Bumuntong-hininga si Wes bago ipinasok ang sasakyan sa loob ng Hamilton Academy. Gusto nyang makita si Deveraux sa paraang hindi sya nito mapapansin. Hindi na nya kayang hindi ito puntahan dahil namimiss na nya ito. Geez! It was f*****g two weeks since the last time he saw her. Mababaliw na sya kapag hindi nya pa ito nasilayan man lang. Ang hirap ng pinagdadaanan nya sa bawat sandaling hindi nya ito kasama. Bawat oras na wala si Deveraux ay tila isang napakabigat na parusa para sa kanya. Gusto nya lang itong makita ngayon at sapat na iyon. Ipinarada nya ang sasakyan at ilang minuto syang naghintay sa loob. Mga sampung minuto na ang lumilipas ngunit hindi pa nya nakikita si Deveraux. Minabuti nyang bumaba muna upang magyosi. Malayo naman ang guwardiya kaya hindi sya nito makikitang na

