Chapter 09

2225 Words
Pagdating namin sa gymnasium kung saan gaganapin ang tune-up game ng Green Archers at Falcons, lalong lumala kung ano ang bumabagabag sa akin. Isipin ko pa lang na makikita ko na ulit si Kahlil ay parang lalagutan na ako ng hininga. Sinong hindi mapapraning nang ganito? Kagabi lang ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko kahit na sa cellphone ko siya kausap, ngayon pa kaya na personal na at harap-harapan?   Pasimple kong hinawi pagilid ang buhok ko nang makatapak sa b****a ng gym. Hinayaan kong mas mauna sa akin si Papa para kahit papano’y may humarang sa akin sa kung sino man ang unang lilingon sa direksyon namin. Pero kahit ano yatang gawin ko, kahit na magtago pa ako ay magagawa ko pa rin naman siyang makita. Sa dinami-dami ng mga players dito sa court, si Kahlil pa rin ang kauna-unahang umagaw sa aking pansin.   Nasa gilid siya ngayon at halos katabi ng bench, mag-isang nagpu-push-ups. Iyong iba naman ay abala sa stretching at nagtutulungan din upang ma-execute iyon nang maayos. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya at tatanungin na baka kailangan niya ng tulong ko. Pero nakakahiya naman kung sasadyain ko iyon dahil baka gusto niyang mag-concentrate nang mag-isa.   Tumungo ako sa utility area ng gym at hinanap ang water jug at set ng cups. Mabuti na lang at nahugasan ko na ito noong huling training kaya hindi ko na ito kailangan pang dalhin sa dishwashing area. Dinala ko na ito parehas saka inilapag sa player’s bench ang cups. Pagkatapos ay tahimik akong lumabas dala ang water jug dahil tutungo ako ngayon sa refilling station.   Sa sobrang focused ni Kahlil ay hindi na niya ako nagawa pang mapansin. Pero ayos lang, hindi naman iyon big deal sa akin. Magkakausap din naman kami mamaya at sigurado na ako roon.   Habang bitbit ang water jug, pagkalabas ay kaliwa’t kanan ang lakad ng mga La Sallians na hindi rin yata magkanda-ugaga sa ginagawa. Habang ang iba ay chill-chill lang, minsa’y delubyo ang araw ng biyernes para sa mga kagaya kong may commitment sa isang organization. Totoong perwisyo din minsan ang extra curricular, nakaka-enjoy pero nakakabaliw pagsabayin lalo na kung may mga problema pang hindi nareresolba sa acads.   Noong nasa senior high school ako, sa sobrang tahimik ko at lowkey ay hindi ko nagawang sumali sa mga outdoor activities ng school. Ni hindi ko rin naranasan mag-volunteer sa mga orgs kaya kung may nakakakilala man sa akin, siguro ay mga naging kaklase ko lang. Bihira lang din ang mga naging ka-close ko sa mga naging kaklase ko. Nagagawa ko lang kasi makipag-interact kung kailangan at kung may kinalaman sa group works.   Ngayong nasa kolehiyo na ako, sobrang hirap sa akin ang mag-adjust. Lalo na’t communication ang major ko at halos lahat ng mga subjects namin ay nangangailangan ng marubdob na communication skills. Hindi ko nga alam kung bakit ito ang pinili kong kurso. Sa dinami-dami kasi ng mga choices, tingin ko ay dito talaga ako mag-eexcel kahit na wala namang kinalaman sa strand noong senior high ang program na pinili ko.   Gayunpaman, kahit papano’y nasisiyahan naman ako. Nahihirapan man dahil sa transition, alam kong may patutunguhan naman lahat ng pinaghihirapan ko. Kailangan ko lang talaga itong tapusin hanggang sa maka-graduate ako. Dahil pagka-graduate, doon ko na isasagawa lahat ng planong matagal ko na ring hinihiling na matupad sa buhay ko.   Umabot ng halos kinse minuto bago ko narating ang water station kung saan ako huling nagpa-refill noon. Katunayan, mas malayo ito kaysa sa station na mas nauna kong nadaanan pero mas pinili ko ito dahil mas mabait iyong crew na in-charge dito. Bukod sa gwapo, ang lakas-lakas ng s*x appeal niya. Siguro kung may makadiskubre man ay hindi malabong maging modelo ito. I swear.   “Kuya, pa-refill po,” magalang kong wika nang tumapat sa railing ng station na kaniyang binabantayan. Saktong sa pagharap niya ay pinakitaan niya ako ng ngiti. That dishevelled hair and upturned eyes… kung sasabihin niyang wala pa siyang girlfriend ay hindi ako maniniwala!   He nodded. Kinuha niya iyong water jug na inabot ko saka inilapag sa dulo ng pila. Hindi naman ito mahaba, siguro ay aabutin lang ng tatlo hanggang limang minuto bago ang turn ng akin.   Lihim akong tumingin sa aking paligid. Walang ibang tao rito kun’di ako lang. Sino kaya ang nagmamay-ari ng mga jug na nasa gawing unahan ng pila?   Muling humarap sa akin ang crew at itinukod ang magkabilang braso sa loob na side ng window pane. Hindi pa rin nawawala iyong ngiti niya kaya nakagagaan ng loob.   “Saglit lang ‘to. Kabubukas pa lang kasi ng station kaya pinapailalim ko pa sa testing. Baka kasi pumalya.”   Napatango-tango ako nang marinig iyon. Kaya naman pala.   Siguro masarap maging kaibigan ang crew na ito? Bukod kasi sa magaan siya kasama, tingin ko magkakasundo kami dahil ang bait niya. Pero bakit ganoon? Nararamdaman kong playboy siya. Para siyang womanizer na sobrang mabulaklak magsalita at magaling mang-akit ng kung sino-sino.   Sa parte ko, oo, aaminin ko. Aaminin kong sinungaling ako sakali mang sabihin ko na hindi ako attracted sa kagwapuhan at ngiti niya. Siyempre nangingibabaw pa rin para sa akin si Kahlil, sadyang may kakaiba lang sa crew na ito kaya kahit papano’y naa-attract din ako.   “Taga La Salle ka?” tanong niya sa gwapong boses. Tumango ako at pasimpleng ngumiti.   “Yupp.”   “Yaman mo siguro.”   Umawang ang bibig ko nang napapailing-iling. “Hindi ah, sakto lang.”   “Sinubukan ko kasi mag-inquire sa school niyo. Grabe, umaabot pala talaga ng daang libo ang tuition! Pang tatlong taong sweldo ko na ‘yon eh.”   Sa usapang tuition, hindi na ako sumasadya sa cashier dahil mismong si Papa na ang nagma-manage nito. Siguro dahil basketball coach siya ng school namin. Baka may discount naman ako at hindi naman umaabot ng daang libo ang binabayad niya?   Ultimo sweldo niya bilang isang coach ay hindi ko alam. Ni hindi ako aware kung paano kami nakakaraos sa araw-araw gayong wala rin namang trabaho si Kuya. Puro lakwatsa, barkada, at pambababae lang ang alam no’n. Hindi ko rin talaga maunawaan kung bakit tino-tolerate pa iyon ni Papa sa halip na sawayin o bawalin.   “Estudyante ka rin ba?” tanong ko.   Umiling siya.   “Hindi. Huminto muna ako. Next year siguro ako magpapatuloy kapag may ipon na.”   Humanga ako bigla. Ang sipag naman pala nito. Kahit hindi niya sinasabi o pinapaalam kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya, nararamdaman ko na agad na walang madali sa sitwasyon niya.   Kaya nga hangga’t nasa poder ako ni Papa ay sinusulit ko na. Dahil kung magiging tulad ako ng crew na ito na kailangan pang magsariling sikap, sigurado akong higit pa sa delubyo ang pagdadaanan ko.   “Saan mo balak mag-aral kung gano’n?”   “Baka sa PUP. Balita ko libre do’n eh.”   “Oo, libre ang tuition doon dahil state university ‘yon.”   Marami rin kasi akong mga naging kaklase sa high school na roon na rin nagkolehiyo. At ang mga dahilan nila kung bakit doon sila ay gaya rin sa crew na ito. Libre. Walang babayaran.   Noong una, naisip ko rin naman na mag-aral na lang sa state university para kahit papano’y hindi na maging pabigat kay Papa. Pero bukod kasi sa sinuhestyon iyon sa akin, dream school ko rin ang La Salle. Minsan lang sa buhay ang maging kolehiyo kaya bakit hindi ko na i-grab? Total may kakayahan naman kami para sa laki ng tuition nito, hindi ko rin naman kailangan pang mamroblema.   Iyon nga lang, sa sobrang sikat ng school na ito, masasabi kong malala rin ang expectations ng mga tao. Kung hindi matalino, aasahan nilang saksakan ka ng yaman dahil doon ka nag-aaral. Marami namang mga scholars doon na walang binabayaran. Hindi ko lang alam kung paano nagiging qualified sa program na iyon dahil direkta na ang enrollment ko nang maipasa ko ang entrance exam.   Tumalikod na ang crew upang ipailalim na iyong water jug ko sa refilling area. Hindi na muna siya humarap sa akin dahil doon na niya itinuon ang atensyon niya. Sa ilang saglit pa, nang mapuno na ang tubig ay saka niya iyon binuhat at inabot sa akin. Pagka-abot ko ng bayad ay lumawak ang ngiti niya at sinabing bumalik ako sa susunod kung sakaling magpapa-refill ulit.   Hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha ko hanggang sa namalayan kong nakabalik na pala ako ng court. Ipinatong ko sa gilid ng cups ang napunang water jug saka umupo sa bench upang magpahinga. Inilibot ko ang paningin ko upang hanapin si Kahlil dahil iyong mga kasama niya ay nakabihis na ng green jersey. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang marinig ko ang pamilyar at malalim na boses mula sa aking likod.   “Why are you smiling?”   Sunod-sunod akong napalunok nang maamoy ko na rin ang pamilyar niyang pabango. Makalaglag-panga ang paraan niya ng pagkakaupo sa gilid ko dahil nagtama ang aming mga siko. Hindi ako makalingon sa kaniya dahil mas pinili kong ipanatili sa harap ang tingin ko. Nabibigla ako. Para bang hindi pa ako handang makausap siya kahit na batid kong hindi ko siya maiiwasan sa araw na ito.   At ano raw? Tinatanong niya kung bakit ako nakangiti? Does it even matter?   “Hi,” maikli kong bati at doon ko lang napagdesisyunang lumingon sa kaniya. Para akong tinanggalan ng kaluluwa dahil sa puntong ito ay mas nakikita ko na nang malapitan ang kagwapuhan niyang hindi na yata mapapantayan ninuman.   S-hit. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko magawang gumalaw ngayong nakatitig na kami sa isa’t isa. Bahagyang basa ang kaniyang buhok dahil sa warm-up nila kanina. Kahit medyo pawisan na ang kaniyang balat, nanunuot pa rin ang pamilyar at panlalaking pabango niya.   God. Mahihimatay yata ako kung magtatagal kami sa ganitong posisyon. Sobrang lapit niya kumpara sa dati kung saan hanggang tingin lang ako. Kahit na alam kong may posibilidad naman itong mangyari dahil matagal na akong waterboy ng kanilang team, iba pa rin kapag naroon ka na sa sitwasyon.   “Hindi mo sinasagot ang tanong ko,” puna niya. Nang matanto iyon ay lalo pa yata akong napraning.   “Ah… kung bakit nakangiti akong pumasok dito sa gym? Bakit, masama ba?”   “I just wanted to know. Anong dahilan?”   Umawang ang bibig ko ngunit kaagad ko rin namang itinikom. Hindi ko pinahalatang natataranta ako habang nag-iisip ng maaari kong isagot sa kaniya.   Should I tell him the real reason why I’m smiling? God. Hindi ko naman siya boyfriend ‘di ba? Kung sasabihin kong pinangiti ako ng crew ng water station kung saan ako nag-refill, siguro ay hindi naman iyon magiging big deal sa kaniya.   What the h-ell? Asa ka Yuri!   Kaysa magsalita ng kung ano-ano, sasabihin ko na lang kung anong totoo. Baka kasi magmukha lang akong weird kung mag-iimbento pa ako.   “Ang bait kasi ng crew.”   “Crew?” pag-uulit niya. Kumunot na ang kaniyang noo at para bang hindi maipinta ang lalong paglala ng kuryosidad niya.   “Oo, ‘yong crew ng water station na pinag-refill-an ko ng iinuman niyo mamaya.”   “Babae?”   Umiling ako. “Lalaki.”   Kapansin-pansin ang pag-angat baba ng kaniyang balikat, senyales na bumuntong hininga siya o ‘di kaya’y huminga nang malalim.   “What about him? How did he make you smile?”   Kumpara kanina, mas seryoso na siya. Lalo ko iyong ipinagtaka gayong lalaki naman iyon at maaari ko rin namang sabihin na kaibigan ko.   Pero bakit kailangan mong alamin, Kahlil?   “Uh, kailangan ba talagang sabihin ko sa’yo?”   Hindi siya nakasagot. Nanatili siyang nakatingin sa akin nang hindi kumukurap.   God! I can withstand this! Bakit pakiramdam ko’y para akong girlfriend na pauulanan niya ng sermon? Bakit parang nag-iba bigla ang timpla ng kaniyang ekspresyon? Pero tingin ko ay mas malalim pa ang hinuhugot ng kaniyang emosyon at iyon ang hindi ko mabasa-basa!   Unti-unti na akong ginagapangan ng kaba. Sa tagal ng segundong hindi siya sumagot, para bang kahit hindi siya nagsasalita ay nangungusap na ang kaniyang mga mata. I can see his eagerness for my answer, something that will satify him to this moment no matter what.   Wala akong maunawaan kung bakit ganito siya bigla ngunit sana bigyan niya ako ng paliwanag o rason kung bakit kailangan kong sagutin ang huli niyang tinanong sa akin.   “Time’s up! Team huddle na!” sigaw ng isang player sa kabilang dulo ng bench kaya nalipat ang tingin ko roon. Ngunit kahit na agaw-atensyon na ang sigaw na iyon, hindi pa rin nagawang alisin ni Kahlil ang tingin niya sa akin.   Nagsitayuan na ang mga ka-teammates niya at tumungo sa gitna ng court para sa kanilang huddle. Nang mapansin kong hindi pa kumikilos si Kahlil ay saka ko binalik ang pansin sa kaniya.   “Team huddle niyo na raw…”   Wala siyang sinabi. Ilang segundo pa niya akong tinitigan bago siya tumayo at naglakad palayo sa akin.   Napakagat-labi ako at pinagmasdan ang kaniyang likod. Ngayon ay mukhang hindi na ako tatantanan ng bagabag ko dahil misteryoso para sa akin kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya sa dahilan kung bakit ako nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD