"Jacky?" "Hmm?" ungot ko habang nakapikit ang parehong mata dala ng pinagsamang pagod at puyat— well, dis oras na kasi ng gabi. Tinatamad na akong tingnan pa ang eksaktong oras, pero alam kong malalim na nga ang gabi. Pagod na pagod din ako sa ilang ulit akong inangkin ni Gabriel, pamula pa sa dalampasigan hanggang dito sa loob ng kwarto. Lahat yata ng sulok ng bahay ay napwestuhan na namin, iba't-ibang posiyon din ang nangyari. Ilang lamesa at upuan rin yata ang nabalian ng paa na siyang kasama sa props ni Gabriel, dinaig pa ang nagkaroon ng tsunami at bagyo. "I have something to tell you," dugtong nito ngunit muli lang akong umungot. Naramdaman ko pa ang pagyapos niya sa baywang ko, pati ang masuyong paghalik nito sa balikat ko. Ngayon na nawala na iyong init ay mas naramdaman ko an

