. Aasa na ako dahil kahit sa pagtitig lang, mararamdaman mo ang motibo nito. Tila ba seryoso siyang ayaw niya akong nakikitang hirap at pagod, kagaya ng isang tipikal na manliligaw para sa kaniyang natitipuhan.   Pero hindi, hindi ako babae. Hindi naman ako ang standard niya upang pag-isipan niya ng ganoon. Sa ilang beses na nagsama kami, wala siyang ibang binukambibig kundi ang salitang kaibigan. Wala siyang ibang nais na mangyari kundi pagkakaibigan.   With that, napahupa ko rin ang pagbugso ng nararamdaman ko. Bakit nga ba kasi ako aasa sa wala kung sa una pa lang ay alam kong wala naman talaga? I’m a friend to him. Walang labis. Walang kulang.   Nagsimula akong maglakad patungo sa pwesto niya nang hindi nakatuon ang mga mata sa kaniya. Bagaman diretsong diresto ang titig niya sa akin, alam ko sa sariling hindi ko iyon kayang tapatan.   “Tapos ka na?”   Iyon ang tanong niya nang marating ko ang bench, partikular na sa bag na sadyang katabi pa talaga niya. Bilang tugon doon ay tumango ako nang hindi tumitingin sa kaniya.   “Sabay na tayong kumain,” aniya pa. Tumayo na siya at ibinulsa ang hawak na cellphone.   Muli akong napamura sa isip ko nang maamoy ang kaniyang pabango. Alam mo ‘yong tipong pawisan ka na’t lahat-lahat ngunit parang bagong ligo ka pa rin? Iyon ang talagang napansin ko sa lalaking ito kahit noon pa man. Ang sarap lang samyuin nang palihim. Ang hirap-hirap pigilan.   Hindi ako makapagsalita. Kunwari ay inabala ko ang sarili sa paghahanap ng pitaka at panyo na ipamumunas ko sa sarili. Saka ako bumuntong hininga nang mahanap na ito. Sa puntong ito ay hindi ko na napigilang tumingin sa kaniya sa aking gilid dahil prente lang itong nakatayo, nakatingin sa akin, at naghihintay.   Walang hiya talaga. Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko!   I nodded like a child, senyales na pwede na kaming umalis dahil nahanap ko na ang aking hinahanap. Magkatabi kaming naglakad palabas ng gym nang hindi nag-uusap. Para bang nagkakapaan pa lalo’t alam kong hindi siya okay at aware din siya siguro sa napansin ko sa kaniya.   Paglabas namin ng gym, namalayan kong nakasunod na ako sa kung saan siya pupunta. Patungo na kami ngayon sa kotse niya at hindi sa cafeteria rito sa campus na bukas kahit Sabado.   “Saan tayo pupunta?” tanong ko nang ilang hakbang na lang ay mararating na namin ang kaniyang sasakyan.   “Sa resto, why? May iba ka bang gustong kainan?”   Kusa akong huminto nang marinig iyon. Wala rin siyang nagawa kundi ang mapahinto nang nakalingon sa akin.   “Bakit hindi na lang tayo riyan sa cafeteria? Mas makakatipid pa tayo—”   “You think too much about the money. Akong bahala.”   “Hindi. What I mean is, bakit kailangan pa nating lumayo?”   Bahagyang nagsalubong ang kilay niya. “Bakit, ayaw mo ba?”   Umiling ako. “Hindi naman sa gano’n. Ayaw ko lang din naman kasing mag-exert ka ng effort na magmaneho pa gayong tayong dalawa lang naman ang magkasama.”   Nagulat na lang ako bigla nang may hinagis siya sa akin. Awtomatiko naman akong kumilos upang sapuin iyon. Pagtingin ko sa palad ko, natanto kong susi ito ng kotse niya.   “You’ll drive then.”   God. Ayaw talaga niya magpaawat. Siya ang patunay na kung gusto may paraan, kung ayaw ay may paraan pa rin.   Kaya kahit napipilitan, nakangiwi akong pumasok sa kaniyang sasakyan. This time, ako na ang driver at siya naman itong nasa passengers. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang kauna-unahang beses na magmamaneho ako ng kotse ng iba. Maliban na lang kay Papa dahil doon naman ako tinuruan noon at natuto.   Medyo nanginginig pa ang daliri ko nang ipasok ko ang susi. Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko para kahit papano’y maibsan ang kaba ko.   “Sa’n ka nag-refill kanina?” he asked out of curiosity. Nagawa ko nang imando palabas sa parking lot ang sasakyan niya kaya ngayo’y nasa tamang lane na ang kotse palabas ng campus.   “Kung saan ako madalas mag-refill,” sagot ko. At kahit hindi man ako lumingon sa kaniya, may kung anong ekspresyong iginuhit ang kaniyang mukha na hindi ko na magawa pang makita. “Bakit mo tinatanong?”   “I don’t like that guy,” agad niyang turan. Mas malamig ang kaniyang pagkakasabi at halata roon ang pagiging iritado. “Siya ba ‘yong nagpangiti sa’yo no’n?”   Hindi ako naka-imik. Para lang akong estatwa rito na para bang hindi alam ang sasabihin. Kung tutuusin ay hindi naman na ito bago sa akin. Pero sa tuwing nasa ganito akong sitwasyon at sadyang ganito pa ang usapan, nawawala ako bigla sa sarili!   How can I handle this situation? Paano ako tutugon nang hindi napapalala ang nararamdaman niya? Hindi ko maunawaan kung bakit ayaw niya sa ideyang napangiti ako noon dahil sa isang crew. Napangiti lang naman ako kaya ano ang big deal doon?   Kung alam ko lang na ganito naman pala ang magiging epekto sa kaniya, sana pala hindi ko na iyon sinasabi sa kaniya.   “Oo, siya ‘yon. Si Mack. Kaibigan ko.”   “Oh… a friend,” bulong niya.   “Ayaw mo bang magkaroon ako ng kaibigan bukod sa’yo?” I inquired while driving.   “No. Hindi sa gano’n, Yuri. Inuusisa ko lang kung matinong tao ba ‘yon o hindi. Alam mo naman ang Manila ‘di ba? Maraming mapanlinlang.”   So iyon pala ang punto ng pagiging big deal nito sa kaniya? Na sa sobrang concern niya sa akin, kahit pagkakaibigan ko ay pinakekealaman niya?   Sa totoo lang, sa halip na mainis ako roon, lalo akong nahumaling. Knowing how deep is concern feels like someone is ready to trade anything just for my security. Nakasasakal man ito para sa iba pero ano ba naman kasi ang magagawa ko gayong malalim ang pagtingin ko sa kaniya? Sa sobrang tagal ko nitong inililihim, lalo lang lumala ang pagkahulog ko sa kaniya.   “Tama naman ako, ‘di ba?” he assured if I am still listening. Tumango ako roon bilang pagsang-ayon.   “Tama…”   “With that guy, I can’t ensure how good he is. Pero mag-ingat ka sa tuwing kasama mo siya.”   Sa buong pagkakataon na nagmamaneho ako, siya na mismo ang nagturo ng daan kung saan kami tutungo. Laking pasasalamat ko dahil hindi naman ganoon kalala ang traffic kaya mabilis ang aming usad. Sa ilang sandali pa ay narating na namin ang resto kung saan kami kumain noon. Pagkalabas sa sasakyan ay sinabi niyang siya naman daw ang magmamaneho pabalik sa La Salle.   Pagpasok namin sa loob ng luxurious resto na ito, as usual ay tipikal ang bilang ng mga narito. Bilang lamang sa daliri dahil kakaunti. Sinadya naming pumuwesto sa gawing dulo kung saan malayo sa ilang customer. Sunod lang naman ako sa daloy basta’t kung saan niya gusto.   Pagkaupo namin, kaagad kaming in-accommodate ng waiter. Pagkatapos nito ay naiwan muli kaming dalawa at nahuli ko ang seryoso niyang pagkakatingin sa akin.   “You could’ve told me earlier.”   “Ang alin?” paglilinaw ko.   “Na aalis ka para mag-refill.”   “Busy ka kanina sa drills eh. Saka ano bang bago? Madalas ko naman iyon ginagawa ah?”   “We’re friends now. Dati, hindi.”   Iba pala talaga maging kaibigan itong si Kahlil. Hindi masasabing istrikto pero napansin ko kasi na sa oras na ma-establish na ang connection sa kaniya, sineseryoso niya talaga ‘to.   Somehow, nakakakilig. Abot-abot ang tuwa ng puso ko dahil dati’y pinapangarap ko lang ito. Kahit paano’y may dahilan na ako upang bumangon nang nakangiti sa umaga. Kahit paano’y may puwede na akong isipin sa tuwing nalulungkot ako… para lang malabanan ito.   “Ikaw. Bilang kaibigan ko, paano mo ako pagsisilbihan?”   Bigla akong nangapa sa tanong niyang iyon. S-hit. Bakit naman ganitong biglaan?   “Uh, iyon pala ang pagkakaibigan sa’yo? Isang pagsisilbi?”   He shrugged his head. “It’s more than that.” He stopped and bit his lower lip. “Friendship is more than a service. It’s more than anything.”   With what he just said, I then realized how serious he is. Ni hindi ko bigla masagot sa sarili ko kung deserve niya ba ang tulad ko o deserve ko ba ng katulad niya. I’m problematic. Ang dami-dami kong issue sa sarili. At hindi lang sa sarili ko, kundi pati na rin sa pamilya ko.   Pagkakaibigan pa bang matatawag ito kung naglilihim ako nang sobra-sobra? Pagkakaibigan pa ba ito gayong may pagtingin ako at hindi lang kaibigan ang tingin ko para sa kaniya? Dahil kung hindi ang sagot sa mga tanong na iyon, then isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi niya deserve ang kagaya ko. Hindi ko deserve ang kagaya niyang transparent at unti-unting ipinakikilala ang sarili.   “Hindi ko alam kung paano ko makikita ang sarili ko bilang kaibigan mo, Kahlil,” panimula ko sa nalulungkot na boses. “Pero kung may inaasahan ka na dapat kong gawin bilang isang kaibigan, you can tell me…”   “Just be true.” Tipid siyang ngumiti pagkatapos sabihin iyon. “Be yourself.”   Isang malalim na singhap ang lihim kong ginawa nang marinig ang mga huling salita. Dahil sa puntong ito, tila mas nakonsensya pa ako. Mas nahirapan pa akong pumili kung ipagpapatuloy ko pa ang sarili sa pagkakaibigang ito o hindi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD