Wala naman siyang ibang ginawa. Sa totoo nga niyan at tinulungan pa niya akong magkabit ng bagong kurtina pati na rin pagtutupi ng mga nilabhan kong tela. "Akin na yan," inagaw ko bigla sa kanya yung underwear ko pagkakita nun sa patong ng mga tela na tinutupi niya. Naramdaman ko ang pamumula ng buong mukha ko dahil sa ginawa ko. Napatingin naman siya kaagad sa akin na parang naintindihan naman ang nangyari. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya. "Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya matapos kong itupi ang damit at underwear ko. "I did kanina. Ikaw?" pinasadahan niya ng tingin ang mga nakabalot ko pang pinamili. Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon niya, "Ipon ko mula sa pagtatrabaho yung pinambili ko ng mga yan. Wala akong ginalaw sa binigay ni Senyor Santiago," sabi ko

