Hindi nga maitatanggi na minahal ko talaga si Gabriel, hindi lang dahil sa inakala kong asawa ko siya. Noon pa naman din ay mahal ko na talaga ito. Una ko siyang minahal, hindi nga lang kami napagbigyan ng panahon. Mas lumala rin ngayon iyong pagmamahal ko rito na hindi ko malaman kung paano ko pa iyon matatakasan. Hindi ko mawari kung paano pipigilan ang puso ko na mahalin siya kahit pa na patuloy ako nitong sinasaktan sa mga kasinungalingan niya. Tila ba hindi iyon sapat para mawala iyong pagmamahal ko kay Gabriel, naroon iyong galit ko ngunit mas lamang pa rin iyong sandaling panahon na nakasama ko siya rito sa isla. Mas naisip ko pang sulitin ang nalalabing oras. Kung sabagay, matapos itong gabing ito ay lalayo na ako dahil hindi ko rin naman kayang gantihan siya o kahit na sino sa

