Chapter 28

2160 Words

Lumilipad ang isip ko habang nagmamaneho. Magluluto lang naman sana ako ng hapunan pero kung ano-ano na ang naiisip ko. Sigurado akong wala si Kuya sa bahay dahil sa mga gimik niya kaya hindi ko alam kung paano ko ma-e-entertain si Kahlil.   Lumingon ako sa side mirror at nakitang nakasunod sa likod ang minamaneho niyang kotse. Napasinghap na lamang ako sa lalo pang pagmutawi ng kaba lalo’t sa puntong ito, talagang seryoso siya na sasama siya sa akin. Ano namang gagawin niya roon? Papanoorin akong magluto? Baka naman pwede siyang tumambay sa sala para manood ng T.V?   Pipilitin ko iyon kahit na magmumukha akong desperado. Kaysa naman mailang ako sa ginagawa ko sa kusina. Hindi naman kasi talaga ako sanay magluto. Sadyang natuto lang ako sa panonood sa Youtube at sa iba-iba pang cooking

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD