BIANCA MARIE ALVAREZ Pansin ng karamihan ang hindi pagpasok madalas ni Rizz. Maging ako ay hindi alam kung ano ba ang ginagawa niya. Halos araw araw akong tinatanong at kinukulit ni Queenie upang tanungin kung saan ba nagpunta si Rizz. This past few days, kita sa mga ni Rizz ang pagaalala. Hindi niya ito magawang sabihin sa'kin gayung aware ako sa nangyayari sa kanya. Alam kong may problema siya. Sinubukan ko na siyang itext at tawagan. Wala pa ding nangyayari. Minsanan na lamang kami kung magkita at kapag nagkikita kami, lagi itong tahimik. Ako na nga lang ang nauunang magsimula ng usapan pero minsan wala ding nangyayari. Gusto ko siyang puntahan sa kanila, kaya lang ayoko naman na makaistorbo sa kanya. Nagaalala na ako sa nangyayari. Hindi man lang niya magawang sabihin. Minsan, ou

