PATAKBONG bumaba ng hagdan si Regina dala ang cellphone at dumiretso sa Library Office ni Javier. Pagpasok sa loob ay naabutan niya itong abala sa mga pinipirmahan na papeles. Linggo ng araw na iyon kaya walang pasok sa Malacañang ang nobyo. Kumunot ang noo nito nang mapansin ang pag-aalala sa mukha niya. “Oh babe, may problema ba?” Agad siyang lumapit at inabot ang cellphone niya. “May nag-leak ng profile at background information ko sa publiko! Nakalagay diyan kung saan ako nanggaling, anong trabaho pati na ang pagkamatay ni Kuya inungkat nila!” “What?!” bulalas ni Javier sabay tayo. Binasa nito ang nakita niyang online news article. Ang lahat ng impormasyon na lumabas tungkol sa kanya ay may bahid ng pangmamaliit sa kanyan

