Parang sasabog ang dibdib ko habang hinihintay na papasukin sa opisina ni Mayor. Nandoon na si Sebastian sa itaas. Kagabi, hindi rin ako nakatulog maayos. Sa bahay pa rin naman ako nanatili ng mga ilang araw. Mabuti na lang at pinuwersa ni Manang Tina si Sebastian na umuwi na sa mansyon. Kailangan daw namin galangin ang mga paniniwala ng mga nakatatanda. Wala naman masyadong tao sa munisipyo, iilan lang talaga. Kami lang din ata ang naka-schedule na ikasal ngayong araw. Nanginginig ang mga kamay ko habang hindi ko alam kung saan ibabaling ang mukha ko. Kung pumasok ako kanina sa munisipyo bilang Miss Alaina Charlotte Marquez, mamaya ay lalabas na ako bilang Mrs. Alaina Charlotte Velasquez. Hindi pa rin tuluyang nagsisink-in sa utak ko na ikakasal ako ngayon. "Wag kang kabahan, Chari.

