*BRANDO's POV* Tangina! Hindi na namin mahagilap si Wes Flores simula nung matakasan nya kami sa Pangasinan. Dalawang araw na kaming nandito sa Maynila at hindi pa din namin natatagpuan si Wes. "Kasalanan mo ito Paul eh, ayan tuloy at hirap na naman tayong mahagilap ang gagong 'yon! Alam mo naman kung gaano kadulas si Wes Flores, siguradong pinaghahandaan na tayo nun ngayon," inis na sabi ko kay Paul. Sya ang may kasalanan kung bakit nakatakas si Wes. Hindi binantayang mabuti at tulog ng tulog. Sa isang iglap lang ay naisahan na sya kaagad. Kung alam ko lang ay hindi na sana muna ako umalis noong araw na iyon. Sana ay sya na lang ang pinasundo ko kay Cadvinn at ako na lang ang naiwan sa bahay. Pero wala na kaming magagawa dahil nangyari na. Hindi ko lang talaga maiwasan ang mainis sa tu

